Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

SABAYANG-PAGBIGKAS.pptx

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 13 Publicité

SABAYANG-PAGBIGKAS.pptx

Télécharger pour lire hors ligne

Some ideas would be credit to the owner.
ang sabayang pagbigkas ay aminn natalakay sa of course po dahil ang major ko ay Filipino. mapag-aaralan to kapag nasa third year college kana although need to research kaya i-aappload ko para narin may idea ang iba.

Some ideas would be credit to the owner.
ang sabayang pagbigkas ay aminn natalakay sa of course po dahil ang major ko ay Filipino. mapag-aaralan to kapag nasa third year college kana although need to research kaya i-aappload ko para narin may idea ang iba.

Publicité
Publicité

Plus De Contenu Connexe

Diaporamas pour vous (20)

Similaire à SABAYANG-PAGBIGKAS.pptx (20)

Publicité

Plus récents (20)

SABAYANG-PAGBIGKAS.pptx

  1. 1. ANO ANG SABAYANG PAGBIGKAS?
  2. 2. Wikang Filipino sa Pambansang kalayaan ni Patricinio Villafuerte • Vedeo Presentation
  3. 3. Ano ang sabayang pagbigkas? • Ang sabayang bagbigkas ay masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan sa pamamamgitan ng sabayang pagbasa nang malakas ng isang koro o pangkat.
  4. 4. Ano ang sabayang pagbigkas? • Ayon kay Andrade (1993), ang sabayang pagbigkas ay ang pagsasanib-sanib ng mga iba’t ibang uri ng tinig ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa, at lakas na siyang nagbibigay kariktan.
  5. 5. Ano ang sabayang pagbigkas? • Ang pinakamabisang pampukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay yaong nakatitigatig ng lahat ng pandama- nakikita, naririnig, at nadarama. Taglay ng Sabayang pagbigkas ang lahat ng sangkap na ito kung kaya’t mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa mga manonood/tagapakinig at gayon din sa mga bumibigkas/koro.
  6. 6. Ano ang sabayang pagbigkas? • Ayon kay Abad (1996), ang sabayang pagbigkas ay isang kawili-wiling pamaraan ng pagpapahalaga sa panitikan sa pamamagitan ng pagsanib-sanib ng mga tinig ng koro ayon sa wasto nilang tunog, puwersa at lakas.
  7. 7. Mga kasanayang malilinang sa pagsali sa Sabayang Pagbigkas. 1. Ito ay mabisang pamaraan ng pagkatuto ng wika. 2. Mabisa itong pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lugod sa pagpapaunlad ng panitikan. 3. Ito ay isang pangunahing pagsasanay sa pagtatalumpati, pagbigkas nang isahan, pagpapakahulugan at pag-arte sa tanghalan.
  8. 8. 4. Naglalaan ito ng malawak na kakayahan sa pagkalugod sa sining. 5. nakatutulong ito sa ikapagtatamo ng pang-unawa sa lipunan bunga ng isang gawaing pangkatan, pakikiisa at pakikibagay. 6. isa itong panimulang kasanayan sa mahusay at mabisang paraan ng pakikipagtalastasan.
  9. 9. Apat na anyo ng Sabayang Pagbigkas. 1. Ang pagbabasa nang may madamdaming pagpapakahulugan Isang uri ito ng madamdaming pagbabasa ng isang pangkat sa isang piyesa. Maaaring bumuo ng dula buhat sa tula, may pangkat na nagbabasa bilang tagapagsalaysay habang may tauhang nagsasadula na gumagamit ng diyalogo o usapang patula.
  10. 10. 2. Ang sabayang pagbigkas na walang kilos.  Dito ay saulado ang piyesa. Sa ganitong pagtatanghal limitado lamang ang gawain/kilos ng koro maliban sa pagbibigay damdamin sa pamamagitan ng angkop na tinig, ekspresyon ng mukha, mga kibit balikat, payak na kumpas ng kamay, mga iling at tango ng ulo.  Malaki ang maitutulong sa pagbibigay ng mensahe sa piyesa sa manonood ng mga nabanggit na payak na kilos. higit na magiging mabisa kung gagamit ng “riser” o tuntungan ng koro lalo na’t kung ito ay binubuo ng tatlong hanay.
  11. 11. 3. Ang sabayang pagbigkas na may maliliit na angkop na kilos.  hindi angkop dito ang paggamit ng riser sapagkat ang koro ay gagawa na ng maliit na kilos. Sa uring ito ng gawain, ang piyesa ay nagkakaroon na ng higit na pagkamasining na pagpapakahulugan sapagkat bukod sa mahusay at madamdaming pagbigkas ay may kaangkop na kilos at galaw na maaaring isahan o pangkatan(blaking), upang lalong mabigyan diin at kulay ang mensahe ng mga salita, linya o taludturan.  Itinatagubiling iwasan ang napakaraming galaw na maaaring makasira lamang sa pagpapakahulugan.
  12. 12. 4. Ang madulang sabayang pagbigkas o Tula-Dula Tinatawag din itong ganap na dulaan o total theatre. ito ay isang uri ng madulang bigkasang pangkoro na gumagamit ng panlahatang pagtatanghal teatro- isang tulang isinadula, may tauhang gumaganap, may korong tagapagsalaysay, nilalapatan ng angkop na kasuotan, angkop na tunog, musika, awitin, sayaw, pag-iilaw, mga tanawin, kagamitan o props, atbp.

×