Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
REVIEWER_BUWAN_NG_WIKA_TAGISAN_NG_TALINO.pptx
1. MGA ANTAS NG WIKA
* Pormal—Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
* Di Pormal – Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-
araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Ang BALBAL o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa
isang wika ng isang partikular na grupong lipunan. Tinatawag din itong
salitang kanto o salitang kalye.
Ang LALAWIGANIN ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa
lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at
iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. Isang matibay
naindikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang paggamit
ng mga salitang hindi banyaga at hindi rinnaman Tagalog.sa antas na ito
mapapansing ang mga salita ay pawang konfaynd lamang sa probinsya o
rehiyong pinanggalingannito. may mga salitang hindi maituturing na
standard sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng pinag gagamitan nito
2. Sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang wikang
PAMBANSA bilang pangatlo, kaakibat ng balbal (una),lalawiganin
(pangalawa), at ng pampanitikan (pang-apat). Ang kasaysayan ng
wikang pambansa sa Pilipinas ay lubhang makulay at
kontrobersyal. Gayumpaman, sa likod ngmayamang kasaysayan
at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa saligang batas, naitala
ang Wikang Pambansa bilang Filipino. Ang Filipino ay hango
sa humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayumpaman,
ang Tagalog ang siyangsinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa
panahon ng mga pagtatakda ng wikang pambansa ay ang siyang
napili atang pinakamabilis namaintindihan ng halos buong
Pilipinas
3. Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang PAMPANITIKAN.
Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamitang
mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang
wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma,
eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang
eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang
"Kapatid nababae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa
ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring
tumaliwas din sakasaysayan dahil sa kaniyang
kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang
isip. Ito ay kadalasangnagaganap sa tuwing ang wikang
pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng
dula, katha, palabas, at ibapang likhang-pampanitikan.
4. Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan
ginagamit natin itong pang- araw - araw na pakikipagtalastasan
ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagama’t may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi .Halimbawa
ng Kolokyal na Salita
1. Mayroon - meron
2. Dalawa - dalwa
3. Diyan - dyan
4. Kwarta-pera
5. Na saan – nasan
6. Paano - pano 7. Saakin-sakin8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun
10. Puwede-pede 11. Kamusta-musta 12. At saka - tsaka
13.Kuwarto- kwarto14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron.
5. Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa
- ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-
araw napakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga
wikang Ingles at Filipino
. Kolokyalismong karaniwan
- ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may talino
- ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/panlalawigan
- wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit
ng tao, na nabuo sakagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon
ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaringnabuo sa pag-baliktad ng mga
salitang Kolokyal/pambansa
Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
6. Teoryang Sumasalig sa Aramaic bilang Unang Wika
Ipinapalagay ng teoryang ito na ang kauna-unahang wika sa mundo ay ang
Aramaic, na wika nga mgaAramaean. Maliban ditto, pinaniniwalaan nila na
ito ang orihinal na wika ng Biblia at ang wikang ginagamitni Hesus.
Teoryang Yo-he-ho. Ipinapalagay ng teoryang ito nan a wika ang nalilikha
ng tao kung siya ang nagbubuhat ng mabibigigat nabagay. Kabilang dito ang
mga tunog o salitang namumutawi sa bibig kung nag-eehersisyo.
Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay. Nakatuon naman ang teoryang ito sa
mga nililikhang tunog sa mga ritwal o selebrasdyong pampangkat.
Teoryang Ukol sa Tore ni Babel Matatagpuan ang salaysay ukol sa Tore
ni Babel sa Lumang Tipan ng Biblia. Binabanggit ditto ang nililikangtore ng
mga tao sa Babilonia. Ang templong nagsilbi ring tore ay isang sagisag na
kapalaluan at walang hanggang pagnanasa ng tao. Ikinagalit ng Diyos ang
ginagawang ito ng mga tao, kaya’t ginugulo niya ang kanilang wika. Ang
lunsod ay kilala bilang Lunsod ng Babel at Tore ni Babel naman ang
templong–tore. Saingles ito ang tinatawag na “Tower of Confusion.”
7. Teoryang sa Wika ni Haring Psammitichus Si
Psammitichus ay hari ng sinaunang Ehipto,
nagsagawa siya ng isang eksperimento sa
pamamagitan ngpagpapakuha at pagpapa-alaga sa
dalawang sanggol sa isang lugar na walang
maririnig na usapan angdalawa. Natuklasan
diumano ng hari na ang kauna-unahang salitang
kanilang nasambit ay “bekos” (Wikang Phrygian
para sa “bread” o tinapay.) Ipinalagay ng hari na
bagamat walang wikang narinig ay matututunanng
nilalang ang kayang likas na wika.
8. WIKA. Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang
kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay
nito upangmaipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Isang
pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdaminsa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
DAYALEK (tinatawag ding ‘wikain’) Dayalek ang barayti
ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko.
Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Itoang wikang
ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan
o pook, malaki man o maliit.Ang mga dayalek ay
makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng
mga distinct na bokabularyo kundimaging sa punto o
tono at sa istraktura ng pangungusap.
9. IDYOLEK. Kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika,
ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya
pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang
indibidwal sa iba pang indibidwal.Bawat isa kasi ay may kani-
kaniyang paraan ng paggamit ng wika.Kabuuan ng mga katangian
sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito
kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang,
kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
SOSYOLEK. Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo
batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal nabarayti
ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante,wika ng
matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika
ng mga bakla at ng iba pang pangkat.