SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  74
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8:
Produksiyon
Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan– Modyul 8: Produksiyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapangmatunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihina lna may-
akda ng mga ito.
•
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Consuelo M. Imperial
Editor: Amalia C. Solis
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________
Department of Education – National Capital
Region(NCR)
Office Address:
____________________________________________
____________________________________________
Telefax:
____________________________________________
E-mail Address:
____________________________________________
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 8
PRODUKSIYON
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang
AralingPanlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Produksiyon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko
at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasa ng
makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng
pangunahing eksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyon ay higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Aralingpanlipunan 9 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Produksiyon. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng
kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating
mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito
ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may
angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aara lhabang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang
mga dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
• Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
• Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
• Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
• Basahing mabuti ang mga panuto bag ogawin ang bawat
pagsasanay.
• Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
• Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
• Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isip ang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
PRODUKSIYONAralin
8
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong sa mag-aaral na
maunawaan ang bahaging ginagampanan at kahalagahan ng
produksiyon at mga salik nito sa pamumuhay ng mga tao at bansa.
Bilang mag-aaral mahalagang maunawaan mo kung paano nalilikha
ang mga produkto at serbisyo na ating pinakikinabangan. Ito ay
dinesenyo para sa madaling pagkatuto ng mga mag-aaral sa online,
home based o pisikal na klase.
Handa ka na bang matuto, halika simulan na natin
Hi!!!
Ako pala si
Ekono.
Ano kaya ang
pag-aaralan
natin ngayon?
Hello!!!
Ako si Miya..
Halika,tingnan
natin ang
ating paksa at
layunin sa
araw na ito.
https://freesvg.org/img/pointingboy-2.png
https://www.needpix.com/photo/28163
0/little- girl-girl-african- black-toddler-
happy-smiling- wavingbiracial
Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na paksa na may
kaugnayan sa produksiyon
Paksa:
Produksiyon
a. Kahulugan at Kahalagahan ng produksiyon
b. Mga Uri ng Salik ng produksiyon
c. Pagpapahalaga sa mga Salik ng produksiyon
d. Implikasyon ng mga Salik ng produksiyon sa
pamumuhay ng tao at bansa
Matapos ang talakayan, ikaw ay inaasahan na natutuhan ang mga
sumusunod:
Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon
2. Natatalakay ang mga uri ng salik ng produksiyon
3. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga salik ng
produksiyon sa ekonomiya ng bansa
4. Nasusuri ang epekto ng mga salik ng produksiyon sa pang-araw-
araw na pamumuhay
Kaibigang Miya
…
Sagutin natin
ito?
Oo, kaibigang
Ekono…
Ano pa kaya
ang gagawin
natin?
Subukin
Gawain: Anticipation Guide
Lagyan ng tsek () kung sumasang-ayon ( SA ) o hindi sumasang -
ayon ( HSA ) sa kaisipan na nasa kahon.
SA Kaisipan HSA
1. Walang pagkonsumo kung walang
produksiyon
2. Ang produksiyon ay may
kinalaman sa paglikha ng produkto
at serbisyo
3. Ang lupa ay itinuturing na isang
salik ng produksiyon
4. Uunlad ang bansa kahit walang
produksiyon
5. Lahat ng salik ng produksiyon ay
mahalaga
Balikan
Gawain: HALO-BILOG
Tukuyin ang mga halo-halong titik ng
katawagan na nasa loob ng kahon at hanapin ang
kahulugan sa ibaba at isulat ang titik ng tamang
sagot.
A L I P G G P D G A U P K
1. M L M 2. R I T 3. A L I 4. A M I 5. K N A O
I M A C E I P P A S M S M O
________ ________ ________ ________ ________
a. karapatan ng mamimili na bilhin ang nais na
produkto o serbisyo
b. tungkulin ng mamimili na bantayan ang kilos ng
mga negosyante
c. ito ang inilalagay sa mga produkto upang
malaman ang presyo nito
d. tawag sa mga tao na bumibili ng mga produkto
at serbisyo
e. pagbili ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan ng
tao.
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at
maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang
kasanayan sa pagkatuto. Ito ay katulad na aralin online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang:
1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga
mag-aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag-
aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian
upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga
gawaing itinakda sa modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa
pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksiyon
sa pagkatuto.
• Ano ang kaisipan ang
ipinakikita ng ilustrasyon?
• Paano nagkaroon ng
kaugnayan ang dalawang
larawan sa isa’t isa?
• Alin ang mas mahalaga sa
dalawang gawain sa
larawan? Bakit?
Tuklasin
Pagganyak
Gawain 1: Larawan- suri
Pagmasdan ang ilustrasyon at sagutin
ang mga tanong.
Gawain 2: Eco-news
Panoorin ang balita at sagutin ang mga tanong:
a. Maglog-in sa https://news.abs-
cbn.com/news/04/22/20/hanggang-20000-ppe-
kaya-nang-gawin-ng-local-manufacturers-kada-
araw para detalye ng balita.
Mga Tanong:
1. Ano ang epekto ng pagdami ng kaso
ng COVID-19 sa ating bansa?
2. Bakit nagkaroon ng kakulangan sa
mga PPEs sa mga hospital?
3. Paano matitiyak na hindi na
magkakaroon ng kakulangan ng PPEs?
Suriin
Matapos matalakay ang pagkonsumo, nabatid na may iba’t
ibang uri ng pagkonsumo na isinasagawa ng mga tao. Alam
natin ang lahat ng tao ay kumukunsumo ng mga produkto at
serbisyo ayon sa kanilang pangangailangan. Ngayon ay
pagtutuunan natin ng pansin ang isa sa mahalagang gawain
sa ekonomiya na kung hindi ito maisasagawa ay mahaharap
sa suliranin ang bansa.
Ano ang kaugnayan ng Pagkonsumo at
Produksiyon?
• Ang salitang produksiyon ay laging
iniuugnay sa pagkonsumo. Alam
natin na ang pagkonsumo ay pagbili
ng mga produkto at serbisyo na
tumutugon sa mga pangangailangan
ng tao. At upang maisagawa ang
pagkonsumo kailangang mayroong
nagawang produkto at serbisyo.
Kaya madalas na sinasabi na walang
pagkonsumo kung walang produksiyon,
ngunit kung susuriin, masasabi rin na
kung hindi magkokonsumo ang mga tao,
walang produksiyon na magaganap.
Parehong mahalaga ang dalawang
gawaing pang-ekonomiya na ito.
Sa puntong ito, ang bahaging
ginagampanan ng produksiyon ay
bibigyan ng pansin.
Ano ang Produksiyon?
• Ang produksiyon ay paglikha ng mga
produkto at serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao. Ibig sabihin, sa
pamamagitan ng produksiyon ay
nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na
makabili ng kanilang pangangailangan. At
upang maisagawa ang produksiyon
gumagamit ng mga inputs na pinoproseso na
nagsisilbing outputs. Ano ba ang mga inputs
sa produksiyon?
• Ito ang mga bagay na ginagamit upang
makalikha ng produkto tulad halimbawa sa
paggawa ng bahay, kailangan ang lupang
pagtatayuan o isang lugar, semento, kahoy,
yero, pako, bakal, lagari, at iba pa. Kapag
nabuo na ang bahay, ito ang output sa
produksiyon. Ang output ay anumang
produkto na nagawa sa paggamit ng mga
inputs. Kapag pinag-aaralan ang ugnayan ng
input at output sa produksiyon, ito ang
tinatawag na production function.
Gawain: Answer Box
Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy na
terminolohiya.
input consumer goods output
produksiyon production function
1. Paglikha ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangngailangan ng tao
2. Mga bagay na ginagamit upang makalikha
ng mga produkto
3. Produkto na binibili ng mga mamimili upang
matugunan ang kanilang personal na
pangangailangan.
4. Ito ang bunga ng paggamit ng mga input sa
produksiyon
5. Ito ang naglalarawan ng ugnayan ng input at
output sa produksiyon
Kahalagahan ng Produksiyon
Gawain: Scenario Building
Ano ang maaaring maganap batay sa
ipinapakita ng mga larawan?
• Ang larawan ay nagpapakita ng dalawang
senaryo, una, ang pagbaba ng produktibidad
at ang pangalawa ay kawalan ng produkto
dahil walang produksiyon. Ito ay mangyayari
kung hindi mabibigyan ng suporta ng
pamahalaan ang gawaing ito. Sinasabi na
mahalaga ang produksiyon sapagkat ito ang
nagbibigay daan upang magkaroon ng
produkto at serbisyo na kailangan ng mga
mamamayan.
Ngunit paano ba naisasagawa ang produksiyon? May
mga bagay ba na ginagamit upang maisakatuparan
ang paglikha ng mga produkto at serbisyo?
Sa tulong din ng gawaing ito, ang mga
manggagawa ay nagagamit at nahahasa ang
kanilang kasanayan at kakayahan sa
pagtatrabaho. Nagkakaroon sila ng expertise sa
isang gawain na hinahanap ng isang kompanya sa
isang manggagawa Nakatutulong ang produksiyon
na makalikha ng maraming produkto na maaaring
gamitin na panluwas na produkto ng bansa.
Bukod pa dito, lubos na napapakinabangan ng
industriya ang mga pinagkukunang yaman ng
bansa. At higit sa lahat, nagbibigay ito ng kita sa
tao, industriya, at bansa.
Gawain: Buuin ang graphic organizer upang
malaman ang natutuhan sa paksang tinalakay.
Sa manggagawa
______________
______________
Sa ekonomiya
_____________
_____________
Sa mamamayan
______________
______________
Sa industriya
_____________
_____________
Kahalagahan
ng Produksiyon
Hoy besh!!! Ang
galing, ang
dami kong
natutuhan.
. Yes besh!!! Kaya
pala may mga
produkto dahil
sa produksiyon
Ngayong nabatid mo na kung paano nagkakaroon ng
mga produkto at serbisyo, naisip mo rin ba kung ano
ang bagay na ginagamit at sino ang responsible sa
pagsasagawa ng produksiyon. Kung gayon, iyun ang
ating susunod na tatalakayin.
Pagmasdan ang mga larawan.
Mga Salik ng Produksiyon
Magaling!!! Ang mga nasa larawan ay tinatawag na
salik ng produksyon tulad ng lupa, paggawa,
kapital at entrepreneur. Ang mga ito ay may
kaugnayan sa produksiyon sapagkat ito ang
ginagamit upang makalikha ng mga produkto at
serbisyo. Mahalaga ang mga salik ng produksiyon
sapagkat kung wala ang mga ito ay hindi
makakalikha ng mga produkto at serbisyo na
kailangan ng bansa. May kaniya kaniyang
ginagampanan ang bawat isa para sa
ikatatagumpay ng produksiyon.
Ano ang kaugnayan ng mga ito sa produksiyon?
At upang higit na malaman ang mga katangian ng mga salik ng
produksiyon
Panoorin ang video at sagutin ang mga tanong:
https://www.youtube.com/watch?v=VZD7dTSHmIo- economics
mafia at https://www.youtube.com/watch?v=iU64lU4-yZ0&t=133s
– mr. sinn
Lupa
Ang mga hilaw na materyales
ay galing sa salik na ito
Paggawa
Ito ay binubuo ng mga tao na
gumagamit ng lakas sa paglikha
ng mga produkto
Kapital
Ito ang mga kagamitan na
ginagamit upang makalikha ng
produkto o serbisyo
Entrepreneur
Ito ang namamahala sa
paggamit ng ibang salik ng
produksiyon upang makalikha
ng produkto o serbisyo
Mga Salik ng
Produksiyon
Ang bawat salik ng produksiyon ay kailangan ng
bansa sapagkat ang bahaging ginagampanan ng
bawat isa ay mahalaga sa paglikha ng produkto at
serbisyo. Mahihirapang makabuo ng produkto
kung wala ang isa sa mga ito, halimbawa sa
pagprodyus ng tinapay, kung walang arina ay
hindi makakagawa ng tinapay. Kung may arina
naman at walang manggagawa, wala ring
produksiyon ng tinapay. Ibig sabihin, mayroon ang
lahat ng salik ng produksiyon upang makalikha ng
produkto.
Matapos panoorin ang video, sagutin ang mga tanong:
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano- ano ang mga salik ng produksiyon?
2. Bakit kailangang laging magkakasama ang mga salik ng
produksiyon?
3. Para sa iyo, Ano ang pinakamahalagang salik ng
produksiyon? Bakit?
Kaibigan,
nauunawaan
mo ba ang
mga
tinalakay?
sige nga!!!
THUMBS UP
kung naiitindihan
mo…
Gawain: Tukuyin kung anong uri ng salik ng produksyon ang
mga sumusunod:
Input Uri ng salik
Karpintero
Negosyante
Arina
Makinarya
Magsasaka
opps, kaibigang Miya,
may sasagutan pa
tayo, eto tingnan mo.
Pagpapahalaga sa mga Salik ng Produksiyon
Nalaman mo na ang mga salik ng produksiyon at
kung gaano kahalaga ang mga ito sa paglikha ng
produkto at serbisyo. Pag-aralan naman natin
ngayon kung paano binibigyang halaga ang mga
salik ng produksiyon sa ating bansa.
Isa sa hakbang ng pagpapakita na
napapahalagahan ang mga salik ng produksiyon
ay pagbibigay ng suporta sa mga nagmamay-ari ng
mga salik ng produksiyon tulad ng landlord,
manggagawa, kapitalista at entrepreneur. Sila ba
ay nakatatanggap ng sapat at makatarungan kita
sa paggamit ng mga salik ng produksiyon? Bawat
isa sa mga salik ng produksiyon ay may kitang
tinatanggap.
Kita ng mga
salik ng
produksiyon
Lupa
UPA
Paggawa
SAHOD
Entrepreneur
TUBO
Kapital
INTERES
Makikita sa dayagram ang mga salik ng
produksiyon at kitang tinatanggap. Bukod sa
pagkakaroon ng pakinabang ang mga may-ari ng
mga salik ng produksiyon, dapat ding pag-ukulan
ng pansin ang kalagayan ng mga ito, tulad ng mga
manggagawa, may iba pa bang benepisyo para sa
kanila na dapat ipagkaloob ng pamahalaan o
maging ang kanilang kompanyang
pinagtatrabahuan. Sa mga may-ari ng lupa, dapat
may programa na ipatutupad upang makatulong
sa pangangalaga ng mga likas na yaman mula dito.
Iyung mga kapitalista ay nararapat na bigyan ng
insentibo upang ganahan na pagyamanin ang
kanilang mga kapital at ang mga entrepreneur ay
dapat magkaroon ng pagkakataon na palaguin ang
mga negosyo na kanilang papasukin sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng batas na
magbibigay proteksiyon sa kanila. Ito ay ilan
lamang na maaaring gawin upang mapahalagahan
ang mga salik ng produksiyon na mahalaga sa pag-
unlad ng ekonomiya.
Lagi nating tatandaan na dapat ay laging “two way
process”, pahalagahan ang mga salik ng
produksiyon nang sa ganoon ay matutulungan
nitong umunlad ang bansa.
Implikasyon ng mga salik ng produksiyon
Matapos matalakay ang pagpapahalaga sa mga
salik ng produksiyon, analisahin naman natin ang
epekto ng mga salik ng produksiyon sa ating pang-
araw- araw na buhay.
Naisip mo na ba kung ano ang sitwasyon ng isang
bansa na walang salik ng produksiyon na ginagamit.
Ikaw, ano ang buhay mo kung wala ang mga salik na
ito. Ang isang bansa ay hindi makakayang umunlad
kung walang produksiyon at ang mga salik nito. Tulad
ng nabanggit na, ang mga produkto at serbisyo na
kailangan upang matugunan ang pangangailangan ay
nalilikha sa tulong ng mga salik ng produksiyon. Kaya
may nabibili tayong produkto na kailangan natin sa
pang-araw- araw na pamumuhay dahil sa mga salik ng
produksiyon.
Gawain: Sagot mo, Guhitan mo
Lagyan ng guhit ang wastong sagot na nasa loob ng
panaklong.
1. Ang kita na tinatanggap ng isang
entrepreneur ay ( interes, sahod, tubo,
upa) bilang salik ng produksiyon
2. Ang ( entrepreneur, kapitalista, landlord,
manggagawa) ang nagmamay - ari ng salik ng
produksiyon na lupa
3. Ang upa, sahod, interes at tubo ay tinatawag
na ( kita ng mga salik ng produksiyon, may-ari
ng mga salik ng produksiyon, presyo g mga
salik ng produksiyon, uri ng salik produksiyon)
4. Kung ang kapitalista ay tumatanggap ng kita na
tinatawag na interes, ang ( komisyon, sahod, tubo,
upa) ay kita na tinatanggap ng manggagawa.
5. Ang manggagawa ay para sa paggawa
samantalang ang kapitalista ay para sa
(entrepreneur, interes, kapital, lupa).
Implikasyon ng mga salik ng produksiyon
Matapos matalakay ang pagpapahalaga sa mga
salik ng produksiyon, analisahin naman natin ang
epekto ng mga salik ng produksiyon sa ating pang-
araw- araw na buhay.
Naisip mo na ba kung ano ang sitwasyon ng isang
bansa na walang salik ng produksiyon na ginagamit.
Ikaw, ano ang buhay mo kung wala ang mga salik na
ito. Ang isang bansa ay hindi makakayang umunlad
kung walang produksiyon at ang mga salik nito. Tulad
ng nabanggit na, ang mga produkto at serbisyo na
kailangan upang matugunan ang pangangailangan ay
nalilikha sa tulong ng mga salik ng produksiyon. Kaya
may nabibili tayong produkto na kailangan natin sa
pang-araw- araw na pamumuhay dahil sa mga salik ng
produksiyon.
Isa pa sa naitutulong ng mga salik ng produksiyon ay
nakakagawa ang mga ito ng maraming produkto na
napakikinabangan sa paglago ng ekonomiya na
magreresulta naman sa pagbuti ng pamumuhay ng
mga tao. Isipin natin kung hindi nagpoprodyus ng mga
produkto at serbisyo ang mga salik ng produksiyon,
walang magagamit na panluwas na produkto mula sa
industriya ang bansa. Ang mga salik ng produksiyon
din ang lumilinang ng mga inputs upang makalikha ng
maraming outputs na kailangang sa bansa. Sa maikling
salita, ang lahat ng pangangailangan ng mga
mamamayan at ekonomiya sa pang-araw-araw na
pamumuhay ay nakasalalay sa mga salik ng
produksiyon.
kaibigang
Miya, A BIG
YES kasi ang
dami kong
naintindihan
at natutuhan
tungkol sa
produksiyon..
Ako din, kaibigang
Ekono, YES na
YES dahil
naunawaan ko
ang kahalagahan
ng mga salik ng
produksiyon...
Pagyamanin
Gawain 1: Kaalaman sa Tiyak na Bagay: Piliin ang titik ng
wastong sagot.
1. Ano ang tawag sa paglikha ng mga produkto at
serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao?
a. input
b. pagkonsumo
c. produksiyon
d. production function
2. Ano ang tumutukoy sa mga bagay na ginagamit sa
paglikha ng mga produkto at serbisyo?
a. kapital
b. output
c. production function
d. salik ng produksiyon
3. Kung ang manggagawa ay tumatanggap ng sahod, ano naman ang
tawag sa kitang tinatanggap ng kapitalista?
a. interes
b. suweldo
c. tubo
d. upa
4. Ano ang tawag sa salik ng produksiyon na binubuo ng mga tao
na gumagamit ng lakas upang makalikha ng produkto o serbisyo?
a. entrepreneur
b. kapital
c. lupa
d. paggawa
5. Ano ang tumutukoy sa nabuong produkto mula sa paggamit ng
mga hilaw na materyales?
a. input
b. output
c. produksiyon
d. salik ng produksiyon
Gawain 2: Analisahin: Basahin nang mabuti ang
pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot.
6. Halos buong mundo ay naapektuhan ng pagkalat ng
corona virus at bunga nito marami ang nagkasakit.
Unti – unting nagkukulang ang supply ng mga
kagamitang pang-medikal. Ano ang dapat gawin ng
pamahalaan upang hindi lumubha ang kakulangan ng
mga kagamitang pang-medikal?
a. hikayatin ang mga prodyuser na magpalit ng
lilikhaing produkto
b. magbigay ng insentibo sa mga prodyuser na
gagawa ng kagamitang medikal
c. padagdagan ang produksiyon ng mga kagamitan
medikal sa mga prodyuser
d. paimbestigahan kung may nagtatago ng mga
kagamitang medikal
7. Sa pagsasagawa ng produksiyon kailangan ay tumaas ang
produktibidad ng mga salik ng produksiyon upang dumami ang
malilikhang produkto na kailangan ng ekonomiya. Alin sa mga ito ang
halimbawa ng pagtaas ng produktibidad ng mga salik ng produksiyon?
a. kakaunting input na ginamit, kakaunting output ang nabuo
b. kakaunting output ang nabuo sa maraming input na ginamit
c. maraming output ang nabuo sa maraming input na ginamit
d. maraming output ang nabuo sa kakaunting input na ginamit
8. Maraming manggagawa ang hindi nakapasok sa trabaho
dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine(ECQ)
ng pamahalaan. Ano ang naging epekto nito sa produksiyon?
a. bumaba ang supply ng produkto
b. marami ang kulang na produkto
c. naantala ang produksiyon ng produkto
d. walang pasasahurin ang kompanya
9. Hinihikayat ng pamahalaan ang mga mamamayan na maging isang
entrepreneur. Alam natin na ang isang entrepreneur ay isang
mahalagang salik ng produksiyon. Bakit kaya kailangan ng bansa ang
mga entrepreneur?
a. sapagkat madali silang kumita
b. sapagkat nais ng pamahalaan na dumami ang
mapoprodyus na produkto
c. sapagkat sila ay risk taker sa pagnenegosyo
d. sapagkat sila ay madaling turuan
10. Sa sitwasyon ng ating ekonomiya na kailangang
makabawi dahil sa epekto ng Covid-19, bakit mahalagang
palakasin ang kapital bilang salik ng produksiyon?
a. upang makalikha ng maraming trabaho at produkto
b upang marami ang makinaryang gagamitin
c. upang sumigla ang ekonomiya
d. upang makahikayat ng mga imbestor
Isaisip
A. Missing Word: Punan ang patlang ng nawawalang salita upang
mabuo ang kaisipan ukol sa paksang tinalakay.
Lupa
Ang ______ na yaman na
salik ng produksiyon
Tumatanggap ng ____
bilang kabayaran ang
may-ari ng lupa
Paggawa
Paggamit ng _____ ng
manggagawa upang
makalikha ng produkto
Sahod ang tawag sa
tinatanggap na
kabayaran ng _______
Kapital
Mga ________ na
ginagamit upang
makalikha ng ibang
produkto.Tumatanggap
ng ______ ang mga
kapitalista
Entrepreneur
Siya ang tinatawag na
kapitan ng industriya
______ ang tinatanggap
ng isang entrepreneur
Mga ______ ng
Produksiyon
B. Open-Ended Statement
Dugtungan ang pangungusap ayon sa iyong natutuhan at
saloobin
Ako ay nasisiyahan sapagkat ______________
Ako ay nagkaroon ng kaalaman sa _________
Isagawa
Alam ko lubos mo nang nauunawaan ang paksang
tinalakay. At upang maipakita ang iyong natutuhan at
maiaplay sa tunay na buhay. Ito ang iyung gagawin.
Bilang mag-aaral, magpakita ng proseso ng pagbuo ng isang
produkto na kailangan mo sa pang-araw-araw na buhay.
Maaaring iguhit ang larawan ng pagbuo ng produkto o kaya
isulat ang step by step na proseso ng paggawa ng produkto.
Banggitin ang mga bagay na ginamit upang makabuo ng
produktong napili.
Tayahin
A. Mahalagang masukat ang iyong pagkatuto at pagkaunawa sa paksang
tinalakay kaya ikaw ay gagawa o bubuo ng isang concept definition map tungkol
sa paksa. Isusulat ang salita na nais bigyang kahulugan at kaugnay na konsepto
tungkol dito.
CONCEPT DEFINITION MAP
Buuin ang halimbawang ito:
Ano-ano ang mga uri Ano-ano ang
nito? kahalagahan nito?
1. _____________________ 1. ____________________
2._____________________ Salik ng 2. ____________________
3. _____________________ Produksiyon 3. ____________________
4. _____________________ 4. ____________________
Maaari ka pang gumawa ng concept definition map gamit ang
ibang salitang natutuhan sa pagtalakay.
B. Anticipation Guide
Balikan ang sagot sa bahagi ng Subukin, may pagbabago ba
sa iyong naging sagot?
Para madagdagan ang kaalaman at higit na mapalalim ang
pang-unawa sa paksa, isagawa ang panibagong gawain na
ito.
Karagdagang Gawain
• Gumawa ng PAKIKIPANAYAM sa isang
entrepreneur o maliit na negosyante
at tanungin kung paano niya sinimulan
ang pagprodyus ng mga produkto at
ano ang naging balakid sa kaniyang
pagpoprodyus.
• Sumulat ng isang TULA na nauukol sa
kahalagahan ng produksiyon sa
buhay mo bilang mag-aaral.
•
Rubric sa Pakikipanayam
Pamantayan Katangi-tangi
4
Mahusay
3
Katamtaman
2
Kailangan pa
ng pagsasanay
1
Nilalaman Malikhain,
tiyak, at maayos
ang mga
detalyeng
kaugnay ng
paksa
Malinaw at
maayos ang mga
detalyeng
kaugnay ng
paksa
Gumamit ng
simpleng mga
detalyeng
kaugnay ng
paksa
May mga
pagkakamali
ang mga
detalyeng
kaugnay ng
paksa
Pagtatanong Malinaw, wasto,
at iba’t iba ang
antas ng
pagtatanong
Maayos at
sistematiko ang
mga ibinibigay
na tanong
Gumamit ng
simpleng mga
tanong ukol sa
paksa
May mga
pagkakamali at
malabo ang mga
tanong
Detalye Maliwanag at
nilinang na
mabuti ang mga
detalye
Karaniwang
tiyak ang mga
detalye ngunit
may isa o
dalawang mali
Hindi maayos
ang
pagkakasunod-
sunod ng mga
detalye
Maraming mali
sa mga detalye
Paglalahad Kawili-wili,
maayos, at
maliwanag ang
paglalahad
Epektibo ang
paglalahad
May kaayusan
at medyo
maliwanag ang
paglalahad
Walang
kaayusan; hindi
maliwanag ang
paglalahad
Lagyan ng ( ) ang hanay ng iyong sagot
Rubric sa Tula
Pamantayan Lubhang Kasiya-
siya
3
Kasiya-siya
2
Hindi Kasiya-siya
1
Tinig May angkop na
paglakas at paghina
ng tinig na naaayon
sa diwa at damdamin
ng tula
May pagbago-bago
ng paglakas at
paghina ng tinig,
ngunit katamtaman
lamang na
naipadama ang
damdamin ng tula
Hindi naipakita ang
pagbago-bago ng
paglakas at paghina
ng tinig. Hindi
gaanong naipadama
ang damdamin ng
tula
Bigkas Maliwanag ang
pagbigkas ng tula.
May paglalapat ng
wastong himig sa
tula
Malinaw ang
pagbigkas ng tula
ngunit hindi gaanong
nalapatan ng
wastong himig ang
tula
Hindi gaanong
malinaw ang
pagbigkas ng tula
May Panghihikayat
sa Madla
May panghihikayat
sa mga nakikinig.
Naging kawili-wili
ang tula sa mga
nakikinig
May panghihikayat
sa mga nakikinig
ngunit hindi gaanong
kawili-wili
Hindi naging kawili-
wili ang tula sa mga
nakikinig
Lagyan ng ( ) ang hanay ng iyong sagot
Susi sa Pagwawasto
Subukin (Maaaring iba –iba ang sagot ng mga mag-aaral)
1. SA
2. HAS
3. SA
4. HAS
5. SA
Balikan
Gawain: HALO-BILOG
1. mamimili – d
2. price tag – c
3. pagpili – a
4. mapagmasid – b
5. pagkonsumo – e
Tuklasin
Gawain 1 – Larawan Suri
1. Ipinapakita ang dalawang gawain; paggawa ng produkto at pamimili online.
2. Nagkaroon ng ugnayan ang dalawang larawan sapagkat ang ginagawang
produkto ay iyun naman ang binibili ng mga mamimili.
3. Parehong mahalaga ang dalawang gawain dahil parehong nakatutulong sa mga
tao at bansa.
Gawain 2 – Eco-News
1. Maraming pangangailangang medikal ang kulang o nauubos na supply. Wala
nang magamit ang mga frontliners na PPEs.
2. Sapagkat ang PPEs at mga face mask ang pangunahing kasuotan na
kailangang gamitin ng mga frontliners sa pag-aasikaso ng mga pasyente na
apektado ng COVID-19.
3. Ang mga prodyuser at manufacturers ng mga nasabing kagamitan ay
pinayagan ng magsagawa ng produksiyon ng mga kagamitang medikal at
dodoblehin ang produksiyon ng mga PPEs at ibang kagamitang medikal.
Suriin
•
Gawain: Answer Box
1. produksiyon
2. input
3. consumer goods
4. output
5. production function
Gawain: Buuin ang graphic organizer
Sa manggagawa
nagagamit at nahahasa ang kasanayan
nagkakaroon ng expertise sa gawain
Sa ekonomiya
nagkakaroon ng kita
nagkakaroon ng panluwas na produkto
Sa mamamayan
may mabibiling produkto at serbisyo
nagkakaroon ng kita
Sa industriya
napakikinabangan ang mga pinagkukunang yaman
nagkakaroon ng kita
Gawain: Panonood ng Video
1. lupa, paggawa, kapital, at entrepreneur
2. sapagkat ang bawat isa ay may ginagampanan sa paglikha ng
mga produkto
3. para sa akin, lahat ng salik ng produksiyon ay mahalaga
sapagkat kailangan ang mga ito sa paglikha ng mga produkto
Gawain: Factor Chart
karpintero ------ paggawa
negosyante ----- entrepreneur
arina ------------ lupa
makinarya ----- kapital
magsasaka ----- paggawa
Gawain: Sagot mo, Guhitan mo
1. tubo
2. landlord
3. kita ng mga salik ng produksiyon
4. sahod
5. kapital
Pagyamanin
Gawain 1
1. c
2. d
3. a
4. d
5. b
Gawain 2
6. c
7. d
8. c
9. c
10. a
•
Isaisip
Gawain; Missing Word
Sa lupa – likas, upa
Sa paggawa – lakas, manggagawa
Sa kapital – kagamitan, interes
Sa entrepreneur – tubo
Sa gitnang kahon – salik
B. Open Ended Statement (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-
aaral)
Ako ay nasisiyahan sapagkat marami akong natutuhan tungkol sa
kahalagahan ng produksiyon at mga salik nito
Ako ay nagkaroon ng kaalaman kung paano makabubuo ng isang
produkto
Tayahin
A. Concept Definition Map
Salik ng produksiyon – mga bagay na ginagamit sa paglikha ng mga
produkto at serbisyo
Mga uri nito
1. lupa
2. paggawa
3. kapital
4. entrepreneur
Mga kahalagahan nito
1. nakakalikha ng mga produkto at serbisyo na kailangan ng tao at bansa
2. nakapagbibigay ng kita sa mga tao at bansa
3. nakapagpoprodyus ng panluwas na produkto ng bansa
4. nakatutulong sa paglago ng ekonomiya
B. Anticipation Guide(Maaaring iba-iba ang sagot)
Ang sagot ko pos a bilang 2 at 4 ay nagbago na matapos ang talakayan, dati
po ay HAS ngayon ay SA na
Sanggunian
A. Aklat
Balitao, Bernard R. 2012, Ekonomiks ; Mga Konsepto at Aplikasyon, Quezon City, Vibal
Publishing House Inc.
Clayton, Gray, 2018, Understanding Economics, Columbus, McGraw Hill Education
Imperial, Consuelo M., 2017, Kayamanan (Ekonomiks), Quezon City, Rex Book Store
Inc.
B. Websites
https://freesvg.org/img/pointingboy-2.png
https://www.needpix.com/photo/281630/little-girl-girl-african- black-toddler-happy-
smiling-waving-biracial
Kakulangan ng PPEs, (2020) Produksiyon ng PPEs, Huling binuksan noong Mayo 12,
2020, https://news.abs-cbn.com/news/04/22/20/hanggang-20000-ppe-kaya-nang-
gawin-ng-local-manufacturers-kada-araw
Production, (2014) Factors of Production, Huling binuksan noong Mayo 7, 2020,
https://www.youtube.com/watch?v=VZD7dTSHmIo-
Production, (2019), Four Factors of Production: Practice Problems Included, Huling
binuksan noong Mayo 7, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=iU64lU4-
yZ0&t=133s-
Production, (2019), Importance of Factors of Production to Economic Growth, Huling
binuksan noong Mayo 14, 2020, http://www.investopedia.com
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o
tumawagsa:
Department of Education - Bureau of Learning
Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *
blr.lrpd@deped.gov.ph

Contenu connexe

Tendances

MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang KitaMELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
Rivera Arnel
 
MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng PaglilingkodMELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
Rivera Arnel
 
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranMELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Rivera Arnel
 
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Rivera Arnel
 

Tendances (20)

Aralin 6 Produksyon
Aralin 6 ProduksyonAralin 6 Produksyon
Aralin 6 Produksyon
 
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang KitaMELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang Kita
 
Aralin 23 sektor ng paglilingkod
Aralin 23 sektor ng paglilingkodAralin 23 sektor ng paglilingkod
Aralin 23 sektor ng paglilingkod
 
Impormal na-sektor-for-presentation-inset
Impormal na-sektor-for-presentation-insetImpormal na-sektor-for-presentation-inset
Impormal na-sektor-for-presentation-inset
 
Module 4 aralin 1 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Module 4 aralin 1 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranModule 4 aralin 1 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Module 4 aralin 1 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
 
MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng PaglilingkodMELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
MELC_Aralin 21-Sektor ng Paglilingkod
 
patakaran sa sektor ng industriya.pptx
patakaran sa sektor ng industriya.pptxpatakaran sa sektor ng industriya.pptx
patakaran sa sektor ng industriya.pptx
 
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang KaunlaranMELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
MELC_Aralin 18-Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
 
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiyaAralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
Aralin 4 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya
 
Ppt pambansang-kita new-version
Ppt pambansang-kita new-versionPpt pambansang-kita new-version
Ppt pambansang-kita new-version
 
Sektor ng agrikultura
Sektor ng agrikulturaSektor ng agrikultura
Sektor ng agrikultura
 
Ap 9 module 1 q1
Ap 9 module  1 q1Ap 9 module  1 q1
Ap 9 module 1 q1
 
Mga salik na nakaaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
Mga salik na nakaaapekto sa pangangailangan at kagustuhanMga salik na nakaaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
Mga salik na nakaaapekto sa pangangailangan at kagustuhan
 
MELC_Aralin 14-Inflation
MELC_Aralin 14-InflationMELC_Aralin 14-Inflation
MELC_Aralin 14-Inflation
 
Pagkonsumo
PagkonsumoPagkonsumo
Pagkonsumo
 
Mga Sistemang Pang-Ekonomiya
Mga Sistemang Pang-EkonomiyaMga Sistemang Pang-Ekonomiya
Mga Sistemang Pang-Ekonomiya
 
implasyon DEMO.ppt
implasyon DEMO.pptimplasyon DEMO.ppt
implasyon DEMO.ppt
 
Aralin 13 pamilihan at pamahalaan
Aralin 13 pamilihan at pamahalaanAralin 13 pamilihan at pamahalaan
Aralin 13 pamilihan at pamahalaan
 
Pagbabago ng Supply
Pagbabago ng SupplyPagbabago ng Supply
Pagbabago ng Supply
 
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITOKAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
KAHULUGAN NG EKONOMIKS AT MGA KONSEPTO NITO
 

Similaire à Produksiyon

Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
MARYANNLOPEZ16
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
jashemar1
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
MARYANNLOPEZ16
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
 

Similaire à Produksiyon (20)

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdfESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
 
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdfWeek-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
Week-5-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL.pdf
 
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdfF11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
F11-12_Q1_Piling_Larang_TEKBOK_MODULE2_Linggo2-3-SLM.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
EsP Grade 3 Q1.pdf
EsP Grade 3 Q1.pdfEsP Grade 3 Q1.pdf
EsP Grade 3 Q1.pdf
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 

Produksiyon

  • 1. 9 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8: Produksiyon
  • 2. Araling Panlipunan– Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan– Modyul 8: Produksiyon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapangmatunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihina lna may- akda ng mga ito. •
  • 3. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Consuelo M. Imperial Editor: Amalia C. Solis Tagasuri: Name Tagaguhit: Name Tagalapat: Name Tagapamahala: Name of Regional Director Name of CLMD Chief Name of Regional EPS In Charge of LRMS Name of Regional ADM Coordinator Name of CID Chief Name of Division EPS In Charge of LRMS Name of Division ADM Coordinator
  • 4. Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________ Department of Education – National Capital Region(NCR) Office Address: ____________________________________________ ____________________________________________ Telefax: ____________________________________________ E-mail Address: ____________________________________________
  • 5. 9 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8 PRODUKSIYON
  • 6. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang AralingPanlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Produksiyon. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
  • 7. Ang tulong-aral na ito ay umaasa ng makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing eksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
  • 8. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag- aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyon ay higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 9. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Aralingpanlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Produksiyon. Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aara lhabang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
  • 10. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
  • 11. Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay Isaisip Isagawa
  • 12. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 13. • Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: • Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. • Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. • Basahing mabuti ang mga panuto bag ogawin ang bawat pagsasanay. • Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. • Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. • Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
  • 14. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isip ang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
  • 15. PRODUKSIYONAralin 8 Alamin Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong sa mag-aaral na maunawaan ang bahaging ginagampanan at kahalagahan ng produksiyon at mga salik nito sa pamumuhay ng mga tao at bansa. Bilang mag-aaral mahalagang maunawaan mo kung paano nalilikha ang mga produkto at serbisyo na ating pinakikinabangan. Ito ay dinesenyo para sa madaling pagkatuto ng mga mag-aaral sa online, home based o pisikal na klase. Handa ka na bang matuto, halika simulan na natin
  • 16. Hi!!! Ako pala si Ekono. Ano kaya ang pag-aaralan natin ngayon? Hello!!! Ako si Miya.. Halika,tingnan natin ang ating paksa at layunin sa araw na ito. https://freesvg.org/img/pointingboy-2.png https://www.needpix.com/photo/28163 0/little- girl-girl-african- black-toddler- happy-smiling- wavingbiracial Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na paksa na may kaugnayan sa produksiyon Paksa: Produksiyon a. Kahulugan at Kahalagahan ng produksiyon b. Mga Uri ng Salik ng produksiyon c. Pagpapahalaga sa mga Salik ng produksiyon d. Implikasyon ng mga Salik ng produksiyon sa pamumuhay ng tao at bansa
  • 17. Matapos ang talakayan, ikaw ay inaasahan na natutuhan ang mga sumusunod: Layunin: 1. Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon 2. Natatalakay ang mga uri ng salik ng produksiyon 3. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng mga salik ng produksiyon sa ekonomiya ng bansa 4. Nasusuri ang epekto ng mga salik ng produksiyon sa pang-araw- araw na pamumuhay Kaibigang Miya … Sagutin natin ito? Oo, kaibigang Ekono… Ano pa kaya ang gagawin natin?
  • 18. Subukin Gawain: Anticipation Guide Lagyan ng tsek () kung sumasang-ayon ( SA ) o hindi sumasang - ayon ( HSA ) sa kaisipan na nasa kahon. SA Kaisipan HSA 1. Walang pagkonsumo kung walang produksiyon 2. Ang produksiyon ay may kinalaman sa paglikha ng produkto at serbisyo 3. Ang lupa ay itinuturing na isang salik ng produksiyon 4. Uunlad ang bansa kahit walang produksiyon 5. Lahat ng salik ng produksiyon ay mahalaga
  • 19. Balikan Gawain: HALO-BILOG Tukuyin ang mga halo-halong titik ng katawagan na nasa loob ng kahon at hanapin ang kahulugan sa ibaba at isulat ang titik ng tamang sagot. A L I P G G P D G A U P K 1. M L M 2. R I T 3. A L I 4. A M I 5. K N A O I M A C E I P P A S M S M O ________ ________ ________ ________ ________
  • 20. a. karapatan ng mamimili na bilhin ang nais na produkto o serbisyo b. tungkulin ng mamimili na bantayan ang kilos ng mga negosyante c. ito ang inilalagay sa mga produkto upang malaman ang presyo nito d. tawag sa mga tao na bumibili ng mga produkto at serbisyo e. pagbili ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
  • 21. Mga Tala para sa Guro Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatuto. Ito ay katulad na aralin online. Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang: 1. Magsagawa ng masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral sa bawat gawain. 2. Magbigay ng feedback sa bawat lingo sa gawa ng mag- aaral. 3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa modyul. 4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng pagbibigay nang malinaw na instruksiyon sa pagkatuto.
  • 22. • Ano ang kaisipan ang ipinakikita ng ilustrasyon? • Paano nagkaroon ng kaugnayan ang dalawang larawan sa isa’t isa? • Alin ang mas mahalaga sa dalawang gawain sa larawan? Bakit? Tuklasin Pagganyak Gawain 1: Larawan- suri Pagmasdan ang ilustrasyon at sagutin ang mga tanong.
  • 23. Gawain 2: Eco-news Panoorin ang balita at sagutin ang mga tanong: a. Maglog-in sa https://news.abs- cbn.com/news/04/22/20/hanggang-20000-ppe- kaya-nang-gawin-ng-local-manufacturers-kada- araw para detalye ng balita.
  • 24. Mga Tanong: 1. Ano ang epekto ng pagdami ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa? 2. Bakit nagkaroon ng kakulangan sa mga PPEs sa mga hospital? 3. Paano matitiyak na hindi na magkakaroon ng kakulangan ng PPEs?
  • 25. Suriin Matapos matalakay ang pagkonsumo, nabatid na may iba’t ibang uri ng pagkonsumo na isinasagawa ng mga tao. Alam natin ang lahat ng tao ay kumukunsumo ng mga produkto at serbisyo ayon sa kanilang pangangailangan. Ngayon ay pagtutuunan natin ng pansin ang isa sa mahalagang gawain sa ekonomiya na kung hindi ito maisasagawa ay mahaharap sa suliranin ang bansa.
  • 26. Ano ang kaugnayan ng Pagkonsumo at Produksiyon? • Ang salitang produksiyon ay laging iniuugnay sa pagkonsumo. Alam natin na ang pagkonsumo ay pagbili ng mga produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao. At upang maisagawa ang pagkonsumo kailangang mayroong nagawang produkto at serbisyo.
  • 27. Kaya madalas na sinasabi na walang pagkonsumo kung walang produksiyon, ngunit kung susuriin, masasabi rin na kung hindi magkokonsumo ang mga tao, walang produksiyon na magaganap. Parehong mahalaga ang dalawang gawaing pang-ekonomiya na ito. Sa puntong ito, ang bahaging ginagampanan ng produksiyon ay bibigyan ng pansin.
  • 28. Ano ang Produksiyon? • Ang produksiyon ay paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng produksiyon ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na makabili ng kanilang pangangailangan. At upang maisagawa ang produksiyon gumagamit ng mga inputs na pinoproseso na nagsisilbing outputs. Ano ba ang mga inputs sa produksiyon?
  • 29. • Ito ang mga bagay na ginagamit upang makalikha ng produkto tulad halimbawa sa paggawa ng bahay, kailangan ang lupang pagtatayuan o isang lugar, semento, kahoy, yero, pako, bakal, lagari, at iba pa. Kapag nabuo na ang bahay, ito ang output sa produksiyon. Ang output ay anumang produkto na nagawa sa paggamit ng mga inputs. Kapag pinag-aaralan ang ugnayan ng input at output sa produksiyon, ito ang tinatawag na production function.
  • 30. Gawain: Answer Box Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy na terminolohiya. input consumer goods output produksiyon production function 1. Paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangngailangan ng tao 2. Mga bagay na ginagamit upang makalikha
  • 31. ng mga produkto 3. Produkto na binibili ng mga mamimili upang matugunan ang kanilang personal na pangangailangan. 4. Ito ang bunga ng paggamit ng mga input sa produksiyon 5. Ito ang naglalarawan ng ugnayan ng input at output sa produksiyon
  • 32. Kahalagahan ng Produksiyon Gawain: Scenario Building Ano ang maaaring maganap batay sa ipinapakita ng mga larawan?
  • 33. • Ang larawan ay nagpapakita ng dalawang senaryo, una, ang pagbaba ng produktibidad at ang pangalawa ay kawalan ng produkto dahil walang produksiyon. Ito ay mangyayari kung hindi mabibigyan ng suporta ng pamahalaan ang gawaing ito. Sinasabi na mahalaga ang produksiyon sapagkat ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng produkto at serbisyo na kailangan ng mga mamamayan.
  • 34. Ngunit paano ba naisasagawa ang produksiyon? May mga bagay ba na ginagamit upang maisakatuparan ang paglikha ng mga produkto at serbisyo? Sa tulong din ng gawaing ito, ang mga manggagawa ay nagagamit at nahahasa ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pagtatrabaho. Nagkakaroon sila ng expertise sa isang gawain na hinahanap ng isang kompanya sa isang manggagawa Nakatutulong ang produksiyon na makalikha ng maraming produkto na maaaring gamitin na panluwas na produkto ng bansa. Bukod pa dito, lubos na napapakinabangan ng industriya ang mga pinagkukunang yaman ng bansa. At higit sa lahat, nagbibigay ito ng kita sa tao, industriya, at bansa.
  • 35. Gawain: Buuin ang graphic organizer upang malaman ang natutuhan sa paksang tinalakay. Sa manggagawa ______________ ______________ Sa ekonomiya _____________ _____________ Sa mamamayan ______________ ______________ Sa industriya _____________ _____________ Kahalagahan ng Produksiyon
  • 36. Hoy besh!!! Ang galing, ang dami kong natutuhan. . Yes besh!!! Kaya pala may mga produkto dahil sa produksiyon Ngayong nabatid mo na kung paano nagkakaroon ng mga produkto at serbisyo, naisip mo rin ba kung ano ang bagay na ginagamit at sino ang responsible sa pagsasagawa ng produksiyon. Kung gayon, iyun ang ating susunod na tatalakayin.
  • 37. Pagmasdan ang mga larawan. Mga Salik ng Produksiyon Magaling!!! Ang mga nasa larawan ay tinatawag na salik ng produksyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneur. Ang mga ito ay may kaugnayan sa produksiyon sapagkat ito ang ginagamit upang makalikha ng mga produkto at serbisyo. Mahalaga ang mga salik ng produksiyon sapagkat kung wala ang mga ito ay hindi makakalikha ng mga produkto at serbisyo na kailangan ng bansa. May kaniya kaniyang ginagampanan ang bawat isa para sa ikatatagumpay ng produksiyon. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa produksiyon?
  • 38. At upang higit na malaman ang mga katangian ng mga salik ng produksiyon Panoorin ang video at sagutin ang mga tanong: https://www.youtube.com/watch?v=VZD7dTSHmIo- economics mafia at https://www.youtube.com/watch?v=iU64lU4-yZ0&t=133s – mr. sinn
  • 39. Lupa Ang mga hilaw na materyales ay galing sa salik na ito Paggawa Ito ay binubuo ng mga tao na gumagamit ng lakas sa paglikha ng mga produkto Kapital Ito ang mga kagamitan na ginagamit upang makalikha ng produkto o serbisyo Entrepreneur Ito ang namamahala sa paggamit ng ibang salik ng produksiyon upang makalikha ng produkto o serbisyo Mga Salik ng Produksiyon
  • 40. Ang bawat salik ng produksiyon ay kailangan ng bansa sapagkat ang bahaging ginagampanan ng bawat isa ay mahalaga sa paglikha ng produkto at serbisyo. Mahihirapang makabuo ng produkto kung wala ang isa sa mga ito, halimbawa sa pagprodyus ng tinapay, kung walang arina ay hindi makakagawa ng tinapay. Kung may arina naman at walang manggagawa, wala ring produksiyon ng tinapay. Ibig sabihin, mayroon ang lahat ng salik ng produksiyon upang makalikha ng produkto.
  • 41. Matapos panoorin ang video, sagutin ang mga tanong: Sagutin ang mga tanong: 1. Ano- ano ang mga salik ng produksiyon? 2. Bakit kailangang laging magkakasama ang mga salik ng produksiyon? 3. Para sa iyo, Ano ang pinakamahalagang salik ng produksiyon? Bakit? Kaibigan, nauunawaan mo ba ang mga tinalakay? sige nga!!! THUMBS UP kung naiitindihan mo…
  • 42. Gawain: Tukuyin kung anong uri ng salik ng produksyon ang mga sumusunod: Input Uri ng salik Karpintero Negosyante Arina Makinarya Magsasaka opps, kaibigang Miya, may sasagutan pa tayo, eto tingnan mo.
  • 43. Pagpapahalaga sa mga Salik ng Produksiyon Nalaman mo na ang mga salik ng produksiyon at kung gaano kahalaga ang mga ito sa paglikha ng produkto at serbisyo. Pag-aralan naman natin ngayon kung paano binibigyang halaga ang mga salik ng produksiyon sa ating bansa. Isa sa hakbang ng pagpapakita na napapahalagahan ang mga salik ng produksiyon ay pagbibigay ng suporta sa mga nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon tulad ng landlord, manggagawa, kapitalista at entrepreneur. Sila ba ay nakatatanggap ng sapat at makatarungan kita sa paggamit ng mga salik ng produksiyon? Bawat isa sa mga salik ng produksiyon ay may kitang tinatanggap.
  • 44. Kita ng mga salik ng produksiyon Lupa UPA Paggawa SAHOD Entrepreneur TUBO Kapital INTERES
  • 45. Makikita sa dayagram ang mga salik ng produksiyon at kitang tinatanggap. Bukod sa pagkakaroon ng pakinabang ang mga may-ari ng mga salik ng produksiyon, dapat ding pag-ukulan ng pansin ang kalagayan ng mga ito, tulad ng mga manggagawa, may iba pa bang benepisyo para sa kanila na dapat ipagkaloob ng pamahalaan o maging ang kanilang kompanyang pinagtatrabahuan. Sa mga may-ari ng lupa, dapat may programa na ipatutupad upang makatulong sa pangangalaga ng mga likas na yaman mula dito.
  • 46. Iyung mga kapitalista ay nararapat na bigyan ng insentibo upang ganahan na pagyamanin ang kanilang mga kapital at ang mga entrepreneur ay dapat magkaroon ng pagkakataon na palaguin ang mga negosyo na kanilang papasukin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas na magbibigay proteksiyon sa kanila. Ito ay ilan lamang na maaaring gawin upang mapahalagahan ang mga salik ng produksiyon na mahalaga sa pag- unlad ng ekonomiya. Lagi nating tatandaan na dapat ay laging “two way process”, pahalagahan ang mga salik ng produksiyon nang sa ganoon ay matutulungan nitong umunlad ang bansa.
  • 47. Implikasyon ng mga salik ng produksiyon Matapos matalakay ang pagpapahalaga sa mga salik ng produksiyon, analisahin naman natin ang epekto ng mga salik ng produksiyon sa ating pang- araw- araw na buhay. Naisip mo na ba kung ano ang sitwasyon ng isang bansa na walang salik ng produksiyon na ginagamit. Ikaw, ano ang buhay mo kung wala ang mga salik na ito. Ang isang bansa ay hindi makakayang umunlad kung walang produksiyon at ang mga salik nito. Tulad ng nabanggit na, ang mga produkto at serbisyo na kailangan upang matugunan ang pangangailangan ay nalilikha sa tulong ng mga salik ng produksiyon. Kaya may nabibili tayong produkto na kailangan natin sa pang-araw- araw na pamumuhay dahil sa mga salik ng produksiyon.
  • 48. Gawain: Sagot mo, Guhitan mo Lagyan ng guhit ang wastong sagot na nasa loob ng panaklong. 1. Ang kita na tinatanggap ng isang entrepreneur ay ( interes, sahod, tubo, upa) bilang salik ng produksiyon 2. Ang ( entrepreneur, kapitalista, landlord, manggagawa) ang nagmamay - ari ng salik ng produksiyon na lupa 3. Ang upa, sahod, interes at tubo ay tinatawag na ( kita ng mga salik ng produksiyon, may-ari ng mga salik ng produksiyon, presyo g mga salik ng produksiyon, uri ng salik produksiyon)
  • 49. 4. Kung ang kapitalista ay tumatanggap ng kita na tinatawag na interes, ang ( komisyon, sahod, tubo, upa) ay kita na tinatanggap ng manggagawa. 5. Ang manggagawa ay para sa paggawa samantalang ang kapitalista ay para sa (entrepreneur, interes, kapital, lupa). Implikasyon ng mga salik ng produksiyon Matapos matalakay ang pagpapahalaga sa mga salik ng produksiyon, analisahin naman natin ang
  • 50. epekto ng mga salik ng produksiyon sa ating pang- araw- araw na buhay. Naisip mo na ba kung ano ang sitwasyon ng isang bansa na walang salik ng produksiyon na ginagamit. Ikaw, ano ang buhay mo kung wala ang mga salik na ito. Ang isang bansa ay hindi makakayang umunlad kung walang produksiyon at ang mga salik nito. Tulad ng nabanggit na, ang mga produkto at serbisyo na kailangan upang matugunan ang pangangailangan ay nalilikha sa tulong ng mga salik ng produksiyon. Kaya may nabibili tayong produkto na kailangan natin sa pang-araw- araw na pamumuhay dahil sa mga salik ng produksiyon.
  • 51. Isa pa sa naitutulong ng mga salik ng produksiyon ay nakakagawa ang mga ito ng maraming produkto na napakikinabangan sa paglago ng ekonomiya na magreresulta naman sa pagbuti ng pamumuhay ng mga tao. Isipin natin kung hindi nagpoprodyus ng mga produkto at serbisyo ang mga salik ng produksiyon, walang magagamit na panluwas na produkto mula sa industriya ang bansa. Ang mga salik ng produksiyon din ang lumilinang ng mga inputs upang makalikha ng maraming outputs na kailangang sa bansa. Sa maikling salita, ang lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan at ekonomiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ay nakasalalay sa mga salik ng produksiyon.
  • 52. kaibigang Miya, A BIG YES kasi ang dami kong naintindihan at natutuhan tungkol sa produksiyon.. Ako din, kaibigang Ekono, YES na YES dahil naunawaan ko ang kahalagahan ng mga salik ng produksiyon...
  • 53. Pagyamanin Gawain 1: Kaalaman sa Tiyak na Bagay: Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Ano ang tawag sa paglikha ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao? a. input b. pagkonsumo c. produksiyon d. production function 2. Ano ang tumutukoy sa mga bagay na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo? a. kapital b. output c. production function d. salik ng produksiyon
  • 54. 3. Kung ang manggagawa ay tumatanggap ng sahod, ano naman ang tawag sa kitang tinatanggap ng kapitalista? a. interes b. suweldo c. tubo d. upa 4. Ano ang tawag sa salik ng produksiyon na binubuo ng mga tao na gumagamit ng lakas upang makalikha ng produkto o serbisyo? a. entrepreneur b. kapital c. lupa d. paggawa 5. Ano ang tumutukoy sa nabuong produkto mula sa paggamit ng mga hilaw na materyales? a. input b. output c. produksiyon d. salik ng produksiyon
  • 55. Gawain 2: Analisahin: Basahin nang mabuti ang pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot. 6. Halos buong mundo ay naapektuhan ng pagkalat ng corona virus at bunga nito marami ang nagkasakit. Unti – unting nagkukulang ang supply ng mga kagamitang pang-medikal. Ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang hindi lumubha ang kakulangan ng mga kagamitang pang-medikal? a. hikayatin ang mga prodyuser na magpalit ng lilikhaing produkto b. magbigay ng insentibo sa mga prodyuser na gagawa ng kagamitang medikal c. padagdagan ang produksiyon ng mga kagamitan medikal sa mga prodyuser d. paimbestigahan kung may nagtatago ng mga kagamitang medikal
  • 56. 7. Sa pagsasagawa ng produksiyon kailangan ay tumaas ang produktibidad ng mga salik ng produksiyon upang dumami ang malilikhang produkto na kailangan ng ekonomiya. Alin sa mga ito ang halimbawa ng pagtaas ng produktibidad ng mga salik ng produksiyon? a. kakaunting input na ginamit, kakaunting output ang nabuo b. kakaunting output ang nabuo sa maraming input na ginamit c. maraming output ang nabuo sa maraming input na ginamit d. maraming output ang nabuo sa kakaunting input na ginamit 8. Maraming manggagawa ang hindi nakapasok sa trabaho dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine(ECQ) ng pamahalaan. Ano ang naging epekto nito sa produksiyon? a. bumaba ang supply ng produkto b. marami ang kulang na produkto c. naantala ang produksiyon ng produkto d. walang pasasahurin ang kompanya 9. Hinihikayat ng pamahalaan ang mga mamamayan na maging isang entrepreneur. Alam natin na ang isang entrepreneur ay isang mahalagang salik ng produksiyon. Bakit kaya kailangan ng bansa ang mga entrepreneur?
  • 57. a. sapagkat madali silang kumita b. sapagkat nais ng pamahalaan na dumami ang mapoprodyus na produkto c. sapagkat sila ay risk taker sa pagnenegosyo d. sapagkat sila ay madaling turuan 10. Sa sitwasyon ng ating ekonomiya na kailangang makabawi dahil sa epekto ng Covid-19, bakit mahalagang palakasin ang kapital bilang salik ng produksiyon? a. upang makalikha ng maraming trabaho at produkto b upang marami ang makinaryang gagamitin c. upang sumigla ang ekonomiya d. upang makahikayat ng mga imbestor
  • 58. Isaisip A. Missing Word: Punan ang patlang ng nawawalang salita upang mabuo ang kaisipan ukol sa paksang tinalakay. Lupa Ang ______ na yaman na salik ng produksiyon Tumatanggap ng ____ bilang kabayaran ang may-ari ng lupa Paggawa Paggamit ng _____ ng manggagawa upang makalikha ng produkto Sahod ang tawag sa tinatanggap na kabayaran ng _______ Kapital Mga ________ na ginagamit upang makalikha ng ibang produkto.Tumatanggap ng ______ ang mga kapitalista Entrepreneur Siya ang tinatawag na kapitan ng industriya ______ ang tinatanggap ng isang entrepreneur Mga ______ ng Produksiyon
  • 59. B. Open-Ended Statement Dugtungan ang pangungusap ayon sa iyong natutuhan at saloobin Ako ay nasisiyahan sapagkat ______________ Ako ay nagkaroon ng kaalaman sa _________ Isagawa Alam ko lubos mo nang nauunawaan ang paksang tinalakay. At upang maipakita ang iyong natutuhan at maiaplay sa tunay na buhay. Ito ang iyung gagawin. Bilang mag-aaral, magpakita ng proseso ng pagbuo ng isang produkto na kailangan mo sa pang-araw-araw na buhay. Maaaring iguhit ang larawan ng pagbuo ng produkto o kaya isulat ang step by step na proseso ng paggawa ng produkto. Banggitin ang mga bagay na ginamit upang makabuo ng produktong napili.
  • 60. Tayahin A. Mahalagang masukat ang iyong pagkatuto at pagkaunawa sa paksang tinalakay kaya ikaw ay gagawa o bubuo ng isang concept definition map tungkol sa paksa. Isusulat ang salita na nais bigyang kahulugan at kaugnay na konsepto tungkol dito. CONCEPT DEFINITION MAP Buuin ang halimbawang ito: Ano-ano ang mga uri Ano-ano ang nito? kahalagahan nito? 1. _____________________ 1. ____________________ 2._____________________ Salik ng 2. ____________________ 3. _____________________ Produksiyon 3. ____________________ 4. _____________________ 4. ____________________
  • 61. Maaari ka pang gumawa ng concept definition map gamit ang ibang salitang natutuhan sa pagtalakay. B. Anticipation Guide Balikan ang sagot sa bahagi ng Subukin, may pagbabago ba sa iyong naging sagot? Para madagdagan ang kaalaman at higit na mapalalim ang pang-unawa sa paksa, isagawa ang panibagong gawain na ito. Karagdagang Gawain
  • 62. • Gumawa ng PAKIKIPANAYAM sa isang entrepreneur o maliit na negosyante at tanungin kung paano niya sinimulan ang pagprodyus ng mga produkto at ano ang naging balakid sa kaniyang pagpoprodyus. • Sumulat ng isang TULA na nauukol sa kahalagahan ng produksiyon sa buhay mo bilang mag-aaral. •
  • 63. Rubric sa Pakikipanayam Pamantayan Katangi-tangi 4 Mahusay 3 Katamtaman 2 Kailangan pa ng pagsasanay 1 Nilalaman Malikhain, tiyak, at maayos ang mga detalyeng kaugnay ng paksa Malinaw at maayos ang mga detalyeng kaugnay ng paksa Gumamit ng simpleng mga detalyeng kaugnay ng paksa May mga pagkakamali ang mga detalyeng kaugnay ng paksa Pagtatanong Malinaw, wasto, at iba’t iba ang antas ng pagtatanong Maayos at sistematiko ang mga ibinibigay na tanong Gumamit ng simpleng mga tanong ukol sa paksa May mga pagkakamali at malabo ang mga tanong Detalye Maliwanag at nilinang na mabuti ang mga detalye Karaniwang tiyak ang mga detalye ngunit may isa o dalawang mali Hindi maayos ang pagkakasunod- sunod ng mga detalye Maraming mali sa mga detalye Paglalahad Kawili-wili, maayos, at maliwanag ang paglalahad Epektibo ang paglalahad May kaayusan at medyo maliwanag ang paglalahad Walang kaayusan; hindi maliwanag ang paglalahad Lagyan ng ( ) ang hanay ng iyong sagot
  • 64. Rubric sa Tula Pamantayan Lubhang Kasiya- siya 3 Kasiya-siya 2 Hindi Kasiya-siya 1 Tinig May angkop na paglakas at paghina ng tinig na naaayon sa diwa at damdamin ng tula May pagbago-bago ng paglakas at paghina ng tinig, ngunit katamtaman lamang na naipadama ang damdamin ng tula Hindi naipakita ang pagbago-bago ng paglakas at paghina ng tinig. Hindi gaanong naipadama ang damdamin ng tula Bigkas Maliwanag ang pagbigkas ng tula. May paglalapat ng wastong himig sa tula Malinaw ang pagbigkas ng tula ngunit hindi gaanong nalapatan ng wastong himig ang tula Hindi gaanong malinaw ang pagbigkas ng tula May Panghihikayat sa Madla May panghihikayat sa mga nakikinig. Naging kawili-wili ang tula sa mga nakikinig May panghihikayat sa mga nakikinig ngunit hindi gaanong kawili-wili Hindi naging kawili- wili ang tula sa mga nakikinig Lagyan ng ( ) ang hanay ng iyong sagot
  • 65. Susi sa Pagwawasto Subukin (Maaaring iba –iba ang sagot ng mga mag-aaral) 1. SA 2. HAS 3. SA 4. HAS 5. SA Balikan Gawain: HALO-BILOG 1. mamimili – d 2. price tag – c 3. pagpili – a 4. mapagmasid – b 5. pagkonsumo – e
  • 66. Tuklasin Gawain 1 – Larawan Suri 1. Ipinapakita ang dalawang gawain; paggawa ng produkto at pamimili online. 2. Nagkaroon ng ugnayan ang dalawang larawan sapagkat ang ginagawang produkto ay iyun naman ang binibili ng mga mamimili. 3. Parehong mahalaga ang dalawang gawain dahil parehong nakatutulong sa mga tao at bansa. Gawain 2 – Eco-News 1. Maraming pangangailangang medikal ang kulang o nauubos na supply. Wala nang magamit ang mga frontliners na PPEs. 2. Sapagkat ang PPEs at mga face mask ang pangunahing kasuotan na kailangang gamitin ng mga frontliners sa pag-aasikaso ng mga pasyente na apektado ng COVID-19. 3. Ang mga prodyuser at manufacturers ng mga nasabing kagamitan ay pinayagan ng magsagawa ng produksiyon ng mga kagamitang medikal at dodoblehin ang produksiyon ng mga PPEs at ibang kagamitang medikal.
  • 67. Suriin • Gawain: Answer Box 1. produksiyon 2. input 3. consumer goods 4. output 5. production function Gawain: Buuin ang graphic organizer Sa manggagawa nagagamit at nahahasa ang kasanayan nagkakaroon ng expertise sa gawain Sa ekonomiya nagkakaroon ng kita nagkakaroon ng panluwas na produkto
  • 68. Sa mamamayan may mabibiling produkto at serbisyo nagkakaroon ng kita Sa industriya napakikinabangan ang mga pinagkukunang yaman nagkakaroon ng kita Gawain: Panonood ng Video 1. lupa, paggawa, kapital, at entrepreneur 2. sapagkat ang bawat isa ay may ginagampanan sa paglikha ng mga produkto 3. para sa akin, lahat ng salik ng produksiyon ay mahalaga sapagkat kailangan ang mga ito sa paglikha ng mga produkto
  • 69. Gawain: Factor Chart karpintero ------ paggawa negosyante ----- entrepreneur arina ------------ lupa makinarya ----- kapital magsasaka ----- paggawa Gawain: Sagot mo, Guhitan mo 1. tubo 2. landlord 3. kita ng mga salik ng produksiyon 4. sahod 5. kapital
  • 70. Pagyamanin Gawain 1 1. c 2. d 3. a 4. d 5. b Gawain 2 6. c 7. d 8. c 9. c 10. a •
  • 71. Isaisip Gawain; Missing Word Sa lupa – likas, upa Sa paggawa – lakas, manggagawa Sa kapital – kagamitan, interes Sa entrepreneur – tubo Sa gitnang kahon – salik B. Open Ended Statement (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag- aaral) Ako ay nasisiyahan sapagkat marami akong natutuhan tungkol sa kahalagahan ng produksiyon at mga salik nito Ako ay nagkaroon ng kaalaman kung paano makabubuo ng isang produkto
  • 72. Tayahin A. Concept Definition Map Salik ng produksiyon – mga bagay na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyo Mga uri nito 1. lupa 2. paggawa 3. kapital 4. entrepreneur Mga kahalagahan nito 1. nakakalikha ng mga produkto at serbisyo na kailangan ng tao at bansa 2. nakapagbibigay ng kita sa mga tao at bansa 3. nakapagpoprodyus ng panluwas na produkto ng bansa 4. nakatutulong sa paglago ng ekonomiya B. Anticipation Guide(Maaaring iba-iba ang sagot) Ang sagot ko pos a bilang 2 at 4 ay nagbago na matapos ang talakayan, dati po ay HAS ngayon ay SA na
  • 73. Sanggunian A. Aklat Balitao, Bernard R. 2012, Ekonomiks ; Mga Konsepto at Aplikasyon, Quezon City, Vibal Publishing House Inc. Clayton, Gray, 2018, Understanding Economics, Columbus, McGraw Hill Education Imperial, Consuelo M., 2017, Kayamanan (Ekonomiks), Quezon City, Rex Book Store Inc. B. Websites https://freesvg.org/img/pointingboy-2.png https://www.needpix.com/photo/281630/little-girl-girl-african- black-toddler-happy- smiling-waving-biracial Kakulangan ng PPEs, (2020) Produksiyon ng PPEs, Huling binuksan noong Mayo 12, 2020, https://news.abs-cbn.com/news/04/22/20/hanggang-20000-ppe-kaya-nang- gawin-ng-local-manufacturers-kada-araw Production, (2014) Factors of Production, Huling binuksan noong Mayo 7, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=VZD7dTSHmIo- Production, (2019), Four Factors of Production: Practice Problems Included, Huling binuksan noong Mayo 7, 2020, https://www.youtube.com/watch?v=iU64lU4- yZ0&t=133s- Production, (2019), Importance of Factors of Production to Economic Growth, Huling binuksan noong Mayo 14, 2020, http://www.investopedia.com
  • 74. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawagsa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Notes de l'éditeur

  1. Theron Bueno