2. Mga Layunin:
Maibibigay ang punong
kaisipan sa binasa sa tulong ng
pamagat.
Maisusuri ang pangyayari sa
kabanata batay sa mga
suliranin, solusyon at sariling
interpretasyon
3. Balik-Aral
1. Para saan ang pulong
na isinagawa nila?
2. Ano ang bulwagan?
3. Bakit nawalan din ng
saysay ang isinagawa
nilang pagpupulong?
4. Pagganyak
Mekaniks: Ang klase ay
mahahati sa apat na grupo at
ang bawat grupo ay
magkakaroon ng sampung
miyembro. Ang magiging laro
ay pagalingan sa pag arte, at
ang magiging scene ay may ina
na nawalan ng anak. Ang
mananalo ay makakatanggap
6. BUOD: Kabanata 21
(Kasaysayan ng Isang Ina)
Tumakbo ng mabilis si Sisa pabalik ng kanilang
bahay ng malaman na pumunta ang gwardiya sibil sa
kanilang bahay para damputin ang kanyang dalawang anak
na nagnakaw daw ng dalawang onsa. Nang makarating sa
bahay si Sisa ay nakita niyang andon pa ang Gwardiya at sila
ay nagkasalubong at ipinipilit ng gwardiya sibil na nasa
kanya ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang mga anak.
Hindi nakikinig ang mga gwardiya sibil kay Sisa kung
kaya ay kinaladkad nila ito papunta sa kuwartel. Walang
magawa si Sisa kundi ay panghinaan ng loob at mag-iiyak
dahil sa sobrang kahihiyan. Pagdating naman sa kwartel ay
inihagis siya at nagsumiksik na lamang sa isang sulok. At
nagbibingi bingihan ang lahat sa kanyang pagmamakaawa.
7. BUOD: Kabanata 21
(Kasaysayan ng Isang Ina)
Tanghali na nang si Sisa ay nakalabas sa kuwartel
dahil tanghali na nalaman ng Alperes ang kaso ni Sisa. Ang
Alperes at Padre salvi ay kilalang magkaaway kaya't sinabi
ng Alperes na walang katotohanan ang ibinibintang kay
sisa.
Pagkalabas ng kuwartel ay tumakbo agad si Sisa
papunta sa kanilang bahay at hinanap niya ang kanyang
mga anak. Tawag siya ng tawag sa pangalan ng kanyang
mga anak ngunit walang sumasagot pinuntahan niya na
lahat ng parte ng kanilang bahay ngunit wala ang mga ito.
Lumabas siya at dun niya hinanap ang mga anak niya
ngunit wala ang mga ito. At dun na nagsimulang nabaliw si
Sisa dahil nakikita na siyang nagsasalita mag-isa.
8. Kanser ng Lipunan
Katiwalian sa Pamahalaan --> Wag
magpapaapi sa kung sino kahit siya
pa man ang may pinaka mataas na
posisyon sa batas.
Kahinaan ng mga Kababaihan -->
Wag mong hayaang tapak tapakan ka
lang ng kung sino sino.
11. Buod: Kabanata 22 (Liwanag at
Karimlan)
Naging usap -usapan ang pagdating ni Maria Clara
at Tiya Isabel sa San Diego. Naging masaya ang lahat
dahil ang lahat ay humahanga sakanyang kagandahan.
Samantala ay may mga di pangkaraniwang
nangyayari kay Padre Salvi na ikinagulat ng maraming
tao kagaya na lamang ng paghinto habang nagmimisa.
Ang pag-iimpis ng kanyang katawan at ang pagiging
malungkutin ay kapansin pansin din sakanya. At ang
higit na pinagtataka ng maraming tao ay ang liwanag na
nagmumula sa kumbento habang ang kura ay bumibisita
kay Maria Clara. At lalo namang tumindi ang bulong-
bulungan ng dumating si Ibarra sa lalawigan.
12. Buod: Kabanata 22 (Liwanag at
Karimlan)
Papunta si Ibarra sa bahay ng kasintahan sakay ng
kalesa. Nagkita sila ni Padre Salvi na papunta din sa
bahay ni Maria Clara. Magkausap ang magkasintahan
tungkol sa piknik na magaganap nabanggit ng dalaga na
gusto niyang makasama ang mga kaibigan niya maliban
na lamang sa Kura dahil may masamang nararamdaman
si Maria Clara kapag nasa paligid niya ito. Iba kasi siya
tumingin at kung ano-ano ang sinasabi nito. Pakiusap
niya kay ibarra. Ngunit wala naman siyang nagawa dahil
tradisyon na na palaging kasama ang kura sa mga
pagtitipon. Habang naguusap ang magkasintahan ay
dumating at kura at sila na ang nagusap ni Ibarra.
13. Buod: Kabanata 22 (Liwanag at
Karimlan)
Pagkatapos magusap ni Ibarra at Padre Salvi
ay nagpaalam na ito na uuwi na. At habang siya ay
pauwi may nakasalubong siyang lalaki. Itinanong ni
Ibarra kung sino siya ang sinagot ng lalaki ay "Hindi
niyo po ako kilala, halos dalawang araw ko na po
kayong inaabangan. Sapagkat nais ko pong
humingi ng tulong sa dalawa kong anak na
nawawala at nabaliw kong asawa. Tulisan daw ako
kaya walang gustong tumulong." Sabi naman ni
Ibarra ay nagmamadali siya kaya ipinakwento na
lamang niya ang sinapit ng kanyang pamilya
habang naglalakad.
14. Kanser ng Lipunan
Kahinaan ng mga
Kababaihan --> Matutong
magkaroon ng lakas ng
loob para sabihin kung ano
man ang nararamdaman
mong masamang
mangyayari sa iyo.
15. Aral
Palaging maging handa sa mga dadating
na delubyo, problema o pagsubok sa buhay
mo. Para hindi ka ganon mahirapan kapag
ito ay dumating na sayo. At alam mo na ang
gagawin mo pag nangyari na ang mga ito sa
buhay mo.
Kung may nararamdaman kang
masamang mangyayari ay hangga't maaari
ay ikaw na ang umiwas para hindi na ito
matuloy."
16. EBALUWASYON
Bakit ayaw ni Maria Clara na kasama si Padre Salvi sa
piknik?
Bakit hindi nakinig si Ibarra kay Maria Clara ng sinabi
niyang ayaw niya na nasa piknik si Padre salvi?
Sino ang nagsabi kay Sisa na ang mga Gwardiya sibil
ay nasa bahay na nila at hinahanap ang dalawa niyang
anak na nagnakaw ng salapi sa simbahan?
Saan dinala si Sisa nang magabot sila ng mga
gwardiya sibil?
Bakit pinakawalan ng Alperes si Sisa?