2. • 1940s hanggang 1950s
-naging masigla ang pagsúlong ng isang Wikang Pambansa batay
saTagalog noong —nailathala ang
a. ortograpiya,
b. gramatika,
c. diksiyonaryo para sa wikang ito.
• Sa bisà ng atas pangkagawaran noong 13 Agosto 1959 ni Kalihim
Jose E. Romero ay tinawag na “Pilipino” ang wikang pambansa.
3. • 1973 konstitusyon probisyong pangwika na unti-unting
nagsasantabi sa wikang “Pilipino” upang bigyang-daan ang
isang “Filipino”:
a. The National Assembly shall take steps towards the development and formal
adoption of a common national language to be known as Filipino.
b. Until otherwise provided by law, English and Pilipino shall be the official
languages.
5. Sa tungkuling pangwika at sa lubhang politikal na kalikasán ng
usapin, bumaling ang mga eksperto sa bansa sa lingguwistika at
pagpaplanong wika upang “obhetibong” lutasin ang mga
dambuhalang sigalot.
Naging sigaw ng mga iskolar ang “modernisasyon” at
“pagpaplanong wika.”
6. Ipinanukala ni JoseVilla Panganiban
- ang isang “pagsasaanyong makabago” —ang
modernisasyon.
Ang nais ni Dr. Ernesto Constantino.
-“universal approach”
Panganiban
-nagpatnugot ng Diksyunaryo-Tesauro Ingles-Pilipino (1972),
ay naghambing ng mga ortograpiya mula noong panahon ng pananakop
ng mga Español hanggang sa 1970s.
7. Constantino
-isa sa mga tagapagtatag ng LSP, ay nagpanukala naman ng isang
modernisasyon ng wika batay sa language universals approach.
Ayon kay Greenberg,
-ang language universals ay “buod ng mga karakteristik o
tendensiyang pinagsasaluhan ng lahat ng tao.” Sa madalîng sabi, ang
language universals ay ang pagtuklas sa mga katangiang pare-
parehong matatagpuan sa mga wika
8. Kikilalanin ni Constantino si Dr. Cecilio Lopez
-bílang unang tagapagsúlong ng language universals sa
Filipinas. Ang language universals na isinusúlong sa Filipinas ay isang
paraang maláy sa pagiging multilingguwal ng bansa, na:
9. • “Naglalayong dumebelop ng isang wikang pambansa para sa Pilipinas batay
hindi sa isang wika kundi sa maraming wika. Layunin ng paraang ito na
debelopin ang wikang pambansang ito sa pamamagitan ng paggamit unang-
una sa mga pangkalahatan o unibersal na mga sangkap at anyo ng mga wika
at dayalek ng Pilipinas. Ang posibilidad ng pagdebelop ng isang wika sa
paraang ito ay isa sa mga pangunahing layunin at resulta ng mga reserts
namin sa UP tungkol sa pang-ilalim (“deep”) at pang-ibabaw (“surface”) na
pagkakapareho at pagkakaiba ng mga wika at dayalek sa Pilipinas. (Amin
ang diin.)”
10. Pagkaraang ideklara ang wikang “Filipino” bílang wikang pambansa
at wikang opisyal ng Filipinas, nananatíling suliranin ang pagtanggap
sa wikang ito.
Sa mga artikulo nina Atty. Ponciano BP Pineda, Dr. Bonifacio
Sibayan, at Dr.Andrew Gonzalez.
-kailangang pangunahan ng SWP ang pagpapatupad at
pagsubaybay sa kultibasyon ng isang wikang panlahat at ang pagsulat
ng mga aklat sa bawat larang ng karunungan sa lahat ng antas ng
edukasyon.
11.
12. Sa paghahambing ng mga pangunahing katutubong wika sa bansa,
nakíta ni Lopez na magkakapareho ang mga ito (alalahanin ang
isinusúlong ng language universals approach na tinalakay sa unahan):
May mga salitâng ang mga tunog at kahulugan ay magkatulad na magkatulad,
mayroon namang nagkakaibá nang bahagya ang mga tunog ngunit ang
kahulugan ay magkatulad rin o naiibá kayâ nang bahagya, at mayroong
nagkakaibá ang mga tunog at kahulugan.At kung hindi rin lámang namagitan
ang ibáng impluwensiya, gaya ng mga salitâng hiram, tabu, o analohiya kayâ, ang
mga salitâng pinaghahambing ay itinuturing na kognet at ang pinagmulang
anyong proto ng mga ito’y maaaring balangkasin.
13. Para kay Santiago at Gatal
-mahalagang maging sensitibo ang guro sa katutubong wika ng
pook (“Lalong magiging mabisà ang pagtuturo ng Plipino kung
isaalang-alang ng guro ng unang wika o wikang kinagisnan ng mga
mag-aaral, kung ang kaniyang gagawing pagtuturo ay batay sa
kinalabasan ng pahambing na pagsusuri sa dalawang wika—wika ng
pook at ng Pilipino”).
15. ANO ANG MODERNISASYON?
Ayon sa Merriam-Webster
ang salitâng Ingles na “modern” ay: “of a language belonging to the
present or most recent period of its development as contrasted with
earlier period.”
16. Ang salitâng Ingles na “modernization” kung hinggil sa wika, ay
pinakahuluganang: “act or process of conforming to modern modes of
thinking or acting.”
At ang itinalagang kahulugan ng Ingles na “modernize” ay: “to cause, to
conform, to recent, or present usage or taste; as, to modernizing a text, ie., to
substitute modern forms for them.”
Ang modernisasyon ng isang wika, samakatwid, ay pagpaalinsunod ng
pagsulat sa makabagong baybay at pahayag ng anyong makaluma, laon,
lipás, o laos.
17. KAILANGANG KAALAMAN
Kung ang modernisasyon
- ilalapat sa sarili, ito’y pagpapakamakabago.
- ilalapat naman sa mga bagay, gaya sa kasangkapan o wika, ito’y
pagsasaanyong makabago—hindi pagbabago.
Ang ibig sabihi’y mayroon táyong alam sa anyong luma o
makaluma at may alam din táyong anyong bago o
makabago.
18. - Itong hulí ay siyáng ipapalit sa una. Ngunit alaming anyo ang palitan,
hindi wika.
19. Kung pasalitâ:
(1) tunog ng bigkas,
(2) hagkis ng pantig,
(3) pagbubuo ng mga salitâ,
(4) pagsasáma-sáma ng mga salitâ sa isang pangkat o parirala
ayon sa daláng kahulugan,
(5) pagbabalarila sa impluho ng panahon,
(6) wikaan o idiyoma,
(7) paggámit ng tayutay o pigura.
20. Kung pasulat:
(1) palabaybayang tumutugon sa tunog ng pasalitâ,
(2) kayarian ng pangungusap na higit na makabalarila kaysa
pasalitâ,
(3) anyo ng manuskrito na nakikibagay sa pandaigdig.
21. Si Pedro Suarez Ossorio, taga-Ermita, Maynila, ay sumulat ng isang tulang
nalathala noong 1617:
Salamat nang walang hoyang
Sa iyo Dios con maalam
Nitong iyong awang mahal
sa aming catagalogan.
Ycao paraluman naming
ang sucat nga naming sondin
hanggang di cami domating
sa lalawigang mahimbing
22. • Ang susunod na nabalitang tula ay ang petsang 1708, isinulat ni
Felipe Miguel Bulakan:
Ybong camunti sa pugad
sa inang inaalagad
ay dili macalipad
hanggan sa di magcapacpac.
Loob ninyong masilacbo
parang ningas alipato
sa alapaap ang tongo
ay bago hamac na abo
23. Sa mga dákong 1750, ang Paring Agustinong Francisco
Bencuchillo (1710–1776) ay naglathala ng aklat na arte
poetico Tagalo. Dalawa ang pinilì naming maikling tula:
a.Yaong loclocang Masaya
walang catapusa’t hanga
sa langit natatalaga
dimasapit nang sala
b. Pagsisisi ang yacapin
caawaang gaoa,i, gaouin
luha sa lupa,i, ytanim
nang sa langit mo anihin.
24. MULA SA URBANA AT FELIZA, EDISYON NG 1854, NI P.
MODESTO DE CASTRO, ISANG HALIMBAWA AY ANG
SUMUSUNOD:
At sa quinacamtang cong towa ang nacacaparis co,i, isang magsasacang
cumita ng alio, uupo sa isang pilapil, na nood ng caniyang halaman, at sa
caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang hangin at sa bungang
hinog anaqui butil na guintong nagbitin sa uhay, ay cumita ng saya.
25. Sa liham ni Rizal sa mga dalaga ng
Malolos noong 1889:
ginámit na niya ang K at W at maraming ibang pagsasaayos sa dáting
panulatang Tagalog. Samakatwid, si Rizal at mga kasáma ay nagdala sa
Tagalog ng maaari nating masabing “modernisasyon” noong kaniláng
panahon.Ang ilang halimbawa ay:
• diyan na dáting “dian”
• akin na dáting “aquin”
• ngayo’y iba na dáting “ngayo,i, iba”
• ilaw na dáting “ilao”
26. Subalit may mga baybay siyáng inibá naman
ngayon sa ating panahon (1968):
– ala-ala na ngayo’y alaala
– kalulua, kapua, luag, kuintas, tua na ngayo’y
- kaluluwa
- kapuwa
- luwag
- kuwintas
- tuwa
– ñg na dati’y nang at ngayo’y ng
– nagdidiosdiosan na ngayo’y nagdidiyos-diyosan
27. Sa aklat ng Balarilang Tagalog (1911) ni Mamerto Paglinawan, ang
katuturang ibinigay sa “paglalakip” (na sintaksis daw, ani
Paglinawan) ay: “bahagi ng balarila na nagtuturo ng halaga at
tungkulin ng mga pangungusap.”
28. Ang pananagalog ni Paglinawan ay katularing malapit ng kasalukuyan, ngunit marami
siyáng salitâng naging ibá na ang baybay sa kasalukuyan, gaya ng :
dalawangpu, labinglima, pangdiwa, pangturing
tinging, pangtinig, pangukol, komisionad
Nobiembre, Disiembre, siudad, kuaderno, kueba,
Huebes, atbp.
30. Ang tunay na maikli, ngunit malinaw na katuturan ng
pagkamakabago o modernismo ay kung ano ang naabot na katangian
ng kasalukuyan, at ang kasalukuyang ito ay laging bunga ng nakaraan.
Ang anumang panukalang repormang hindi kaugnay at karugtong ng
dinanas na nakaraan o hindi kauri sa dugtungan ng nakaraan at ng
ngayon ay madalîng maparam.
31. Ang makabagong anyo ng wikang Tagalog sa sapit ng hinog na panahon
ng pag-unlad, na sinusundan ng ating kasalukuyang panahon, ay siyáng
anyong makabago ng wikang Tagalog.
Ang makabagong pananagalog na nagsimula noong sirka 1940 ay siyá
pa ring makabagong pananagalog ngayon, sapagkat ang karamihan sa
mga manunulat sa Tagalog ay bihasa at sanay sa kalagayan ng wikang
Tagalog na wala sa tiyak at tahasang impluho ng balarilang itinuro sa
mga paaralan.
32. Tandaang ang pagtanggi sa katotohanan ng kahapon ay
pagwawalang-kasaysayan ng ngayon.
34. Unang itinuro ang Wikang Pambansang Pilipino noong 1940 ay hindi
pa ito tinawag na Pilipino, kung hindi batay lámang sa Tagalog, ang
makabagong Pilipino ngayong 1968 ay masasabing bunga ng disiplina at
kabihasnang inalagaan ng mga pamamaraan ng pagtuturo ng Wikang
Pambansang batay sa Tagalog sa mga paaralan ng bansa.
35. Ano ang kaibhan ng
makabagong Tagalog at ng
makabagong Pilipino?
36. MAKABAGONG TAGALOG
Ang nasasapit na matayog na pamantayang kasalukuyan ng mga
manunulat sa Tagalog na hindi nag-aaral ni nagsasanay sa impluho ng
balarilang 1940 ngunit nagpatuloy sa pag-akda na ang ginámit ay
sentido komun sa pagpapasiyá kung ano ang mabuti at naaayon sa
mabuting pananagalog.
37. MAKABAGONG PILIPINO
Kung batay man sa Tagalog, ay disiplinado sa anyo, sapagkat pinag-aralan
at pinagsanayan ng angaw-angaw na kabataang dumadami taon-taon mula
pa noong 1940.
38. Bagama’t may nibel na mataas at mababà sa lahat ng wika, ang
ipinalalagay na marapat ituro sa mga paaralan ay ang mataas,
matayog, maayos, mahusay, at binuli. Ang uring ito ng wikang Pilipino
ay maaaring ilarawan sa mga sumusunod na pagtitiyak:
1. Ang pinakamakatwiran, organisado, at sistematiko sa mga alituntunin
at tuntuning hindi naman nakapipigil sa maluwag at magaang pag-
unlad ng wika sa buong bansa.
2. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa
katupangkat ng mga táong sadyang nag-aaral at nagpakadalubhasa sa
nasabing wika sa mga paaralan o sa sariling pagsasanay at
pananaliksik.
39. 3. Ang anyo ng wikang Pilipino na malinaw at mabisàng tumutugon sa
ugaling pambansa at pandaigdig sa pagpapahayag.
4. Ang anyo ng wikang Pilipino na konsistente (o maugnayin) sa
katutubong katangian ng kasarinlan ng wika.
5. Ang anyo ng wikang Pilipino na sasakyang-pahayag ng mga dinadakila
at kinikilálang akdang pampanitikan ng mga pangunahing manunulat ng
bansa at ng mga makikinis na akdang pang-agham ng mga pangunahing
dalub-agham ng bansa.
40. 6. Ang anyo ng wikang Pilipino na maaaring maipíling at maihanay na
kapuri puri, hakot-dangal, at hakot-paghanga sa mga kinikilálang
pangunahing wika ng daigdig.
7. Ang anyo ng wikang Pilipino na bunga ng masinop, masusi, maingat,
mapagyayaman, at maagham na pangangalaga at paglilinang ng mga guro,
ng mga pantaswika, at ng mga makata’t manunulat ng bansa.
8. Ang anyo ng wikang Pilipino na nagpapanatíli sa katangiang pagka-
Pilipino, maging sa panghihiram ng mga salitâ at parirala, pati sa mga
paglikha ng mga kinakailangang talakay.