SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  2
Si Pingkaw
Ni Isabelo S. Sobrega
Naalimpungatan ako sa pagtulog nang hapong iyon dahil sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga
bata sa kalsada. Dali dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si pingkaw
pala, na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit ng tinagpian, at may
medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya di ko makita nangg Mabuti. Sa
kabilang binti, may nakataling pulang papel de hapon, na may kabit na lata sa dulo sa kanyang ulo
may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.
Mga bata: ‘’hoy Pingkaw’’
‘’Sige nga kumanta ka ng blak is blak.”
Pingkaw: ‘’Ay, Hiya ako,’’
Mga bata: ‘’kung ayaw mo,aagawin naming ang anak mo.
‘’Sige, agawin natin ang kanyang anak.’’
Pingkaw: huwag nyo naman kunin ang anak ko, isusumbong ko kayo kay meyor.
Meyor: Hoy mga bata, salbahe nyo! Tigilan n`yo ang pagtukso sa kanya.’’
Pingkaw: meyor, meyor, kukunin nila ang aking anak,’’
Meyor: O sige, hindi na nila kukunin yan, huwag ka ng umiyak.’’
Hele, hele tulog muna, wala dito ang iyong ina (2x)
Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay, at dito nagmumula ang kanyang makakain,
magagamit o maipagbili, madalas syang umawit dati-rati.
Ang kariton niya`y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos at sa loob ng bag na burin na
nakasabit sa gilid ng kaniyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian, ito ay may tira-tirang
sardinas, karne norte o kaya`y pork and beans, pandesal na kadalaya`s nakagatan na at kung minsan,
kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit.
Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak:
“Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.”
Dalawang taon kaming magkapitbahay, ngunit hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na
pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b’yuda na s’ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit
ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang
Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-
iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para
sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng
estretsibol, na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si
Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas
sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang, ay maputi at guwapung-
gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa’y, naisip mong totoo nga ang sinasabi ni
Pisyang Tahur.
Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni pingkaw ang laman ng kanyang kariton,
Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa.
Talagang mahal ni Pingkaw ang kanyang mga anak.
“Ang mga bata,” nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang
ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, “hindi kailangang paluin,
sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at
pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama
ng loob.”
Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang
ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at
matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta ang kayang
ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.
Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino.
Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon.
kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa.
Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo
ng Tsino.
Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng
bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata. “Nagpapakita rin na may
awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana’y namatay na. ngunit dahil naisip
pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor,
Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay?
Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang
iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan
ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng
tulong. Kabaliwan…”
isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata
sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardinas o sa kung ano mang panis na kanilang nakain.
Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit,
wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital.
Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang
mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at
naglalaro ng golp, ayon sa katulong.
Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre
nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana.
Kaya naguguluhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor
doon ngunit wala namang gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging
maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton.
Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay
ang kanyang mga may sakit na anak. Ngunit, wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin
niyang hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid
niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay
ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya,
subalit, wala kahit isa mang lumapit upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga
anak sa kariton, habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada.
Pakiramdam niya’y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang
pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na
wala namang sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw.
Nang gumabi’y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod
namang namatay ang bunso.
Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan
na naman ng mga pilyong bata.
“Hele-hele, tulog muna, wala dito ang iyong nanay…”
ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata.

Contenu connexe

Similaire à si-pingkaw.docx

Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiSaint Michael's College Of Laguna
 
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenyeAng Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenyeRebsRebs
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusajennytuazon01630
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)StemGeneroso
 
MGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptxMGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptxssusera5445b
 
MGA KUWENTO SA YUNIT III.pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III.pptxMGA KUWENTO SA YUNIT III.pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III.pptxJanelSagcal
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozaBay Max
 
Akademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling LarangAkademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling LarangStemGeneroso
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangalgluisito1997
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinStemGeneroso
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxCleoAlagos
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxMichaelDaveMacaraeg
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Arlyn Duque
 

Similaire à si-pingkaw.docx (20)

Ang bulag at ang pilay
Ang bulag at ang pilayAng bulag at ang pilay
Ang bulag at ang pilay
 
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino iiBachelor of science in secondary education major in filipino ii
Bachelor of science in secondary education major in filipino ii
 
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenyeAng Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
Ang Alaga; Isinulat ni Barbara kemenye
 
Ang kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusaAng kwento ng pagong at pusa
Ang kwento ng pagong at pusa
 
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
Kompilasyon ng mga akademikong sulatin (shainah aro)
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
MGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptxMGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III(1).pptx
 
MGA KUWENTO SA YUNIT III.pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III.pptxMGA KUWENTO SA YUNIT III.pptx
MGA KUWENTO SA YUNIT III.pptx
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Niyog.docx
Niyog.docxNiyog.docx
Niyog.docx
 
Akademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling LarangAkademikong sulatin sa Piling Larang
Akademikong sulatin sa Piling Larang
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Ang Alibughang Anak
Ang Alibughang AnakAng Alibughang Anak
Ang Alibughang Anak
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6 Q4 W4 filipino grade 6
Q4 W4 filipino grade 6
 
Ang Alamat ng Alingawngaw
Ang Alamat ng AlingawngawAng Alamat ng Alingawngaw
Ang Alamat ng Alingawngaw
 
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinKompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docxAng_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
Ang_Ama_Maikling_Kwento_ng_Singapore.docx
 
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
Mga katulong sa bahay (akda mula sa vietnam)
 

Dernier

FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 

Dernier (20)

FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 

si-pingkaw.docx

  • 1. Si Pingkaw Ni Isabelo S. Sobrega Naalimpungatan ako sa pagtulog nang hapong iyon dahil sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si pingkaw pala, na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit ng tinagpian, at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya di ko makita nangg Mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de hapon, na may kabit na lata sa dulo sa kanyang ulo may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. Mga bata: ‘’hoy Pingkaw’’ ‘’Sige nga kumanta ka ng blak is blak.” Pingkaw: ‘’Ay, Hiya ako,’’ Mga bata: ‘’kung ayaw mo,aagawin naming ang anak mo. ‘’Sige, agawin natin ang kanyang anak.’’ Pingkaw: huwag nyo naman kunin ang anak ko, isusumbong ko kayo kay meyor. Meyor: Hoy mga bata, salbahe nyo! Tigilan n`yo ang pagtukso sa kanya.’’ Pingkaw: meyor, meyor, kukunin nila ang aking anak,’’ Meyor: O sige, hindi na nila kukunin yan, huwag ka ng umiyak.’’ Hele, hele tulog muna, wala dito ang iyong ina (2x) Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay, at dito nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili, madalas syang umawit dati-rati. Ang kariton niya`y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos at sa loob ng bag na burin na nakasabit sa gilid ng kaniyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian, ito ay may tira-tirang sardinas, karne norte o kaya`y pork and beans, pandesal na kadalaya`s nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak: “Poray, Basing, Takoy, nandito na ako.” Dalawang taon kaming magkapitbahay, ngunit hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b’yuda na s’ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba- iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo itong nakasuot ng estretsibol, na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang, ay maputi at guwapung- gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa’y, naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur. Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni pingkaw ang laman ng kanyang kariton, Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Talagang mahal ni Pingkaw ang kanyang mga anak. “Ang mga bata,” nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, “hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob.” Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta ang kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos.
  • 2. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino. Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata. “Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana’y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor, Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, “Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan…” isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardinas o sa kung ano mang panis na kanilang nakain. Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit, wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital. Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong. Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. Kaya naguguluhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala namang gamut para sa nalason. Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton. Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak. Ngunit, wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit, wala kahit isa mang lumapit upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton, habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada. Pakiramdam niya’y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala namang sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw. Nang gumabi’y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata. “Hele-hele, tulog muna, wala dito ang iyong nanay…” ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata.