SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  16
Tektsong Deskriptibo
BATAYANG KASANAYAN
Paglalarawan ng paraan ng pamumuhay ng isang bayan o lungsod
MGA LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang
1. nakasusuri ng mga tekstokng deskriptibo ayon sa kaugnayan ng mga ito sa sarili, pamilya,
at lipunan;
2. nakakakilala ng pagkakaiba ng masining at karaniwang paglalarawan; at
3. nakasusulat ng tekstong ginagamitan ng tayutay.
MODYUL
3 o Naglalarawan
PAGLALAPIT
Basahinang sipi ng isang maikling kwento. Pagtaposaysundin ang panuto at sagutin
ang mga kasunodnito.
Maganda si Mareng Mensiya, ngunit ang mas nakaakit-pansin sa kaniya, sa pagkatanda ko sa
panahon ng kaniyang ‘kasariwaan,’ ay ang kaniyang makapal, alon-along buhok na lagpas-
baywang, mapupurok na pisngi, atkutis morena. Siya pa rin ang naging ‘high society’ sa aming
lugar sapagkat tanging siya lamang sa aming pook ang nakakasunod sa layaw ng katawan.
Napapalatak kaming lahat, halos mapatid ang ugat sa aming mga leeg kapag hinahabol na
namin ng tanaw si Mareng Mensiya kung siya halimbawa’y paluwas ng Maynila upang mag-
shopping o kaya’y magsine: nakakolorete, handbag, sandalyas, at barong sunod sa uso. Sa
gayong pagkakatao’y hindi maiwasang hindi mangimbulo sa kaniya ang aming ina’t ina.
sipi mula sa maikling kuwentong “Mareng Mensiya”
ni Fanny A. Garcia
1. Sino ang paksa ng sipi? Anong katangian ng paksa ang inilalarawan sa sipi?
2. Anong impresyon tungkol sa paksa ang nabuo sa iyong isip? Sa kabuuan, ibigay sa isang
pangungusap ang katangian ng paksa na nais iparating sa sipi.
3. Ano-anong paglalarawan ang ginamit tungkol sa tauhan kaya nabuo ang gayong impresyon
sa iyong isip? Salungguhitan ang mga bahaging naglalarawan sa paksa.
4. Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagdedetalye ng mga katangian ni Mareng Mensiya?
PAGLILIPAT
Ang tekstong deskriptibo ay may layuninh ilarawan ang mga katangian ng mga bagay,
pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at iba pa. Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat
ng uri ng teksto upang magbigay ng karagdagang detalye at nang tumatak sa isipan ng
mambabasa ang isang karanasan o imahe ng paksang tinatalakay.
Ano ang Tekstong Deskriptibo?
Ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suportasamga impormasyon inilalahad
ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinasalaysay satekstong naratibo.
Maaring payak lamang ang paglalarawan, o kaya’y mas malinaw na nakapupukaw sa ating
limang pandama–paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama–upang maging
kongkreto ang paglalarawan sa isip ng mga mambabasa.
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo
• mga akdang pampanitikan • suring–basa
• talaarawan • obserbasyon
• talambuhay • sanaysay
• polyetong panturismo • rebyu ng pelikula o palabas
Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo
May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong desskriptibo.
KaraniwangPaglalarawan
Sa karaniwang paglalarawan, tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit
sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri at pang-abay.
Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasayon lalo na ang
pagbuga ng usok mula sa mga pabrika at mga kotsesa kalsada, at paggamitng karbon sa halip
na mga ligtas alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina, ang malalaking pabrika at
gawaing industriyal ang nagdudulot ng makapal at nakakasalong usok.
(Mula sa Asya: Noon at Ngayon nina Alvarez at Ditchella, 2014)
Madalas ginagamit ang paglalarawan sa mga pananaliksik tungkol sa teknolohiya, agham at
agham panlipunan. Halimbawa, sa siyentipikong pamamaraan, talas ng mata at mapanuring isip
ang puhunan ng isang siyentipiko sa pagsasagawa ng kaniyang obserbsayon. Inilalahad naman
niya ang naobserbahan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga pisikal na katangian. Ang
obserbasyon ang tumutulong sa kaniya na makabuo ng mga hinuha.
Ginagamit din ang tekstong deskriptibo sa paglalarawan ng mga kurikulum at silabus ng mga
kurso sa kolehoya. Ginagamit din ang tekstong naglalarawan sa pagbuo ng mga misyon at
bisyon ng mga simbahan, organisasyon, at iba pang institusyon.
Bagaman tahasang binabanggit ang mga katangian ng isang paksa sakaraniwang paglalarawan,
hindi ito sapat upang lumikha ng malinaw na imahe sa isip ng mambabasa.
Masining na Paglalarawan
Samasining na paglalarawan, malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong
imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig ipaamoy, ipalasa at ipadama
ang isang bagay, karanasan, o pangyayari. Ang masinig na paggamit na wika ay nagagawa sa
tulong ng mga tayutay upang ihambing ang paksa sa isang bagay na mas malapit sa karanasan
o alaala ng mambabasa. Binubuhay ng isang manunulat ang ganitong diskurso sa mga tekstong
pampanitikan kagaya nga mga tula, maikling kuwento, nobela at sanaysay.
Ihambing ang sumusunod sasipisaunang sipi sanakaraang pahina. Pansinin kung paano naging
mas matingkad ang paglalarawan nang palitan ang mga pang-uri. Makikita rito kung paano
nagiging mas kongkreto ang paglalarawan ng mga ‟dambuhala” at ‟singdami ng kabuteng
pabrika.” Malaki ang naitulong ng paggamit ng tayutay upang makamit ito.
Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang
pagbuga ng usok mula sa mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas
na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina kung saan dambuhala at singadami ng
kabute ang mga pabrika na dala ng maunlad nilang industriya, halos balutan na ng itim at
nakakalasong ulap ang buong siyudad.
Gabay sa Pagbasa ng Teksong Deskriptibo
Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaring gamiting gabay sa pagbabasa ng tekstong
deskriptibo.
Layunin ng may-akda
• Ano ang hangarin ng may-akda sa pagsulat?
• Malinaw bang naipakita ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay
ng impormasyon?
Mga pangunahing atsuportang ideya
• Tungkol saan ang teksto?
• Ano ang pangunahin ideya tungkol sa paksa?
• Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya?
• Paano inilahad ang mga suportang ideya?
• Nagsisimula ba ang talakay sa maliit na detalye tungo sa malawak o pangkalahatang
ideya, o patungo ba sa pagiging tiyak ang paghuhulma ng mga detalye?
Paraan ng paglalarawan
• Ano ang paksang inilalarawan sa teksto?
• Paano ito inilalarawan?
• Anong uri ng paglalarawan ang ginamit? Ito ba ay payak o masining na
paglalarawan?
• Anong katangian ng paksa ang binigyang-diin sa paglalarawan?
• Kung payak ang paglalarawan, ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang
katangiang ito?
• Kung masining ang paglalarawan, ano-anong tayutay ang ginamit sa paglalarawan?
Impresyong nabuosa isip
• Anong impresyon ang nabuo sa iyong isip batay sa paglalarawan?
• Malinaw o kongkreto ba ang imaheng nalikha ng paglalarawan? Anong image ito?
• Paano nabuo ang imaheng ito gamit ang payak at masining na paglalarawan?
• Anong damdamin ang pinupukaw ng paglalarawan?
• Ano ang nais ipaabot o layunin ng may-akda sa pagbuo ng gayong impresyon sa
iyong isip?
• Ano ang halaga ng paglalarawang ito sa kabuuan ng teksyo?
Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo
Bagaman may tinatawag na deskriptibong sanaysay, mas madalas sumusulat ng tekstong
deskriptibo upang magsilbing karagdagan o suportang deltalye sa isang sulatin. Mahalagang
unang malaman ang layunin ng isinusulat at pag-isipan kung paano makatutulong ang
paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye sa mensaheng nais ipabatid.
Sa pagsulat ng tekstong deskriptibo, mahalagang pag-isipan kung aling aspekto ng paksang
inilalarawan ang sapat nang gamitan ng payak na paglalarawan lamang at alin ang dapat laanan
ng masining na paglalarawan. Kung ang aspektong iyon ay nararapat bigyang-diin at nais itatak
sa karanasan ng mambabasa, nababagay lamang na ito ang gamitan ng masining na
paglalarawan. Kaugnay nito, gumamit lamang ng mga wastong salita na maghahayag ng
eksaktong ibig sabihin. Iwasang maging maligoy sapaglalarawan. Kung payak na paglalarawan
ang gagawin, gamitin ang eksaktong pang-uri o pang-abay. Gayundin sa pagbubuo ng masining
na paglalarawan, upang mag-iwan ng malinaw na impresyon sa mambabasa.
Makatutulong ang paggamit ng tayutay upang maging malikhain sa paggamit ng wika.
A. Ang Simili o Pagtutulad ay tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya,
kasing, kawangis, kapara, atkatulad.
1. Kasingningningng mga bituin ang iyong mga mata.
2. Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang saisang higante.
B. Ang Metapora o Pagwawangisay tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya't
hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad.
1. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
2. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib.
C. Ang Personipikasyono Pagsasataoay tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang
pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay.
1. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
2. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating bansa.
D. Hayperboli o Pagmamalabis ay tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan
kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
1. Pasan ko ang daigdig sadami ng problemang aking kinakaharap.
2. Nagdurugoang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito.
E. Ang Onomatopeya o Paghihimig ay tumutukoy sa paggamit ng salitang may
pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito.
1. Malakas ang dagundongng kulog.
2. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.
3. Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob
Bukod sa pagpipinta ng imahe sa isip ng mambabasa, maaari ding magdagdag ng paglalarawan
ng emosyon upang tumagos din sa damdamin mambabasa ang inilalarawan.
Panghuli, balikan ang isinulat at siguruhing organisado ito. Siguruhing nakasusunod pa rin sa
layunin ng isinusulat na teksto at napili nang mabuti ang mga aspekto ng paksa na nais bigyang-
diin.
Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo
Ang karanasang Di Ko Makakalimutan
Jheru Anselmo Mendoza
Lahat tayo ay may karanasang 'di malilimutan-karanasan sa pag-ibig, sa pakikipagkaibigan,
at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Aling alaala
ang lubos na nagdulot sa atin ng sakit? Kailan ba tayo naging masaya? Naaalala mo pa ba?
Sa dami ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata ang isang libro para maikuwento
ko nang buo ang simpleng buhay ko.
Ang aking pamilya ay malaki, pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kami
magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan,
kinakaya namin ano mang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng
aking mahalna ina noon,"Ayoslang dawmaghirap kamiatmagdildil ng asin, bastakompleto
at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kaniyang
pamilya noon, bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap
daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na
ina sa buongmundo!Kasimaayosniyakaming napalakikahitnag-iisana lamang siya ngayon.
Ang aking ama naman ay isang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit
minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak.
Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit ang 'di namin
nalalaman ay isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na susubok sa
aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang
nang malaman ng doktor na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman
naming balita. Gayunpaman ay pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil ayaw
naming makita niyang nalulungkotkami para sa kaniya, at para kahit paano ay mabawasan
ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.
Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamotdahil sa kakulangan sa pera.
Lumala nang lumala ang sakit niya, bumagsak ang dating masigla niyang katawan, at
nangayayat siya nang husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004 noon, ito ang araw ng kaniyang
pagsilang. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagdiwang ng
kaarawan niya. Ang ama ko ay masaya noong araw na 'yon kahit nararamdaman ko na
parang malungkot siya. Hindi niya pinakikita sa amin iyon. Gusto niyang maging masaya
kami. Ang saya talaga ng araw na 'yon para sa akin.
Mga pamatnubay na tanong
1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito?
Ilahad ang pangunahing paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya.
2. Ano-anong bahagi ng teksto ang ginamitan ng paglalarawan?
• Anong uri ng paglalarawan ang ginamat?
• Anong impresyon o imahe ang nabuo sa iyong isipan tungkol sa paksang inilalarawan?
• Anong damdamin ang tinatangkang ipadama ng teksto?
• Paano nakakatulong ang paglalarawan na matupad ang layunin ng teksto?
3. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig?
Ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan na
niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako habang
tinitingnan ko ang walang buhay na katawan niya. Pero naalala ko ang sabi sa akin ng aking
ama noon; "Anak, 'wag kang iiyak kapag nawala na ako, ha." Kaya noong libing niya ay hindi
na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya; na hindi na siya mahihirapan dahil
kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama.
Halaw mula sa isang sanaysay sa Wattpad.com
Modyul 3
Tekstong Deskriptibo
Pangalan: Petsa:
Seksiyon: Guro:
PAGLALAPAT
A. Tukuyin kung masining o karaniwang paglalarawan ang ipinapakita sa pangungusap.
1. Tila isang tuod na puno nalamang ang kaniyang naging tugon sa
sigaw ng magnanakaw.
2. Isang bundok na labada ang hinaharap ni Tiya Mercy tuwing
sabado.
3. Nagulat siya nang makitang ngumingiti na pala ang isang kapares
ng kaniyang sapatos.
4. Sirang-sira na ang kaniyang bag nang iwan ng magnanakaw sa
isang kanto.
5. Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng hangin na dala ng
bagyo.
6. Bihira na sa ngayon ang isang kandidatong may mabuting
hangarin para sa bayan.
7. Matapang na ipinaglaban ni Jejomar Binay ang kaniyang
paninindigan na hindi siya haharap sa Senado tungkol sa bintang
sa kaniyang katiwalian.
8. Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng isang akusado ng
isang krimen.
9. Malakas, matipuno, at matikas ang nararapat na katangian ng
isang lalaking haharap sa laban ng boksing.
10. Kahit kailan, talo ang walang paninindigan.
B. Basahin ang teksto. Suriin ito ayon sa mga katangian at anyo ng isang tekstong
deskriptibo.
Langhap at Lasap ng kabataan sa La Loma
Rene O. Villanueva
Amoy ng tumatagaktak na taba ng nalulutong litson, habang nakatuhog sa iniikot na
kawayan sa ibabaw ng mahigit isang dipang tila-humihingang nagbabagang uling. Ito ang isa
sa pinakamaaga atpinakamarikitna memoryako ng La Loma, ang distrito sa QuezonCity, na
sumaksi sa unang 20 taon ng aking buhay.
Isang paraan ng paglalarawan sa distritong kinalakihan ko ang pag-uugnay nito sa mga
pagkain ng aking kabataan: ang lugaw, sopas, at tsampurado sa mga pondahan sa Kalye
Halcon kung umaga, lalo kung Linggo; ang pandesal na palama'y carne norte mula sa
malaking tindahan ng Intsik sa panulukan ng Calavite at Don Manuel; ang tigdi-diyes na
monay na may peanut butter mula sa tindahan ng Intsik sa kanto ng Calamba at Calavite;
ang maya-maya at ginatang bilo bilo na rasyon ni Aling Anday tuwing hapon; ang tapa ng
kabayo na paboritong ulamni Tatay, na binibili ko sa sabungan sa Retiro, malapit sa pasukan
ng North Cemetery; at siyempre, ang amoy ng litson, ang nakaliliyong amoy ng mantika ng
litson, na sumasagitsitpa kapag tumutulo sa latag ng maalab, at mapulang baga na tila nag-
aantok sa ilalim ng inilkot na kawayan.
Noong kalagitnaan ng dekada '70, ang mga bakanteng lote sa dulo ng Halcon,malapit sa
Retiro, ay inupahan ng mga litsonan para gawing Ihawan. Kilala ang La Loma bilang hanay ng
litsonan. Pinakapopular na tindahan ang Litson ni Mang Tomas. Noong '60s, bukod sa Mang
Tomas, may dalawa o tatlong maliliit na pondahan lang na nagbebenta rin ng litson. Ang
maliliit na pondahan ay mayroon lamang isang mesa, na pinagtatadtaran ng kalulutong
litson. Sa tabi ng tadtarang mesa, may isa o dalawang litsong nakatuhog sa kawayang
nakasandalsa pader. Sa isang gilid ng mesa, patong-patong ang mga kahuhugas na basyo ng
lata ng kondensada na siyang ginagamit na lalagyan ng sarsa.
Noon, habang bumibili ng litson, maaaring kumurotng balat o taba sa tinatadtad na laman
sa ibabaw ng mesa. Minsan, kusang humihiwa ang tagatadtad ng manipis na laman o isang
kuwadradong malutong na balat bilang patikim sa bumibili; bihira nang mangyari ang
ganitong kagandahang-loob ngayon.
Litson ang enggrandeng pagkain ng aking kabataan dahil ilang kalyelamang ang layo namin
mula sa hanay ng litsonan sa La Loma. Tuwing may espesyalna pagdiriwang, kailangang may
litson sa mesa. Taba ng litson ang nagbabasbas sa binyag, kumpil, bertdey, pamamanhikan,
kasal, at lahat ng salo-salo. Pero hindiisang buong litsong baboy. Karaniwan, isa o dalawang
kilo lamang ng mainit, bagong luto, at katatadtad na litson. Humahalimuyak ang amoy ng
taba. Malutong at makintab ang balat, at hindi nanlalabo kahit pahirin ng daliri. Kung
talagang panahon ng paghihikahos, kahit one-fourth kilo-lamang ay sapat na. Huwag di-
masabing hindi man lamang namantikaan ng litson ang importanteng araw.
Kabilang naman sa karaniwang pampabigatng tiyan (comfortfood, sa mayayaman) ang
lugaw, sopas, at tsampurado. Sa bawatkalye ng La Loma malapit sa Simbahan ng Ina ng
Laging Saklolo, may mga pondahang nagtitinda nito, kasama ng pansit bihon, pandesal, at
spaghetting mahirap (ibig sabihin, ang salsa'y ketchup at walang ibang halo kundibawang,
sibuyas, athotdog na hiniwa nang manipis at pahalang). Mula alas-singko y medya ng
umaga hanggang alas-diyes, makikita ang mga pondahan. Isang mesa na may malaking
kaldero sa ibabaw at isang makitid, mahabang bangko sa harapan.
Sukiko ang pondahan ni Aling Rosa na nakapuwesto sa kanto ng Calamba at Halcon, ilang
hakbang mula sa malapad na kanal sa gilid ng daan. Gusto ko ang sopas na mula sa elbow
macaroni, pinalapot ng evaporated milk at may halong hiwa-hiwang utak ng baka o
hotdog. Minsan, mayroon ding maninipis na litid o taba ng pata. Ang tsamporado ni Aling
Rosa ay malapot (may kaunting malagkit), matingkad ang kulay-tsokolate(maraming
halong Serg's cocoa powder); at hindi ligis ang butil ng bigas, kaya tiyak na hindi hinaluan
ng kaning-lamig. Ang lugaw niya ay depende sa halong laman; kung may mga piraso ng
manok o kaya'y pahabang dugo, arroz caldo ang tawag niya; ngunit kung hiniwa-hiwang
tuwalya lang ang halo o walang halo, iyon ang lugaw.
Tuwing umaga, kailangan kong bumangon nang maaga kung gusto kong makapag-almusal
ng lugaw. Pagsapitng alas-otso, ubos na ang lugaw dahil tiyak na nakapag-almusalna sa
puwesto ni Aling Rosa ang mga taxi driver na mahilig magpalipas ng mga unang oras ng
umaga sa pondahan niya. Madalas kong makitang nakaistambay malapit sa pondahan ni
Aling Rosa siAdobo, ang payat at tsinitong binatang sira-ulo na binansagan ng lahat sa
pangalang iyon dahil mahilig magpakita ng kaniyang ari sa mga nagdaraang kagagaling sa
simbahan ng Perpetual Help.
Sa hapon, habang nakikinig kaming dramang "Kahapon Lamang" ni Kuya Eddie (llarde),
Inaabangan namin ang pagdating ni Aling Anday. May sunong siyang bilao at may bitbit na
malaking basketna may lamang kaldero sa kanang kamay. Sa bilao ay sari-saring lugod ng
kabataan ang nakalatag nang magkakatabi: puto-maya, biko, palitaw, maja blanca, ube,
karioka, o dila-dila na nakatusok sa manipis na kawayang patpat. Sa kaldero ay may
ginatan, depende sa araw ang klase. Ginatang bilo-bilo, halo-halo, mais, o munggo. Lagi
kong inaabangan ang ginatang mais dahil iyon ang paborito ko. Ayaw ko sa lahat ang
ginatang munggo dahil amoy-sunog minsan; o may mga matitigas na butil na masakitsa
ngipin kung makagat nang di-namamalayan.
Mga simpleng pagkain lamang ang pagkain ng aking kabataan. Ni hindi uso sa La Loma ang
pagluluto ng ulam, lalo sa tanghalian. Kabi-kabila kasiang tindahan ng lutong-ulam. Suki
kami ni Ate Corazon na may puwesto sa loob ng kanyang bahay sa Calavite. Dinuguan,
menudo, sinigang, paksiw na bangus, atginisang munggo kung Biyernes. Kung Linggo, kare-
kareng pata ng baboy o bituka ng baka na kailangang kainin kaagad, dahil wala pang
sampung minuto ay lulutang na ang kulay-dilaw na sebo na halos kalahating sentimetro
ang kapal. Nang maraming binatang taga-La Loma ang pinalad na makapagtrabaho sa
Purefoods, nauso ang litsong ulo ng baboy.
Ino-order ang ulo ng baboy na ibinabad sa babaran ng Purefoods ham. Pagdating sa La
Loma, Ipailhaw ang ulo sa panaderya sa kanto ng Halcon at Don Manuel sa halagang
sampung piso. Naging paboritong pulutan ng mga manginginom ang litsong ulo.
Pinakamasayang panahon ang araw ng piyesta sa La Loma, para sa mga batang gaya ko na
ang kaligayahan ay umiinog sa isang malaking plato ng kanin at ulam. Imbitado kami ng
halos lahat ng kapitbahay. Kahit madalas ay pare-pareho ang handa, lahat ay pinipilit
naming paunlakan. Parang munting burol ang plato ko ng lumpiyang Shanghai, humba,
menudo, lumpiyang sariwa, atkulay-rosas na gelatin, noong hindi pa uso ang buko salad.
Hanggang ngayon ay nakadarama ako ng matinding lungkot kapag nakakakita ng bunton
ng buko na kinayod ang laman para sa buko salad. Lagi akong nakadarama ng di-
maipaliwanag na lungkotsa tuwing makakakita ako ng tapyas na bukong walang laman (na
marahil ay siyang dahilan kung bakit lubha akong apektado ng tulang "Pagkahalay kay
Matilde" ni Rio Alma.)
Kung bakasyon, isinasama ako ng aking Lolo Tino sa mga kamag-anak niya sa San Fernando,
Pampanga. Ibang putaheang nakilala ko rito: morkon, pastel, embutido, at sari-saring
minatamis, na kung tawagin nila'y kusilba.
Sa Halcon, naging kapitbahay namin ang apat na magkakapatid na babae na pawang
matandang dalaga. Lagpas-beywang ang itim at tuwid nilang buhok. Madalas akong
umistambay tuwing hapon sa kuwartong inuupahan nila upang makiusyoso habang
gumagawa sila ng sari-saring "kendi" na inirarasyon sa mga tindahan ng Intsik sa La Loma.
Habang nakatanghod, madalas nila akong abutan ng pulburon na ibinuhos sa bilog na apa.
Sa kuwartong iyon, una akong nakatikim ng mga pambihirang matamis, gaya ng minatamis
na santol, minatamis na duhat, minatamis na kamias, at ang kalaunan ay naging paborito
ko, ang minatamis na kamatis. Malalaki at matatabang kamatis na di-gaanong hinog ngunit
mapula; hinihiwa sa gitna at inaalisan ng buto ang lamang sinasangkutsa sa arnibal
hanggang sa lumapot at "magsinulid" ang arnibal.
Pero wala nang sasarap pa sa minatamis na bayabas. Una ko iyong natikman sa Valenzuela,
Bulacan, noong nakatira kami roon nang mga unang taon ng 1960s. Hinuhugasang maiging
aking Tiya Pining ang malalaki, makikinis ngunit hindi malambot o lamog na hinog na
bayabas. Hindiniya isinasama kapag may bulutong ang bunga. Isa-isa niyang babalatan
nang manipis ang bawatbunga. At makikita kong lilitaw sa ilalim ng dilaw o berdeng balat
ang mapulang laman. Kapag puti o manilaw-nilaw ang laman, itatabi niya iyon para gamitin
sa sinigang. Mga pulang bayabas lamang ang ginagamit niya sa minatamis. Matagal niyang
pakukuluan sa mahinang apoy ng kahoy na gatong ang hiwa hiwang bayabas (walang
kasamang buto) hanggang sa lumapot ang arnibal. Makaraang palamigin, sasalukin niya ng
kutsarang yarisa kawayan at bao ng niyog ang minatamis at isasalin sa malinis, tuyong-
tuyong bote ng Lady's Choice mayonnaiseo basyong bote/baso ng Cafe Puro.
Inaalala ko ang mga ito, matapos mabasa ang mga alaala ng kabataan nina Doreen
Fernandez, Gilda Cordero-Fernando, atiba pa. Mga memorya ng kabataan na malayo sa
kinalakihan kong pook, panahon, at uring-panlipunan. Isinusulatko ang mga ito kahit alam
kong maaaring ismiran o pagtawanan ng babasa dahil ito'y mga alaalang karaniwan, hindi
sosyal, hindikapita-pitagan. Ngunit bahagi, at palagay ko'y mahalagang bahagi, sa pagbuo
ng ating matimyas na alaalang panlipunan bilang bansa.
1. Ano ang paksa at layunin ng personal na sanysay?
2. Anong impresyon at damdamin ang nabuo sa iyo habang binabasa ang sanaysay?
3. Paano napukaw ng teksto ang gayong impresyon at damdamin mula sa mambabasa?
4. Bigyan ng komento ang paraan ng paglalarawan ng may-akda. Paano naging mabisa ang
sanaysay sa paggamit ng paglalarawan?
5. Magbigay ng reaksiyon sa huling talata ng sanaysay. Iugnay ito sa kahit anong konseptong
may kinalaman sa sarili at komunidad.
C. Umisip ng paksa na maaring gawanng masining na paglalarawan. Sumulat ng isang
tekstong deskriptibo. Sagutanang gabayna bilang paghahanda sa pagsulat. Gamitin
ang nakalaang espasyo sa susunodna pahina.
1. Layunin sa pagsulat
2. Pangunahing ideyang tatalakayin at mga suportang ideyang tatalakayin
3. Aspekto, bahagi, o katangian ng paksang nais bigyan-diin at uri ng paglalarawang
gagamitin para dito
4. Mga impormasyon kailangang saliksikn at isangguni
Rubrik sa pagsulat ng tekstong deskriptibo
Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulatng teksto 5
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin
Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya
5
Wastong paggamit ng direkta at masining na paglalarawan
Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa
paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya
5
Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 5
Kabuuan 20 pts.
PAGSIPAT
Kapanayamin ang limang tao mula sa inyong lugar. Maari ding humanap ng
kakapanayaminmula sa ibang lugar tulad ng bukirin, tabing-dagat, probinsya, o iba pa.
Makikipagkwentuhanatipalarawansa kanila ang kanilang paraanng pamumuhay o ano
mang aspekto nito. Sumulat ng tekstong naglalarawan tungkol sa mga nakalap na
panayam. Iugnay ang makukuhang kaisipan sa mga usaping may kinalaman sa sarili,
pamilya, lipunan at daidig.
Sundan ang gabay sa pagsulatng tekstong naglalarawanat gamiting gabayang rubik sa
ibaba para sa isusulat.
Rubrik para sa Poster
Elemento Pamantayan Puntos
Natamong
Puntos
Prosesong ginawa
upang makuha ang
mga datos
Nakapagsagawa ng panayam sa limang tao at
may katibayan na nagpapakita nito
7
Nilalaman ng
artikulo
Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulatng
teksto
Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin at
detalyado ang mga suportang ideya
Malinaw ang imahe o impresyong nabuo ng
paglalarawan
10
Paggamit ng
natutuhan sa
pagsulatng
tekstong
naglalarawan
Kompletong nailarawan ang mga datos na
nakalap mula sa limang taong kinapanayam
Wasto ang paggamit ng payak at masining na
paglalarawan
Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin
sa paglalarawan upang suportahan ang
pangunahing ideya
15
Pagpapahalaga Naipapaliwanag nang malinaw ang pag-
uugnayan ng kaisipang nakuha sa panayam sa
mga usaping may kaugnayan sa lipunan
8
Kabuuan 40
Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo

Contenu connexe

Tendances

DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxDLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxMARICELMAGDATO2
 
Iba't ibang Teksto sa Pagbasa
Iba't ibang Teksto sa PagbasaIba't ibang Teksto sa Pagbasa
Iba't ibang Teksto sa PagbasaHanna Elise
 
Tekstong Persweysib Grade 11
Tekstong Persweysib  Grade 11Tekstong Persweysib  Grade 11
Tekstong Persweysib Grade 11Noldanne Quiapo
 
Intensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaIntensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaRochelle Nato
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiMARIA KATRINA MACAPAZ
 
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptxFILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptxMerbenAlmio4
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoSarah Jane Reyes
 
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv  o NanghihikayatTekstong Persweysiv  o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayatmaricel panganiban
 
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptxARJUANARAMOS1
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatiboREGie3
 

Tendances (20)

DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docxDLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
DLL SA FILIPINO 11 KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK.docx
 
Tekstong Persweysiv
Tekstong PersweysivTekstong Persweysiv
Tekstong Persweysiv
 
Tekstong Argumentatibo
Tekstong ArgumentatiboTekstong Argumentatibo
Tekstong Argumentatibo
 
Iba't ibang Teksto sa Pagbasa
Iba't ibang Teksto sa PagbasaIba't ibang Teksto sa Pagbasa
Iba't ibang Teksto sa Pagbasa
 
Tekstong Prosidyural
Tekstong ProsidyuralTekstong Prosidyural
Tekstong Prosidyural
 
Tekstong deskriptibo
Tekstong deskriptiboTekstong deskriptibo
Tekstong deskriptibo
 
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptxTEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
TEKSTONG NARATIBO-COT.pptx
 
Pagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng ReaksiyonPagsulat ng Reaksiyon
Pagsulat ng Reaksiyon
 
Tekstong Persweysib Grade 11
Tekstong Persweysib  Grade 11Tekstong Persweysib  Grade 11
Tekstong Persweysib Grade 11
 
Gamit ng wika sa lipunan
Gamit ng wika sa lipunanGamit ng wika sa lipunan
Gamit ng wika sa lipunan
 
Intensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaIntensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasa
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptxPagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
Pagsulat ng Reaksyong Papel.pptx
 
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptxFILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
 
Layunin sa pagsulat -Filipino
Layunin sa pagsulat -FilipinoLayunin sa pagsulat -Filipino
Layunin sa pagsulat -Filipino
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv  o NanghihikayatTekstong Persweysiv  o Nanghihikayat
Tekstong Persweysiv o Nanghihikayat
 
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
 
Tekstong impormatibo
Tekstong impormatiboTekstong impormatibo
Tekstong impormatibo
 

Similaire à Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo

Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptallan capulong
 
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwentoAralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwentoDiane Rizaldo
 
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdfSLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdfJeffersonMontiel
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6EDNACONEJOS
 
filipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterfilipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterpacnisjezreel
 
grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................ferdinandsanbuenaven
 
Mga aralin sa masining na pagpapahayag
Mga aralin sa masining na pagpapahayagMga aralin sa masining na pagpapahayag
Mga aralin sa masining na pagpapahayagKath Fatalla
 
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptxfilitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptxferdinandsanbuenaven
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO NicoleGala
 
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdffilitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdfWarrenDula1
 
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulatMga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulatVia Martinez Abayon
 
tekstongdeskriptibo-161201051909.pptx
tekstongdeskriptibo-161201051909.pptxtekstongdeskriptibo-161201051909.pptx
tekstongdeskriptibo-161201051909.pptxDesireTSamillano
 
Tekstong deskripribo
Tekstong deskripriboTekstong deskripribo
Tekstong deskripriboREGie3
 
tekstongdeskriptibo-161201051909.pdf
tekstongdeskriptibo-161201051909.pdftekstongdeskriptibo-161201051909.pdf
tekstongdeskriptibo-161201051909.pdfHannahGabuyoFae
 

Similaire à Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo (20)

Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS pptPagsulat aKADEMIK SHS ppt
Pagsulat aKADEMIK SHS ppt
 
Tekstong Deskriptibo
Tekstong DeskriptiboTekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
 
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwentoAralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
Aralin 3 ang_alaga_maikling_kwento
 
Aralin+4.ppt
Aralin+4.pptAralin+4.ppt
Aralin+4.ppt
 
Modyul number 3
Modyul number 3Modyul number 3
Modyul number 3
 
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdfSLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
SLM_MET1_L2.-Deskriptibo-at-Naratibo.pdf
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6
 
filipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterfilipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarter
 
grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................grade 11 module 4.pptx....................
grade 11 module 4.pptx....................
 
Mga aralin sa masining na pagpapahayag
Mga aralin sa masining na pagpapahayagMga aralin sa masining na pagpapahayag
Mga aralin sa masining na pagpapahayag
 
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptxfilitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
filitekstongdeskriptibomodule 4.pptx
 
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
TEKSTONG DESKRIPTIBO - FILIPINO
 
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdffilitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
filitekstongdeskriptibo-171220011011 (1).pdf
 
Sanaysay
Sanaysay Sanaysay
Sanaysay
 
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulatMga kasanayan sa akademikong pagsusulat
Mga kasanayan sa akademikong pagsusulat
 
tekstongdeskriptibo-161201051909.pptx
tekstongdeskriptibo-161201051909.pptxtekstongdeskriptibo-161201051909.pptx
tekstongdeskriptibo-161201051909.pptx
 
Tekstong deskripribo
Tekstong deskripriboTekstong deskripribo
Tekstong deskripribo
 
tekstongdeskriptibo-161201051909.pdf
tekstongdeskriptibo-161201051909.pdftekstongdeskriptibo-161201051909.pdf
tekstongdeskriptibo-161201051909.pdf
 
Pangangalap ng Datos.pptx
Pangangalap ng Datos.pptxPangangalap ng Datos.pptx
Pangangalap ng Datos.pptx
 
Masusing banghay aralin sa pagtuturo
Masusing banghay aralin sa pagtuturoMasusing banghay aralin sa pagtuturo
Masusing banghay aralin sa pagtuturo
 

Modyul 3 tekstong deskriptibo o naratibo

  • 1. Tektsong Deskriptibo BATAYANG KASANAYAN Paglalarawan ng paraan ng pamumuhay ng isang bayan o lungsod MGA LAYUNIN Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang 1. nakasusuri ng mga tekstokng deskriptibo ayon sa kaugnayan ng mga ito sa sarili, pamilya, at lipunan; 2. nakakakilala ng pagkakaiba ng masining at karaniwang paglalarawan; at 3. nakasusulat ng tekstong ginagamitan ng tayutay. MODYUL 3 o Naglalarawan
  • 2. PAGLALAPIT Basahinang sipi ng isang maikling kwento. Pagtaposaysundin ang panuto at sagutin ang mga kasunodnito. Maganda si Mareng Mensiya, ngunit ang mas nakaakit-pansin sa kaniya, sa pagkatanda ko sa panahon ng kaniyang ‘kasariwaan,’ ay ang kaniyang makapal, alon-along buhok na lagpas- baywang, mapupurok na pisngi, atkutis morena. Siya pa rin ang naging ‘high society’ sa aming lugar sapagkat tanging siya lamang sa aming pook ang nakakasunod sa layaw ng katawan. Napapalatak kaming lahat, halos mapatid ang ugat sa aming mga leeg kapag hinahabol na namin ng tanaw si Mareng Mensiya kung siya halimbawa’y paluwas ng Maynila upang mag- shopping o kaya’y magsine: nakakolorete, handbag, sandalyas, at barong sunod sa uso. Sa gayong pagkakatao’y hindi maiwasang hindi mangimbulo sa kaniya ang aming ina’t ina. sipi mula sa maikling kuwentong “Mareng Mensiya” ni Fanny A. Garcia 1. Sino ang paksa ng sipi? Anong katangian ng paksa ang inilalarawan sa sipi? 2. Anong impresyon tungkol sa paksa ang nabuo sa iyong isip? Sa kabuuan, ibigay sa isang pangungusap ang katangian ng paksa na nais iparating sa sipi. 3. Ano-anong paglalarawan ang ginamit tungkol sa tauhan kaya nabuo ang gayong impresyon sa iyong isip? Salungguhitan ang mga bahaging naglalarawan sa paksa. 4. Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagdedetalye ng mga katangian ni Mareng Mensiya? PAGLILIPAT Ang tekstong deskriptibo ay may layuninh ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao, ideya, paniniwala, at iba pa. Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat ng uri ng teksto upang magbigay ng karagdagang detalye at nang tumatak sa isipan ng mambabasa ang isang karanasan o imahe ng paksang tinatalakay. Ano ang Tekstong Deskriptibo? Ginagamit ang tekstong deskriptibo bilang pandagdag o suportasamga impormasyon inilalahad ng tekstong impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinasalaysay satekstong naratibo. Maaring payak lamang ang paglalarawan, o kaya’y mas malinaw na nakapupukaw sa ating limang pandama–paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama–upang maging kongkreto ang paglalarawan sa isip ng mga mambabasa.
  • 3. Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin na gumagamit ng tekstong deskriptibo • mga akdang pampanitikan • suring–basa • talaarawan • obserbasyon • talambuhay • sanaysay • polyetong panturismo • rebyu ng pelikula o palabas Mga Elemento ng Tekstong Deskriptibo May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong desskriptibo. KaraniwangPaglalarawan Sa karaniwang paglalarawan, tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit ng mga pang-uri at pang-abay. Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasayon lalo na ang pagbuga ng usok mula sa mga pabrika at mga kotsesa kalsada, at paggamitng karbon sa halip na mga ligtas alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina, ang malalaking pabrika at gawaing industriyal ang nagdudulot ng makapal at nakakasalong usok. (Mula sa Asya: Noon at Ngayon nina Alvarez at Ditchella, 2014) Madalas ginagamit ang paglalarawan sa mga pananaliksik tungkol sa teknolohiya, agham at agham panlipunan. Halimbawa, sa siyentipikong pamamaraan, talas ng mata at mapanuring isip ang puhunan ng isang siyentipiko sa pagsasagawa ng kaniyang obserbsayon. Inilalahad naman niya ang naobserbahan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga pisikal na katangian. Ang obserbasyon ang tumutulong sa kaniya na makabuo ng mga hinuha. Ginagamit din ang tekstong deskriptibo sa paglalarawan ng mga kurikulum at silabus ng mga kurso sa kolehoya. Ginagamit din ang tekstong naglalarawan sa pagbuo ng mga misyon at bisyon ng mga simbahan, organisasyon, at iba pang institusyon. Bagaman tahasang binabanggit ang mga katangian ng isang paksa sakaraniwang paglalarawan, hindi ito sapat upang lumikha ng malinaw na imahe sa isip ng mambabasa. Masining na Paglalarawan Samasining na paglalarawan, malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang bagay, karanasan, o pangyayari. Ang masinig na paggamit na wika ay nagagawa sa tulong ng mga tayutay upang ihambing ang paksa sa isang bagay na mas malapit sa karanasan o alaala ng mambabasa. Binubuhay ng isang manunulat ang ganitong diskurso sa mga tekstong pampanitikan kagaya nga mga tula, maikling kuwento, nobela at sanaysay. Ihambing ang sumusunod sasipisaunang sipi sanakaraang pahina. Pansinin kung paano naging mas matingkad ang paglalarawan nang palitan ang mga pang-uri. Makikita rito kung paano nagiging mas kongkreto ang paglalarawan ng mga ‟dambuhala” at ‟singdami ng kabuteng pabrika.” Malaki ang naitulong ng paggamit ng tayutay upang makamit ito.
  • 4. Malaking dahilan ng polusyon ng hangin ang industriyalisasyon at urbanisasyon, lalo na ang pagbuga ng usok mula sa mga kotse sa kalsada, at paggamit ng karbon sa halip na mga ligtas na alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Sa Tsina kung saan dambuhala at singadami ng kabute ang mga pabrika na dala ng maunlad nilang industriya, halos balutan na ng itim at nakakalasong ulap ang buong siyudad. Gabay sa Pagbasa ng Teksong Deskriptibo Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaring gamiting gabay sa pagbabasa ng tekstong deskriptibo. Layunin ng may-akda • Ano ang hangarin ng may-akda sa pagsulat? • Malinaw bang naipakita ang layunin ng may-akda na makapagpaliwanag o magbigay ng impormasyon? Mga pangunahing atsuportang ideya • Tungkol saan ang teksto? • Ano ang pangunahin ideya tungkol sa paksa? • Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing ideya? • Paano inilahad ang mga suportang ideya? • Nagsisimula ba ang talakay sa maliit na detalye tungo sa malawak o pangkalahatang ideya, o patungo ba sa pagiging tiyak ang paghuhulma ng mga detalye? Paraan ng paglalarawan • Ano ang paksang inilalarawan sa teksto? • Paano ito inilalarawan? • Anong uri ng paglalarawan ang ginamit? Ito ba ay payak o masining na paglalarawan? • Anong katangian ng paksa ang binigyang-diin sa paglalarawan? • Kung payak ang paglalarawan, ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang katangiang ito? • Kung masining ang paglalarawan, ano-anong tayutay ang ginamit sa paglalarawan? Impresyong nabuosa isip • Anong impresyon ang nabuo sa iyong isip batay sa paglalarawan? • Malinaw o kongkreto ba ang imaheng nalikha ng paglalarawan? Anong image ito? • Paano nabuo ang imaheng ito gamit ang payak at masining na paglalarawan? • Anong damdamin ang pinupukaw ng paglalarawan? • Ano ang nais ipaabot o layunin ng may-akda sa pagbuo ng gayong impresyon sa iyong isip? • Ano ang halaga ng paglalarawang ito sa kabuuan ng teksyo?
  • 5. Mga Paalala sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo Bagaman may tinatawag na deskriptibong sanaysay, mas madalas sumusulat ng tekstong deskriptibo upang magsilbing karagdagan o suportang deltalye sa isang sulatin. Mahalagang unang malaman ang layunin ng isinusulat at pag-isipan kung paano makatutulong ang paglalarawan bilang karagdagan o suportang detalye sa mensaheng nais ipabatid. Sa pagsulat ng tekstong deskriptibo, mahalagang pag-isipan kung aling aspekto ng paksang inilalarawan ang sapat nang gamitan ng payak na paglalarawan lamang at alin ang dapat laanan ng masining na paglalarawan. Kung ang aspektong iyon ay nararapat bigyang-diin at nais itatak sa karanasan ng mambabasa, nababagay lamang na ito ang gamitan ng masining na paglalarawan. Kaugnay nito, gumamit lamang ng mga wastong salita na maghahayag ng eksaktong ibig sabihin. Iwasang maging maligoy sapaglalarawan. Kung payak na paglalarawan ang gagawin, gamitin ang eksaktong pang-uri o pang-abay. Gayundin sa pagbubuo ng masining na paglalarawan, upang mag-iwan ng malinaw na impresyon sa mambabasa. Makatutulong ang paggamit ng tayutay upang maging malikhain sa paggamit ng wika. A. Ang Simili o Pagtutulad ay tumutukoy sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, atkatulad. 1. Kasingningningng mga bituin ang iyong mga mata. 2. Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang saisang higante. B. Ang Metapora o Pagwawangisay tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya't hindi na kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad. 1. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan. 2. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking dibdib. C. Ang Personipikasyono Pagsasataoay tumutukoy sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na abstrakto o walang buhay. 1. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin. 2. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa ating bansa. D. Hayperboli o Pagmamalabis ay tumutukoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan. 1. Pasan ko ang daigdig sadami ng problemang aking kinakaharap. 2. Nagdurugoang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito. E. Ang Onomatopeya o Paghihimig ay tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito. 1. Malakas ang dagundongng kulog. 2. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan. 3. Umaalingawngaw ang tinig ng asong ulol sa loob
  • 6. Bukod sa pagpipinta ng imahe sa isip ng mambabasa, maaari ding magdagdag ng paglalarawan ng emosyon upang tumagos din sa damdamin mambabasa ang inilalarawan. Panghuli, balikan ang isinulat at siguruhing organisado ito. Siguruhing nakasusunod pa rin sa layunin ng isinusulat na teksto at napili nang mabuti ang mga aspekto ng paksa na nais bigyang- diin. Halimbawa ng Tekstong Deskriptibo Ang karanasang Di Ko Makakalimutan Jheru Anselmo Mendoza Lahat tayo ay may karanasang 'di malilimutan-karanasan sa pag-ibig, sa pakikipagkaibigan, at sa pamilya. Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Aling alaala ang lubos na nagdulot sa atin ng sakit? Kailan ba tayo naging masaya? Naaalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na aking naranasan, kulang pa yata ang isang libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko. Ang aking pamilya ay malaki, pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kami magkakasama noon. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, kinakaya namin ano mang unos ang dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahalna ina noon,"Ayoslang dawmaghirap kamiatmagdildil ng asin, bastakompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga siyang nahiwalay sa kaniyang pamilya noon, bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang mag-isa. Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buongmundo!Kasimaayosniyakaming napalakikahitnag-iisana lamang siya ngayon. Ang aking ama naman ay isang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo niya ako dahil nakakainom siya ng alak. Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit ang 'di namin nalalaman ay isang malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na susubok sa aming katatagan. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang nang malaman ng doktor na may kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman ay pinilit naming maging masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkotkami para sa kaniya, at para kahit paano ay mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamotdahil sa kakulangan sa pera. Lumala nang lumala ang sakit niya, bumagsak ang dating masigla niyang katawan, at nangayayat siya nang husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004 noon, ito ang araw ng kaniyang pagsilang. Nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagdiwang ng kaarawan niya. Ang ama ko ay masaya noong araw na 'yon kahit nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinakikita sa amin iyon. Gusto niyang maging masaya kami. Ang saya talaga ng araw na 'yon para sa akin.
  • 7. Mga pamatnubay na tanong 1. Tungkol saan ang teksto? Ano ang layunin nito? Ilahad ang pangunahing paksa nito at magbigay ng ilang suportang ideya. 2. Ano-anong bahagi ng teksto ang ginamitan ng paglalarawan? • Anong uri ng paglalarawan ang ginamat? • Anong impresyon o imahe ang nabuo sa iyong isipan tungkol sa paksang inilalarawan? • Anong damdamin ang tinatangkang ipadama ng teksto? • Paano nakakatulong ang paglalarawan na matupad ang layunin ng teksto? 3. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig? Ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama. Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na lang ako habang tinitingnan ko ang walang buhay na katawan niya. Pero naalala ko ang sabi sa akin ng aking ama noon; "Anak, 'wag kang iiyak kapag nawala na ako, ha." Kaya noong libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap ko na lang na wala na siya; na hindi na siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na siya sa piling ng Dakilang Ama. Halaw mula sa isang sanaysay sa Wattpad.com
  • 8. Modyul 3 Tekstong Deskriptibo Pangalan: Petsa: Seksiyon: Guro: PAGLALAPAT A. Tukuyin kung masining o karaniwang paglalarawan ang ipinapakita sa pangungusap. 1. Tila isang tuod na puno nalamang ang kaniyang naging tugon sa sigaw ng magnanakaw. 2. Isang bundok na labada ang hinaharap ni Tiya Mercy tuwing sabado. 3. Nagulat siya nang makitang ngumingiti na pala ang isang kapares ng kaniyang sapatos. 4. Sirang-sira na ang kaniyang bag nang iwan ng magnanakaw sa isang kanto. 5. Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng hangin na dala ng bagyo. 6. Bihira na sa ngayon ang isang kandidatong may mabuting hangarin para sa bayan. 7. Matapang na ipinaglaban ni Jejomar Binay ang kaniyang paninindigan na hindi siya haharap sa Senado tungkol sa bintang sa kaniyang katiwalian. 8. Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng isang akusado ng isang krimen. 9. Malakas, matipuno, at matikas ang nararapat na katangian ng isang lalaking haharap sa laban ng boksing. 10. Kahit kailan, talo ang walang paninindigan.
  • 9. B. Basahin ang teksto. Suriin ito ayon sa mga katangian at anyo ng isang tekstong deskriptibo. Langhap at Lasap ng kabataan sa La Loma Rene O. Villanueva Amoy ng tumatagaktak na taba ng nalulutong litson, habang nakatuhog sa iniikot na kawayan sa ibabaw ng mahigit isang dipang tila-humihingang nagbabagang uling. Ito ang isa sa pinakamaaga atpinakamarikitna memoryako ng La Loma, ang distrito sa QuezonCity, na sumaksi sa unang 20 taon ng aking buhay. Isang paraan ng paglalarawan sa distritong kinalakihan ko ang pag-uugnay nito sa mga pagkain ng aking kabataan: ang lugaw, sopas, at tsampurado sa mga pondahan sa Kalye Halcon kung umaga, lalo kung Linggo; ang pandesal na palama'y carne norte mula sa malaking tindahan ng Intsik sa panulukan ng Calavite at Don Manuel; ang tigdi-diyes na monay na may peanut butter mula sa tindahan ng Intsik sa kanto ng Calamba at Calavite; ang maya-maya at ginatang bilo bilo na rasyon ni Aling Anday tuwing hapon; ang tapa ng kabayo na paboritong ulamni Tatay, na binibili ko sa sabungan sa Retiro, malapit sa pasukan ng North Cemetery; at siyempre, ang amoy ng litson, ang nakaliliyong amoy ng mantika ng litson, na sumasagitsitpa kapag tumutulo sa latag ng maalab, at mapulang baga na tila nag- aantok sa ilalim ng inilkot na kawayan. Noong kalagitnaan ng dekada '70, ang mga bakanteng lote sa dulo ng Halcon,malapit sa Retiro, ay inupahan ng mga litsonan para gawing Ihawan. Kilala ang La Loma bilang hanay ng litsonan. Pinakapopular na tindahan ang Litson ni Mang Tomas. Noong '60s, bukod sa Mang Tomas, may dalawa o tatlong maliliit na pondahan lang na nagbebenta rin ng litson. Ang maliliit na pondahan ay mayroon lamang isang mesa, na pinagtatadtaran ng kalulutong litson. Sa tabi ng tadtarang mesa, may isa o dalawang litsong nakatuhog sa kawayang nakasandalsa pader. Sa isang gilid ng mesa, patong-patong ang mga kahuhugas na basyo ng lata ng kondensada na siyang ginagamit na lalagyan ng sarsa. Noon, habang bumibili ng litson, maaaring kumurotng balat o taba sa tinatadtad na laman sa ibabaw ng mesa. Minsan, kusang humihiwa ang tagatadtad ng manipis na laman o isang kuwadradong malutong na balat bilang patikim sa bumibili; bihira nang mangyari ang ganitong kagandahang-loob ngayon. Litson ang enggrandeng pagkain ng aking kabataan dahil ilang kalyelamang ang layo namin mula sa hanay ng litsonan sa La Loma. Tuwing may espesyalna pagdiriwang, kailangang may litson sa mesa. Taba ng litson ang nagbabasbas sa binyag, kumpil, bertdey, pamamanhikan, kasal, at lahat ng salo-salo. Pero hindiisang buong litsong baboy. Karaniwan, isa o dalawang kilo lamang ng mainit, bagong luto, at katatadtad na litson. Humahalimuyak ang amoy ng taba. Malutong at makintab ang balat, at hindi nanlalabo kahit pahirin ng daliri. Kung talagang panahon ng paghihikahos, kahit one-fourth kilo-lamang ay sapat na. Huwag di- masabing hindi man lamang namantikaan ng litson ang importanteng araw.
  • 10. Kabilang naman sa karaniwang pampabigatng tiyan (comfortfood, sa mayayaman) ang lugaw, sopas, at tsampurado. Sa bawatkalye ng La Loma malapit sa Simbahan ng Ina ng Laging Saklolo, may mga pondahang nagtitinda nito, kasama ng pansit bihon, pandesal, at spaghetting mahirap (ibig sabihin, ang salsa'y ketchup at walang ibang halo kundibawang, sibuyas, athotdog na hiniwa nang manipis at pahalang). Mula alas-singko y medya ng umaga hanggang alas-diyes, makikita ang mga pondahan. Isang mesa na may malaking kaldero sa ibabaw at isang makitid, mahabang bangko sa harapan. Sukiko ang pondahan ni Aling Rosa na nakapuwesto sa kanto ng Calamba at Halcon, ilang hakbang mula sa malapad na kanal sa gilid ng daan. Gusto ko ang sopas na mula sa elbow macaroni, pinalapot ng evaporated milk at may halong hiwa-hiwang utak ng baka o hotdog. Minsan, mayroon ding maninipis na litid o taba ng pata. Ang tsamporado ni Aling Rosa ay malapot (may kaunting malagkit), matingkad ang kulay-tsokolate(maraming halong Serg's cocoa powder); at hindi ligis ang butil ng bigas, kaya tiyak na hindi hinaluan ng kaning-lamig. Ang lugaw niya ay depende sa halong laman; kung may mga piraso ng manok o kaya'y pahabang dugo, arroz caldo ang tawag niya; ngunit kung hiniwa-hiwang tuwalya lang ang halo o walang halo, iyon ang lugaw. Tuwing umaga, kailangan kong bumangon nang maaga kung gusto kong makapag-almusal ng lugaw. Pagsapitng alas-otso, ubos na ang lugaw dahil tiyak na nakapag-almusalna sa puwesto ni Aling Rosa ang mga taxi driver na mahilig magpalipas ng mga unang oras ng umaga sa pondahan niya. Madalas kong makitang nakaistambay malapit sa pondahan ni Aling Rosa siAdobo, ang payat at tsinitong binatang sira-ulo na binansagan ng lahat sa pangalang iyon dahil mahilig magpakita ng kaniyang ari sa mga nagdaraang kagagaling sa simbahan ng Perpetual Help. Sa hapon, habang nakikinig kaming dramang "Kahapon Lamang" ni Kuya Eddie (llarde), Inaabangan namin ang pagdating ni Aling Anday. May sunong siyang bilao at may bitbit na malaking basketna may lamang kaldero sa kanang kamay. Sa bilao ay sari-saring lugod ng kabataan ang nakalatag nang magkakatabi: puto-maya, biko, palitaw, maja blanca, ube, karioka, o dila-dila na nakatusok sa manipis na kawayang patpat. Sa kaldero ay may ginatan, depende sa araw ang klase. Ginatang bilo-bilo, halo-halo, mais, o munggo. Lagi kong inaabangan ang ginatang mais dahil iyon ang paborito ko. Ayaw ko sa lahat ang ginatang munggo dahil amoy-sunog minsan; o may mga matitigas na butil na masakitsa ngipin kung makagat nang di-namamalayan. Mga simpleng pagkain lamang ang pagkain ng aking kabataan. Ni hindi uso sa La Loma ang pagluluto ng ulam, lalo sa tanghalian. Kabi-kabila kasiang tindahan ng lutong-ulam. Suki kami ni Ate Corazon na may puwesto sa loob ng kanyang bahay sa Calavite. Dinuguan, menudo, sinigang, paksiw na bangus, atginisang munggo kung Biyernes. Kung Linggo, kare- kareng pata ng baboy o bituka ng baka na kailangang kainin kaagad, dahil wala pang sampung minuto ay lulutang na ang kulay-dilaw na sebo na halos kalahating sentimetro ang kapal. Nang maraming binatang taga-La Loma ang pinalad na makapagtrabaho sa Purefoods, nauso ang litsong ulo ng baboy.
  • 11. Ino-order ang ulo ng baboy na ibinabad sa babaran ng Purefoods ham. Pagdating sa La Loma, Ipailhaw ang ulo sa panaderya sa kanto ng Halcon at Don Manuel sa halagang sampung piso. Naging paboritong pulutan ng mga manginginom ang litsong ulo. Pinakamasayang panahon ang araw ng piyesta sa La Loma, para sa mga batang gaya ko na ang kaligayahan ay umiinog sa isang malaking plato ng kanin at ulam. Imbitado kami ng halos lahat ng kapitbahay. Kahit madalas ay pare-pareho ang handa, lahat ay pinipilit naming paunlakan. Parang munting burol ang plato ko ng lumpiyang Shanghai, humba, menudo, lumpiyang sariwa, atkulay-rosas na gelatin, noong hindi pa uso ang buko salad. Hanggang ngayon ay nakadarama ako ng matinding lungkot kapag nakakakita ng bunton ng buko na kinayod ang laman para sa buko salad. Lagi akong nakadarama ng di- maipaliwanag na lungkotsa tuwing makakakita ako ng tapyas na bukong walang laman (na marahil ay siyang dahilan kung bakit lubha akong apektado ng tulang "Pagkahalay kay Matilde" ni Rio Alma.) Kung bakasyon, isinasama ako ng aking Lolo Tino sa mga kamag-anak niya sa San Fernando, Pampanga. Ibang putaheang nakilala ko rito: morkon, pastel, embutido, at sari-saring minatamis, na kung tawagin nila'y kusilba. Sa Halcon, naging kapitbahay namin ang apat na magkakapatid na babae na pawang matandang dalaga. Lagpas-beywang ang itim at tuwid nilang buhok. Madalas akong umistambay tuwing hapon sa kuwartong inuupahan nila upang makiusyoso habang gumagawa sila ng sari-saring "kendi" na inirarasyon sa mga tindahan ng Intsik sa La Loma. Habang nakatanghod, madalas nila akong abutan ng pulburon na ibinuhos sa bilog na apa. Sa kuwartong iyon, una akong nakatikim ng mga pambihirang matamis, gaya ng minatamis na santol, minatamis na duhat, minatamis na kamias, at ang kalaunan ay naging paborito ko, ang minatamis na kamatis. Malalaki at matatabang kamatis na di-gaanong hinog ngunit mapula; hinihiwa sa gitna at inaalisan ng buto ang lamang sinasangkutsa sa arnibal hanggang sa lumapot at "magsinulid" ang arnibal. Pero wala nang sasarap pa sa minatamis na bayabas. Una ko iyong natikman sa Valenzuela, Bulacan, noong nakatira kami roon nang mga unang taon ng 1960s. Hinuhugasang maiging aking Tiya Pining ang malalaki, makikinis ngunit hindi malambot o lamog na hinog na bayabas. Hindiniya isinasama kapag may bulutong ang bunga. Isa-isa niyang babalatan nang manipis ang bawatbunga. At makikita kong lilitaw sa ilalim ng dilaw o berdeng balat ang mapulang laman. Kapag puti o manilaw-nilaw ang laman, itatabi niya iyon para gamitin sa sinigang. Mga pulang bayabas lamang ang ginagamit niya sa minatamis. Matagal niyang pakukuluan sa mahinang apoy ng kahoy na gatong ang hiwa hiwang bayabas (walang kasamang buto) hanggang sa lumapot ang arnibal. Makaraang palamigin, sasalukin niya ng kutsarang yarisa kawayan at bao ng niyog ang minatamis at isasalin sa malinis, tuyong- tuyong bote ng Lady's Choice mayonnaiseo basyong bote/baso ng Cafe Puro.
  • 12. Inaalala ko ang mga ito, matapos mabasa ang mga alaala ng kabataan nina Doreen Fernandez, Gilda Cordero-Fernando, atiba pa. Mga memorya ng kabataan na malayo sa kinalakihan kong pook, panahon, at uring-panlipunan. Isinusulatko ang mga ito kahit alam kong maaaring ismiran o pagtawanan ng babasa dahil ito'y mga alaalang karaniwan, hindi sosyal, hindikapita-pitagan. Ngunit bahagi, at palagay ko'y mahalagang bahagi, sa pagbuo ng ating matimyas na alaalang panlipunan bilang bansa. 1. Ano ang paksa at layunin ng personal na sanysay? 2. Anong impresyon at damdamin ang nabuo sa iyo habang binabasa ang sanaysay? 3. Paano napukaw ng teksto ang gayong impresyon at damdamin mula sa mambabasa? 4. Bigyan ng komento ang paraan ng paglalarawan ng may-akda. Paano naging mabisa ang sanaysay sa paggamit ng paglalarawan? 5. Magbigay ng reaksiyon sa huling talata ng sanaysay. Iugnay ito sa kahit anong konseptong may kinalaman sa sarili at komunidad.
  • 13. C. Umisip ng paksa na maaring gawanng masining na paglalarawan. Sumulat ng isang tekstong deskriptibo. Sagutanang gabayna bilang paghahanda sa pagsulat. Gamitin ang nakalaang espasyo sa susunodna pahina. 1. Layunin sa pagsulat 2. Pangunahing ideyang tatalakayin at mga suportang ideyang tatalakayin 3. Aspekto, bahagi, o katangian ng paksang nais bigyan-diin at uri ng paglalarawang gagamitin para dito 4. Mga impormasyon kailangang saliksikn at isangguni Rubrik sa pagsulat ng tekstong deskriptibo Pamantayan Puntos Natamong Puntos Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulatng teksto 5 Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya 5 Wastong paggamit ng direkta at masining na paglalarawan Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 5 Malinaw ang imahe o impresyong nabuo sa paglalarawan 5 Kabuuan 20 pts.
  • 14.
  • 15. PAGSIPAT Kapanayamin ang limang tao mula sa inyong lugar. Maari ding humanap ng kakapanayaminmula sa ibang lugar tulad ng bukirin, tabing-dagat, probinsya, o iba pa. Makikipagkwentuhanatipalarawansa kanila ang kanilang paraanng pamumuhay o ano mang aspekto nito. Sumulat ng tekstong naglalarawan tungkol sa mga nakalap na panayam. Iugnay ang makukuhang kaisipan sa mga usaping may kinalaman sa sarili, pamilya, lipunan at daidig. Sundan ang gabay sa pagsulatng tekstong naglalarawanat gamiting gabayang rubik sa ibaba para sa isusulat. Rubrik para sa Poster Elemento Pamantayan Puntos Natamong Puntos Prosesong ginawa upang makuha ang mga datos Nakapagsagawa ng panayam sa limang tao at may katibayan na nagpapakita nito 7 Nilalaman ng artikulo Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulatng teksto Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin at detalyado ang mga suportang ideya Malinaw ang imahe o impresyong nabuo ng paglalarawan 10 Paggamit ng natutuhan sa pagsulatng tekstong naglalarawan Kompletong nailarawan ang mga datos na nakalap mula sa limang taong kinapanayam Wasto ang paggamit ng payak at masining na paglalarawan Akma ang aspekto o katangiang binigyang-diin sa paglalarawan upang suportahan ang pangunahing ideya 15 Pagpapahalaga Naipapaliwanag nang malinaw ang pag- uugnayan ng kaisipang nakuha sa panayam sa mga usaping may kaugnayan sa lipunan 8 Kabuuan 40