Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Intensibo at ekstensibong pagbasa
1. Intensibo at
Ekstensibong
Pagbasa
Ni: Rochelle Sabdao- Nato
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t iban Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Crizel Sicat-De Laza (May-akda)
Aurora E. Batnag )Koordineytor)
2. Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan ng Intensibong
Pagbasa at Ekstensibong Pagbasa
2. Malaman ang mga katangian ng
Intensibong Pagbasa at Ekstensibong
Pagbasa
3. Naikokompara ang Intensibong Pagbasa
sa Ekstensibong Pagbasa
3. Naalala nyo na ang kahulugan ng
Mapanuring Pagbasa?
Nahahati ang mapanuring pagbasa
sa dalawang pangkalahatang
kategorya:
1. Intensibo
2. Ekstensibo
4. Intensibo Ekstensibo
May kinalaman sa
masinsin at malalim
na pagbasa ng isang
tiyak na teksto
May kinalaman sa
pagbasa ng masaklaw
at maramihang
materyales.
Ang uri ng
intensibong pagbasa
ay itinuturing na
pinkahuli o dulong
bahagi sa proseso.
Naghahatid sa
mambabasa tungo sa
pinakadulong
proseso.
6. Douglas Brown (1994) ( Teaching by Principles: An
Interactive Approach to Language Pedagogy)
- Ang intensibong pagbasa ay pagsusuri sa
kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang
detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal ng
kahulugan, implikasyon at retorikal na ugnayan ng
isang akda.
- Inilalawaran ang intensibong pagbasa
bilang isang gawaing gumagamit ng estratehiyang
zoom lens o ng malapitan at malalimang pagbasa
ng isang akda
7. Long at Richards (1987) (Methodology in TESOL:
A book of Readings)
- ang intensibong pagbasa ay detalyadong
pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng
pagbibigay ng gabay ng isanag guro kung paano
ito susuriin.
- Madalas na tinatawag itong “narrow
reading” sapagkat pilng babasahin lamang
hngggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng
pansinn ng mambabasa o kaya ay ibat’ iba ngunit
magkakaugnay na paksa ng isang manunulat.
9. Brown (1994)
- Ang ekstensibong pagbabasa ay
isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang
pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
Long at Richards (1997)
- Nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag
ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang
babasahin na ayon sa kaniyang interes.
-Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang ang
“gits” o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi
pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o
hindi alam ang kahulugan.
10. Stephen Krashen (1995) (pag-aaral niyang
“Free Voluntary reading: Linguistic and Affective
Arguments and Some new Applications” nasa
Second Language Acquisition): Theory and
Pedagogy nina Eckman et al.)
- Ang malaya at boluntaryong pagbasa ay
maaring maging tulay tungo samas mataas na
kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika.
11. Warwick Elley (1996) ( “Lifting Literacy Levels in
Developing Countries: Some imlications from IEA
Study”
- naging saklaw ng ng pananaliksik ang 210,000
mag-aaral at 32 sistemang pang edukasyon sa buong
mundo.
- Ayon sa pananaliksik., ang mga programa sa
pagtuturo ng pagbabasa na nakatuon sa mga istrikto
at ginabayang gawain ng guro ng may pokus sa mga
tiyak na kakayahan ay mas mahina at hindi gaanoong
epektibo sa pagpapataas ng antas ng literasi kung
ikokompara sa mga programang may kinalaman sa
pagkuha ng interes ng mga ma-aaral at malaya at
indibidwal na pagbasa nila ng mga tekstong nais
nilanng basahin.
12. “Top Ten Principles for Teaching Extensive Reading”
(Richard Day Julian Bamford (2002) Sampong Katangian ng
matagumpay na programa sa ekstensibong pagbasa)
1. Angkop ang materyales sa kakayahang
panglinggwistikaa (bokabularyo at gramatika)
ng mga mag-aaral.
2. Mayroong magagamit ng sari-saring
materyales sa iba’t-ibang paksa.
3. Pinipiil ng mag-aarall ang gusto nilang
basahin.
4. Nagbabasa ang ga mag-aaral ng napakaraming
teskto hangga’t maari.
13. 5. Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa
interes at kasiyahang-loob ng mambabasa,
pagkuha ng impormasyon at pangkalahatang pag-
unawa.
6. Ang nakamit na pagkatuto ang mismong
gantimpala sa pagbabasa at hindi ano pa mang
grado o premyo..
7. Mabilis ang pagbabasa.
8. Ang ppagbabasa ay hindi indiibiduwal at
tahimik.
9. Ipinapaliwanag ng guro sa mga mag-aarall ang
kabuuang layunin ng programa.
10. Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa
kasikhayan sa pagbasa.