2. KARD NG TALENTO
Mahilig kumanta Magaling na lider Mahusay
umarte
Maibigin sa pag-
aalaga ng hayop
Mabilis magbilang
o magkuwenta
(math)
Kilala sa
paglalaro ng
basketbol
Magaling magsayaw Gumagawa nang
nag-iisa
Mahilig sa
pagguhit
Tumutugtog ng
instrumento
Magaling tumula Palabasa ng
kuwento
7. KAYARIAN NG PANGNGALAN
2. Maylapi- mga salitang binubuo ng
salitang-ugat at panlapi
-matatagpuan ang panlapi sa unahan, sa
gitna at sa hulihan ng salita.
PANLAPI- ikinakabit sa unahan
ng salitang-ugat.
HALIMBAWA: umalis, ipakain
umulan, ipalinis
8. KAYARIAN NG PANGNGALAN
GITLAPI- mga panlaping inilalagay sa gitna
Halimbawa: sumulat, bumasa
HULAPI- mga panlaping ikinakabit sa
hulihan ng salita
Halimbawa: alagaan
samahan
10. KAYARIAN NG PANGNGALAN
3. Inuulit- mga salitang inuulit
- maaaring kabuuan o bahagi lamang
ng salita ang inuulit
2 URI NG SALITANG INUULIT
Ganap na inuulit- buong salita
ang inuulit
Halimbawa: sama-sama
sari-sari araw-araw
13. KAYARIAN NG PANGNGALAN
4. Tambalan- nakabubuo ng isang salita
kapag pinagsama ang dalawang salitang
magkaiba ang kahulugan.
2 URI NG TAMBALAN
Ganap na Tambalan- kapag ang
dalawang salitang pinagtambal ay
nagkakaroon ng isang kahulugan
Halimbawa: bahaghari, balat
sibuyas, pusong mamon
14. KAYARIAN NG PANGNGALAN
Di-ganap na Tambalan- kapag ang
dalawang salitang pinagtambal ay
ginagamitan ng gitling.
Halimbawa: anak-pawis anak-mayaman
ngiting-aso silid-aralan
16. PANGKATANG GAWAIN
Paramihan ang apat na pangkat ng
maitatala na mga halimbawa ng kayarian
ng Pangngalan.
Ang matatalo sa gawain na ito ay
kinakailangan gamitin sa pangungusap
ang mga halimbawa ng ibinigay
ng 3 pangkat.
17. PAGSANAYAN MO
A. Isulat sa patlang kung anong kayarian ng
salita ang mga sumusunod.
______ 1. hari
______ 2. yupi-yupi
______ 3. tubo
______ 4. sambahayan
______ 5.uurong
19. PAGSANAYAN MO
Bumuo ng salita gamit ang (Kayarian at
salitang-ugat) sa panaklong at gamitin ito
sa pangungusap.
1.(maylapi, ganda)
2. (tambalan, puno, kahoy)
3. (tambalan, lupa, hampas)
4.(payak, lanta)
5. (maylapi, kaba)
21. Itala ang mga mababanggit na Pangngalan
sa talata.
Isang malalim na gabi napagmasdan kita. Hindi
ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw.
Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid
ko. Pinilit kitang hulihin ngunit di ko nagawa.
Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang
ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan
kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang
malalim. Maya-maya, heto ka na
naman at sa akin umaali-aligid.
Tinangka kitang hulihin ngunit di ko
muling nagawa. Muli akong nahiga at
nag-isip.
22. GAMIT NG PANGNGALAN SA
PANGUNGUSAP
1.Simuno - Ito ay ang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Halimbawa:
Sina Ranie at Nelia ay nagpunta sa Cebu.
Umawit si Sarah ng kundiman.
24. GAMIT NG PANGNGALAN SA
PANGUNGUSAP
2. Kaganapang Pansimuno - Ito ang mga
pangngalang nsa bahaging panaguri. Ang
simuno at kaganapang pansimuno ay
tumutukoy sa iisang tao,bagay,lugar, o
pangyayari.
Halimbawa:
-Sina Ranie at Neliaay pabaya
na magulang.
-Si Sarah ay isang mang-aawit.
26. GAMIT NG PANGNGALAN SA
PANGUNGUSAP
3. Tuwirang layon - Ito ay pangngalang
tumatanggap sa kilos ng pandiwa at
tumutugonsa tanong na ano.
Halimbawa:
Sumulat si Sally ng liham-
pasasalamat sa kanyang tita.
Si Ate ay nagbabasa ng libro
28. GAMIT NG PANGNGALAN SA
PANGUNGUSAP
4. Di-Tuwirang Layon - Ito ay pinag-
uukulan ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Siya ay nag-abot ng pera sa mga pulubi.
Si Juliana ay bumili ng gamot sa botika.
30. GAMIT NG PANGNGALAN SA
PANGUNGUSAP
5. Panawag - Ito ay ginagamit na panawag
sa pangungusap.
Halimbawa:
Gweneth, kumain ka na ba?
Princess, halika na!
33. PANGKATANG GAWAIN
• Gumawa ng skrip ang bawat pangkat na
naglalaman ng mga gamit ng pangngalan.
PAMANTAYAN
Panukatan Bahagdan
Paggamit ng
Pangngalan sa
pagsasatao
50%
Maayos na
pananalita
25%
Pang-akit sa madla 25%
Kabuoan 100%
35. Sa Pangkat Una bilang mapanuring
tagamasid at tagapakinig
Sa Pangkat Una bilang mapanuring
tagamasid at tagapakinig
36. TAKDANG ARALIN
A. Ibigay ang maylapi, inuulit at tambalang
anyo ng mga payak na salita at gamitin
ang lahat ng ito sa pangungusap.
PAYAK MAYLAPI INUULIT TAMBALAN
1. Bahay
2. Dugo
3. Anak
4. Pantay
5. balita
37. TAKDANG ARALIN
2. Magbasa ng mga impormasyon tungkol
sa buhay ni Dr. Jose Rizal
3. Basahin at unawain ang isang
pagsasalaysay na may pamagat na “Si
Jose Rizal at ang Saranggola.”
38. SALAMIN NG KATUTURAN
• Bilang isang mag-aaral, paano mo
mapahahalagahan ang wika at kultura ng
Pilipinas? Ipaliwanag ito.