SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  26
Panitikan… bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng
mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Panitikan… isang kasangkapang
lubos na makapangyarihan. Maaari itong gumahis o kaya’y magpalaya ng mga
nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura.
Sa isang banda, ang panitikan ay isang kakaibang karanasan. Inilalantad nito ang mag
katotohanang panlipunan maging ang mga guni- guning likhang- isip lamang. Hinahaplos
nito ang ating sensorya. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag- iisip at maging ang sasal
na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw nito ang nahihimbing nating kamalayan. Lahat ng ito’y
nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na
dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin.
Ito ang panitikan… ang buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy
sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa
sangkatauhan! Ito ang panitikan.
Ano ang Panitikan?
- Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang
kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang
kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983)
-Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2)
-Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw.
Webster
- Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik. Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng
kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o
malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinapapalooban ng
pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
Uri ng Panitikan
Pasalin- dila- ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang
henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.
Hal. Epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at
maging palaisipan
 Pasulat- ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan
ng tao ang sistema ng pagsulat.
Anyo ng Panitikan
Tuluyan/ Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa
patalatang paraan.
Patula- nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay
maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan na
nangangahulugang walang sukat at tugma.
Mga Akdang Tuluyan/ Prosa
 Nobela- mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na
naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming
tauhan at nahahati sa mga kabanata.
Uri ng Nobela
Nobela ng Pangyayari- binibigyang- diin ang mga pangyayari
Hal. Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco
 Nobela ng Tauhan- binibigyang- diin ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan.
Hal. Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña
Nobela ng Romansa- nakatuon sa pag- iibigan.
Hal. Salawahang Pag- ibig ni Lope K. Santos
Nobela ng Pagbabago- kung ang diin ng may- akda ay naghahangad ng
pagbabago sa lipunan at pamahalaan.
Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal
Nobela ng Kasaysayan- nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng
kasaysayan ng isang bayan.
Hal. Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo
Maikling Kwento- salaysay ng isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
Uri ng Maikling Kwento
Pangkatauhan- ang binibigyang- diin ay ang katauhan o personalidad ng
pangunahing tauhan
Hal. Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute
 Makabanghay- ang binibigyang diin ay ang pagkakakawing- kawing ng mga
pangyayari sa katha
Hal. Bahay na Bato ni B.L. Rosales
Pangkapaligiran- kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng
akda.
Hal. Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza- Matute
 Sikolohikal- kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag- iisip ng
pangunahing tauhan.
Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
 Pangkatutubong- kulay- kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang
panlabas at kakayahang pampook ng isang lugar o kumonidad.
Hal. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
 Pangkaisipan- kung ang binibigyang- diin sa paksa ay ang kaisipan o ang
makabuluhang diwang taglay nito.
Hal. Ang Pag- uwi ni Genoveva Edroza- Matute
 Melodrama- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng
mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay.
Hal. Minda Mora ni Severino Reyes
 Dula- isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o
tanghalan. Karaniwang nahahati ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat
marami rin ang mga dulang iisahing yugto.
Uri ng Dula
 Komedya- kung ang paksa ay katawa- tawa
Hal. Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda
 Trahedya- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing
tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan.
Hal. Lakambini ni Patricio Maraiano
 Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop, halaman at maging ng
mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay
na tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kwentong ito ngunit may
layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mag aral na makahuhubog sa
kanilang kilos at pag- uugali.
Hal. Ang Pagong at ang Matsing
 Alamat- salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay.
Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y mga
likhang- isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag
ang pinanggalingan ng mga bagay- bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng
mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng
agham at bibliya.
Hal. Alamat ng Pinya
 Anekdota- maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga
mambabasa.
Hal. Ang Gamu- gamo at ang Munting Ilawan
Parabula- kwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin
din itong mag- iwan ng mga aral na kapaki- pakinabang sa buhay.
Hal. Parabula ng Alibughang Anak.
 Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o opinyon ng isang may- akda hinggil sa
isang suliranin o paksa.
Uri ng Sanaysay
Impormal- ang paksa ay karaniwan lamang at di na nagangailangan ng pag- aaral o
pananaliksik. Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may- akda
ang paksa ng isang impormal na sanaysay o di kaya’y pagpapahayag lamang ng
kanyang pansariling obserbasyon o pananaw.
Pormal- kung ang paksa ay hindi karaniwan at kung gayo’y nangangailangan ng
matiyagang pag- aaral o pananaliksik.
Talambuhay na Paiba- talambuhay na isinulat ng ibang may- akda
Hal. Itinadhana sa Kadakilaan ni Anacleto I. Dizon
Talambuhay- kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Uri ng Talambuhay
Pansarili- ang may- akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay.
Hal. Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon
 Balita- paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa lipunan,
pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa insutriya,
kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.
 Talumpati- pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati
ay nababatay sa iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat,
magbigay- impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon,
o paniniwala o lumibang.
 Tulang Pasalaysay- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may
sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon,
nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido.
Mga Akdang Patula
 Epiko- tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapani- paniwala.
Hal. Biag ni Lam- Ang ng Ilocos at Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim
 Awit at Kurido- Patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa
ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay na ito. Kinapapalooban ito ng
romansa o pag- iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga
pantakas sa karahasan ng katotohanan.Kung gayon, karaniwang kinapapalooban
ito ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala tulad ng mahika, kababalaghan, at
mga kapangyarihang super- natural.
Awit- may taludtod na lalabindalawahing pantig
Hal. Florante at Laura ni Francisco Balagtas
Kurido- wawaluhing pantig ang bawat taludtod
Hal. Ibong Adarna ni Jose De La Cruz
 Tulang Pandamdamin o Liriko- tulang tumatalakay sa marubdob na
damdamin na maaaring ng may akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa
kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit,
pastoral at oda.
Awiting- Bayan- maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong
nagpasalin- salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao,
bunga nito’y hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming
kathaing bayan. Karaniwang pinapaksa ng awiting bayan ang pag- ibig,
kawalang pag- asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan at kalungkutan.
Hal. Chit Chirit Chit, Leron- Leron Sinta at Bahay Kubo
Soneto- tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at
karaniwang naghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Hal. Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon
Elehiya- tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
Hal. Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
Dalit- isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen.
Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Hal. Dalit Kay Maria
Pastoral- tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran.
Hal. Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez
Oda- tulang paghanga o papuri sa isang bagay.
Hal. Ode to Nightingale
Tulang padula o Dramatiko- tulang isinasadula sa entablado o iba pang
tanghalan.
Hal. Senakulo
Tulang Patnigan- laro o mga paligsahang patula na noo’y karaniwang
isinasagawa sa bakuran ng namatayan.
Hal. Balagtasan
Ang Impluwensya ng Panitikan
Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang
panig nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akdab na naghatid ng
malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at
kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan ng paniniwalang
Kristiyano sa buong daigdig.
Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga Muslim
Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa
Gresya.
 Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya.
Ipinalalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
 Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali
ng mga Ingles noong unang panahon.
 Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng
demokrasya sa buong daigdig.
 Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at
pag- uugali ng mga Italyano noong unang panahon.
 El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ng mga Kastila at
kasaysayan ng Espanya.
 Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito
ng pamahalaan, kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
 Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya ng
mga Intsik.
 Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa
mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
 Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng
Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
Kahalagahan ng Pag- aaral ng Sariling Panitikan
Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit
isinama ang pag- aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag- aaral. Ilan sa
mga kapakinabangang natatamo sa pag- aaral ng ating sariling panitikan ay ang
mga sumusunod:
a. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang
minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan.
b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon
at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang
naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga
panitikan ng iba’t ibang rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating
pagka- Pilipino,
e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y
mapag- ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga
pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad,
f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa
pinakamahalagang yamang panlipi,
c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.
Maraming Salamat sa Pakikinig 
- Manuel Daria Jr.

Contenu connexe

Tendances

Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
Allan Ortiz
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
JM Ramiscal
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
Marie Louise Sy
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salita
RL Miranda
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mae Garcia
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Alexis Trinidad
 

Tendances (20)

Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga KastilaPanitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
Panitikan Bago Dumating Ang Mga Kastila
 
Ang Panitikan
Ang PanitikanAng Panitikan
Ang Panitikan
 
1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI1.UNANG BAHAGI
1.UNANG BAHAGI
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Teoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikanTeoryang pampanitikan
Teoryang pampanitikan
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Banghay Aralin
Banghay AralinBanghay Aralin
Banghay Aralin
 
Panahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastilaPanahon bago dumating ang mga kastila
Panahon bago dumating ang mga kastila
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
panitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propagandapanitikan sa panahon ng propaganda
panitikan sa panahon ng propaganda
 
Wastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salitaWastong gamit ng mga salita
Wastong gamit ng mga salita
 
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng AmerikanoPanitikan sa Panahon ng Amerikano
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
Katutubong Panitikang Filipino (Kasaysayan ng Panitikang Pilipino) Ni: G. Ale...
 
Teoryang Romantisismo
Teoryang RomantisismoTeoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
 
Ekspositori o Paglalahad
Ekspositori o PaglalahadEkspositori o Paglalahad
Ekspositori o Paglalahad
 

Similaire à Panitikan

FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
MaryJaneCabides
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
RemyLuntauaon
 

Similaire à Panitikan (20)

Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Panitikan lit1-report
Panitikan lit1-reportPanitikan lit1-report
Panitikan lit1-report
 
Ang
AngAng
Ang
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptxGROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
GROUP-1-UNANG-TULUYAN.pptx
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.pptLesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
Lesson-1-Intro-Panitikan-final.ppt
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
PANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptxPANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptx
 
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptxPANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
PANITIKAN-AT-LIPUNAN-2019.pptx
 
Akdang pampanitikan
Akdang pampanitikanAkdang pampanitikan
Akdang pampanitikan
 
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdfKABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
 
Anyo at kahalagahan ng panitikan
Anyo at kahalagahan ng panitikanAnyo at kahalagahan ng panitikan
Anyo at kahalagahan ng panitikan
 
Filipino 10
Filipino 10Filipino 10
Filipino 10
 
Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 

Plus de Manuel Daria (6)

Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Yugto sa pagkatuto sa pagsulat
Yugto sa pagkatuto sa pagsulatYugto sa pagkatuto sa pagsulat
Yugto sa pagkatuto sa pagsulat
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
Istruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipinoIstruktura ng wikang filipino
Istruktura ng wikang filipino
 
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling KwentoMga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
Mga Uri ng Paningin sa Maikling Kwento
 
The philippines under spanish colonial regime
The philippines under spanish colonial regimeThe philippines under spanish colonial regime
The philippines under spanish colonial regime
 

Dernier

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
jaysonvillano
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
RosemarieGaring
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 

Dernier (20)

Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 

Panitikan

  • 1.
  • 2. Panitikan… bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan. Panitikan… isang kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maaari itong gumahis o kaya’y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng porma at istruktura. Sa isang banda, ang panitikan ay isang kakaibang karanasan. Inilalantad nito ang mag katotohanang panlipunan maging ang mga guni- guning likhang- isip lamang. Hinahaplos nito ang ating sensorya. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag- iisip at maging ang sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw nito ang nahihimbing nating kamalayan. Lahat ng ito’y nagagawa ng panitikan sa pamamagitan lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at damdamin. Ito ang panitikan… ang buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong natatangi sa sangkatauhan! Ito ang panitikan.
  • 3. Ano ang Panitikan? - Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983) -Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2) -Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw. Webster - Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik. Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.
  • 4. Uri ng Panitikan Pasalin- dila- ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao. Hal. Epiko, awiting- bayan, alamat, kasabihan, salawikain, bugtong at maging palaisipan  Pasulat- ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.
  • 5. Anyo ng Panitikan Tuluyan/ Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa patalatang paraan. Patula- nakasulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.
  • 6. Mga Akdang Tuluyan/ Prosa  Nobela- mahabang salaysayin ng mga kawing- kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata. Uri ng Nobela Nobela ng Pangyayari- binibigyang- diin ang mga pangyayari Hal. Luksang Tagumpay ni Teofilo Sauco  Nobela ng Tauhan- binibigyang- diin ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan. Hal. Nena at Neneng ni Valeriano H. Peña
  • 7. Nobela ng Romansa- nakatuon sa pag- iibigan. Hal. Salawahang Pag- ibig ni Lope K. Santos Nobela ng Pagbabago- kung ang diin ng may- akda ay naghahangad ng pagbabago sa lipunan at pamahalaan. Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Nobela ng Kasaysayan- nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan. Hal. Paghihimagsik ng Masa ni Teodoro Agoncillo
  • 8. Maikling Kwento- salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon. Uri ng Maikling Kwento Pangkatauhan- ang binibigyang- diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan Hal. Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute  Makabanghay- ang binibigyang diin ay ang pagkakakawing- kawing ng mga pangyayari sa katha Hal. Bahay na Bato ni B.L. Rosales Pangkapaligiran- kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan at atmospera ng akda. Hal. Yumayapos ang Takipsilim ni Genoveva Edroza- Matute
  • 9.  Sikolohikal- kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag- iisip ng pangunahing tauhan. Hal. Dugo at Utak ni Cornelio Reyes  Pangkatutubong- kulay- kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at kakayahang pampook ng isang lugar o kumonidad. Hal. Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda  Pangkaisipan- kung ang binibigyang- diin sa paksa ay ang kaisipan o ang makabuluhang diwang taglay nito. Hal. Ang Pag- uwi ni Genoveva Edroza- Matute
  • 10.  Melodrama- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan at paghihirap ng mga tauhan ngunit nagwawakas sa kanilang tagumpay. Hal. Minda Mora ni Severino Reyes  Dula- isang uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Karaniwang nahahati ang dula sa tatlo o higit pang yugto bagamat marami rin ang mga dulang iisahing yugto. Uri ng Dula  Komedya- kung ang paksa ay katawa- tawa Hal. Ang Piso ni Anita ni Julian Cruz Balmaceda  Trahedya- kung ang paksa ay tumatalakay sa kalungkutan ng pangunahing tauhan at karaniwang nagtatapos sa kanyang kamatayan. Hal. Lakambini ni Patricio Maraiano
  • 11.  Pabula- mga salaysaying kinasasangkutan ng hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na tao. Hubad din sa katotohanan ang mga kwentong ito ngunit may layuning pukawin ang isipan ng mga bata sa mag aral na makahuhubog sa kanilang kilos at pag- uugali. Hal. Ang Pagong at ang Matsing  Alamat- salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay- bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan ang mga kwentong ito dahil ito’y mga likhang- isip lamang ng ating mga ninuno sa pagtatangka nilang ipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay- bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang mapaghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at bibliya. Hal. Alamat ng Pinya
  • 12.  Anekdota- maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay- aral sa mga mambabasa. Hal. Ang Gamu- gamo at ang Munting Ilawan Parabula- kwentong hinango sa banal na kasulatan. Tulad ng pabula, may layunin din itong mag- iwan ng mga aral na kapaki- pakinabang sa buhay. Hal. Parabula ng Alibughang Anak.  Sanaysay- isang pagpapahayg ng kuro- kuro o opinyon ng isang may- akda hinggil sa isang suliranin o paksa.
  • 13. Uri ng Sanaysay Impormal- ang paksa ay karaniwan lamang at di na nagangailangan ng pag- aaral o pananaliksik. Karaniwang hugot sa sariling karanasan lamang ng isang may- akda ang paksa ng isang impormal na sanaysay o di kaya’y pagpapahayag lamang ng kanyang pansariling obserbasyon o pananaw. Pormal- kung ang paksa ay hindi karaniwan at kung gayo’y nangangailangan ng matiyagang pag- aaral o pananaliksik.
  • 14. Talambuhay na Paiba- talambuhay na isinulat ng ibang may- akda Hal. Itinadhana sa Kadakilaan ni Anacleto I. Dizon Talambuhay- kasaysayan ng buhay ng isang tao. Uri ng Talambuhay Pansarili- ang may- akda ang sumulat ng kanyang sariling talambuhay. Hal. Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon  Balita- paglalahad ng mga pang- araw- araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan, sa ibayong dagat, maging sa insutriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang- tabing.
  • 15.  Talumpati- pahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang talumpati ay nababatay sa iba’t ibang layunin. Maaaring ito ay may layuning humikayat, magbigay- impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, maglahad ng opinyon, o paniniwala o lumibang.  Tulang Pasalaysay- kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma. Nauuri ito ayon sa paksa, pangyayari at tauhan. Kung gayon, nasa ilalim nito ang epiko, awit at korido. Mga Akdang Patula  Epiko- tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala. Hal. Biag ni Lam- Ang ng Ilocos at Indarapatra at Sulayman ng mga Muslim
  • 16.  Awit at Kurido- Patulang salaysay na paawit kung basahin. Pawang sa ibang bansa ang tagpuan ng mga pangyayari sa mga salaysay na ito. Kinapapalooban ito ng romansa o pag- iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan, at kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng katotohanan.Kung gayon, karaniwang kinapapalooban ito ng mga pangyayaring hindi kapani- paniwala tulad ng mahika, kababalaghan, at mga kapangyarihang super- natural. Awit- may taludtod na lalabindalawahing pantig Hal. Florante at Laura ni Francisco Balagtas Kurido- wawaluhing pantig ang bawat taludtod Hal. Ibong Adarna ni Jose De La Cruz
  • 17.  Tulang Pandamdamin o Liriko- tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may akda o di kaya’y ng ibang tao. Nasa kategorya nito ang mga tulang awiting- bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral at oda. Awiting- Bayan- maiikling tulang binibigkas nang may himig. Karaniwan itong nagpasalin- salin sa iba’t ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao, bunga nito’y hindi na matukoy kung sino ang may akda ng maraming kathaing bayan. Karaniwang pinapaksa ng awiting bayan ang pag- ibig, kawalang pag- asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan at kalungkutan. Hal. Chit Chirit Chit, Leron- Leron Sinta at Bahay Kubo
  • 18. Soneto- tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Hal. Sonnet ni Jose Garcia Villa at Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon Elehiya- tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal. Hal. Ellegy ni Thomas Gray at Awit sa Isang Bangkay ni Bienvenido A. Ramos
  • 19. Dalit- isang tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Hal. Dalit Kay Maria Pastoral- tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa kabukiran. Hal. Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez Oda- tulang paghanga o papuri sa isang bagay. Hal. Ode to Nightingale
  • 20. Tulang padula o Dramatiko- tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Hal. Senakulo Tulang Patnigan- laro o mga paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng namatayan. Hal. Balagtasan
  • 21. Ang Impluwensya ng Panitikan Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig nito, may matutukoy na isa o ilang tanging akdab na naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa buong daigdig. Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga Muslim Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.  Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
  • 22.  Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Ingles noong unang panahon.  Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.  Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag- uugali ng mga Italyano noong unang panahon.  El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.  Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan, kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
  • 23.  Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya ng mga Intsik.  Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.  Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.
  • 24. Kahalagahan ng Pag- aaral ng Sariling Panitikan Napakahalaga ng panitikan sa isang bansa. Ito ang dahilan kung bakit isinama ang pag- aaral nito sa kurikulum ng lahat ng antas ng pag- aaral. Ilan sa mga kapakinabangang natatamo sa pag- aaral ng ating sariling panitikan ay ang mga sumusunod: a. Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana nating yaman at talinong taglay ng ating lahing pinagmulan. b. Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating sariling mga tradisyon at kultura, maging ng mga naging impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
  • 25. d. Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba- iba ng katangian ng mga panitikan ng iba’t ibang rehiyon at matututunan nating ipagmalaki ang ating pagka- Pilipino, e. Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag- ibayo pa ang mga mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang isang komunidad, f. Mapapangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa pinakamahalagang yamang panlipi, c. Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng ating ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang panahon.
  • 26. Maraming Salamat sa Pakikinig  - Manuel Daria Jr.