2. Kahulugan:
• ay pagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o
nakalimbag na mga salita. Goodman ay isang
saykolingwistiks na panghuhula kung saan ang
nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe
hango sa tekstong binasa.
• ang pinakapagkain ng ating utak napatunayan
nating marami sa mga nagtatagumpay na tao ang
mahilig magbasa. Coady ang dating kaalaman ng
tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang
binabasa.
3. Kahalagahan
• Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya
ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-
unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang
indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang
indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas
malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang
iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao. Ang pagbasa ay isa ring
kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng
anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat
anumang binabasa natin ay maaaring isulat at ang anumang naisusulat
ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan
gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan
tungo sa kaalaman.
4. Mga Layunin at mga Uri:
• Upang maaliw, tumuklas ng mga bagong kaalaman
at maimbak sa ating isip. Mabatid ang iba pang mga
karanasan na kapupulutan ng aral
• Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na
pinapangarap na marating. Napag-aralan natin ang
ibang kultura ng lahi upang mabatid ang
pagkakaiba at pagkakatulad nito sa kulturang ating
kinagisnan
5. 1) Skimming
• Ang skimming ay nanagahulugan din ng pagtingin
sa isang teksto o kabanata nang mabilisan para
magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman
ng material at kasanayan sa pagkilala ng mga salita
upang maunawaan ang isang teksto. Naisasagawa
sa paraang mabilisan ang pagsusuri sa teksto.
6. 2) Scanning
• Scanning Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak
na impormasyon sa isang pahina. Sa uring ito ng
pagbabasa, hindi na hinahangad na makuha ang
kaisipan ng sumusulat dahil mahalaga Makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na paraan.