SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  32
Télécharger pour lire hors ligne
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
8
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Glenda P. Del Rosario
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Babylyn M. Demetion / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
8
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan
sa Daigdig!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang
higit mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig. Pagtutuonan nang pansin sa ating pag-aaral sa modyul na
ito ang mga mahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at kung paano
naging kapaki-pakinabang ang mga ambag na ito sa pagkakaroon ng mauunlad na
pamayanan at sa pagtataguyod ng kabihasnan.
Ang mga gawaing inilahad ay makatutulong upang mas maunawaan ang
paksa at makamit ang mga layunin. Ang modyul na ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia
Talakayan 2 – Mga Pamana ng Kabihasnang Indus
Talakayan 3 – Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino
Talakayan 4 – Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang
a. nakapagiisa-isa ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig;
b. nakapagsusuri ang kapakinabangan ng mga pamana ng mga sinaunang
kabihasnan hanggang sa kasalukuyan; at
c. nakapagpahahalaga sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa
Daigdig.
2
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Ano ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong
Daigdig?
A. pictogram C. hieroglyphics
B. cuneiform D. calligraphy
2. Ano ang tawag ng mga Egyptian sa proseso ng preserbasyon ng isang yumao
kung saan gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay?
A. pag-embalsamo C. paglilibing
B. mummification D. pagpreserba
3. Ano ang tanyag sa gusali sa Babylonia na kabilang sa Seven Wonders of the
Ancient World?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
4. Ano ang kaisipang nagmula sa China ukol sa pagbalanse ng yin at yang
upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman?
A. Feng Shui C. sundial
B. Bing Fa D. I Ching
5. Anong relihiyon na nagmula sa India ang naniniwala sa muling pagkabuhay
o reincarnation at sa karma?
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Hinduismo D. Jainismo
6. Alin sa sumusunod na estruktura ang tahanan ng mga diyos sa Sumer?
A. Taj Mahal C. Pyramid
B. Ziggurat D. Hanging Gardens
7. Alin sa sumusunod ang pilosopiya na may layunin na magkaroon ng isang
matahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili
at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao at lipunan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Taoism D. Buddhism
8. Anong estruktura ang nagsilbing tahanan ng mga emperador noong
Dinastiyang Ming?
A. Forbidden City C. Pyramid
B. Great Wall D. Grand Canal
9. Ano ang tawag sa pagbibilang na nakabatay sa 60 tulad ng 60 minuto bawat
oras at kabuuang 3600 bawat bilog?
A. Decimal system C. sexagesimal system
B. Pictogram D. grid
3
10. Sino sa sumusunod ang nagtayo ng aklatan na naglalaman ng kultura ng
mga taga-Sumeria at Babylonia?
A. Ashurbanipal C. Akbar
B. Chandragupta I D. Babur
11. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Tsino?
A. Cuneiform C. Heiroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
12. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang
mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino?
A. Oracle bones C. Sacrificial bones
B. bricks D. clay tablet
13. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Egyptian?
A. Cuneiform C. Hieroglyphics
B. Pictogram D. Calligraphy
14. Ano ang tinaguriang “Agham ng Buhay” ng Sinaunang India na naglalaman
ng mahalagang kaisipang pangmedisina?
A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh
B. Arthasastra D. Ramayana
15. Ano ang piramide na pinakamalaki sa buong daigdig na ipinagawa ni Khufu?
A. Great Pyramid of Gizah C. Pyramid of Unis
B. Step Pyramid D. Pyramid of Khufu
4
Aralin
1
Mga Pamana ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Daigdig ay nag-iwan ng
kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng
kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at
aspekto. Matutuklasan mo na marami sa mga kaalaman na ginagamit sa
kasalukuyang panahon ay nagmula sa mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan.
Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng pag-aaral ang mahahalagang
kontribusyon ng mga sinaunang tao na nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng
kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Susuriin din ang
mga kahalagahan sa kasalukuyan ng mga dakilang pamanang ito sa sangkatauhan.
Balikan
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga mahahalagang pangyayari kung
paano nalinang ng mga sinaunang tao ang mga kasanayan sa iba’t ibang larangang
nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Subukan mong sagutin ang mga sumusunod
na katanungan batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin.
• Sa iyong pagkaunawa, paano nagkatulad ang mga sumibol na sinaunang
kabihasnan sa Daigdig?
• Anong aral ang iyong natutuhan mula sa kasaysayan ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig?
Mga Tala para sa Guro
Maaaring papiliin ang mga mag-aaral ng isang
kabihasnan. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng isang
pinakamahalagang aral na kanilang natutuhan mula sa napili
nilang kabihasnan at paano nakatutulong ang aral o
kaisipang ito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
5
Tuklasin
Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa
ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain
mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito.
Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung paano nakatutulong sa kasalukuyang
pamumuhay ng mga tao ang mga bagay na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
gulong
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
araro
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
kalendaryo
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
6
compass
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
papel
Kasalukuyang kapakinabangan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
7
Suriin
Maglalakbay tayong muli sa nakaraan, iisa-isahin natin ang mga pamana sa
daigdig ng mga dakilang kabihasnang sumibol sa Mesopotamia, India, China at
Egypt. Pangunahin sa mga pamanang ito ang mga kagamitang naimbento na
lubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon. Ano ang
pinakamahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan na hanggang sa
kasalukuyan ay patuloy na napakikinabangan? Tutuklasin mo iyan sa araling ito.
Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia
Lunduyan ng kabihasnan ang lupaing Mesopotamia. Ang mga taong
nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang
pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Narito ang ilan sa mga
mahahalagang bagay na nalikha ng mga Sumerian.
Ziggurat
ZIGGURAT – Ito ay isang estrukturang
nagsisilbing tahanan at templo ng
diyos o patron ng isang lungsod. Ito
ang sentro ng pamayanan. Umaabot ng
pitong palapag at may templo sa
pinakatuktok ng gusali.
Gulong
GULONG - Ito ay naging mahalaga sa
mga Sumerian dahil sa ito ay naging
malaking tulong sa pangangalakal
(Sumerian wheel cart) at naging potter’s
wheel na nagpadali sa paggawa ng mga
banga. Ang gulong ay itinuturing na
pinakamahalagang imbensyon o
tuklas ng tao ng nagdaang pagbabago
o ebolusyon at ito ay ginagamit pa rin
sa kasalukuyan sa iba’t ibang hugis at
kayarian.
8
Cuneiform
CUNEIFORM – Ito ay
nangangahulugang “hugis-sinsel”, ang
kauna-unahang sistematikong paraan
ng pagsusulat sa buong Daigdig na
nalinang ng mga Sumerian.
Gumagamit ang mga eskriba (scribe)
ng isang maliit na patpat na tinatawag
na stylus bilang panulat at tabletang
luwad (clay tablet) bilang sulatan.
Epic of Gilgamesh
EPIC OF GILGAMESH – Itinuturing ito
bilang kauna-unahang akdang
pampanitikan sa buong Daigdig. Isa
itong kwento ni Haring Gilgamesh ng
lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian
noong ikatlong siglo B.C.E. Isa sa mga
kabanata ng epikong ito ay
kahalintulad ng “The Great Flood” ng
Bibliya.
Code of Hammurabi
“CODE OF HAMMURABI” – Ang
katipunan ng mga batas ni
Hammurabi ay isang napakahalagang
ambag ng kabihasnang Sumer. Ito ay
naglalaman ng 282 batas na
pumapaksa sa halos lahat na aspekto
ng araw-araw na buhay sa
Mesopotamia. May mga batas na
nagkakaloob ng proteksyon sa mga
mamimili, may mga batas ukol sa
kasal at pamilya. Nakapaloob dito ang
tanyag na kaisipang “an eye for an eye,
a tooth for a tooth.
Araro
WATER CLOCK – Isang kalendaryong
nakabatay sa siklo ng buwan.
• Paggawa ng unang mapa.
• Paggawa ng kagamitan at sandata
gamit ang tanso
SEXAGESIMAL SYSTEM – Ito ay
matandang sistema ng matematika ng
Sumerian kung saan ang pagbibilang
ay nakabatay sa 60.
9
Layag
Mga arko
• Nagpaunlad ng mga kaisipan ukol
sa astronomiya.
• Paggamit ng araro sa pagsasaka
• Paggamit ng layag sa mga
sasakyang pandagat
• Paglagay ng mga arko sa kanilang
mga estruktura
Pamana ng Kabihasnang Indus
Ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang
panirahang sumailalim sa tinatawag na urban planning o pagpaplanong panlungsod.
Kahanga-hanga din ang kanilang pagpapahalaga sa kalinisan at sanitasyon ng
kanilang pamayanan. Narito ang ilan sa mga kontribusyon ng kabihasnang Indus:
Arthashastra
Isinulat ni Kautilya ang
Arthashastra noong ikatlong siglo B.C.E.
Ito ang kauna-unahang akda o treatise
hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si
Kautilya ang tagapayo ni Chandragupta
Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong
Maurya.
Ayurveda
Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay”
ay isang mahalagang kaisipang
pangmedisina ng sinaunang India.
Tinawag itong “Agham ng Buhay” sapagkat
binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng
kalusugan at kaligtasan mula sa mga
karamdaman.
10
Sewerage System in Mohenjo-Daro
Ang pagkakaroon ng mga palikuran
ng mga kabahayan ay itinuturing na
kauna-unahang paggamit sa kasaysayan
ng sistemang alkantarilya o sewerage
system. Bukod dito ang mga kalsada sa
matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at
Harappa ay nakaayos na parang mga
nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Ramayana at Mahabharata
Ang dalawang epikong pamana ng India sa
larangan ng panitikan.
 Ang Mahabharata ay isang salaysay
hinggil sa matinding tunggalian ng
dalawang pamilya na magkakamag-
anak – ang mga Pandava na
kumakatawan sa kaguluhan at
kasamaan.
 Ang Ramayana ay isang salaysay
tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at
ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita,
ang kanyang asawa, na sapilitang
kinuha ni Ravana, isang demonyong
hari.
Iba pang kontribusyon
Taj Mahal
• Pamantayan ng bigat at sukat
• Decimal System
• Paggamot at pagbunot ng ngipin
• Halaga ng pi (3.1416)
• Taj Mahal
• Pinagmulan ng mga relihiyong
Hinduismo, Budismo, Jainismo at
Sikhismo
11
Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino
Ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay nag-iwan ng mga dakilang
pamana sa sangkatauhan. Narito ang mga mahahalagang kontribusyon ng
kabihasnang Tsino.
Great Wall of China
Ang GREAT WALL ay ipinatayo
sa panahon ng Qin. Tinatayang isang
milyong katao ang sapilitang
pinagtrabaho upang itayo ito. Itinayo
ang Great Wall upang magsilbing
tanggulan laban sa mga tribong
nomadiko na nagmula sa hilaga ng
China. May haba itong 2400 kilometro o
1500 milya. Ito ay nagsilbing simbolo ng
kabihasnang Tsino sa loob ng
mahabang panahon.
Grand Canal
Ang GRAND CANAL ang
nagdudugtong sa Ilog Huang-Ho at Ilog
Yangtze at may kabuuang distansya ito
na 2,500 kilometro. Ito ang
pinakamahabang kanal sa buong
Daigdig na may habang 1,776 km at
taas na 138 talampakan.
Calligraphy
CALLIGRAPHY o kaligrapo ang uri
ng pagsulat na nabuo ng Dinastiyang
Shang. Pictogram o mga larawan ang
kanilang gamit sa calligraphy na dikit-
dikit ang pagkakasulat upang makabuo
at maipakita ang ideya.
Acupuncture
Ang ACUPUNCTURE ay isa sa
mahalagang ambag ng kabihasnang
Tsino sa larangan ng medisina. Ang
acupuncture ay pagtutusok ng
maninipis na karayom sa ilang mga
lugar sa katawan para sa pag-ibsan sa
ilang karamdaman (therapy) o
pagpapahupa ng sakit.
Feng Shui
Ang paniniwala sa FENG SHUI o
Geomancy ay nagmula sa China. Ang
kaisipang ito ay ukol sa tamang
12
pagbabalanse ng yin at yang upang
makapagdulot ng magandang
hinaharap sa sinuman.
 Ang yin ay sumisimbolo sa
kababaihan – malambot at
kalmado.
 Ang yang ay tumutukoy sa
kalalakihan – matigas at masigla.
I Ching at Bing Fa
Ito ay ang dalawang mahahalaga
at sinaunang aklat na pamana ng mga
Tsino.
 Ang I Ching (Classic of Change) ay
nagbibigay ng perspektiba at
pamamaraan ng prediksyon ukol sa
iba’t ibang bagay at sitwasyon sa
buhay ng tao.
 Ang Bing Fa (Art of War) ay
itinuturing na isa sa mga kauna-
unahan at pinakatanyag na aklat
ukol sa estratehiyang militar na
isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong
510 B.C.E.
Iba pang kontribusyon
Papel
Porselana
• Seismograph – instrumentong
nagtatala sa pagdating, lakas at
direksyon ng lindol
• Papel – na nagdulot ng malawakang
pagbabago sa komunikasyon at
kalakalan
• Porselana – na naging pangunahing
produktong iniluluwas
• Paggamit ng silk o seda – isang
mahalagang produktong Tsino na
ikinakalakal mula China
patungong Mediterranean.
• Kagamitang pang-astronomiya
tulad ng kalendaryo, star maps
• Praktikal na kagamitan tulad ng
wheel barrow, mill wheel, water
clock at sundial
• Magnetic compass
• Gunpowder para sa fireworks
• Block printing para sa paglilimbag
ng mga bagong kaisipan at
mahahalagang akda
• Chopsticks
• Abacus
13
Chopsticks
Pamaypay
Payong
Wheel barrow
• Payong
• Pamaypay
• Saranggola
• Mga pilosopiya tulad ng
Confucianism, Taoism at Legalism
14
Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian
Ang mga sinaunang Egyptian ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang
monumento ng kanilang kabihasnan. Narito ang mga mahahalagang ambag ng
sinaunang kabihasnang Egyptian.
Great Pyramid of Giza
Ang pyramid ay nagsisilbing
monumento ng kapangyarihan ng mga
pharaoh at huling hantungan sa
kanilang pagpanaw. Ang mga piramide
ay hitik sa mga simbolismong
relihiyoso.
 Great Pyramid of Giza –
pinakamalaki, pinakamataas at
pinakamarangal na piramideng
ipinatayo ni Khufu noong 2600
BCE. Kabilang ito sa tinaguriang
Seven Wonders of the Ancient
World.
Hieroglyphics
Hieroglyphics ay ang sistema ng
pagsulat na nalinang ng mga
eskribano, na nangangahulugang
“sagradong ukit” o hieratic sa wikang
Greek. Ang hieroglyphics ay nakasulat
hindi lamang sa mga papel kundi
nakaukit din sa mga pampublikong
gusali o kaya naman ay nakapinta sa
luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay
naging mahalaga sa pagtatala at
kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino
o paper scroll ay mula sa mala-tambong
halaman na tinatawag na papyrus.
Mummification
Mummification ang katawan ng
isang yumao ay sumasailalim sa isang
preserbasyon bago ito tuluyang ilibing.
Ang mga Egyptian ay gumagamit ng
kemikal upang patuyuin ang bangkay.
Matapos nito, ang isang mummy o
embalsamadong bangkay ay
pinipintahan, binabalutan ng linen, at
pinapalamutian ng alahas.
15
Iba pang kontribusyon
• Kalendaryo na may 365 araw sa
isang taon na hinati sa 12 buwan.
• Geometry
• Medisina tulad ng pagsasaayos ng
nabaling buto
• Paggamit ng chariot o karong
pandigma
Pagyamanin
Gawain 1: Flower Chart
Pumili ng isang kabihasnan at ibigay ang limang (5) mahahalagang kontribusyon
nito sa Daigdig gamit ang Flower Chart. Kopyahin ang flower chart sa sagutang papel
at isulat ang iyong sagot sa bawat talulot ng bulaklak.
16
Gawain 2: Maglakbay Tayo!
Tukuyin ang kabihasnang pinagmulan ng mga sumusunod na ambag na makikita
sa bawat chariot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
A B
C. D.
clay tablet
araro
water clock
seismograph
silk
chopsticks
paper scroll
kalendaryo
chariot
Arthasastra
Taj Mahal
Ayurveda
17
Gawain 3: Makabuluhang Pamana!
Makikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan kung maiuugnay ang mga
pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan. Ilahad ang kahalagahan sa kasalukuyan
ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Paggamit ng
gulong
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
Pagbuo ng
sistema ng
pagsulat
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Pagkaimbento
ng kalendaryo
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Paggamit ng
araro sa
pagsasaka
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Paglikha ng mga
bangka at layag
Kabuluhan sa Kasalukuyan:
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
18
Gawain 4: Triple Matching Type
Buoin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagpili ng mga konsepto mula
sa Hanay A at Hanay C na kaugnay ng kabihasnan na nasa Hanay B. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain 5: Tri-Question Approach
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa aralin.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
C
Sistemang Caste
Zoroastrianismo
Hinduismo
Monoteismo
mummification
Confucianismo
A
Taj Mahal
Great Pyramid
Forbidden City
Ziggurat
Grand Canal
Hanging Garden
B
Mesopotamia
Egypt
Tsino
Indus
Anong mga
katangian ang
taglay ng mga
sinaunang tao
upang magawa
ang mga bagay
na naging
pamana nila sa
kasalukuyang
panahon?
Kahanga-hanga
ba ang ginawa ng
mga sinaunang
tao sa paglikha
nila ng iba’t ibang
kagamitan upang
mapatatag ang
kanilang
kabihasnan?
Bakit?
Paano nakatulong
sa mga Pilipino
ang mga pamana
ng mga sinaunang
kabihasnan tulad
ng araro, gulong,
mga kaalamang
pangmedisina at
iba pa?
19
Gawain 6: Konsepto Ko, Buoin Mo!
Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong
titik sa loob ng mga kahon. Gawing gabay ang mga titik na nasa loob ng kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
G M
H U
M
G A
P N
P Y
G Y
A D
G
S G M
1. Epikong itinuturing bilang kauna-unahang
akdang pampanitikan sa buong Daigdig.
2. Matandang relihiyon na nagmula sa India
3. Embalsamadong bangkay na pinipintahan,
binabalutan ng linen at pinapalamutian ng
alahas
4. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang
pagbabalanse ng yin at yang
5. Pangunahing produktong iniluluwas ng mga
Tsino noon
6. Halamang pinagmumulan ng paper scroll ng
mga Egyptian
7. konseptong napakahalaga upang sukatin
ang lupa, planuhin ang istruktura at iba pa.
8. Isang mahalagang kaisipang pangmedisina
ng sinaunang India.
9. Ang pagkatuklas nito ay nagpadali sa
paggawa ng mga banga.
10. Matandang sistema ng matematika kung
saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.
20
Isaisip
Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang buod ng aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa
Daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa
sangkatauhan.
Ang ilan sa mga kilalang ambag na nagmula sa
Mesopotamia ay ang mga sumusunod
_________________________________. Samantala pinagyaman
ng India ang panitikan ng Daigdig sa pamamagitan ng
___________________________________ na kanilang ambag sa
panitikan. Gayundin, ang bawat dinastiyang nangibabaw sa
China ay may mga kontribusyon sa pagpapayabong ng
kulturang Tsino. Naimbento nila ang
_______________________________ na ginagamit pa rin sa
kasalukuyang panahon. Sa kabihasnang Egypt naman
naitayo ang ________________________________ na itinuturing
na isa sa Seven Wonders of the Ancient World.
Sa kabuoan, masasabi na naging matagumpay ang
mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig sapagkat nakapag-
iwan ang mga ito ng mga pamana na hanggang sa
kasalukuyan ay napakikinabangan.
21
Isagawa
Ilahad ang kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel sa mga sumusunod batay sa
iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Tayahin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may
pahintulot ang langit na pamunuan ng emperador ang China?
A. Divine Origin C. Mandate of Heaven
B. Devaraja D. Caliph
2. Aling relihiyon ang pinalaganap ng mga Persiano sa Mesopotamia?
A. Kristiyanismo C. Budismo
B. Islam D. Zoroastrinismo
3. Alin sa sumusunod ang isang tulang epiko tungkol sa kadakilaan ni Prinsipe
Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita?
A. Mahabharata C. Ayurveda
B. Arthasastra D. Ramayana
Kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel
Sa iyo, bilang
isang mag-aaral:
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
Sa ating lipunan:
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
Sa Daigdig:
__________________
__________________
__________________
__________________
__________________
22
4. Ano ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at naglalaman
ng 282 batas ng Babylonia?
A. Kodigo ni Hammurabi C. Kodigo ni Naram Sin
B. Kodigo ni Sargon D. Kodigo ni Cyrus the Great
5. Alin sa sumusunod ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa
pamahalaan?
A. Calligraphy C. Sphere of influence
B. Civil Service Examination D. Cuneiform
6. Ano ang akdang isinulat ni Kautilya tungkol sa pamahalaan at ekonomiya?
A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh
B. Arthasastra D. Ramayana
7. Ano ang libingan ng hari sa Ehipto na hitik sa mga simbolismong relihiyoso?
A. Hanging Garden C. Memorial Park
B. Dome D. Pyramid
8. Alin ang tumutukoy sa tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga
sawikain, at mga salaysay?
A. Mahabharata C. Ayurveda
B. Vedas D. Ramayana
9. Alin ang ambag ng mga Sumerian na naging malaking pakinabang at gamit sa
transportasyon at pakikidigma?
A. araro C. arko
B. gulong D. bakal
10.Ano ang pilosopiya na hangad ang balanse sa kalikasan at Daigdig at pakikiayon
ng tao sa kalikasan?
A. Confucianism C. Legalism
B. Taoism D. Buddhism
11.Aling estruktura ang nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko sa
hilagang China?
A. Ziggurat C. Pyramid
B. Great Wall D. Grand Canal
12.Sa anong halaman nagmumula ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ng
mga Egyptian?
A. Abaca C. papyrus
B. Cacao D. punong-kahoy
13.Anong relihiyon ang itinatag ni Siddharta Gautama na naging malaking salik sa
pagpapayaman sa kultura ng India?
A. Budismo C. Kristiyanismo
B. Hinduismo D. Jainismo
14.Ano ang estrukturang ipinatayo ni Shah Jahan bilang alaala ng kanyang
minamahal na asawang si Mumtaz Mahal?
A. Forbidden City C. Taj Mahal
B. Great Wall D. Grand Canal
15.Alin sa sumusunod ang itinuturing bilang kauna-unahang akdang pampanitikan
sa buong Daigdig?
A. Code of Hammurabi C. Epic of Gilgamesh
B. Code of Ur-Nammu D. Enuma Elish
23
Karagdagang Gawain
Sagutin upang mas higit na mapagtibay ang natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan
ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay?
2. Pumili ng dalawang (2) ambag ng sinaunang kabihasnan at ilahad
ang kapakinabangang dulot nito sa iyo bilang isang kabataan sa
kasalukuyang panahon.
Napiling Ambag:
____________________________
Kapakinabangan:
____________________________
____________________________
____________________________
Napiling Ambag:
____________________________
Kapakinabangan:
____________________________
____________________________
____________________________
24
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1.
B
9.
C
2.
B
10.
A
3.
D
11.
D
4.
A
12.
A
5.
B
13.
C
6.
B
14.
A
7.
A
15.
A
8.
A
TUKLASIN
Batay
sa
sariling
pagkaunawa
ng
mag-aaral
ang
kasagutan
Gawain
1
Batay
sa
sariling
pagkaunawa
ng
mag-aaral
ang
kasagutan
Gawain
2
A.
Mesopotamia
B.
Tsino
C.
Egypt
D.
Indus
Gawain
3
Batay
sa
sariling
pagkaunawa
ng
mga
mag-
aaral
ang
kasagutan
Gawain
4
Mesopotamia
–
Ziggurat
Hanging
Garden
Zoroastrianismo
Indus
–
Taj
Mahal
Sistemang
Caste
Hinduismo
ISAISIP
Mesopotamia
–
cuneiform
Ziggurat
Gulong
Water
clock
Unang
mapa
Indus
–
Ayurveda
Arthashastra
Ramayana
at
Mahabharata
Tsino
–
seda
Kalendaryo
Chopsticks
Pamaypay
Paying
Compass
Wheelbarrow
Egypt
–
Great
Pyramid
ISAGAWA
Batay
sa
sariling
pagkaunawa
ng
mag-aaral
ang
kasagutan
TAYAHIN
1.
C
11.
B
2.
D
12.
C
3.
D
13.
A
4.
A
14.
C
5.
B
15.
C
6.
B
7.
D
8.
B
9.
B
10.B
KARAGDAGANG
GAWAIN
Batay
sa
sariling
pagkaunawa
ng
mag-aaral
ang
kasagutan
Egypt
–
Great
Pyramid
Mummification
Monoteismo
Gawain
5
Batay
sa
sariling
pagkaunawa
ng
mga
mag-
aaral
ang
kasagutan
Gawain
6
1.
Gilgamesh
2.
Hinduismo
3.
Mummy
4.
Geomancy
5.
Porcelana
6.
Papyrus
7.
Great
Pyramid
8.
Ayurveda
9.
Gulong
10.Sexagesimal
25
Sanggunian
Blando Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group, Inc.
DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura.
Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City. 2010.
K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling
Panlipunan. Deped Learning Portal
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275
Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral. Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City. 2014.
Mateo, Grace Estela C. et al. Kabihasnang Daigdig: KAsaysayan at Kultura.
Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City. 2006.
Mercado, Michael M. Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publishing
House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City.
2009.
Pana-Panahon III. Kasaysayan ng Mundo. Rex Printing Company, Inc. P.
Florentino Sta. Mesa Heights, Quezon City. 2005.
Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 3 Ang Mga Unang Kabihasnan
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03
UNANG_KABIHASNAN.PDF
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region III – Learning Resources
Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

Contenu connexe

Tendances

AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigAP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
Jared Ram Juezan
 
Kabihasnang minoan at mycenean
Kabihasnang minoan at myceneanKabihasnang minoan at mycenean
Kabihasnang minoan at mycenean
aaronstaclara
 

Tendances (20)

Ap8 q2 Minoan at Mycenean
Ap8 q2 Minoan at MyceneanAp8 q2 Minoan at Mycenean
Ap8 q2 Minoan at Mycenean
 
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - CompleteGrade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
Grade 8 Learning Module in Araling Panlipunan - Complete
 
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
 
Katangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng DaigdigKatangiang Pisikal ng Daigdig
Katangiang Pisikal ng Daigdig
 
Mga kontinente sa daigdig
Mga kontinente sa daigdigMga kontinente sa daigdig
Mga kontinente sa daigdig
 
Ang Estruktura ng Daigdig
Ang Estruktura ng DaigdigAng Estruktura ng Daigdig
Ang Estruktura ng Daigdig
 
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROMEKLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
KLASIKAL NA KABIHASNANG ROME
 
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
Grade 8 Aral Pan Summative Test 1
 
Kabihasnang mycenaean
Kabihasnang mycenaeanKabihasnang mycenaean
Kabihasnang mycenaean
 
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdigAP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
AP 9 - Modyul 1, Aralin 1 - Heograpiya ng daigdig
 
KABIHASNANG KLASIKAL SA AFRICA
KABIHASNANG KLASIKAL SA AFRICA KABIHASNANG KLASIKAL SA AFRICA
KABIHASNANG KLASIKAL SA AFRICA
 
Kabihasnang minoan
Kabihasnang minoanKabihasnang minoan
Kabihasnang minoan
 
Deepen heograpiyang pantao
Deepen heograpiyang pantaoDeepen heograpiyang pantao
Deepen heograpiyang pantao
 
Kabihasnang minoan at mycenean
Kabihasnang minoan at myceneanKabihasnang minoan at mycenean
Kabihasnang minoan at mycenean
 
Modyul 2
Modyul 2Modyul 2
Modyul 2
 
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
Q4-AP7-Week1-Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog- Silangang Asy...
 
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng ImperyalismoA.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
A.P 8 SIM 3rd Quarter Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
 
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga KontinenteA.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
A.P 8 # 2 Ang Mga Kontinente
 
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
Araling Panlipunan Grade-8 - Learning Module - Quarter 1 - Module 1
 
Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang.pptx
Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang.pptxHeograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang.pptx
Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang.pptx
 

Similaire à Ap 8 quarter 1 module 6

AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
Kariue
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
NoelPiedad
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
LizellRagasa
 

Similaire à Ap 8 quarter 1 module 6 (20)

AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdfAP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
AP-8-QUARTER-1-MODULE-3.pdf
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptxQ1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 

Dernier

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
MaamMeshil1
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
VALERIEYDIZON
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
binuaangelica
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 

Dernier (20)

FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 

Ap 8 quarter 1 module 6

  • 1. Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig 8
  • 2. Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Glenda P. Del Rosario Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz Babylyn M. Demetion / Erfe Donna A. Aspiras Edelwiza L. Cadag Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Angelica M. Burayag, PhD Ma. Editha R. Caparas, PhD Nestor P. Nuesca, EdD Marie Ann C. Ligsay, PhD Dominador M. Cabrera, PhD Edward C. Jimenez, PhD Ma. Leonora B. Cruz
  • 3. 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
  • 4. ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. iv Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Alamin Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang aralin tungkol sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig. Pagtutuonan nang pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan at kung paano naging kapaki-pakinabang ang mga ambag na ito sa pagkakaroon ng mauunlad na pamayanan at sa pagtataguyod ng kabihasnan. Ang mga gawaing inilahad ay makatutulong upang mas maunawaan ang paksa at makamit ang mga layunin. Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan: Talakayan 1 – Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia Talakayan 2 – Mga Pamana ng Kabihasnang Indus Talakayan 3 – Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino Talakayan 4 – Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang a. nakapagiisa-isa ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig; b. nakapagsusuri ang kapakinabangan ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan; at c. nakapagpahahalaga sa mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig.
  • 8. 2 Subukin Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Ano ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong Daigdig? A. pictogram C. hieroglyphics B. cuneiform D. calligraphy 2. Ano ang tawag ng mga Egyptian sa proseso ng preserbasyon ng isang yumao kung saan gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay? A. pag-embalsamo C. paglilibing B. mummification D. pagpreserba 3. Ano ang tanyag sa gusali sa Babylonia na kabilang sa Seven Wonders of the Ancient World? A. Taj Mahal C. Pyramid B. Ziggurat D. Hanging Gardens 4. Ano ang kaisipang nagmula sa China ukol sa pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman? A. Feng Shui C. sundial B. Bing Fa D. I Ching 5. Anong relihiyon na nagmula sa India ang naniniwala sa muling pagkabuhay o reincarnation at sa karma? A. Budismo C. Kristiyanismo B. Hinduismo D. Jainismo 6. Alin sa sumusunod na estruktura ang tahanan ng mga diyos sa Sumer? A. Taj Mahal C. Pyramid B. Ziggurat D. Hanging Gardens 7. Alin sa sumusunod ang pilosopiya na may layunin na magkaroon ng isang matahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao at lipunan? A. Confucianism C. Legalism B. Taoism D. Buddhism 8. Anong estruktura ang nagsilbing tahanan ng mga emperador noong Dinastiyang Ming? A. Forbidden City C. Pyramid B. Great Wall D. Grand Canal 9. Ano ang tawag sa pagbibilang na nakabatay sa 60 tulad ng 60 minuto bawat oras at kabuuang 3600 bawat bilog? A. Decimal system C. sexagesimal system B. Pictogram D. grid
  • 9. 3 10. Sino sa sumusunod ang nagtayo ng aklatan na naglalaman ng kultura ng mga taga-Sumeria at Babylonia? A. Ashurbanipal C. Akbar B. Chandragupta I D. Babur 11. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Tsino? A. Cuneiform C. Heiroglyphics B. Pictogram D. Calligraphy 12. Ano ang tawag sa mga tortoise shell at cattle bone na ginagamit upang mabatid ang mensahe o saloobin ng mga diyos ng mga Tsino? A. Oracle bones C. Sacrificial bones B. bricks D. clay tablet 13. Ano ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat ng mga Egyptian? A. Cuneiform C. Hieroglyphics B. Pictogram D. Calligraphy 14. Ano ang tinaguriang “Agham ng Buhay” ng Sinaunang India na naglalaman ng mahalagang kaisipang pangmedisina? A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh B. Arthasastra D. Ramayana 15. Ano ang piramide na pinakamalaki sa buong daigdig na ipinagawa ni Khufu? A. Great Pyramid of Gizah C. Pyramid of Unis B. Step Pyramid D. Pyramid of Khufu
  • 10. 4 Aralin 1 Mga Pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang mga ito ay nagpapakita ng kadakilaan, husay, at talento ng mga sinaunang tao sa iba’t ibang larangan at aspekto. Matutuklasan mo na marami sa mga kaalaman na ginagamit sa kasalukuyang panahon ay nagmula sa mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng pag-aaral ang mahahalagang kontribusyon ng mga sinaunang tao na nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Susuriin din ang mga kahalagahan sa kasalukuyan ng mga dakilang pamanang ito sa sangkatauhan. Balikan Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga mahahalagang pangyayari kung paano nalinang ng mga sinaunang tao ang mga kasanayan sa iba’t ibang larangang nagpaunlad sa kanilang pamumuhay. Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin. • Sa iyong pagkaunawa, paano nagkatulad ang mga sumibol na sinaunang kabihasnan sa Daigdig? • Anong aral ang iyong natutuhan mula sa kasaysayan ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig? Mga Tala para sa Guro Maaaring papiliin ang mga mag-aaral ng isang kabihasnan. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng isang pinakamahalagang aral na kanilang natutuhan mula sa napili nilang kabihasnan at paano nakatutulong ang aral o kaisipang ito sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.
  • 11. 5 Tuklasin Simulan ang iyong pagkatuto sa pamamagitan ng isang gawaing nakikita sa ibaba. Masagot mo kaya? Pagkatapos ay basahin mo ang teksto ng aralin at unawain mo ang mga kataga at salitang iyong pinag-isipan sa bahaging ito. Suriin ang mga larawan. Tukuyin kung paano nakatutulong sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao ang mga bagay na ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. gulong Kasalukuyang kapakinabangan: ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ araro Kasalukuyang kapakinabangan: ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ kalendaryo Kasalukuyang kapakinabangan: ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________
  • 13. 7 Suriin Maglalakbay tayong muli sa nakaraan, iisa-isahin natin ang mga pamana sa daigdig ng mga dakilang kabihasnang sumibol sa Mesopotamia, India, China at Egypt. Pangunahin sa mga pamanang ito ang mga kagamitang naimbento na lubusang nagpagaan sa mga gawain ng tao noon at ngayon. Ano ang pinakamahalagang pamana ng mga sinaunang kabihasnan na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na napakikinabangan? Tutuklasin mo iyan sa araling ito. Mga Pamana ng Kabihasnang Mesopotamia Lunduyan ng kabihasnan ang lupaing Mesopotamia. Ang mga taong nanirahan dito ay nag-iwan ng mga pamanang nagpapakita ng kanilang pagkamalikhain at kahusayan sa iba’t ibang mga bagay. Narito ang ilan sa mga mahahalagang bagay na nalikha ng mga Sumerian. Ziggurat ZIGGURAT – Ito ay isang estrukturang nagsisilbing tahanan at templo ng diyos o patron ng isang lungsod. Ito ang sentro ng pamayanan. Umaabot ng pitong palapag at may templo sa pinakatuktok ng gusali. Gulong GULONG - Ito ay naging mahalaga sa mga Sumerian dahil sa ito ay naging malaking tulong sa pangangalakal (Sumerian wheel cart) at naging potter’s wheel na nagpadali sa paggawa ng mga banga. Ang gulong ay itinuturing na pinakamahalagang imbensyon o tuklas ng tao ng nagdaang pagbabago o ebolusyon at ito ay ginagamit pa rin sa kasalukuyan sa iba’t ibang hugis at kayarian.
  • 14. 8 Cuneiform CUNEIFORM – Ito ay nangangahulugang “hugis-sinsel”, ang kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsusulat sa buong Daigdig na nalinang ng mga Sumerian. Gumagamit ang mga eskriba (scribe) ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus bilang panulat at tabletang luwad (clay tablet) bilang sulatan. Epic of Gilgamesh EPIC OF GILGAMESH – Itinuturing ito bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong Daigdig. Isa itong kwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumerian noong ikatlong siglo B.C.E. Isa sa mga kabanata ng epikong ito ay kahalintulad ng “The Great Flood” ng Bibliya. Code of Hammurabi “CODE OF HAMMURABI” – Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi ay isang napakahalagang ambag ng kabihasnang Sumer. Ito ay naglalaman ng 282 batas na pumapaksa sa halos lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa Mesopotamia. May mga batas na nagkakaloob ng proteksyon sa mga mamimili, may mga batas ukol sa kasal at pamilya. Nakapaloob dito ang tanyag na kaisipang “an eye for an eye, a tooth for a tooth. Araro WATER CLOCK – Isang kalendaryong nakabatay sa siklo ng buwan. • Paggawa ng unang mapa. • Paggawa ng kagamitan at sandata gamit ang tanso SEXAGESIMAL SYSTEM – Ito ay matandang sistema ng matematika ng Sumerian kung saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.
  • 15. 9 Layag Mga arko • Nagpaunlad ng mga kaisipan ukol sa astronomiya. • Paggamit ng araro sa pagsasaka • Paggamit ng layag sa mga sasakyang pandagat • Paglagay ng mga arko sa kanilang mga estruktura Pamana ng Kabihasnang Indus Ang mga pamayanan sa Indus ay kinikilala bilang mga kauna-unahang panirahang sumailalim sa tinatawag na urban planning o pagpaplanong panlungsod. Kahanga-hanga din ang kanilang pagpapahalaga sa kalinisan at sanitasyon ng kanilang pamayanan. Narito ang ilan sa mga kontribusyon ng kabihasnang Indus: Arthashastra Isinulat ni Kautilya ang Arthashastra noong ikatlong siglo B.C.E. Ito ang kauna-unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya ang tagapayo ni Chandragupta Maurya, ang tagapagtatag ng Imperyong Maurya. Ayurveda Ang Ayurveda o “Agham ng Buhay” ay isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. Tinawag itong “Agham ng Buhay” sapagkat binigyang-tuon nito ang pagpapanatili ng kalusugan at kaligtasan mula sa mga karamdaman.
  • 16. 10 Sewerage System in Mohenjo-Daro Ang pagkakaroon ng mga palikuran ng mga kabahayan ay itinuturing na kauna-unahang paggamit sa kasaysayan ng sistemang alkantarilya o sewerage system. Bukod dito ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern. Ramayana at Mahabharata Ang dalawang epikong pamana ng India sa larangan ng panitikan.  Ang Mahabharata ay isang salaysay hinggil sa matinding tunggalian ng dalawang pamilya na magkakamag- anak – ang mga Pandava na kumakatawan sa kaguluhan at kasamaan.  Ang Ramayana ay isang salaysay tungkol sa buhay ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita, ang kanyang asawa, na sapilitang kinuha ni Ravana, isang demonyong hari. Iba pang kontribusyon Taj Mahal • Pamantayan ng bigat at sukat • Decimal System • Paggamot at pagbunot ng ngipin • Halaga ng pi (3.1416) • Taj Mahal • Pinagmulan ng mga relihiyong Hinduismo, Budismo, Jainismo at Sikhismo
  • 17. 11 Mga Pamana ng Kabihasnang Tsino Ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay nag-iwan ng mga dakilang pamana sa sangkatauhan. Narito ang mga mahahalagang kontribusyon ng kabihasnang Tsino. Great Wall of China Ang GREAT WALL ay ipinatayo sa panahon ng Qin. Tinatayang isang milyong katao ang sapilitang pinagtrabaho upang itayo ito. Itinayo ang Great Wall upang magsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China. May haba itong 2400 kilometro o 1500 milya. Ito ay nagsilbing simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang panahon. Grand Canal Ang GRAND CANAL ang nagdudugtong sa Ilog Huang-Ho at Ilog Yangtze at may kabuuang distansya ito na 2,500 kilometro. Ito ang pinakamahabang kanal sa buong Daigdig na may habang 1,776 km at taas na 138 talampakan. Calligraphy CALLIGRAPHY o kaligrapo ang uri ng pagsulat na nabuo ng Dinastiyang Shang. Pictogram o mga larawan ang kanilang gamit sa calligraphy na dikit- dikit ang pagkakasulat upang makabuo at maipakita ang ideya. Acupuncture Ang ACUPUNCTURE ay isa sa mahalagang ambag ng kabihasnang Tsino sa larangan ng medisina. Ang acupuncture ay pagtutusok ng maninipis na karayom sa ilang mga lugar sa katawan para sa pag-ibsan sa ilang karamdaman (therapy) o pagpapahupa ng sakit. Feng Shui Ang paniniwala sa FENG SHUI o Geomancy ay nagmula sa China. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang
  • 18. 12 pagbabalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa sinuman.  Ang yin ay sumisimbolo sa kababaihan – malambot at kalmado.  Ang yang ay tumutukoy sa kalalakihan – matigas at masigla. I Ching at Bing Fa Ito ay ang dalawang mahahalaga at sinaunang aklat na pamana ng mga Tsino.  Ang I Ching (Classic of Change) ay nagbibigay ng perspektiba at pamamaraan ng prediksyon ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon sa buhay ng tao.  Ang Bing Fa (Art of War) ay itinuturing na isa sa mga kauna- unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar na isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E. Iba pang kontribusyon Papel Porselana • Seismograph – instrumentong nagtatala sa pagdating, lakas at direksyon ng lindol • Papel – na nagdulot ng malawakang pagbabago sa komunikasyon at kalakalan • Porselana – na naging pangunahing produktong iniluluwas • Paggamit ng silk o seda – isang mahalagang produktong Tsino na ikinakalakal mula China patungong Mediterranean. • Kagamitang pang-astronomiya tulad ng kalendaryo, star maps • Praktikal na kagamitan tulad ng wheel barrow, mill wheel, water clock at sundial • Magnetic compass • Gunpowder para sa fireworks • Block printing para sa paglilimbag ng mga bagong kaisipan at mahahalagang akda • Chopsticks • Abacus
  • 19. 13 Chopsticks Pamaypay Payong Wheel barrow • Payong • Pamaypay • Saranggola • Mga pilosopiya tulad ng Confucianism, Taoism at Legalism
  • 20. 14 Mga Pamana ng Kabihasnang Egyptian Ang mga sinaunang Egyptian ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang monumento ng kanilang kabihasnan. Narito ang mga mahahalagang ambag ng sinaunang kabihasnang Egyptian. Great Pyramid of Giza Ang pyramid ay nagsisilbing monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. Ang mga piramide ay hitik sa mga simbolismong relihiyoso.  Great Pyramid of Giza – pinakamalaki, pinakamataas at pinakamarangal na piramideng ipinatayo ni Khufu noong 2600 BCE. Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World. Hieroglyphics Hieroglyphics ay ang sistema ng pagsulat na nalinang ng mga eskribano, na nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang hieroglyphics ay nakasulat hindi lamang sa mga papel kundi nakaukit din sa mga pampublikong gusali o kaya naman ay nakapinta sa luwad o kahoy. Ang panulat na ito ay naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay mula sa mala-tambong halaman na tinatawag na papyrus. Mummification Mummification ang katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa isang preserbasyon bago ito tuluyang ilibing. Ang mga Egyptian ay gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay. Matapos nito, ang isang mummy o embalsamadong bangkay ay pinipintahan, binabalutan ng linen, at pinapalamutian ng alahas.
  • 21. 15 Iba pang kontribusyon • Kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan. • Geometry • Medisina tulad ng pagsasaayos ng nabaling buto • Paggamit ng chariot o karong pandigma Pagyamanin Gawain 1: Flower Chart Pumili ng isang kabihasnan at ibigay ang limang (5) mahahalagang kontribusyon nito sa Daigdig gamit ang Flower Chart. Kopyahin ang flower chart sa sagutang papel at isulat ang iyong sagot sa bawat talulot ng bulaklak.
  • 22. 16 Gawain 2: Maglakbay Tayo! Tukuyin ang kabihasnang pinagmulan ng mga sumusunod na ambag na makikita sa bawat chariot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. A B C. D. clay tablet araro water clock seismograph silk chopsticks paper scroll kalendaryo chariot Arthasastra Taj Mahal Ayurveda
  • 23. 17 Gawain 3: Makabuluhang Pamana! Makikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan kung maiuugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan. Ilahad ang kahalagahan sa kasalukuyan ng mga pamana ng sinaunang kabihasnan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Paggamit ng gulong Kabuluhan sa Kasalukuyan: ___________________________________ ___________________________________ Pagbuo ng sistema ng pagsulat Kabuluhan sa Kasalukuyan: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Pagkaimbento ng kalendaryo Kabuluhan sa Kasalukuyan: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Paggamit ng araro sa pagsasaka Kabuluhan sa Kasalukuyan: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ Paglikha ng mga bangka at layag Kabuluhan sa Kasalukuyan: ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________ ___________________________________
  • 24. 18 Gawain 4: Triple Matching Type Buoin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagpili ng mga konsepto mula sa Hanay A at Hanay C na kaugnay ng kabihasnan na nasa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawain 5: Tri-Question Approach Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. C Sistemang Caste Zoroastrianismo Hinduismo Monoteismo mummification Confucianismo A Taj Mahal Great Pyramid Forbidden City Ziggurat Grand Canal Hanging Garden B Mesopotamia Egypt Tsino Indus Anong mga katangian ang taglay ng mga sinaunang tao upang magawa ang mga bagay na naging pamana nila sa kasalukuyang panahon? Kahanga-hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa paglikha nila ng iba’t ibang kagamitan upang mapatatag ang kanilang kabihasnan? Bakit? Paano nakatulong sa mga Pilipino ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan tulad ng araro, gulong, mga kaalamang pangmedisina at iba pa?
  • 25. 19 Gawain 6: Konsepto Ko, Buoin Mo! Tukuyin ang mga konseptong inilalarawan sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong titik sa loob ng mga kahon. Gawing gabay ang mga titik na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. G M H U M G A P N P Y G Y A D G S G M 1. Epikong itinuturing bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong Daigdig. 2. Matandang relihiyon na nagmula sa India 3. Embalsamadong bangkay na pinipintahan, binabalutan ng linen at pinapalamutian ng alahas 4. Ang kaisipang ito ay ukol sa tamang pagbabalanse ng yin at yang 5. Pangunahing produktong iniluluwas ng mga Tsino noon 6. Halamang pinagmumulan ng paper scroll ng mga Egyptian 7. konseptong napakahalaga upang sukatin ang lupa, planuhin ang istruktura at iba pa. 8. Isang mahalagang kaisipang pangmedisina ng sinaunang India. 9. Ang pagkatuklas nito ay nagpadali sa paggawa ng mga banga. 10. Matandang sistema ng matematika kung saan ang pagbibilang ay nakabatay sa 60.
  • 26. 20 Isaisip Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang buod ng aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ang mga sinaunang kabihasnang umusbong sa Daigdig ay nag-iwan ng kani-kanilang mga pamana sa sangkatauhan. Ang ilan sa mga kilalang ambag na nagmula sa Mesopotamia ay ang mga sumusunod _________________________________. Samantala pinagyaman ng India ang panitikan ng Daigdig sa pamamagitan ng ___________________________________ na kanilang ambag sa panitikan. Gayundin, ang bawat dinastiyang nangibabaw sa China ay may mga kontribusyon sa pagpapayabong ng kulturang Tsino. Naimbento nila ang _______________________________ na ginagamit pa rin sa kasalukuyang panahon. Sa kabihasnang Egypt naman naitayo ang ________________________________ na itinuturing na isa sa Seven Wonders of the Ancient World. Sa kabuoan, masasabi na naging matagumpay ang mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig sapagkat nakapag- iwan ang mga ito ng mga pamana na hanggang sa kasalukuyan ay napakikinabangan.
  • 27. 21 Isagawa Ilahad ang kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel sa mga sumusunod batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Tayahin Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Alin sa sumusunod ang sinaunang paniniwala ng mga pinunong Tsino na may pahintulot ang langit na pamunuan ng emperador ang China? A. Divine Origin C. Mandate of Heaven B. Devaraja D. Caliph 2. Aling relihiyon ang pinalaganap ng mga Persiano sa Mesopotamia? A. Kristiyanismo C. Budismo B. Islam D. Zoroastrinismo 3. Alin sa sumusunod ang isang tulang epiko tungkol sa kadakilaan ni Prinsipe Rama at ang pagsagip niya kay Prinsesa Sita? A. Mahabharata C. Ayurveda B. Arthasastra D. Ramayana Kahalagahan ng pagkakaimbento ng papel Sa iyo, bilang isang mag-aaral: __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ Sa ating lipunan: __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ Sa Daigdig: __________________ __________________ __________________ __________________ __________________
  • 28. 22 4. Ano ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at naglalaman ng 282 batas ng Babylonia? A. Kodigo ni Hammurabi C. Kodigo ni Naram Sin B. Kodigo ni Sargon D. Kodigo ni Cyrus the Great 5. Alin sa sumusunod ang ibinibigay na eksamin sa mga naglilingkod sa pamahalaan? A. Calligraphy C. Sphere of influence B. Civil Service Examination D. Cuneiform 6. Ano ang akdang isinulat ni Kautilya tungkol sa pamahalaan at ekonomiya? A. Ayurveda C. Epic of Gilgamesh B. Arthasastra D. Ramayana 7. Ano ang libingan ng hari sa Ehipto na hitik sa mga simbolismong relihiyoso? A. Hanging Garden C. Memorial Park B. Dome D. Pyramid 8. Alin ang tumutukoy sa tinipong himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain, at mga salaysay? A. Mahabharata C. Ayurveda B. Vedas D. Ramayana 9. Alin ang ambag ng mga Sumerian na naging malaking pakinabang at gamit sa transportasyon at pakikidigma? A. araro C. arko B. gulong D. bakal 10.Ano ang pilosopiya na hangad ang balanse sa kalikasan at Daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan? A. Confucianism C. Legalism B. Taoism D. Buddhism 11.Aling estruktura ang nagsilbing tanggulan laban sa mga tribong nomadiko sa hilagang China? A. Ziggurat C. Pyramid B. Great Wall D. Grand Canal 12.Sa anong halaman nagmumula ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ng mga Egyptian? A. Abaca C. papyrus B. Cacao D. punong-kahoy 13.Anong relihiyon ang itinatag ni Siddharta Gautama na naging malaking salik sa pagpapayaman sa kultura ng India? A. Budismo C. Kristiyanismo B. Hinduismo D. Jainismo 14.Ano ang estrukturang ipinatayo ni Shah Jahan bilang alaala ng kanyang minamahal na asawang si Mumtaz Mahal? A. Forbidden City C. Taj Mahal B. Great Wall D. Grand Canal 15.Alin sa sumusunod ang itinuturing bilang kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong Daigdig? A. Code of Hammurabi C. Epic of Gilgamesh B. Code of Ur-Nammu D. Enuma Elish
  • 29. 23 Karagdagang Gawain Sagutin upang mas higit na mapagtibay ang natutuhan sa aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Anong aral ang iyong natutuhan sa naging katangian at kakayahan ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang pamumuhay? 2. Pumili ng dalawang (2) ambag ng sinaunang kabihasnan at ilahad ang kapakinabangang dulot nito sa iyo bilang isang kabataan sa kasalukuyang panahon. Napiling Ambag: ____________________________ Kapakinabangan: ____________________________ ____________________________ ____________________________ Napiling Ambag: ____________________________ Kapakinabangan: ____________________________ ____________________________ ____________________________
  • 30. 24 Susi sa Pagwawasto SUBUKIN 1. B 9. C 2. B 10. A 3. D 11. D 4. A 12. A 5. B 13. C 6. B 14. A 7. A 15. A 8. A TUKLASIN Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan Gawain 1 Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan Gawain 2 A. Mesopotamia B. Tsino C. Egypt D. Indus Gawain 3 Batay sa sariling pagkaunawa ng mga mag- aaral ang kasagutan Gawain 4 Mesopotamia – Ziggurat Hanging Garden Zoroastrianismo Indus – Taj Mahal Sistemang Caste Hinduismo ISAISIP Mesopotamia – cuneiform Ziggurat Gulong Water clock Unang mapa Indus – Ayurveda Arthashastra Ramayana at Mahabharata Tsino – seda Kalendaryo Chopsticks Pamaypay Paying Compass Wheelbarrow Egypt – Great Pyramid ISAGAWA Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan TAYAHIN 1. C 11. B 2. D 12. C 3. D 13. A 4. A 14. C 5. B 15. C 6. B 7. D 8. B 9. B 10.B KARAGDAGANG GAWAIN Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan Egypt – Great Pyramid Mummification Monoteismo Gawain 5 Batay sa sariling pagkaunawa ng mga mag- aaral ang kasagutan Gawain 6 1. Gilgamesh 2. Hinduismo 3. Mummy 4. Geomancy 5. Porcelana 6. Papyrus 7. Great Pyramid 8. Ayurveda 9. Gulong 10.Sexagesimal
  • 31. 25 Sanggunian Blando Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig. Vibal Group, Inc. DEPED Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2014. Camagay, Ma. Luisa T. et al. Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura. Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010. K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan. Deped Learning Portal https://lrmds.deped.gov.ph/detail/18275 Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City. 2014. Mateo, Grace Estela C. et al. Kabihasnang Daigdig: KAsaysayan at Kultura. Vibal Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2006. Mercado, Michael M. Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. St. Bernadette Publishing House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City. 2009. Pana-Panahon III. Kasaysayan ng Mundo. Rex Printing Company, Inc. P. Florentino Sta. Mesa Heights, Quezon City. 2005. Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 3 Ang Mga Unang Kabihasnan http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_03 UNANG_KABIHASNAN.PDF
  • 32. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Region III – Learning Resources Management Section (DepEd Region III-LRMS) Office Address: Diosdado Macapagal Government Center Maimpis, City of San Fernando (P)