9. Kita, Gastos, Ipon
Ano ang may
pinakamataas at
pinakamababang bar sa
graph? Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
Ano ang dapat na
pinakamataas sa mga bar
ng graph? Bakit?
Batay sa kahalagahan,
ayusin ang sumusunod:
kumita, gumastos o mag-
ipon?
11. Nakahawak ka na ba ng
malaking
halaga ng pera?
Paano mo iyon pinamahalaan?
Ano para sa iyo ang pera at
paano
ito dapat gamitin?
12. KITA, PAGKONSUMO, PAG-IIMPOK
KITA- halagang natatanggap ng tao
kapalit ng produkto o serbisyong
kanilang ibinibigay.
(nagtratrabaho- suweldo)
PAGKONSUMO- ang pagbili at
paggamit ng produkto o serbisyo na
magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
13. PAG-IIMPOK/ SAVINGS
Paraan ng pagpapaliban ng paggastos.
(Macroeconomics ni Roger E.A. Farmer,
2002)
Kitang hindi ginamit sa pagkonsumo o
hindi ginastos sa pangangailangan.
( Meek, Morton at Schug, 2008)
15. Sagot: OO
Investment- ipon na ginamit upang
kumita.
Economic Investment- paglalagak ng
pera sa negosyo.
Personal Investment- paglalagay ng
isang indibidwal ng kaniyang ipon sa
mga financial asset katulad ng stocks,
bonds o mutual funds.
18. Ano ang pagkakaiba ng kita,
pagkonsumo at pag-iimpok?
Papaano nagkakaugnay ang kita,
pagkonsumo at pag-iimpok?
Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang
maaaring pakinabang mo dito?
20. STOCKS
Ang Stock ay kanilang binibili para magkaroon
sila ng pag-aari sa total shares ng kumpanya.
Shares or Stock ay meron value depende sa
naset na amount ng kumpanya. Meron tayong
tinatawag na Stock Market sa Pilipinas na pwede
kang bumili at mag benta ng stocks
21. BONDS
Ano ang Bonds? Ang mga bonds ay, sa simpleng
salita, loans o perang ipinahiram mo sa mga
kumpanya (corporate bonds) at sa gubyerno
(treasury bonds, atbp.). Nagpapahiram ka ng
pera sa isang kumpanya o sa gubyerno, at
ibabalik nila ang pera mo na MAY
KARAGDAGANG INTEREST sa maturity date ng
nito.
22. Mutual funds
Ang mutual fund ay isang investment kung saan maraming
tao ang nagtitipon-tipon ng pera para mag-invest sa assets
tulad ng stocks, bonds, money market, at iba pa.
Ang mga fund na ito ay pinangangalagaan ng mga
propesyonal na money managers at ang layunin nila ay
iinvest ang resources ng fund upang kumita ng pera para
sa mga shareholders. Ikaw ay magiging shareholder kapag
nag-invest ka sa isang mutual fund gamit ang pagbili ng
kanilang shares.
23. 1. Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko
Ang taong nasa likod at mga taong namamamahala
nito. Magsaliksik at magtanong tungkol sa katayuang
pinansiyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko. Ang
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities and Exchange
Commission (SEC), at ang website ng bangko, dyaryo,
magasin, telebisyon, at radyo ay makapagbibigay ng
mga impormasyong kailangan mong malaman.
24. 2. Alamin ang mga produkto ng iyong
bangko.
Unawain kung saan mo inilalagay ang
iyong
perang iniimpok. Huwag malito sa
investment at regular na deposito. Basahin
at unawain ang kopya ng term and
conditions, huwag mag-atubiling linawin sa
mga tauhan ng bangko ang hindi
nauunawaan.
25. 3.Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa
iyong bangko.
Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa
pamamagitan ng iyong pangangailangan at
itugma ito sa serbisyong iniaalok ng
bangko. Alamin ang sinisingil at bayarin sa
iyong bangko.
26. 4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing
up-to-date.
Ingatan ang iyong passbook, automated teller
machine (ATM), certificate of time deposit (CTD),
checkbook at iba pang bank record sa lahat ng
oras. Palaging i-update ang iyong passbook at
CTDs sa tuwing ikaw ay gagawa ng transaksiyon
sa bangko. Ipaalam sa bangko kung may
pagbabago sa iyong contact details
upang maiwasang maipadala ang sensitibong
impormasyon sa iba.
27. 5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob
ng bangko at sa awtorisadong tauhan
nito.
Huwag mag-alinlangang magtanong
sa
tauhan ng bangko na magpakita ng
identification card at palaging humingi
ng katibayan ng iyong naging
transaksiyon.
28. 6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit
insurance.
Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang
Php500,000 sa deposito ng bawat
depositor. Ang investment product,
fraudulent account (dinayang account),
laundered money, at depositong produkto
na nagmula sa hindi ligtas at unsound
banking practices ay hindi kabilang sa
segurong (insurance) ibinibigay ng PDIC.
29. 7. Maging maingat.
Lumayo sa mga alok na masyadong
maganda para paniwalaan. Sa
pangkalahatan,
ang sobra-sobrang interes ay maaaring
mapanganib. Basahin ang Circular 640 ng
Bangko Sentral para sa iba pang
impormasyon tungkol dito.