1. Republic ofthePhilippines
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
DISTRICT OF SAN FRANCISCO
STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
FILIPINO 6
1st Quarter, Week 1
I. MELC COMPETENCY CODE
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang
pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan.
Nasasagot ang tanong na bakit at paano
F6PN-Ia-g-3.1
F6PN-Ia-g-3.1
F6PB-Ic-e-3.1.2
F6PN-Ia-g-3.1
F6PB-If-3.2.1
II. OBJECTIVES
Knowledge: Kilalanin ang pabula at ang mga taong nasalikod nito
Skills: Ibigay ang mga katangian ng mga tauhan sa kuwento
Values/Attitude: Naipagmamalaki ang sariling katangian
III. SUBJECT MATTER
Pabula at Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano
IV. REFERENCES
MELC 2020 p. 221
Baybayin: Paglayag sa Wika at Pagbasa pp.:2-12
V. PROCEDURE
A. READINGS
Si Kabayo at si Manok
"Ang bawat isa ay may taglay na kakaibang katangian."
May isang matangkad na kabayo na nakatira sa bukid. "Napakasarap talagang maging
matangkad," madalas nitong sabihin sa sarili.
2. Narinig ito ng manok. "Hindi yata," ang sabi ng manok. "Mas masarap ang maging maliit.
Totoong mainam ang maging maliit."
"Halika, tayo ay maglakad-lakad. Tingnan natin kung ano ang mas mainam," ang sagot ng kabayo.
Nakakita sila ng pader. Maraming puno sa tabi ng pader. Tila alagang -alaga sa fertilizers at
pesticides ang mga puno at dahoon dahil sa malalabay nitog dahoon. Kinain nang kinain ng kabayo ang
mga dahon ng puno habang nakatingin lang ang manok sa kanya.
"O ano, di ba mas masarap ang maging matangkad?" ang tanong ng kabayo habang ngumunguya ito.
"Halika, pumunta tayo sa dako pa roon," ang yaya ng manok.
May nakita silang napakataas na pader. Nakita nilang may butas ito sa parteng baba.
Pumasok ang manok sa butas at pumunta sa taniman ng gulay. Tumuka siya nang tumuka ng
mga gulay sa halamanan habang nakamasid lamang ang kabayo. Naghintay na lamang ang kabayo na
makatapos kumain ang manok.
"O, naniwala ka na. Di ba mas mainam ang maging maliit?" ang sabi ng manok.
Napangiti ang kabayo at kanyang sinabi, "Ah, naisip ko na. Kailangang maging masaya tayo.
Tanggapin natin kung anuman ang mayroon tayo."
"Tama, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang katangian. Hindi tayo dapat magpagalingan," ang tugon
ng manok.
Mula noon lagi na silang magkasama. Naging mabuti silang magkaibigan.
B. EXERCISES FOR SKILLS/ ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS
EXERCISE 1, Day 1: Panuto: Sagutin ang mga tanong:
1. Ilarawan ang katangiang pisikal ni Kabayo at ni Manok.
2. Ano ang kinain nina Kabayo at Manok?
3. Ano ang naging relasyon nila pagkatapos ng kanilang paglalakad?
4. Bakit magandang maging matangkad? Paano ito ipinakita sa kuwento?
5. Bakit magandang maging maliit? Paano ito ipinakita sa kuwento?
6. Sumasang-ayon ka ba kay Kabayo na dapat tayong maging masaya sa kung
anong kakayahan mayroon tayo? Magbigay na halimbawa?
7. Nagustuhan mo ba ang pamagat ng kuwento? Bakit? Kung hindi, ano sa
palagay mo ang dapat na pamagat nito?
3. EXERCISE 2, Day 2:
A. Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa pabula na kawili wili para sa iyo. Iguhit mo ito sa isang
puting papel. Isulat kung anong katangian mayroon ka at paano mo ito napapahalagahan.
EXERCISE 3, Day 3:
Panuto: Basahin ang impormasyon tungkol sa pabula at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Ang Pabula ay isang kuwento na gumagamit ng hayop bilang pangunahing tauhan ng
salaysay. Bahagi ang pabula ng mayamang tradisyon ng panitikang oral sa ating bansa. Hindi tulad
ng panitikang nakalimbag, walang isang taong nagmamay-ari ng mga panitikang oral sa bansa. Si
Aesop, halimbawa, ay kilala sa kanyang mga pabula ngunit hindi lamang si Aesop ang nagsambit at
naglathala ng mga ito. Sa Pilipinas, tinipon ni Damiana Eugenio ang lahat ng nakalimbag na pabula
at kaniyang inilimbag ito sa isang libro.
Tanong:
1. Ano ang pabula?
2. Sino-sino ang mga taong may malaking ambag sa mga pabula?
3. Paano naging kilala si Aesop?
4. Paano naman nakaambag sa bansa si Damiana Eugenio?
5. Bakit kaya mga hayop ang pangunahing tauhan sa mga pabula?
Day 4
ASSESSMENT/APPLICATION
A. Pakikinig: Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggan. Pakinggan ang awiting “Magtanimay
Di Biro” ng The Dawn sa Internet.
1. Bakit sinasabi ng awiting hindi biro ang magtanim?
2. Naniniwala ka bang talento rin ang pagtatanim?
3. Ano-anong sakit ng katawanang maaaring makuha dahil sa pagtatanim?
Batay sa inilalahad ng awit, isa-isahin ang mgaepektong dulot ng
pagtatanim.
4. Naranasan mo na bang magtanim? Ibahagi ang iyong karanasan.
5. Kung hindi mo pa nararanasan ang manakit ang katawan dahil sa
pagtatanim, bakit kaya sinabi ng awiting hindi biro ang gawaing ito? Ano-
anong paghahanda ang dapat na isagawa ng mga batang nagnanais
makapagtanim?
B. Pagsasaliksik: Panuto: May alam ka bang iba pang pabula? Maari ka ring maghanap sa iba pang
mga aklat o sa internet ng isang pabula at basahin ito. Isulat ang buod ng pabula sa 5 hanggang
10 pangungusap. Gamitin ang mga katanungan sa ibaba bilang gabay.
1. Ano ang pamagat ng pabula?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4. 3. Ano-ano ang mga katangian ng mga tauhan sa kuwento?
4. Paano ipinakita ang mga katangian ng mga tauhan sa kuwento?
5. Ano ang mabuting aral na makukuha natin sa kuwento?
6. Bakit mahalaga ang aral na nakapaloob sa kuwentong nabasa?
7. Paano mo maihahalintulad sa totoong buhay ang pangyayari sa kuwento?
Preparedby:
GINAL. SAQUEZ Verifiedby:
TeacherIII
MARIA CRISTINA D. ALCARAZ
School Head
__________________________________________________________________________________________________
Address:IPHO Bldg., Sudlon,Lahug, Cebu City
Telephone Nos.:(032) 520-3216; SDS Office:(032)255-6405, ASDS Apao:(032) 236-4628
5. Republic ofthePhilippines
Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
DISTRICT OF SAN FRANCISCO
STA. CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
FILIPINO 6
1st Quarter, Week 2
I. MELC COMPETENCY CODE
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon
F6WG-Ia-d-2
II. OBJECTIVES
Knowledge: Kilalanin ang mga pangngalan at panghalip
Skills: Nagagamit ang mga pangngalan at panghalip sa pagbuo ng dayalogo
Values/Attitude: Pagbibigay halaga sapagtatanim
III. SUBJECT MATTER
Pangngalan at Panghalip
IV. REFERENCES
MELC 2020 p. 221
Baybayin: Paglayag sa Wika at Pagbasa pp.:2-12
A. Readings
Ano ang pangngalan? Sa pagpapakahulugan ng pangngalan, dalawang pananaw ang ating
gagamitin:
8. Kahulugang Pansemantika: Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nag
kahulugan ay ibinabatay sa kahulugang ibinibigay nito. Ibig sabihin, ang
pansemantikang kahulugan ng pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, pook,
hayop, katangian at pangyayari.
9. Kahulugan batay sa lingguwistikang estruktural: Tinutukoy rito ang gamit
ng salita sa loob ng isang wika o ang kayarian ng mg pariarlang maaring
mabuo rito. Ang pangngalan sa makabagong paraan ng paglalarawan, ay ang
anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong
pangmarimihan nito (ang mga/sina, ng mga/nina, sa mga /kina). Marker o
pananda ang tawag sa mga ito. Ibig sabihin, nakabubuo tayo ng pariralang
pangngalankapag sumunod ang salitasamgapanandang ito. Narito ang mga
halimbawa:
ang magkaibigan ang bellpepper sa pader ni Manok ng gulay
6. kay Kabayo
Paggamit ng Wasto sa Pangngalan
Maaaring ikategorya ang mga pangngalan ayon sa uri nito. Tinatawag na pangngalang
pangkabuuan ang mga pangngalang hindi kayang bilangin. Ilan sa mga bagay na may malabuhanging
katangian, mga pagkaing butyl, likido, metal, at elementong pangkalikasa. Samantala, ang ibang
pangngalan na maaaring bilangin ay mga pangngalang nabibilang.
Pagkilala sa mga Panghalip
Sa pananaw na estruktural, ang mga panghalip ay makikilala dahil sa pagbabagong anyo ayon
sa kaukulan: (a) ang mga panghalip na nasa anyong ang, (b) nasa anyong ng, at (c) nasa anyong sa.
a. Ang panghalip ay maaaring ihalili sa pangngalang pinangungunahan ng ang at si. Ito ay
nasa kaukulang ang o kaukulang palagyo.
Halimbawa:
Ikinararangal ng magulang ang responsableng bata.
Ikinararangal siya ng magulang.
b. Ang panghalip na panghalilisapariralang pangngalang pinangungunahan ng ng atni aynasa
anyong ng.
Halimbawa:
Ikukuwento ko ang buhay ni Jose Rizal.
Ikukuwento ko ang buhay niya. O di kaya ay, Ikukuwento ko ang kanyang buhay.
c. Ang panghalip na nasaanyong sa aypanghalilisapariralang pangngalang pinangungunahan
ng sa o kay. Maaari itong palitan ng kanya.
Halimbawa:
Ang kay Jayson ay kuhanin mo na.
Ang (sa) kanya ay kuhanin mo na.
Itabi mo ang sa bata.
Itabi mo ang (sa) kanya.
B. EXERCISES FOR SKILLS/ ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT SUBJECTS
Exercise 1, Day 1
A. Basahin ang talata. Tukuyin mula rito ang pananda at ang pangngalang ginamit. Isulat ang
mga ito sa talahanayan.
Pinagplanuhan ni Roshan ang kanyang karosa para sa kanyang pagparada bilang prinsesa sa
kanilang kapistahan. Pinaaalalahanan niya ang mga kaibigan na maging handa para sa pagpapakita ng
talent. Isasagawa nila ito habang ipinaparada ang karosa upang maging masaya ang mga manonood.
Tuttugtog si Arthur ng plawta. Sasyaw naman si Charles. Magbabaton si Monique at aawit si Ishi. Sina
Vincent at Vhea naman ang mangangasiwa sa mga disenyong ilalagay sa karosa. Iguguhit ni Daniel ang
pangalan ni Roshan para ilagay sa unahan ng karosa. Masaya ang magkakaibigan. Pinananabikan nila ang
pagsapit ng natatanging araw na iyon.
7. B. Pagsipi ng talata mula sa huwaran.
Sipiin mula satalataang mgasalitao pariralang nagpapakita ng kaya mo o taglay mong talent.
Ipaliwanang mo kung paano mo ito pinaghuhusay. Isulat sa sagutang papel.
Pananda Pangngalan
Exercise 2, Day 2
Panuto: Basahinang pabula. Alin-alinang mgapangngalang nabibilang sakuwento? Isulatito sa mga hanay
sa ibaba.
ANG MAUSISANG SISIW
Nakikikalaykay ang sisiw na si Susie sa lupang nilalakaran nilang mag-ina, tinutuka niya ang mga
nagkalat na bigas sa kapatagan at nagnanahap pa ng ibang makakain. Taking taka ang sisiw sa kanyang
nakikita sa lupa.” Nanay”, paano bilangin ang lupa? Nagtatakang tanong ni Susie.”Anak, hindi maaring
bilangin ang lupa, sagot ng ina. “Pero ang mga uod po nabibilang taking sagot ni Susie. ‘Halika ka anak,
dakutin mo ang lupa”Banggit ng ina.Dinakot ni Susie ang lupa at nakita kung gaano kaliit ang mga ito. Nang
biglang humangin,nawala ang dinakot na lupa sa kamay, “Nanay, nawala ang lupang dinakot ko. Siguroy
maliit ang mga ito wika ng sisiw.
“Oo anak sa sobrang liit ay mahirap bilangin ang mga iyan. Kagayadin n gating balahibo,ng bigas
na tinutuka natin,ang pawis na lumalabas sa ulo natin kapag,napapagod,luha kapag umiiyak,ang asin na
ginagawa ng mga hayop sa tabing-dagat,pati ang tubig,kape at mga kauri nito ay hindi nabibilang “turo ng
ina”
Isang umaga ay nagpaalam si Susie sa kanyang ina na pupunta sa silid aklatan ni Tiyagong
Kuwago. Binabagtas niya ang daan patungo sa silid akalatan nang mapag aliwan niyang tukuyin ang mga
nakikita sa paligid. Una niyang nakita ang lupa”Ahhh hindi ka nabibilang pati ang paborito kung mais at
munggo,hirap kaming bilangin kayo. Dumaan siya sa pagitan ng mga puno ng kapok. “Matayog na puno
nabibilang kaba! Maya maya ay humangin at nagsipaglagpakan ang mga bulak “ Hindi nabibilang ang mga
hibla ng kapokPati ang haring hangin,hindi nabinilang.
Nag malapit na siya sa silid aklatan ni Tiyagong Kuwago Nakita niya ang mga musang na
kumakain ng kape,kaya kung bilangin ang mga butil ng kape na inyong kinakain, pero kapag nadurog ang
mga ito,aba hindi ko nakayang bilangin pa. natawanalang ang mgamusang samausisang siSusie.Binigyan
siya ng tubig ni Tiyagong Kuwago sapagkat napansin nitong napapagod na siya, pagkainom niya ng tubig
8. sabi niya Ginoong Tiyagong kuwaga hindi po nabibilang ang tubig. Hindi pwedeng bilangin pati ang lupa,
pati paborito kung munggot mais, at ang hangin pagmamayabang ni Susie. Napakatalino mo talagang
inakay, Susie alam kung nais mo na namang magbasa “ wika ni Tiyagong Kuwago.
Hanapin ang mga pangngalang maaaring ilagay sa bawat hanay.
Pangngalang Pangkabuuan Pangngalang Nabibilang
C.
Exercise 3, Day 3
Panuto: Palitan ng angkop na panghalip ang mga salitang may salungguhit. Isulat sa sagutang
papel ang inyong sagot.
1. Masipag si Boy. Ginagawa ni Boy ang lahat ng mahihirap na Gawain.
2. Ipinakilala ni Jayson ang sarili sa harap ng guro at mga kaklase.
3. Ang mga barya ay para kay Boy.
4. Ipinagmamalaki ni Nanay at ni Tatay si Boy Barya.
5. Nanghinayang ang mga tao sa barangay dahil sa pagkawala ni Boy Barya.
Day 4
C. ASSESSMENT/APPLICATION
a. Panuto: Magbigay ng mgapangngalan sa bawat kolum sa ibaba.
b. Panuto: Magbigay ng tiglilimang halimbawa ng pariralang pangngalan sa anyong isahan
at maramihan.
Isahan Maramihan
1. _______________ 1. ___________________
2. _______________ 2. __________________
3. ________________ 3. __________________
4. ________________ 4. __________________
5. _______________ 5. ___________________
c. Panuto: Sumulat ng dayalogo tungkolsa pagtatanim. Gumamit ng mga pangngalan at
panghalip sa pagbuo nito.
Bagay Hayop Lugar Tao Pangyayari
9. Preparedby:
GINAL. SAQUEZ Verifiedby:
TeacherIII
MARIA CRISTINA D. ALCARAZ
School Head
__________________________________________________________________________________________________
Address:IPHO Bldg., Sudlon,Lahug, Cebu City
Telephone Nos.:(032) 520-3216; SDS Office:(032)255-6405, ASDS Apao:(032) 236-4628