2. Kilala mo ba ang mga katulong sa pamayanan? Sila
ang tumutulong upang makuha ng mga tao ang kanilang
mga pangangailangan. Matatagpuan sila sa iba’t ibang
lugar sa pamayanan.
3. Kilalanin ang mga katulong sa pamayanan. Bigyang-
pansin sa mga larawan ang kanilang mga kagamitan sa
paggawa ng kanilang mga Gawain.
4. Guro
Siya ang nagtuturo sa
mga mag- aaral ng iba’t
ibang kaalaman.
Tinuturuan din niya ang
mga ito na bumasa,
sumulat, at bumilang.