6. 3. Ang kislap ng _____ moy
Tagumpay na nagniningning
May ____ ang tula
At awit sa paglayang minamahal
4. Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di______
Lupa ng araw ng luwalhatit pagsinta
_____ ay langit sa piling mo
7. Pagpapakita ng video ng Lupang Hinirang
https://www.
youtube.com/watch?v=ourtXdYLsjg
Gabay na tanong:
1.Ano ang iyong nararamdaman tuwing
inaawit ang pambansang awit?
2.May pagmamalaki ba sa iyong puso
habang iniaawit ito?
8. Pangkatang Gawain
1. Bumuo ng apat na grupo
2. Ibigay ang mga alituntunin sa pangkatang Gawain.
3. Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang pagmamahal at
paggalang sa ating watawat at pambansang awit.
Mga tanong:
1. Sumasali ka bas a tuwing may flag ceremony o pagtataas ng
watawat?
2. Ano ang nararamdaman mo tuwing inaawit mo sa Lupang
Hinirang?
9. Mga Simbolo sa Watawat ng Pilipinas
Isang atas o utos sa lahat ng mag-aaral sa isang paaralan na
sumali sa pagtaas ng watawat at pag - awit sa ating
Pambansang Awit sa flag ceremony tuwing araw ng Lunes.
Sumasali ka ba rito? Alam mo bang awitin ang ating
Pambansang awit? Ano ang nararamdaman mo tuwing
inaawit mo ang Pambansang Awit? Alam mo ba ang
kahulugan nito? Bakit nga ba napakahalaga ng bawat salita
o linya ng pambansang awit? At bakit kailangang isapuso ng
bawat mamamayang Pilipino? Ating sabay sabay na alamin
ang mga kasagutan ng bawat tanong. Handa na ba kayo?
10. Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit
ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig
noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay
inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni
Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899.
Ayon sa batas, (Executive Order No. 60, s.
1963) tanging ang bersyong Filipino ng
pambansang awit ang dapat awitin ngayon at
ayon sa tugtog o komposisyon lamang ni Julian
Felipe.
11. Dapat madamdamin ang pag –awit ng Lupang
Hinirang bilang paggalang. Lahat ng umaawit ay
dapat nakaharap sa Pambansang watawat ng
Pilipinas at nakalagay ang kanang kamay sa
kaliwang dibdib bilang pagpupugay.
Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng
mga Pilipino para sa kalayaan. Ipinapahayag din
nito ang pagmamahal sa bayan at ang
kahandaang ipagtanggol ito sa anumang
pagkakataon.
12. Mayaman ang kasaysayang
pinagdaanan ng Lupang Hinirang bilang
Pambansang awit ng Pilipinas at
mahalagang matutunan natin itong balikan.
Huwag dapat makalimutan ng bawat
Pilipino ang layunin nito na pag –alabin ang
damdaming makabayan ng bawat Pilipino.
Alalahanin natin na maraming bayani ang
nagbuwis ng buhay upang makamit natin
ang ngayo’y tinatamasa nating kasarinlan.
13. Isang himig ang inaawit, isang bandila
ang itinataas, nadarama natin na bahagi
tayo ng isang pamayanan na mayroong
pinagbuklod na karanasan sa kabila ng iba’t
ibang wika at kultura.Sa pagkakaroon natin
ng isang himig, napapaalalahanan tayo na
dapat tayong magkaisa at magtulungan para
sa kaginhawahan ng buong bayan sa harap
ng mapanaklaw na globalisasyon.
14.
15. Ito ang watawat ng Pilipinas, ang isa sa pangunahing
sagisag ng ating bansa. Napapansin mo ba ang mga
simbolo nito; ang tatlong bituin at ang araw? Ilan
ang kulay ng ating watawat?. Ang bawat kulay,
hugis, at disenyo ng watawat ay may kahulugang
kaakibat.
Narito ang probisyon sa Saligang Batas tungkol sa
ating watawat:
ARTIKULO XVI, SEKSIYON 1. Ang watawat ng
Pilipinas ay dapat pula, puti, at bughaw, na may
isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at
iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas.
16. Ang watawat ng Pilipinas ay may pahalang na
hugis. Ito ay may magkasingsukat na bahagi ng
kulay bughaw at pula. May puting tatsulok ito
sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay may isang
gintong araw na may walong sinag. Sa bawat
sulok ng tatsulok ay may tatlong gintong
bituin.Bawat bahagi, maging mga kulay ng ating
watawat ay may kahulugan. Ating alamin at
talakayin ang mga ito.
21. Paglalapat
Sa pagtatapos ng araling ito, ating alamin ang iyong natutunan sa
pamamagitang ng paglagay ng mga akmang salita sa bawat patlang. Pumili sa
mga salita na nasa loob ng kahon.
22. Ang watawat ng Pilipinas ay may tatlong pangunahing kulay.
Ang ________, ________ at _________. Ang bughaw na
kulay ay sumasagisag sa _____________. Ang pula naman
ay ______________at ang puti ay sumsagisag sa
_____________ . Ang araw ay sumisimbolo sa malaking
hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang makamit ang
daan tungo sa kaunlaran .Ito ay may ______ sinag na
sumasagisag sa mga naunang mga lalawigang naghimagsik
laban sa mga Espanyol.Ang tatlong bituin ay sumasagisag
naman sa tatlong malalaking pangkat ng pulo ng Pilipinas,
ang ___________, _____________, at _______________.
23. Bilang isang mag-aaral paano
mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa ating
watawat
?_________________________
_
24. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang wastong letra ng tamang sagot.
1. Ano ang ibig sabihin ng huling linya ng ating
Pambansang Awit na “ Aming ligaya na pag may
mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa iyo”?
A. Handang ipaglaban ang kalayaan ng ating
bansa
B. Handang talikuran ang bansa
C. Makikipaglaban hanggang sa mamatay
D. Masaya kapag lumalaban
25. 2. Isinasalaysay ng pambansang
awit ang pakikipaglaban ng mga
Pilipino para sa ___________.
A. kalayaan
B. kaunlaran
C. kaginhawaan
D. pakikiisa
26. 3. Ano ang tatlong pangunahing
kulay ng watawat ng Pilipinas?
A. pula, puti, bughaw
B. pula, itim, bughaw
C. puti, bughaw, dilaw
D. puti, pula, dilaw
27. 4. Ang puting tatsulok ay
sumasagisag ng __________
A. kaliwanagan ng araw
B. pagkakapantay-pantay
C. pagkakaisa ng mga bayan
D. kaliwanagan ng pagmamahal
28. 5. Sinasabing ang orihinal na
pulo na sumasagisag sa ikatlong
bituin ay ang pulo ng
_________.
A. Pampanga C. Pampanga
B. Pagsanjan D. Panay