SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  38
Télécharger pour lire hors ligne
MAPEH
Unang Markahan - Modyul 1
5
MAPEH – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon
Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Quezon City
Department of Education – National Capital Region
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456 - 0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: LINA O ROQUE ( Musika )
ISABELITO A. PALACOL ( Sining )
RODRIGO L. ROQUE ( Edukasyong Pangkatawan)
ISABELITO A. PALACOL ( Edukasyong Pangkalusugan )
Editor: MYRNA L. CORTEZ, MA. VICTORIA S. DE LUNA, CHINITA S. APOSTOL,
MARICEL G. CARBALLO, LEONARDO P. DAGUM JR.
Tagasuri: ANA ROSA RABANAL, CRISPIN D. DUKA, RODOLFO F. DE JESUS,
BRIAN SPENCER B. REYES
Tagaguhit: MARK ANTHONY D. BUNGALSO
Tagalapat: BRIAN SPENCER B. REYES, HEIDEE F. FERRER
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS
FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS
JUAN C. OBIERNA, Chief, CID
HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS
CRISPIN DUKA, EPS – MAPEH
5
MAPEH
Unang Markahan – Modyul 1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (MAPEH – Ikalimang Baitang)
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul I. Ito ay nahahati sa apat na aralin : Musika
Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan.
MUSIKA - Mga Nota at Pahinga
SINING - Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading
Technique
EDUKASYONG PANGKATAWAN – Target Games : Tumbang Preso
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN – Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa MAPEH – Ikalimang Baitang) ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul I. Ito ay nahahati sa apat na aralin ; - Musika, Sining,
Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan
MUSIKA – Mga Nota at Pahinga
SINING - Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading
EDUKASYONG PANGKATAWAN – Target Games : Tumbang Preso
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN - Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
iv
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo na nasa Ikalimang Baitang. Ito ay
upang gabayan ka na matutunan mo at malinang ang iyong kaalaman at Kasanayan sa
Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. Sa pagtatapos ng modyul na
ito, Ikaw ay inaasahang :
MUSIKA - Matutukoy ang iba’t ibang uri ng nota (note) at pahinga (rest) na nakapaloob sa
isang awitin.
SINING Makagagawa ng ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D na bagay
gamit ang pamaraang crosshatching at shading sa pagguhit
EDUKASYONG PANGKATAWAN – Maipamamalas ang mga kasanayan o kakayahang
kailangan sa paglalaro ng Tumbang Preso ayon sa Philippine Physical Activity Pyramid.
EDUKASYONG PANGKALUSUGAN - Mailalarawan ang isang tao na may malusog na
kaisipan, damdamin at pakikipag kapwa-tao
Subukin
A. Iugnay ang pangalan ng mga nota o pahinga sa simbolo nito.
A B
______1. Kalahating nota (half note) A.
______2. Buong pahinga (whole rest) B.
______3. Kapat na nota (quarter note) C.
______4. Kapat na pahinga (quarter rest) D.
______5. Kawalong nota (eight note) E.
2
B. Piliin ang titik ng tamang sagot .
_____6. Ang cross -hatching ay isang teknik o paraan ng__________
a. guhit b. linya c. Shading d. Tekstura
_____7. Ang mga teknik o pamamaraan ng pagguhit tulad ng shading ay
nakadaragdag sa _________Ng likhang sining
a. lalim b. kapal c. Shading d. Lahat ng nabanggit
_____8. Ito ay mahalaga sa ating sining dahil ipinapakita nito ang kasaysayan,
kabuhayan at paraan ng pamumuhay noong unang panahon
a. artifacts b. kulturang material c. Kulturang Di Materyal
_____9. Isang anyo ng kagamitan sa pagluluto na hinulma sa pulang putik o luwad.
a. panolong b. torogan c. Banga
_____10. Ito ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuguhit
a. lines b. texture c. balance
_____11. Si Ana ay isang batang madaling makapag-isip ng solusyon sa mga
problemang kinakaharap niya. Anong kalusugan ang kanyang taglay?
a. Kalusugang Sosyal c. Kalusugang Emosyonal
b. Kalusugang Pisikal d. Kalusugang Mental
_____12. Si Amir ay walang tinatagong lihim, walang pagkukunwari. Anong kalusugan
ang kanyang tinataglay?
a. Sosyal b. Pisikal c. Emosyonal d. Mental
_____13. Anong kalusugan ang may kakayahang harapin at malampasan ang mga
pasanin at hamon ng pang-araw-araw na buhay? Ito ay kalusugang
a. Emosyonal b. Mental c. Pisikal d. Sosyal
_____14. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na pagkatao na
kung saan makikita ang kalidad ng relasyon at abilidad na kontrolin o
pangasiwaan ang nararamdaman? Ito ay kalusugang
a. Emosyonal b. Mental c. Pisikal d. Sosyal
_____15. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kakayahang makihalubilo at makisama
sa iba’t ibang uri ng ugali ng tao?
a. Sosyal b. Pisikal c. Emosyonal d. Pangkaisipan
D. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali.
_____16. Ang Tumbang Preso ay tinatawag na target game.
_____17. Upang maiwasan ang pananakit ng kalaman, kailangan mag- warm up at cool down
exercise bago at matapos maglaro.
_____18. Ang pagiging patas sa paglalaro ay isa sa kagandahang asal na nalilinang sa
3
paglalaro ng Tumbang Preso.
_____19. Ang tawag sa manlalaro sa Tumbang Preso na nagbabantay sa lata ay guwardiya.
_____20. Layunin ng larong Tumbang Preso na bantayan ang lata na huwag matumba ng
kalaban.
Aralin
1 Mga Nota at Pahinga
Mayroong iba’t ibang uri ng nota at pahinga ang ginagamit sa notasyon ng isang awit
o tugtugin. Ang bawat tunog na naririnig natin ay tinatawag na nota (note), samantalang ang
walang tunog o katahimikan ay tinatawag namang pahinga (rest).
Balikan
Buuin ang jumbled letters upang maibigay mo ang tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa limang guhit na ito sa musika?
2. Ano naman ang tawag sa simbolong ito?
F T A S F
___ ___ ___ ___ ___
F C L E G
___ ___ ___ ___ ___
4
Tuklasin
Pakinggan at pag-aralan ang piyesa ng awiting “Paruparong Bukid”.
Maaari mong pakinggan sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=MHihzeQ-WRc
Tukuyin ang mga simbolo ng nota at pahinga ang nakikita mo sa awitin
Ang mga nota at pahinga na makikita sa awitin ay ang mga sumusunod:
kalahating nota dobleng kawalong nota ( )
(double eighth notes)
kapat na nota kalahating pahinga
kawalong nota kawalong pahinga
Ang awiting “Paruparong Bukid” ay isang Filipino bersyon ng awiting
“Mariposa Bella”. Ito ay tradisyonal na awitin ng mga Espanyol noong 1800s. Ang
awiting ito ay tungkol sa isang dalagita na may kilos at ugaling mayumi at may
indayog gaya ng paruparo.
5
Suriin
Pag-aralan ang tsart sa ibaba at tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga
nota at ng mga pahinga. Ipalakpak ang bilang ng kumpas.
Mga Nota (Notes) Mga Pahinga (Rests) Bilang ng Kumpas (Beats)
Buong Nota
(whole note)
Buong pahinga
(whole rest)
4
Kalahating nota
(half note)
Kalahating pahinga
(half rest)
2
Kapat na nota
(quarter note)
Kapat na pahinga
(quarter rest)
1
Kawalong nota
(eighth note)
Kawalong pahinga
(eighth rest)
1/2
Kalabing-anim na nota
(sixteenth note)
Kalabing-anim na pahinga
(sixteenth rest)
1/4
Magkakaiba man ang simbolo at bilang ng kumpas ng mga nota, ang mga ito ay
magkakaugnay. Katulad ng mga nota, ang mga rest ay magkakaiba rin ng anyo at bilang ng
kumpas ngunit magkakaugnay din. Ang nota at pahinga ay may parehong bilang ng kumpas.
6
Pagyamanin
Pakinggan at pag-aralan ang piyesa ng awiting “Atin Cu Pung Singsing”.
Maaari mong pakinggan sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=gVZgJGC8u2k
Tukuyin ang mga simbolo ng nota at pahinga ang nakikita mo sa awitin?
Isaisip
Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang sagot.
Ang ________________ay nagpapahiwatig ng tunog sa isang awitin,
samantala ang __________________ nagpapahiwatig ng katahmikan sa isang awitin.
Isulat ang mga uri ng nota at at iguhit ang simbolo at bilang ng kumpas nito sa
isang papel.
7
Isagawa
Iguhit ang mga simbolo ng nota at pahinga.
1. Buong nota ______ 4. Kapat na pahinga ______
2. Kawalong nota ______ 5. Kalabing-anim na pahinga ______
3. Buong pahinga ______
Tayahin
A. Pag-aralan ang awitin at tukuyin ang mga nota at pahinga na nakapaloob sa
awitin. Isulat ang pangalan at simbolo sa talaan sa ibaba.
Simbolo ng Nota at Pahinga Pangalan ng Nota at
Pahinga
1 5
2 6
3 7
4 8
B. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
Ang bawat tunog na naririnig natin ay tinatawag na (9)._________________,
samantalang ang walang tunog o katahimikan ay tinatawag namang (10).________.
Karagdagang Gawain
Iguhit sa plaskard ang mga nota (notes) at pahinga (rests).
Ilagay sa iyong portfolio
8
Aralin
2
Pagguhit ng Banga gamit ang
Cross-hatching at Contour
Shading Technique
Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Ang mga
sinanunang anyo ng sining na ito ay binubuo ng mga banga,tapayan, at mga sinaunang anyo
ng tirahan ng mga Pilipino. Ang mga bagay na ito ay mahahalagang yaman ng kultura na
naglalarawan sa anyo ng pamumuhay natin noon.
Balikan
Ano-ano ang mga sinaunang kagamitan na naglalarawan sa anyo ng pamumuhay
natin noon at naging bahagi ng kasaysayan ng ating bansa?
Tuklasin
Ang Paggawa ng banga at tapayan ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan at
kultura ng Pilipinas. Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng mga banga) hindi lamang sa
pagluluto o pag-iimbak ng pagkain, kundi maging sa paglilibing ng mga patay. Naganap ang
gawaing ito mga 1000 BCE Ang Tapayang Manunggul ay isa lamang sa maraming tapayang
natagpuan sa loob ng yungib, na may iba’t ibang laki at disenyo. Gayunman, sa lahat ng mga
bangang natagpuan ay katangi-tangi ang Tapayang Manunggul na ayon kay Dr. Fox ay
walang kapantay sa Timogsilangang Asya at “likha ng isang alagad ng sining at isang
napakahusay na magpapalayok.” Ang tapayan ay itinuturing ngayon bilang isang
Pambansang Yamang Kultural ng Pilipinas.
Ang takip ng tapayan ay may anyo ng isang bangka na may nakasakay na dalawang
tao. Ang tao sa likod ng bangka ay tila may hawak na sagwan samantalang ang nasa kaniyang
harapan ay tila nakalagay nang pa-ekis ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Ang bangka ay
9
mayroon ding tila mata at bibig. May disenyong pakurbang scroll ang itaas na bahagi ng
banga na ipininta gamit ang pulang hematite.
Ayon sa mga ebidensiyang nakalap, ang tapayan ay ginamit bilang lalagyan para sa
ikalawang paglilibing ( secondary burial) , isang prehistorikong paraan ng paglilibing na ang
mga buto ng tao na hinukay mula sa una nitong pinaglibingan ay inilalagay sa tapayan isang
taon pagkatapos ng kamatayan nito upang muling ilibing. Natuklasan din na ang mga buto ay
nilinis at pinintahan gamit ang pulang hematite bilang bahagi ng panimulang paghahanda sa
ikalawang paglilibing. Kalaunan, ang tapayan ay ilalagay sa pinakamaliwanag at
pinakamagandang bahagi ng kuweba.
Ano-anong teknik sa pagguhit ang maaring gamitin upang maipakita ang
kakaibang disenyo ng mga banga?
Suriin

Paano iguguhit ang mga banga na maipapakit ang mga detalye ng bawa itsa? Sa
pamamagitan ng paggamit ng mga teknik o pamamaraan sa pagguhit, maaring lumikha ng
sari-saring epekto. Maipapakita ang lalim, kapal at teksture ng bagay na iginuhit sa
pamamagitan ng cross-hatching at iba pang teknik ng shading..
Ang cross-hatching ay isang paraan ng shading kung saan paulit-ulit ang
pagguhit ng pinag-krus na linya
Sa isang hiwalay na papel, subukang magsanay gamit ang pahilis pakaliwa na linya, pahilis
pakanan na linya, pahigang linya at patayong linya, pagsasama –sama ng lahat ng uri ng
linya.
10
Pagyamanin
Pagguhit ng Banga Gamit ang Crosshatching at Contour Shading
Panuto: Gumawa ng ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D na bagay
gamit ang pamaraang crosshatching at contour shading sa pagguhit.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Matamang pagmasdan ang mga disenyo na nasa kaliwang kahon.
2. Pag-aralang mabuti ang pamaraang crosshatching at contour shading sa pagguhit.
3. Gamit ang lapis, gayahin ang larawan sa kaliwa sa pamamagitan ng pagguhit nito sa loob
ng kahon na nasa kanan.
4. Suriing mabuti kung nabigyan ba ng 3D effect ang mga iginuhit
11
Isaisip
Ang cross-hatching ay isang pamamaraan ng shading upang bigyang lalim,kapal at
tekstura ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuhit
Isagawa
Gamitan ng crosshatching at contour shading techniques ang mga naiguhit na mga banga
na may iba’t ibang laki sa larawang B upang magkaroon ito ng 3D effect tulad ng naipakita
sa larawang A.
A. Cross- Hatching
12
B.
A. Contour Shading
13
Tayahin
Rubriks para sa Pagguhit ng Banga
Mga Sukatan Higit na nasusunod
ang pamantayan sa
pagbuo ng Likhang
Sining ( 5 )
Nasusunod ang
pamantayan sa
pagbuo ng Likhang
Sining ( 3 )
Hindi nasunod ang
pamantayan sa
pagbuo ng Likhang
Sining (2 )
1.Nabigyan ng ilusyon
ng lalim, kapal at
tekstura gamit ang
cross hatching na
pamamaraan sa
pagguhit
2. Nakasusunod ng
tama sa mga hakbang
sa pagguhit
3. Naipakita at
nabigyang diin ang
natatanging disenyo
ng mga bangang
iginuhit
Sa isang hiwalay na papel, subuking gumuhit ng isang mahalaga o lumang antigong
bagay na makikita sa inyong tahanan.
Karagdagang Gawain
14
Aralin
3
Masayang Maglaro ng
Target Games
(Tumbang Preso)
Ang Tumbang Preso ay isa sa pinakakilalang target game sa Pilipinas. Masayang
laruin ito. May mga kakayahang nalilinang sa madalas na paglalaro nito. Marami ring
magandang naidudulot ito sa kalusugan.
Balikan
Kilalanin mo ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang tawag sa mga larong ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng jumbled letters upang maibigay mo ang tamang sagot.
R A O N L G Y O P I N
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
15
Tuklasin
Alam mo ba kung ano ang tawag sa larong ito na nasa ibabang larawan?
Nasubukan mo na ba itong laruin?
Ano-ano ang mga kailangang kagamitan sa paglalaro nito?
Ano-anong mga kasanayan o kakayahan ang maaaring malinang sa paglalaro nito?
Suriin
Paglalaro ng Tumbang Preso
Sa Pilipinas, madalas na laruin ng mga bata ang target game na Tumbang Preso.
Ang manlalaro ng Tumbang Preso na nagbabantay ng lata at nanghuhuli ng ibang
manlalaro ay tinatawag na preso. Kaya ang larong ito ay tinawag na Tumbang Preso.
Lugar na Paglalaruan:
Sa patag at malawak na lugar.
Mga Kailangan sa Paaralan:
- Isang lata na walang laman (o anumang lata)
- Pamato na kalimitan ay tsinelas para sa bawat manlalaro.
Bilang ng Manlalaro:
- lima hanggang siyam na bilang ng manlalaro.
16
Formation:
Tatayo ang taya sa tabi ng iginuhit na bilog samantalang ang iba naman ay nakatayo sa
likuran ng tuwid na guhit.
Layunin ng Laro:
- Mapatumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato mula sa kinatatayuang
linya.
- Makuha muli ang pamato at makabalik sa linya nang hindi natataya.
Kagandahang Asal na Nalilinang:
- Itinuturo ng larong ito ang pagiging patas at pagpapakita ng sportsmanship.
Kakayahang o Kasanayang Nalilinang:
- Nakatutulong ang larong ito sa paglinang ng iyong kakayahan sa bilis, liksi, lakas
ng braso at kalamnan, kalakasan ng mga binti, at katatagan ng kalamnan na
nakatutulong sa ating paglalaro at sa ating kalusugan at pangangatawan.
Mga Hakbang sa Paglalaro:
1. Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng paghahagis ng kanilang pamato mula sa loob
ng bilog papunta sa toe line. Ang pinakamalayo ang pamato sa toe line ang siyang
magiging taya.
2. Babantayan ng taya ang lata na nasa loob ng bilog upang hindi ito maitumba ng mga
manlalaro na nasa toe line.
3. Kapag naitumba ang lata, kailangang mabawi ng manlalarong nakatama ng lata ang
kaniyang pamato nang hindi nahuhuli ng taya.
4. Kung mahuhuli ang manlalaro, siya ang panibagong taya.
5. Ibabalik ng taya ang lata sakaniyang orihinal na posisyon at susubukang bantayan ito
laban sa ibang manlalaro.
Panuntunang Pangkaligtasan:
1.Tiyaking walang sagabal ang lugar na paglalaruan.
2. Mag- warm up at cool down exercise bago at matapos maglaro upang maiwasan ang
pananakit ng kalamanan.
3. Magsuot ng angkop na kasuotan sa paglalaro.
4. Huwag maglaro kung may sakit o karamdaman.
5. Kailangan ng ibayong pag-iingat sa paglalaro.
17
Pagyamanin
May mga iba pang gawain na maaari mong gawin sa bahay upang malinang ang
iyong kailangang kakayahan o kasanayan sa paglalaro ng Tumbang Preso.
Siguraduhing walang sagabal o nakakalat na bagay sa lugar na iyong gagamitin at
sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan.
Sa, patnubay ng iyong magulang o tagapag-alaga, gawin mo ang mga sumusunod
na gawain.
1. Bilis
2. Liksi
3. Lakas ng braso at kalamnan
4. Kalakasan ng mga binti
_________________
5. Katatagan ng kalamnan
.
Maglaro ng luksong lubid gamit ang mahabang
garter, pinagsama-samang goma o tali. gawin ito
ng 10 beses.
Tumakbo ng mabilis . Maaaring gawin ito sa inyong
sala, sa kuwarto o sa kusina ng sampung (10)
beses ng pabalik-balik.
Itulak o hatakin mo ang upuan o mesa o magbuhat
ng upuan na tama ln gang timbang
Gawin ito ng 10 beses.
Tumalon ka ng 10 beses sa iyong kinatatayuan.
Maaari mo itong gawin araw-araw.
Magwalis o maglinis ng sahig.
Maaari mo itong gawin araw-araw.
Maaari mo itong gawin araw-araw.
18
Isaisip
Kumpletuhin ang pahayag. Punan mo ng wastong sagot ang patlang.
Sa paglalaro ng Tumbang Preso, nalilinang ang aking kakayahan sa
________________, ________________, ______________________,
_____________________, at ___________________na maaaring makatulong sa aking
paglalaro at kalusugan at pangangatawan.
Mahalagang sundin ang mga panuntunang ______________________ sa paglalaro
ng Tumbang Preso upang maiwasan ang sakuna habang naglalaro.
Ano kagandahang asal na maaaring malinang sa paglalaro ng Tumbang Preso ay
pagiging ______________________ at __________________________ .
Isagawa
Laruin ang larong Tumbang Preso, sa pamamagitan ng pagbato ng isang latang walang
laman gamit ang iyong tsinelas.
Maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na bagay na pamalit sa lata tulad ng mga
walang laman ng boteng plastik ng shampoo, softdrinks, mineral water, polbo, kahon ng
gamot.
19
Siguraduhing walang sagabal o nakakalat na bagay sa lugar na iyong gagamitin at
sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro.
Tayahin
Punan ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng
kahon. Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra ng iyong sagot.
_______1. Ang manlalarong nagbabantay ng lata sa Tumbang Preso ay tinatawag na ____.
_______2. Tiyaking mag-__________ bago maglaro upang maiwasan ang pananakit ng
kalamnan.
_______3. Ang larong _______________ ay isa sa pinakakilalang target game sa Pilipinas.
_______4. Ang kakayahan na nalilinang sa pamamagitan ng pagtakbo ng mabilis.
_______5. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng pagwawalis at
paglalampaso ng sahig.
_______6. Tiyaking _______________at walang sagabal ang lugar na paglalaruan.
_______7. Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng paghahagis ng kanilang ___________.
_______8. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng paglaro ng luksong
lubid.
_______9. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng pagtalon, pag-akyat
ng hagdan at pag-iwas sa mga nakakalat ng laruan ng iyong kapatid.
_______10. Ang pagiging sportmanship sa paglalaro ay isa sa kagandahang asal na
nalilinang sa paglalaro ng Tumbang Preso.
A. Tumbang Preso F. Warm up
B. Bilis G. Katatagan ng kalamnan
C. Liksi H. sportmanship
D. malawak I. Preso
E. Kalakasan ng mga binti J. Pamato
20
Karagdagang Gawain
Magbigay ng limang (5) kabutihang dulot ng paglalaro ng “Tumbang Preso”.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Aralin
4
Mental, Emosyonal
at Sosyal na Kalusugan
Ang kalusugan ay hindi lamang kawalan ng karamdaman. Ito rin ay ang pagkakaroon
ng malusog na katawan, at maayos na kalagayang mental, emosyonal, at sosyal. Mahalagang
pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng bawat aspekto ng pagkatao dahil Malaki ang epekto
ng mga ito sa pangkabuuang kalusugan.
Balikan
1. Ikaw ba ay malusog? Bakit mo nasabi ito?
2. Sa iyong palagay, ano-ano kailangan ng isang tao upang maging malusog?
Tuklasin
Ating Suriin ang mga sumusunod na larawan:
a. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit masaya ang bata sa unang larawan?
b. Bakit kaya malungkot ang bata sa pangalawang larawan?
c. Ano masasabi ninyo sa pangatlong larawan?
21
Suriin
KALUSUGANG MENTAL O PANGKAISIPAN
Ang Kalusugang Mental o pangkaisipan ay kakayahan ng isang tao na maging
masaya sa buhay, may kakayahang harapin ang mga pasanin at malampasan ang mga
hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay. Kabilang dito ang mga sumusunod :
• Paggawa ng desisyon
• Pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin
• Pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat kinakaharap na problema
• Nagtataglay ng positibong pananaw sa buhay
KALUSUGANG SOSYAL O PANLIPUNAN
Ang Kalusugang Sosyal ay ang kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t ibang
uri at ugali ng tao, kung paano makisalamuha ang mga tao sa iyo at kung paano ka makipag-
ugnayan sa iyong lipunang kinabibilangan.
22
• Palakaibigan
• Marunong makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao
• Nauunawan ang nararamdaman ng kapwa tao
• Nailalagay ang sarili sa sitwasyong ng iba
• May tiwala at paggalang sa nararamdaman ng kapwa
• Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag-aral,
• Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa
KALUSUGANG EMOSYONAL
Ang kalusugang Emosyonal ay tumutukoy sa kakayahang magpahayag ng damdamin sa
tamang paraan. Ito ay pagpapakita ng positibong emosyon at pag-uugali. Nagiging madali at
maayos ang lahat ng pangyayari o sitwasyon at maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng
magkakaibigan, magkaklase, magkamag-anak o magkapatid kung kaya niyang kontrolin at
pangasiwaan ng tama ang kanyang emosyon o nararamdaman. Ang mga kakayahan ng taong
may malusog na emosyon ay ang mga sumusunod.
23
• Maging Masaya o magkaroon ng dahilan/kakayahang pasayahin ang sarili
• Mapanatili ang magandang relasyon ng mga taong nakakasama
• Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
• Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao
• Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay
• Walang tinatagong lihim o walang pagkukunwari
• Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa
positibong pamamaraan.
Pagyamanin
Alamin kung anong kalusugan ang tinutukoy. Isulat ang KM kung Kalusugang Mental, KE
kung Kalusugang Emosyonal at KS kung kalusugang Sosyal
_____________1. Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa
_____________2. Madaling makaisip ng solusyon sa mga problemang kinakaharap
_____________3. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
_____________4. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
_____________5. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa
_____________6. Malampasan ang hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay
_____________7. Kakayahang tanggapin ang pagkatao at ugali ng kaibigan
_____________8. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
_____________9. Walang tinatagong lihim / pagkukunwari’
_____________10. Marunong makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao
24
Isaisip
Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang na
nakalaan sa bawat numero.
1. Ang Kalusugang ______________ay abilidad ng isang tao na makapagpasaya sa
buhay, kakayahang harapin at malampasan ang mga pasanin at hamon ng pang-
araw-araw na buhay
2. Ang Kalusugang_________________ay tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na
pagkatao na kung saan makikita ang kalidad ng mga relasyon at abilidad na kontrolin
o pangasiwaan ang nararamdaman.
3. Ang Kalusugang_________________ ay ang kakayahang makihalubilo at makisama
sa iba’t ibang ugali ng tao.
Isagawa
Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat/Ilahad kung ano ang iyong gagawin
sakaling ikaw ay maharap sa mga halimbawang pangyayari
1. Lima kayong magkakapatid at ikaw ang panganay. Malubha ang karamdaman ng iyong
ina at kailangan na siyang dalhin sa pagamutan. Ang iyong ama ay gabi na kung umuwi sa
bahay ninyo. Ano ang nararapat mong gawin?
2. May kaklase kayo na laging nag-iisa at walang kaibigan
3. Masaya kayong naglalaro na magkakaklase ng biglang may umayaw sa paglalaro dahil
sa pagkatalo. Ano ang dapat mong gawin bilang kalaro?
4. Naglilinis kayo ng inyong silid-aralan ng biglang hindi mo sinasadyang maitapon ang tubig
sa iyong lalagyan. Nagalit ang isa ninyong kaklase dahil maglilinis ulit kayo na dapat
patapos na sa paglilinis. Ano ang iyong gagawin?
25
Tayahin
1. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap
a. emosyonal b. mental c. Pisikal d. Sosyal
2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sa Kalusugang Sosyal maliban sa isa, Alin ang
isang ito
a. Marunong makisalamuha sa mga tao c. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba
b. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa d. Pagpapahayag ng nararamdaman o galit
3. Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa positibong
pamamaraan.
a. Sosyal b, Pisikal c. Emosyonal d. Mental
4. May magandang samahan o pakikisama sa pamilya, kaibigan o komunidad
a. emosyonal b. mental c. Pisikal d, Sosyal
5. May positibong pananaw sa pagtanggap ng puna ng ibang tao
‘a. Mental b. emosyonal c. Sosyal d. Mental
Repleksyon/Pagninilay
Ako ay malusog na bata sapagkat_______________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Karagdagang Gawain
26
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1:Musika
Tayahin
1. 5.half note
2. 6. quarter note
3. 7.double eighth note
4. 8.quarter rest
9. nota (note)
10. pahinga (rest)
Isagawa
1.
2.
3.
4.
5.
Isaisip
nota
pahinga
Pagyamanin
1. Kalahating nota
(half note)
2. Kapat na nota
(quarter note)
3. Kawalong nota
(eighth note)
Balikan
STAFF
GCLEF
Subukin
1. C
2. A
3. B
4. E
5. D
27
Aralin 2 :Sining
Tayahin
Nakabatay sa itinakdang
pamantayan o rubriks ang
magiging marka ng mag-
aaral
Isagawa
Nakabatay sa itinakdang
pamantayan o rubriks ang
magiging marka ng mag-
aaral
Isaisip
nota
pahinga
Pagyamanin
Nakabatay sa itinakdang
pamantayan o rubriks ang
magiging marka ng mag-
aaral
Balikan Subukin
6. c
7. d
8. a
9. c
10. b
28
Aralin 3 :Edukasyong Pangkalusugan
Tayahin
1. I
2. F
3. A
4. B
5. G
6. D
7. J
8. C
9. E
10. H
Pagyamanin Subukin
16.T
17.T
18.T
19M
20. M
29
Aralin 4 :Health
Tayahin
1. A
2. D
3. C
4. D
5. B
Isagawa
Nakabatay sa karanasan at
pananaw ng bata
Isaisip
1. Mental
2.Emosyonal
3. Sosyal
Pagyamanin
1. KS
2. KM
3. KS
4. KE
5. KS
6. KM
7.KS
8.KM
9. KE
10. KS
Balikan
Nakabatay sa karanasan at
pananaw ng bata
Subukin
11. d
12. c
13. B
14. A
15. A
30
SANGGUNIAN
Musika
Hazel P. Copiano & Emilio S. Jacinto Jr, 2016. Halinang Umawit at Gumuhit: Kagawaran ng
Edukasyon: Republika ng Pilipinas.
PHOTO CREDITS
canva.com/education
google.com
Sining
Copiaco Hazel P. et. Al. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat.2016. Kagawaran
ng Edukasyon
Copiaco Hazel P. et. Al. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Manwal ng
Guro.2016.Kagawaran ng Edukasyon
MAPEH (Arts ) 5 – Modyul : Gawa kong Banga Kahanga hanga . Kagawaran ng
Edukasyon Rehiyon VIII
PHOTO CREDITS
Manunggul Jar. Commons.wikimedia.org
Burnay.commons.wikimedia.org
http://pluspng.com/kulturang-pinoy-png-5045.html
Edukasyong Pangkatawan
Gatchalian, Helen G., Ramos, Gezyl G.,& Yap, Johannsen C. 2016. Masigla at Malusog na
Katawan at Isipan. Kagawaran ng Edukasyon: Republika ng Pilipinas.
https://bit.ly/2NDrjiS
https://bit.ly/3gcrrlL
https://bit.ly/3dMUjiW
https://bit.ly/2CLHTeb
canva.com/education
google.com
31
Edukasyong Pangkalusugan
Gatchalian Helen G. et. Al.Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batang Aklat.2016.
Kagawaran ng Edukasyon
Gatchalian Helen G. et. Al.Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng
Guro.2016. Kagawaran ng Edukasyon
ALS Module . Malusog na Pamumuhay, Aralin 2 :Malusog na Pag-iisip, Malusog na
Katawan
PHOTO CREDITS
Girl laughing out loud.www.shutterstock.com/pic
Indian 8 year old boy holding his head in shame. www.shutterstock.com/pic
https://www.slideshare.net/vincentsabroso/pagiging-positibo
https://www.eapfoundation.com/writing/essays/problemsolution/
https://crystala28.wordpress.com/2016/09/07/magiliw-o-palakaibiganfriendly/
http://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-golden-rule.html
http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf
https://webstockreview.net/image/counseling-clipart-empathy/2555456.html
https://www.facebook.com/URI-NG-Pangungusap-213695268989520/photos/
https://kaugalian.wordpress.com/2016/03/05/pamilya/
32

Contenu connexe

Tendances

Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitEDITHA HONRADEZ
 
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEsp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEDITHA HONRADEZ
 
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docxGrade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docxNelMar14
 
SPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATION
SPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATIONSPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATION
SPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATIONMarissa Donato
 
FIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptFIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptRenato29157
 
PAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdf
PAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdfPAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdf
PAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdfColleenCruz4
 
ESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptx
ESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptxESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptx
ESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptxroseann572977
 
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdfMasistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdfAIVIEMELITADOESTOQUE
 
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...benzcadiong1
 
English 3 third quarter
English 3 third quarterEnglish 3 third quarter
English 3 third quarterKate Castaños
 
Technology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptx
Technology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptxTechnology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptx
Technology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptxJeminaBuagas1
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...LalainGPellas
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 

Tendances (20)

Pag-aalaga ng Hayop
Pag-aalaga ng HayopPag-aalaga ng Hayop
Pag-aalaga ng Hayop
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Esp yunit iv aralin 5
Esp yunit iv aralin 5Esp yunit iv aralin 5
Esp yunit iv aralin 5
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
 
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEsp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
 
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docxGrade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
Grade 4 DLL EPP 4 Q3 Week 3.docx
 
SPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATION
SPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATIONSPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATION
SPORE AND CONE BEARING PLANTS, VEGETATIVE PROPAGATION
 
Q3 epp agri v2
Q3 epp agri v2Q3 epp agri v2
Q3 epp agri v2
 
FIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptFIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.ppt
 
PAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdf
PAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdfPAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdf
PAGGAWA NG TABLE AT TSART.pdf
 
ESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptx
ESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptxESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptx
ESP_Q4_WEEK1_DAYS1-5.pptx
 
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdfMasistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
 
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
DAY-1-NAGAGAMIT-NANG-WASTO-ANG-MGA-PANGNGALAN-SA-PAGSASALITA-TUNGKOL-SA-TAO-B...
 
English 3 third quarter
English 3 third quarterEnglish 3 third quarter
English 3 third quarter
 
Technology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptx
Technology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptxTechnology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptx
Technology-and-Livelihood-Education-Quarter-2-Module-4.pptx
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN SCIENCE (Q1-Q4)
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q3-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
 
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
 

Similaire à MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf

FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf
Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdfFilipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf
Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdfrizza58
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfKristineDelaCruz50
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfJohnnyJrAbalos1
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxrufinodelacruz3
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 

Similaire à MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf (20)

FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
F11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdfF11_Q1_MODULE_2.pdf
F11_Q1_MODULE_2.pdf
 
Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf
Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdfFilipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf
Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdfKPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
KPWKP_Q1_Module6 Gamit ng Wika sa Lipunan (Instrumental at Regulatori).pdf
 
Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)
 
Music3 m2
Music3 m2Music3 m2
Music3 m2
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 

Plus de NathanielRondina1

ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxNathanielRondina1
 
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdfMAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdfNathanielRondina1
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxNathanielRondina1
 
Guidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptx
Guidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptxGuidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptx
Guidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptxNathanielRondina1
 
5s and Safety Tips in Workplace.pptx
5s and Safety Tips in Workplace.pptx5s and Safety Tips in Workplace.pptx
5s and Safety Tips in Workplace.pptxNathanielRondina1
 

Plus de NathanielRondina1 (11)

MAPEH5-Q3W3 FINAL.docx
MAPEH5-Q3W3 FINAL.docxMAPEH5-Q3W3 FINAL.docx
MAPEH5-Q3W3 FINAL.docx
 
Grade 5 Wellness Pics.pptx
Grade 5 Wellness Pics.pptxGrade 5 Wellness Pics.pptx
Grade 5 Wellness Pics.pptx
 
ART COT1.pptx
ART COT1.pptxART COT1.pptx
ART COT1.pptx
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
 
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdfMAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
 
Grade 5 Wellness Pics.pptx
Grade 5 Wellness Pics.pptxGrade 5 Wellness Pics.pptx
Grade 5 Wellness Pics.pptx
 
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docxARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
ARTS LP COT1 Nathaniel Rondina.docx
 
FINANCIAL LITERACY.pptx
FINANCIAL LITERACY.pptxFINANCIAL LITERACY.pptx
FINANCIAL LITERACY.pptx
 
Guidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptx
Guidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptxGuidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptx
Guidelines-on-OSHS-for-Public-Sector-v2.pptx
 
5s and Safety Tips in Workplace.pptx
5s and Safety Tips in Workplace.pptx5s and Safety Tips in Workplace.pptx
5s and Safety Tips in Workplace.pptx
 
JMC-no.1-V2.pptx
JMC-no.1-V2.pptxJMC-no.1-V2.pptx
JMC-no.1-V2.pptx
 

Dernier

Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumVALERIEYDIZON
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 

Dernier (20)

Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculumDLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
DLL_Araling Panlipunan ..k to 12 curriculum
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 

MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf

  • 2. MAPEH – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1 Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod Quezon Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Quezon City Department of Education – National Capital Region Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City Telefax: 3456 - 0343 E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: LINA O ROQUE ( Musika ) ISABELITO A. PALACOL ( Sining ) RODRIGO L. ROQUE ( Edukasyong Pangkatawan) ISABELITO A. PALACOL ( Edukasyong Pangkalusugan ) Editor: MYRNA L. CORTEZ, MA. VICTORIA S. DE LUNA, CHINITA S. APOSTOL, MARICEL G. CARBALLO, LEONARDO P. DAGUM JR. Tagasuri: ANA ROSA RABANAL, CRISPIN D. DUKA, RODOLFO F. DE JESUS, BRIAN SPENCER B. REYES Tagaguhit: MARK ANTHONY D. BUNGALSO Tagalapat: BRIAN SPENCER B. REYES, HEIDEE F. FERRER Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, SDS FREDIE V. AVENDAÑO, ASDS JUAN C. OBIERNA, Chief, CID HEIDEE F. FERRER, EPS – LRMS CRISPIN DUKA, EPS – MAPEH
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang (MAPEH – Ikalimang Baitang) Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul I. Ito ay nahahati sa apat na aralin : Musika Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. MUSIKA - Mga Nota at Pahinga SINING - Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading Technique EDUKASYONG PANGKATAWAN – Target Games : Tumbang Preso EDUKASYONG PANGKALUSUGAN – Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa MAPEH – Ikalimang Baitang) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul I. Ito ay nahahati sa apat na aralin ; - Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan MUSIKA – Mga Nota at Pahinga SINING - Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading EDUKASYONG PANGKATAWAN – Target Games : Tumbang Preso EDUKASYONG PANGKALUSUGAN - Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o
  • 6. iv talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo na nasa Ikalimang Baitang. Ito ay upang gabayan ka na matutunan mo at malinang ang iyong kaalaman at Kasanayan sa Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan. Sa pagtatapos ng modyul na ito, Ikaw ay inaasahang : MUSIKA - Matutukoy ang iba’t ibang uri ng nota (note) at pahinga (rest) na nakapaloob sa isang awitin. SINING Makagagawa ng ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D na bagay gamit ang pamaraang crosshatching at shading sa pagguhit EDUKASYONG PANGKATAWAN – Maipamamalas ang mga kasanayan o kakayahang kailangan sa paglalaro ng Tumbang Preso ayon sa Philippine Physical Activity Pyramid. EDUKASYONG PANGKALUSUGAN - Mailalarawan ang isang tao na may malusog na kaisipan, damdamin at pakikipag kapwa-tao Subukin A. Iugnay ang pangalan ng mga nota o pahinga sa simbolo nito. A B ______1. Kalahating nota (half note) A. ______2. Buong pahinga (whole rest) B. ______3. Kapat na nota (quarter note) C. ______4. Kapat na pahinga (quarter rest) D. ______5. Kawalong nota (eight note) E.
  • 8. 2 B. Piliin ang titik ng tamang sagot . _____6. Ang cross -hatching ay isang teknik o paraan ng__________ a. guhit b. linya c. Shading d. Tekstura _____7. Ang mga teknik o pamamaraan ng pagguhit tulad ng shading ay nakadaragdag sa _________Ng likhang sining a. lalim b. kapal c. Shading d. Lahat ng nabanggit _____8. Ito ay mahalaga sa ating sining dahil ipinapakita nito ang kasaysayan, kabuhayan at paraan ng pamumuhay noong unang panahon a. artifacts b. kulturang material c. Kulturang Di Materyal _____9. Isang anyo ng kagamitan sa pagluluto na hinulma sa pulang putik o luwad. a. panolong b. torogan c. Banga _____10. Ito ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuguhit a. lines b. texture c. balance _____11. Si Ana ay isang batang madaling makapag-isip ng solusyon sa mga problemang kinakaharap niya. Anong kalusugan ang kanyang taglay? a. Kalusugang Sosyal c. Kalusugang Emosyonal b. Kalusugang Pisikal d. Kalusugang Mental _____12. Si Amir ay walang tinatagong lihim, walang pagkukunwari. Anong kalusugan ang kanyang tinataglay? a. Sosyal b. Pisikal c. Emosyonal d. Mental _____13. Anong kalusugan ang may kakayahang harapin at malampasan ang mga pasanin at hamon ng pang-araw-araw na buhay? Ito ay kalusugang a. Emosyonal b. Mental c. Pisikal d. Sosyal _____14. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na pagkatao na kung saan makikita ang kalidad ng relasyon at abilidad na kontrolin o pangasiwaan ang nararamdaman? Ito ay kalusugang a. Emosyonal b. Mental c. Pisikal d. Sosyal _____15. Anong kalusugan ang tumutukoy sa kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t ibang uri ng ugali ng tao? a. Sosyal b. Pisikal c. Emosyonal d. Pangkaisipan D. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali. _____16. Ang Tumbang Preso ay tinatawag na target game. _____17. Upang maiwasan ang pananakit ng kalaman, kailangan mag- warm up at cool down exercise bago at matapos maglaro. _____18. Ang pagiging patas sa paglalaro ay isa sa kagandahang asal na nalilinang sa
  • 9. 3 paglalaro ng Tumbang Preso. _____19. Ang tawag sa manlalaro sa Tumbang Preso na nagbabantay sa lata ay guwardiya. _____20. Layunin ng larong Tumbang Preso na bantayan ang lata na huwag matumba ng kalaban. Aralin 1 Mga Nota at Pahinga Mayroong iba’t ibang uri ng nota at pahinga ang ginagamit sa notasyon ng isang awit o tugtugin. Ang bawat tunog na naririnig natin ay tinatawag na nota (note), samantalang ang walang tunog o katahimikan ay tinatawag namang pahinga (rest). Balikan Buuin ang jumbled letters upang maibigay mo ang tamang sagot. 1. Ano ang tawag sa limang guhit na ito sa musika? 2. Ano naman ang tawag sa simbolong ito? F T A S F ___ ___ ___ ___ ___ F C L E G ___ ___ ___ ___ ___
  • 10. 4 Tuklasin Pakinggan at pag-aralan ang piyesa ng awiting “Paruparong Bukid”. Maaari mong pakinggan sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=MHihzeQ-WRc Tukuyin ang mga simbolo ng nota at pahinga ang nakikita mo sa awitin Ang mga nota at pahinga na makikita sa awitin ay ang mga sumusunod: kalahating nota dobleng kawalong nota ( ) (double eighth notes) kapat na nota kalahating pahinga kawalong nota kawalong pahinga Ang awiting “Paruparong Bukid” ay isang Filipino bersyon ng awiting “Mariposa Bella”. Ito ay tradisyonal na awitin ng mga Espanyol noong 1800s. Ang awiting ito ay tungkol sa isang dalagita na may kilos at ugaling mayumi at may indayog gaya ng paruparo.
  • 11. 5 Suriin Pag-aralan ang tsart sa ibaba at tukuyin ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga nota at ng mga pahinga. Ipalakpak ang bilang ng kumpas. Mga Nota (Notes) Mga Pahinga (Rests) Bilang ng Kumpas (Beats) Buong Nota (whole note) Buong pahinga (whole rest) 4 Kalahating nota (half note) Kalahating pahinga (half rest) 2 Kapat na nota (quarter note) Kapat na pahinga (quarter rest) 1 Kawalong nota (eighth note) Kawalong pahinga (eighth rest) 1/2 Kalabing-anim na nota (sixteenth note) Kalabing-anim na pahinga (sixteenth rest) 1/4 Magkakaiba man ang simbolo at bilang ng kumpas ng mga nota, ang mga ito ay magkakaugnay. Katulad ng mga nota, ang mga rest ay magkakaiba rin ng anyo at bilang ng kumpas ngunit magkakaugnay din. Ang nota at pahinga ay may parehong bilang ng kumpas.
  • 12. 6 Pagyamanin Pakinggan at pag-aralan ang piyesa ng awiting “Atin Cu Pung Singsing”. Maaari mong pakinggan sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=gVZgJGC8u2k Tukuyin ang mga simbolo ng nota at pahinga ang nakikita mo sa awitin? Isaisip Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang sagot. Ang ________________ay nagpapahiwatig ng tunog sa isang awitin, samantala ang __________________ nagpapahiwatig ng katahmikan sa isang awitin. Isulat ang mga uri ng nota at at iguhit ang simbolo at bilang ng kumpas nito sa isang papel.
  • 13. 7 Isagawa Iguhit ang mga simbolo ng nota at pahinga. 1. Buong nota ______ 4. Kapat na pahinga ______ 2. Kawalong nota ______ 5. Kalabing-anim na pahinga ______ 3. Buong pahinga ______ Tayahin A. Pag-aralan ang awitin at tukuyin ang mga nota at pahinga na nakapaloob sa awitin. Isulat ang pangalan at simbolo sa talaan sa ibaba. Simbolo ng Nota at Pahinga Pangalan ng Nota at Pahinga 1 5 2 6 3 7 4 8 B. Isulat ang tamang sagot sa patlang. Ang bawat tunog na naririnig natin ay tinatawag na (9)._________________, samantalang ang walang tunog o katahimikan ay tinatawag namang (10).________. Karagdagang Gawain Iguhit sa plaskard ang mga nota (notes) at pahinga (rests). Ilagay sa iyong portfolio
  • 14. 8 Aralin 2 Pagguhit ng Banga gamit ang Cross-hatching at Contour Shading Technique Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Ang mga sinanunang anyo ng sining na ito ay binubuo ng mga banga,tapayan, at mga sinaunang anyo ng tirahan ng mga Pilipino. Ang mga bagay na ito ay mahahalagang yaman ng kultura na naglalarawan sa anyo ng pamumuhay natin noon. Balikan Ano-ano ang mga sinaunang kagamitan na naglalarawan sa anyo ng pamumuhay natin noon at naging bahagi ng kasaysayan ng ating bansa? Tuklasin Ang Paggawa ng banga at tapayan ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng mga banga) hindi lamang sa pagluluto o pag-iimbak ng pagkain, kundi maging sa paglilibing ng mga patay. Naganap ang gawaing ito mga 1000 BCE Ang Tapayang Manunggul ay isa lamang sa maraming tapayang natagpuan sa loob ng yungib, na may iba’t ibang laki at disenyo. Gayunman, sa lahat ng mga bangang natagpuan ay katangi-tangi ang Tapayang Manunggul na ayon kay Dr. Fox ay walang kapantay sa Timogsilangang Asya at “likha ng isang alagad ng sining at isang napakahusay na magpapalayok.” Ang tapayan ay itinuturing ngayon bilang isang Pambansang Yamang Kultural ng Pilipinas. Ang takip ng tapayan ay may anyo ng isang bangka na may nakasakay na dalawang tao. Ang tao sa likod ng bangka ay tila may hawak na sagwan samantalang ang nasa kaniyang harapan ay tila nakalagay nang pa-ekis ang mga kamay sa kaniyang dibdib. Ang bangka ay
  • 15. 9 mayroon ding tila mata at bibig. May disenyong pakurbang scroll ang itaas na bahagi ng banga na ipininta gamit ang pulang hematite. Ayon sa mga ebidensiyang nakalap, ang tapayan ay ginamit bilang lalagyan para sa ikalawang paglilibing ( secondary burial) , isang prehistorikong paraan ng paglilibing na ang mga buto ng tao na hinukay mula sa una nitong pinaglibingan ay inilalagay sa tapayan isang taon pagkatapos ng kamatayan nito upang muling ilibing. Natuklasan din na ang mga buto ay nilinis at pinintahan gamit ang pulang hematite bilang bahagi ng panimulang paghahanda sa ikalawang paglilibing. Kalaunan, ang tapayan ay ilalagay sa pinakamaliwanag at pinakamagandang bahagi ng kuweba. Ano-anong teknik sa pagguhit ang maaring gamitin upang maipakita ang kakaibang disenyo ng mga banga? Suriin Paano iguguhit ang mga banga na maipapakit ang mga detalye ng bawa itsa? Sa pamamagitan ng paggamit ng mga teknik o pamamaraan sa pagguhit, maaring lumikha ng sari-saring epekto. Maipapakita ang lalim, kapal at teksture ng bagay na iginuhit sa pamamagitan ng cross-hatching at iba pang teknik ng shading.. Ang cross-hatching ay isang paraan ng shading kung saan paulit-ulit ang pagguhit ng pinag-krus na linya Sa isang hiwalay na papel, subukang magsanay gamit ang pahilis pakaliwa na linya, pahilis pakanan na linya, pahigang linya at patayong linya, pagsasama –sama ng lahat ng uri ng linya.
  • 16. 10 Pagyamanin Pagguhit ng Banga Gamit ang Crosshatching at Contour Shading Panuto: Gumawa ng ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D na bagay gamit ang pamaraang crosshatching at contour shading sa pagguhit. Mga Hakbang sa Paggawa: 1. Matamang pagmasdan ang mga disenyo na nasa kaliwang kahon. 2. Pag-aralang mabuti ang pamaraang crosshatching at contour shading sa pagguhit. 3. Gamit ang lapis, gayahin ang larawan sa kaliwa sa pamamagitan ng pagguhit nito sa loob ng kahon na nasa kanan. 4. Suriing mabuti kung nabigyan ba ng 3D effect ang mga iginuhit
  • 17. 11 Isaisip Ang cross-hatching ay isang pamamaraan ng shading upang bigyang lalim,kapal at tekstura ang biswal na paningin at pandama ng larawang iginuhit Isagawa Gamitan ng crosshatching at contour shading techniques ang mga naiguhit na mga banga na may iba’t ibang laki sa larawang B upang magkaroon ito ng 3D effect tulad ng naipakita sa larawang A. A. Cross- Hatching
  • 19. 13 Tayahin Rubriks para sa Pagguhit ng Banga Mga Sukatan Higit na nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng Likhang Sining ( 5 ) Nasusunod ang pamantayan sa pagbuo ng Likhang Sining ( 3 ) Hindi nasunod ang pamantayan sa pagbuo ng Likhang Sining (2 ) 1.Nabigyan ng ilusyon ng lalim, kapal at tekstura gamit ang cross hatching na pamamaraan sa pagguhit 2. Nakasusunod ng tama sa mga hakbang sa pagguhit 3. Naipakita at nabigyang diin ang natatanging disenyo ng mga bangang iginuhit Sa isang hiwalay na papel, subuking gumuhit ng isang mahalaga o lumang antigong bagay na makikita sa inyong tahanan. Karagdagang Gawain
  • 20. 14 Aralin 3 Masayang Maglaro ng Target Games (Tumbang Preso) Ang Tumbang Preso ay isa sa pinakakilalang target game sa Pilipinas. Masayang laruin ito. May mga kakayahang nalilinang sa madalas na paglalaro nito. Marami ring magandang naidudulot ito sa kalusugan. Balikan Kilalanin mo ang mga larawan. Tukuyin kung ano ang tawag sa mga larong ito sa pamamagitan ng pagbuo ng jumbled letters upang maibigay mo ang tamang sagot. R A O N L G Y O P I N ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
  • 21. 15 Tuklasin Alam mo ba kung ano ang tawag sa larong ito na nasa ibabang larawan? Nasubukan mo na ba itong laruin? Ano-ano ang mga kailangang kagamitan sa paglalaro nito? Ano-anong mga kasanayan o kakayahan ang maaaring malinang sa paglalaro nito? Suriin Paglalaro ng Tumbang Preso Sa Pilipinas, madalas na laruin ng mga bata ang target game na Tumbang Preso. Ang manlalaro ng Tumbang Preso na nagbabantay ng lata at nanghuhuli ng ibang manlalaro ay tinatawag na preso. Kaya ang larong ito ay tinawag na Tumbang Preso. Lugar na Paglalaruan: Sa patag at malawak na lugar. Mga Kailangan sa Paaralan: - Isang lata na walang laman (o anumang lata) - Pamato na kalimitan ay tsinelas para sa bawat manlalaro. Bilang ng Manlalaro: - lima hanggang siyam na bilang ng manlalaro.
  • 22. 16 Formation: Tatayo ang taya sa tabi ng iginuhit na bilog samantalang ang iba naman ay nakatayo sa likuran ng tuwid na guhit. Layunin ng Laro: - Mapatumba ang lata sa pamamagitan ng paghagis ng pamato mula sa kinatatayuang linya. - Makuha muli ang pamato at makabalik sa linya nang hindi natataya. Kagandahang Asal na Nalilinang: - Itinuturo ng larong ito ang pagiging patas at pagpapakita ng sportsmanship. Kakayahang o Kasanayang Nalilinang: - Nakatutulong ang larong ito sa paglinang ng iyong kakayahan sa bilis, liksi, lakas ng braso at kalamnan, kalakasan ng mga binti, at katatagan ng kalamnan na nakatutulong sa ating paglalaro at sa ating kalusugan at pangangatawan. Mga Hakbang sa Paglalaro: 1. Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng paghahagis ng kanilang pamato mula sa loob ng bilog papunta sa toe line. Ang pinakamalayo ang pamato sa toe line ang siyang magiging taya. 2. Babantayan ng taya ang lata na nasa loob ng bilog upang hindi ito maitumba ng mga manlalaro na nasa toe line. 3. Kapag naitumba ang lata, kailangang mabawi ng manlalarong nakatama ng lata ang kaniyang pamato nang hindi nahuhuli ng taya. 4. Kung mahuhuli ang manlalaro, siya ang panibagong taya. 5. Ibabalik ng taya ang lata sakaniyang orihinal na posisyon at susubukang bantayan ito laban sa ibang manlalaro. Panuntunang Pangkaligtasan: 1.Tiyaking walang sagabal ang lugar na paglalaruan. 2. Mag- warm up at cool down exercise bago at matapos maglaro upang maiwasan ang pananakit ng kalamanan. 3. Magsuot ng angkop na kasuotan sa paglalaro. 4. Huwag maglaro kung may sakit o karamdaman. 5. Kailangan ng ibayong pag-iingat sa paglalaro.
  • 23. 17 Pagyamanin May mga iba pang gawain na maaari mong gawin sa bahay upang malinang ang iyong kailangang kakayahan o kasanayan sa paglalaro ng Tumbang Preso. Siguraduhing walang sagabal o nakakalat na bagay sa lugar na iyong gagamitin at sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan. Sa, patnubay ng iyong magulang o tagapag-alaga, gawin mo ang mga sumusunod na gawain. 1. Bilis 2. Liksi 3. Lakas ng braso at kalamnan 4. Kalakasan ng mga binti _________________ 5. Katatagan ng kalamnan . Maglaro ng luksong lubid gamit ang mahabang garter, pinagsama-samang goma o tali. gawin ito ng 10 beses. Tumakbo ng mabilis . Maaaring gawin ito sa inyong sala, sa kuwarto o sa kusina ng sampung (10) beses ng pabalik-balik. Itulak o hatakin mo ang upuan o mesa o magbuhat ng upuan na tama ln gang timbang Gawin ito ng 10 beses. Tumalon ka ng 10 beses sa iyong kinatatayuan. Maaari mo itong gawin araw-araw. Magwalis o maglinis ng sahig. Maaari mo itong gawin araw-araw. Maaari mo itong gawin araw-araw.
  • 24. 18 Isaisip Kumpletuhin ang pahayag. Punan mo ng wastong sagot ang patlang. Sa paglalaro ng Tumbang Preso, nalilinang ang aking kakayahan sa ________________, ________________, ______________________, _____________________, at ___________________na maaaring makatulong sa aking paglalaro at kalusugan at pangangatawan. Mahalagang sundin ang mga panuntunang ______________________ sa paglalaro ng Tumbang Preso upang maiwasan ang sakuna habang naglalaro. Ano kagandahang asal na maaaring malinang sa paglalaro ng Tumbang Preso ay pagiging ______________________ at __________________________ . Isagawa Laruin ang larong Tumbang Preso, sa pamamagitan ng pagbato ng isang latang walang laman gamit ang iyong tsinelas. Maaari mo ring gamitin ang mga sumusunod na bagay na pamalit sa lata tulad ng mga walang laman ng boteng plastik ng shampoo, softdrinks, mineral water, polbo, kahon ng gamot.
  • 25. 19 Siguraduhing walang sagabal o nakakalat na bagay sa lugar na iyong gagamitin at sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro. Tayahin Punan ang patlang upang mabuo ang bawat pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat sa patlang bago ang bilang ang letra ng iyong sagot. _______1. Ang manlalarong nagbabantay ng lata sa Tumbang Preso ay tinatawag na ____. _______2. Tiyaking mag-__________ bago maglaro upang maiwasan ang pananakit ng kalamnan. _______3. Ang larong _______________ ay isa sa pinakakilalang target game sa Pilipinas. _______4. Ang kakayahan na nalilinang sa pamamagitan ng pagtakbo ng mabilis. _______5. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng pagwawalis at paglalampaso ng sahig. _______6. Tiyaking _______________at walang sagabal ang lugar na paglalaruan. _______7. Ang taya ay pinipili sa pamamagitan ng paghahagis ng kanilang ___________. _______8. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng paglaro ng luksong lubid. _______9. Ang kakayahan o kasanayang nalilinang sa pamamagitan ng pagtalon, pag-akyat ng hagdan at pag-iwas sa mga nakakalat ng laruan ng iyong kapatid. _______10. Ang pagiging sportmanship sa paglalaro ay isa sa kagandahang asal na nalilinang sa paglalaro ng Tumbang Preso. A. Tumbang Preso F. Warm up B. Bilis G. Katatagan ng kalamnan C. Liksi H. sportmanship D. malawak I. Preso E. Kalakasan ng mga binti J. Pamato
  • 26. 20 Karagdagang Gawain Magbigay ng limang (5) kabutihang dulot ng paglalaro ng “Tumbang Preso”. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Aralin 4 Mental, Emosyonal at Sosyal na Kalusugan Ang kalusugan ay hindi lamang kawalan ng karamdaman. Ito rin ay ang pagkakaroon ng malusog na katawan, at maayos na kalagayang mental, emosyonal, at sosyal. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng bawat aspekto ng pagkatao dahil Malaki ang epekto ng mga ito sa pangkabuuang kalusugan. Balikan 1. Ikaw ba ay malusog? Bakit mo nasabi ito? 2. Sa iyong palagay, ano-ano kailangan ng isang tao upang maging malusog? Tuklasin Ating Suriin ang mga sumusunod na larawan: a. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit masaya ang bata sa unang larawan? b. Bakit kaya malungkot ang bata sa pangalawang larawan? c. Ano masasabi ninyo sa pangatlong larawan?
  • 27. 21 Suriin KALUSUGANG MENTAL O PANGKAISIPAN Ang Kalusugang Mental o pangkaisipan ay kakayahan ng isang tao na maging masaya sa buhay, may kakayahang harapin ang mga pasanin at malampasan ang mga hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay. Kabilang dito ang mga sumusunod : • Paggawa ng desisyon • Pag-angkop at pagkaya sa mabibigat na suliranin • Pagnanais na makagawa ng solusyon sa bawat kinakaharap na problema • Nagtataglay ng positibong pananaw sa buhay KALUSUGANG SOSYAL O PANLIPUNAN Ang Kalusugang Sosyal ay ang kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t ibang uri at ugali ng tao, kung paano makisalamuha ang mga tao sa iyo at kung paano ka makipag- ugnayan sa iyong lipunang kinabibilangan.
  • 28. 22 • Palakaibigan • Marunong makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao • Nauunawan ang nararamdaman ng kapwa tao • Nailalagay ang sarili sa sitwasyong ng iba • May tiwala at paggalang sa nararamdaman ng kapwa • Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag-aral, • Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa KALUSUGANG EMOSYONAL Ang kalusugang Emosyonal ay tumutukoy sa kakayahang magpahayag ng damdamin sa tamang paraan. Ito ay pagpapakita ng positibong emosyon at pag-uugali. Nagiging madali at maayos ang lahat ng pangyayari o sitwasyon at maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng magkakaibigan, magkaklase, magkamag-anak o magkapatid kung kaya niyang kontrolin at pangasiwaan ng tama ang kanyang emosyon o nararamdaman. Ang mga kakayahan ng taong may malusog na emosyon ay ang mga sumusunod.
  • 29. 23 • Maging Masaya o magkaroon ng dahilan/kakayahang pasayahin ang sarili • Mapanatili ang magandang relasyon ng mga taong nakakasama • Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap • Kakayahang tanggapin ang puna ng ibang tao • Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay • Walang tinatagong lihim o walang pagkukunwari • Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa positibong pamamaraan. Pagyamanin Alamin kung anong kalusugan ang tinutukoy. Isulat ang KM kung Kalusugang Mental, KE kung Kalusugang Emosyonal at KS kung kalusugang Sosyal _____________1. Marunong making at umunawa sa saloobin o hinaing ng kapwa _____________2. Madaling makaisip ng solusyon sa mga problemang kinakaharap _____________3. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba _____________4. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap _____________5. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa _____________6. Malampasan ang hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay _____________7. Kakayahang tanggapin ang pagkatao at ugali ng kaibigan _____________8. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili _____________9. Walang tinatagong lihim / pagkukunwari’ _____________10. Marunong makisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao
  • 30. 24 Isaisip Buuin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan sa bawat numero. 1. Ang Kalusugang ______________ay abilidad ng isang tao na makapagpasaya sa buhay, kakayahang harapin at malampasan ang mga pasanin at hamon ng pang- araw-araw na buhay 2. Ang Kalusugang_________________ay tumutukoy sa kabuuang sikolohikal na pagkatao na kung saan makikita ang kalidad ng mga relasyon at abilidad na kontrolin o pangasiwaan ang nararamdaman. 3. Ang Kalusugang_________________ ay ang kakayahang makihalubilo at makisama sa iba’t ibang ugali ng tao. Isagawa Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat/Ilahad kung ano ang iyong gagawin sakaling ikaw ay maharap sa mga halimbawang pangyayari 1. Lima kayong magkakapatid at ikaw ang panganay. Malubha ang karamdaman ng iyong ina at kailangan na siyang dalhin sa pagamutan. Ang iyong ama ay gabi na kung umuwi sa bahay ninyo. Ano ang nararapat mong gawin? 2. May kaklase kayo na laging nag-iisa at walang kaibigan 3. Masaya kayong naglalaro na magkakaklase ng biglang may umayaw sa paglalaro dahil sa pagkatalo. Ano ang dapat mong gawin bilang kalaro? 4. Naglilinis kayo ng inyong silid-aralan ng biglang hindi mo sinasadyang maitapon ang tubig sa iyong lalagyan. Nagalit ang isa ninyong kaklase dahil maglilinis ulit kayo na dapat patapos na sa paglilinis. Ano ang iyong gagawin?
  • 31. 25 Tayahin 1. Katatagan ng kalooban sa bawat suliraning kinakaharap a. emosyonal b. mental c. Pisikal d. Sosyal 2. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sa Kalusugang Sosyal maliban sa isa, Alin ang isang ito a. Marunong makisalamuha sa mga tao c. Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng iba b. Nauunawaan ang nararamdaman ng kapwa d. Pagpapahayag ng nararamdaman o galit 3. Kakayahang tanggapin ang mga sitwasyon o pangyayari sa buhay sa positibong pamamaraan. a. Sosyal b, Pisikal c. Emosyonal d. Mental 4. May magandang samahan o pakikisama sa pamilya, kaibigan o komunidad a. emosyonal b. mental c. Pisikal d, Sosyal 5. May positibong pananaw sa pagtanggap ng puna ng ibang tao ‘a. Mental b. emosyonal c. Sosyal d. Mental Repleksyon/Pagninilay Ako ay malusog na bata sapagkat_______________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ Karagdagang Gawain
  • 32. 26 Susi sa Pagwawasto Aralin 1:Musika Tayahin 1. 5.half note 2. 6. quarter note 3. 7.double eighth note 4. 8.quarter rest 9. nota (note) 10. pahinga (rest) Isagawa 1. 2. 3. 4. 5. Isaisip nota pahinga Pagyamanin 1. Kalahating nota (half note) 2. Kapat na nota (quarter note) 3. Kawalong nota (eighth note) Balikan STAFF GCLEF Subukin 1. C 2. A 3. B 4. E 5. D
  • 33. 27 Aralin 2 :Sining Tayahin Nakabatay sa itinakdang pamantayan o rubriks ang magiging marka ng mag- aaral Isagawa Nakabatay sa itinakdang pamantayan o rubriks ang magiging marka ng mag- aaral Isaisip nota pahinga Pagyamanin Nakabatay sa itinakdang pamantayan o rubriks ang magiging marka ng mag- aaral Balikan Subukin 6. c 7. d 8. a 9. c 10. b
  • 34. 28 Aralin 3 :Edukasyong Pangkalusugan Tayahin 1. I 2. F 3. A 4. B 5. G 6. D 7. J 8. C 9. E 10. H Pagyamanin Subukin 16.T 17.T 18.T 19M 20. M
  • 35. 29 Aralin 4 :Health Tayahin 1. A 2. D 3. C 4. D 5. B Isagawa Nakabatay sa karanasan at pananaw ng bata Isaisip 1. Mental 2.Emosyonal 3. Sosyal Pagyamanin 1. KS 2. KM 3. KS 4. KE 5. KS 6. KM 7.KS 8.KM 9. KE 10. KS Balikan Nakabatay sa karanasan at pananaw ng bata Subukin 11. d 12. c 13. B 14. A 15. A
  • 36. 30 SANGGUNIAN Musika Hazel P. Copiano & Emilio S. Jacinto Jr, 2016. Halinang Umawit at Gumuhit: Kagawaran ng Edukasyon: Republika ng Pilipinas. PHOTO CREDITS canva.com/education google.com Sining Copiaco Hazel P. et. Al. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Batayang Aklat.2016. Kagawaran ng Edukasyon Copiaco Hazel P. et. Al. Halinang Umawit at Gumuhit 5 Manwal ng Guro.2016.Kagawaran ng Edukasyon MAPEH (Arts ) 5 – Modyul : Gawa kong Banga Kahanga hanga . Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon VIII PHOTO CREDITS Manunggul Jar. Commons.wikimedia.org Burnay.commons.wikimedia.org http://pluspng.com/kulturang-pinoy-png-5045.html Edukasyong Pangkatawan Gatchalian, Helen G., Ramos, Gezyl G.,& Yap, Johannsen C. 2016. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan. Kagawaran ng Edukasyon: Republika ng Pilipinas. https://bit.ly/2NDrjiS https://bit.ly/3gcrrlL https://bit.ly/3dMUjiW https://bit.ly/2CLHTeb canva.com/education google.com
  • 37. 31 Edukasyong Pangkalusugan Gatchalian Helen G. et. Al.Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batang Aklat.2016. Kagawaran ng Edukasyon Gatchalian Helen G. et. Al.Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng Guro.2016. Kagawaran ng Edukasyon ALS Module . Malusog na Pamumuhay, Aralin 2 :Malusog na Pag-iisip, Malusog na Katawan PHOTO CREDITS Girl laughing out loud.www.shutterstock.com/pic Indian 8 year old boy holding his head in shame. www.shutterstock.com/pic https://www.slideshare.net/vincentsabroso/pagiging-positibo https://www.eapfoundation.com/writing/essays/problemsolution/ https://crystala28.wordpress.com/2016/09/07/magiliw-o-palakaibiganfriendly/ http://ordialeslilian.blogspot.com/2016/08/ang-pakikipagkapwa-at-ang-golden-rule.html http://www.depedbataan.com/resources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_.pdf https://webstockreview.net/image/counseling-clipart-empathy/2555456.html https://www.facebook.com/URI-NG-Pangungusap-213695268989520/photos/ https://kaugalian.wordpress.com/2016/03/05/pamilya/
  • 38. 32