2. MENU
Ang Menu ay isang mahalagang
sulating teknikal kung saan
nilalaman nito ang ngalan ng isang
restawran at ang mga inihahandog
nitong uri ng mga pagkain o
serbisyo.
4. Pagsulat ng Menu
Ang pagsulat ng menu o paglalarawan
sa pagkain ay itinuturing na isa rin sa
mga anyo ng komunikasyong teknikal.
Higit na kasanayan sa pagsulat ang
inaasahan dito lalo na’t sinusukat hindi
lamang ang kahusayang teknikal,
bagkus ay ang pagiging malikhain din.
6. Sa pagbuo ng malikhaing
pagpapangalan sa menu, gayundin
sa mga paglalarawan ng mga ito ay
may tatlong salita na dapat isaalang-
alang: hitsura, tekstura, at lasa.
8. Hitsura
Layunin nitong akitin ang tumitingin
sa litrato upang masiguradong
pipiliin ng kustomer ang pagkain
kanyang nakita. Inaasahan dito nga
pagkakaiba ng kulay o
presentasyon ng pagkain at salitang
gagamitin upang mailarawan ito.
10. Tekstura
Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi
ng pagkain na nakikita sa menu at
kung gaano ka-artistiko ang
pagkakahain upang mas maging
kapana-panabik ito sa mga
kustomer.
12. Lasa
Sa menu inaasahang
mailalarawan kung ano ang lasa
ng pagkaing nakikita ng
tagatangkilik bago umorder. Ang
lasa ng pagkain ay ang isang
dahilan kung bakit ito binabalikan
ng isang kustomer.
14. 1. Iwasan ang paggamit ng mga salitang
humihikayat sa artipisyal na sahog.
2. Maging tiyak at payak sa paggamit ng
salita.
3. Iwasan ang paggamit ng mga salitang
pang-ugnay.
4. Ipakita ang personalidad ng pagkaing
ilalarawan.
16. Tandaan, sa pagbibigay-deskripsyon ng
pagkain sa paglikha ng menu,
siguraduhing mahusay at detalyado na
mailarawan kung ano ang hitsura,
tekstura, at lasa ng isang pagkain.