1. ARALING PANLIPUNAN OUTLINE
Rebolusyong Neolitik – Rebulusyong naging basehan ng modernong
sibilisisasyon.
Lambak – Ilog – Dito nagsimula ang unang sibilisisasyon.
Katangian ng Mataas na Antas na Sibilisisasyon :
- Maunlad na kasanayang teknikal
- Maunlad na batas at Alituntunin upang makapagtatag ng pamahalaan
- Dibisyon ng paggawa
- Gawaing Pangkatalinuhan
8,000 B.C.E. – 6,000 B.C.E. -Pamumuhay ng tao ay umunlad at nakalabas na
mula sa panahon ng bato. Bunga ng pagkatuklas ng metal.
Smelting o Pagtutugnas – paglikha ng metal sa pamamagitan ng pag – init ng
ugat – minang ito.
Matibay na Armas – halong timpla ng tanso at lata na natuklasan ng taong nasa
lambak ng Tigris at Euphrates, India at China.
Fertile Crescent – lambak na nakalatag sa pagitan ng Tigris at Euphrates na
sinasabing tunay na pinagsimulan ng sibilisasyon. Ito’y nasa dalawang ilog na
kadalasa’y baha ang dulot.
Mesopotamia- ang taguri sa hilagang bahagi nito ang kahulugan ng ay lupain sa
pagitan ng dalawang ilog.
Babylon- ang taguri sa sa katimugang bahagi nito sa Summer ang kilalang nasa
pinakaibabang bahagi.
Sumerian- ay natatag ng pamahalaang tinawag na Lungsod Estado.
Estado ng UR- ito ay kinikilala sa pinakamatandang estado.
Theoracy- ito ang uri ng pamahalaan ng mga lungsod ng estado na naniniwala na
ang kanilang estado ay pag-aari ng kanilang mga diyos at diyosa.
High Priest- ang sinusunod nilang lider na siyang nagsisilibing gobernador ng
lungsod.
Ang Sumerian ay Polytheist. Sila ay naniniwala sa at sumasamba sa maraming
diyos.
Anu- ang kinikilala nilang diyos sa kalangitnan.
Enlil- diyos ng ulap at hangin.
Ea- diyos ng tubig at baha.
2. Ziggurat- ay ang mga templong nagsisilbing sambahan ng mga Sumerian upang
paraangalan ang kanilang mga diyos.
Kilala ang Kodigo ni Hammurabi sa prinsipyong “mta sa mata, ngipin sa ngipin”
Lipunang Sumerian ay binubuo ng tatlong antas:
Pari at Hari- ang bumubuo sa pinakamataas na antas.
Mangangalkal at pangkaraniwang maagsasaka- ay bumubuo sa pangalawang
antas.
Alipin- pinakamababang antas
Cuneiform- ito ay ang isang pagsusulat na natuklasan ng mga Sumerian.
- Sa kanila nagmula ang prinsipyo Algebra
- Dibisyon ng bilog sa 360 degree.
- Pagbibilang ng sampuan
- Ang isang oras na binubuo ng 60 minuto at ang isang minuto ay 60 segundo.
Akkadian- ay kilalang grupo ng mga Semitik na pinamumunuan ni
Sargon II.
Sargon II- ay naghari ng limampu’t anim na taon sa Sumeria.
-Siya ang nagtatag na kauna-unahang imperyo sa kasaysayan ng
daigdig.
Hammurabi- isang lider na Amorite.
-Siya ay kilalang mahusay na mandirigma, matalino, at matapang.
Kodigo ng Batas- ito ang pinakamahalagang kontribusyon sa sibilasyon
kung saan nakapaloob ang mga batas na gumagabay sa lahat ng
aspekto ng buhay ng mga Babylonian.
Susa- dito natagpuan ang Kodigo ng Batas
Relihiyon- ito ang sentro ng buhay ng mga babylonian.
Marduk- ay kinikilala nilang pangunahin at pinakamapangyarihang
diyos.
Hittite- ay ang mga kilalang grupo ng taong unang gumamit ng bakal na
armas.
Premeditation – ito ay tumutukoy sa prinsipyong sinadya ba o binalak
muna ang krimeng nagawa.
Tiglath Pileser- ang teritoryong kontrol ng mga Assyrian.
Assurbanipal II- ang kilalang pinakamalupit, marahas ngunit
pinakamabisang pinuno ng mga Assyrian.
3. Ang sinaunang sibilasyon ay nagsimula sa mga lambak-ilog.
Nebuchadnezzar- ay isang maalam at masipag na pinuno ng Chaldean.
Chaldean- ay kilalang ng mga arkeologo ng babylon.
-nag aral sila ng pag-galaw ng mga bituin.
-12 konstelasyon na tinatawag na Zodiac Sign.
Iran- ang kasalukuyang pangalan ng persia ngayon.
Cyrus the Great- siya ang nagpasimula ng pananakop ng mga Persian
noong 550 B.C.E.
Cambyses- siya ang pumalit kang Cyrus, naa siyang nadagdag sa
imperyo ng Egypt.
Darius the Great [Hari ng mga Hari]- siya naman ang pumalit kang
Cambyses. Sa kanyang pamumuno, kinilala ang Persia bilang
pinakamakapangyarihang emperyo sa panahon nila.
Persian – kinilala bilang mahuhusay at bihasang administrador.
- binigyan nila ng KALAYAAN ang kanilang nasakupan na
ipagpatuloy ang pagsunod sa nakagawian nilang gawi, batas, at
religion.
Satrapies – tawag sa lalawigang hinati – hati ni Darius.
Satraps – gobernador na namumuno sa Satrapies.
Mayroon siyang mga inspektor upang masiguro ang trabaho nila na
tinatawag niyang –mata at tainga sa hari.
Pagmomoneda – ipinakilala nila sa daigdig.
Zoroastrianismo – relihyon ng mga Persian.
Zoroaster – Ipinakilala niya ang Zoroastrianismo. Ipinaliwanag niya ang
ukol sa kalangitan at impyerno.
Ahura Mazda – diyos ng katotohanan at kaliwanagan ng relihyon.
Ahriman – diyos ng kasamaan at kadiliman.
Xerxes – sumunod sa kay Darius. Hindi naging makapangyarihan ang
pamamahala pagkatapos sa kay Xerxes. Kung kaya’t sinakop ang Persia
ni Alexander the Great.
Dulo ng Fertile Crescent- Jordan, Israel, Lebanon at Syria. – dito nakita
ang dalawang grupo ng tao na tunay na naka – impluwensya sa
makabagong panahon.
4. Lungsod Tyre & Sidon – napasailalim sa mga Assyrian, Hittite,
Chaldean, Egyptian & Greek.
Phoenician – dakilang mangangalakal ng sinaunang panahon.
- mahusay sa paggawa ng gamit yari sa metal.
- unang grupo na gumawa ng babasaging bote at
pangkulay (or tyre)
- sumasamba sa maraming diyos.
Tyre – galing sa susong dagat na nagbibigay ng biyoletang kulay; may
amoy bawang.
Baal – galit ng diyos [phoenician]
Natuklasan ng mga Phoenician ang 22 katinig.
Aleph – unang letra ng mga Phoenician
Beth – ikalawang letra.
Alpha & Beta – salitang griyego na pumalit sa ‘’aleph at beth’’
Palestine – tahanan ng Hebrew.
- tulay sa pagitan ng Asia, Africa at Mediterranean Sea.
- daanan ng mga hukbo patungong Fertile Crescent.
Abraham – namuno sa mga Hebrew na tumira sa Lupain ng Goshen.
Lupain ng Goshen – sila’y lubos na inalipin hangga’t sa dumating si
Moses noong 1275 B.C.E.
Passover – nilampasan ng kamatayan ang tahanan ng mga Hebrew.
Kodigo ng Batas ng mga Jews- sa Hebrew nagmula. [10
commandments ]
Batas Mosaic – kahilingang mabuting pagtrato sa mga alipin at
mahihirap.
Nagmula ang Lupang Tipan
Monotheism – paniniwala sa iisang Diyos.
TRIVIA
Sa pagbagsak ng mga Lungsod – estado sa Fertile Crescent, ang kabuuan nito ay
napag – isa sa iisang imperyo.
Sa pagbagsak ng kapangyarihan ng mga Assyrian, muling itinaguyod ng mga
Chaldean ang Babylon. Pinaganda ni Nebuchadnezzar ang Babylon.
Palestine/ “Lupang Pangako”
5. 2400 B.C.E. - nagsimulang sumibol ang sibilisisasying Indus sa lambak ng Ilog
Indus.
Indus ay sakop ng Pakistan
Mohenjo – Daro & Harappa - naging pamayanan ng lambak.
Ilog Indus – dumadaloy sa timog – kanlurang bahagi ng Pakistan.
Gaya ng Tigris, Nile, at Euphrates, ang Ilog Indus ay umaapaw din at nagiging
sanhi ng baha.
^ nag- iwan ng pataba sa lupang sakahan
Gusaling ladrilyo – ang mga tao’y naninirahan sa mga nakapader na lungsod na
gawa nito.
Pagsasaka at pag – aalaga ng hayop - ikinabubuhay ng tao.
Selyong gawa sa putik – natagpuan at pinaniniwalaang ang mga tao noon ay
nakipagkalakalan sa ibang grupo ng tao.
Sibilisisasyong ito ay bumagsak noong 2500 o 2000 B.C.E.
Aryan – unang grupo ng taong nagmana ng sibilisisasyong Indus.
- nomad na mula sa hilagang – kanluran ng India sa kabila ng Khyber Pass.
Indus + Aryan = [kakaibang uri ng sibilisisasyon] Hinduismo.
Sindhu - Indus + Sanskrit, wika ng mga Aryan.
Vedas – apat na aklat panrelihyon ng mga Aryan.
Baka – espesyal sa mga Aryan, ito’y banal para sa kanila.
Sinakop ng mga Aryan ang subkontinente; Sila’y naninirahan sa hilaga
^^ Dumating ang mga Munda & Dravidian sa katimugan ng lupain.
Dasyu - taong dinatnan ng mga Aryan sa Indus.
- maitim & alipin
Sistemang Caste – nagsimula dahil sa kaibahan ng kulay.
- pirmihan ang posisyon/estado, di lang ng isang tao.Pati na rin
ang inapo nito.
Buddhismo – malakas ang paghimok sa mababang uri ng myembro ng caste.
Hilagang – Silangan India – sa maliliit na bahagi nito kumalat ang aral ng
Buddhismo.
512 B.C.E. – naranasan ng India ang sentralisadong pamamhala sa ilalim ng
kontrol ng mga Persian.
6. Sinakop ang India ni Alexander the Great at isinama sa kanyang imperyo noong
320 B.C.E.
Nang namatay si Alexander, napag – isa ang India bilang isang imperyo sa ilalim
ng Imperyong Mauryan.
Chandragupta Maurya – nagtatag ng Imperyong Maurya noong 322 B.C.E.
Asoka – namuno ng Imperyong Maurya noong 261 B.C.E.
- Siya ang pinakatatanging hari ng Imperyong Maurya at dakilang
tagapagpalaganap ng Buddhismo.
- siya ang nagsabi – “daang libo ang aking naipatapon, daang libo rin ang
aking naipapatay’’
- pinaunlad ang Buddhismo >> pagpapadala ng misyonero sa Timog –
silangang Asya.
Magadha (sentro ng imperyo ni Asoka noon) - itinatag ang dinastiyang Gupta.
Chandragupta II – ang nagtatag ng Dinastiyang Gupta.
Panahon ng Gupta – Ginintuang Panahon ng Hinduismo
Hun – tribu na sumira sa sibilisisasyong Gupta noong ika – 6 na siglo.
Kamasutra ng panahong Gupta - nagbigay ng tunay na porma ng sining ng
India.
Astronomiya umunlad sa panahong Gupta
Aryabhata – isang astronomer, ng ika – 5 siglo, -- nagbigay ng paniniwalang ang
mundo ay bilog at ito’y umiikot sa araw.
European – takot sa paglalakbay sa karagatan dahil sa paniniwalang ang mundo
ay patag at baka sila’y mahulog sa dulo.
TRIVIA
Lambak ng Ilog – Indus matatagpuan sa timog ng Himalayas.
Nang namatay si Asoka, ang estado ay pinamumunuan ng dinastiyang Gupta.
Ito’y tinaguriang Ginintuang Panahon ng Hinduismo.
-Ilog Huang Ho o Yellow River
China – naliligiran ng matataas na bundok at talampas.
Bundok ang naghihiwalay sa dalawang ilog na nakahilera sa kalagitnaan ng china.
– Yang Tze & Huang Ho
Ang China ay nahahati sa dalawang bahagi :
7. -
China Proper [o Pusod ng China/Gitnang Kaharian/Middle China] Binubuo ng
18 lalawigan.
- Teritoryong nakapaligid nito ( Tibet, Sinkiang, Mongolia, & Manchuria)
Ilog Huang Ho (2,900km) – nagdedeposito ng dilaw na animo pinulbos na lupa
sa lambak.
- mahabang Ilog at mababaw
- Pighati ng China
Loess – dilaw na animo pinulbos.
Ilog Yangtze (3,900km)– nagdedeposito ng masaganang burak.
- malalim; maaring daanan ng barko patungong Wuham
Ilog Si (1,200km) - katimugan ng China ; mahalagang daanang komersyal.
DINASTIYANG SHANG
Paninirahan noong mga panahong ito ang nagbigay – daan sa higit na maunlad
na lipunan.
1930 – Pagbubungkalna isinagawa, ang mga taong namuhay ay gamit sa yari sa
bronze.
Kalendaryong Lunar – Nalinang ito.
1,000 Chinese Characters – ang kailangan para maituring ang isang Chinese na
marunong bumasa at sumulat.
5,000 – 10,000 – Kailangan para maging iskolar.
Animism – relihiyong nalinang sa dinastiyang ito. Ito’y pagsamba sa kalikasan at
ninuno na napapalooban ng lubusang paggalang sa mga taong nakatatanda sa
pamilya at mga ninuno nito.
Pagsasaka – pangunahang gawain ng tao.
Millet at Bigas – Karaniwang tanim nila.
Elepante – Ginamit sa pakikidigma sa t’wing naghahayupan sila.
Paghahabi ng Sedang Tela na gawa sa sedang sinulid
Seramiks – manggagawang Shang ang nagpasimula.
^Maputi at pinong putik ng kaolin – yari ang seramiks.
1028 B.C.E. – Taong naging malupit at mapang – api.
DINASTIYANG CHOU
1028 B.C.E. – Nagsimula ang dinastiyang Chou at bumagsak noong 256 B.C.E.
8. Pinakamatagl na namuno sa China.
Wu Wang – nagtatag ng Chou. Sa kanyang pamumuno, pinalawak pa niya ang
teritoryo ng China.
Ayon sa utos ng kalangitan – ang pamumuno nila ay utos ng Diyos.
Civil Service Examination – sinimulan nilang binigay, sa mga taong may interes
magsilbi sa pamahalaan.
Sistemang Feudal – sa ilalim ng pamamahala ng gobernador.
Confucius, Mencius, Lao Tzu, etc. – philisophers na pinagtalunan nila ang
relasyong dapat sundin at maganap sa pagitan ng namumuno at pinamumunuan.
Confucius – Pag – uugnayang panlipunan ang hinihkayat
Legalista – higpit na pamamahala na may sistemang pagpaparusa at pagbibigay
ng pabuya.
DINASTIYANG CHIN
Sa ilalim ng dinastiyang ito, ang Tsina ay nadominahan ng mga ‘’mapag – usig ‘’
na legalista.
Shih Huang Ti – unang emperador ng emperyo
- Nakontrol ang teritoryong sinlaki ng Tsina sa ngayon
- Sinakop ang barbari sa >> katimugang bahagi ng emperyo
- Sinupli ang mga ‘’Han’’.
- Ipinagawa ang Great Wall of China.
Hsiung Nu - namumuno sa ‘’Han’’
Nang namatay si Shih Huang Ti pinalitan siya ng kanyang anak na ‘di
nakayanang pamahalaan ang imperyo. Inagaw ng mga Han ang kapangyarihan
mula sa kanila.
DINASTIYANG HAN
Liu Pang – ang nagtatag nito
‘’Taong Han’’ – ang laging bukambibig.
Confucianismo- tuluyang nagwagi ito
Confucius – ay sinamba ng tao na animo’y santong patron ng mga iskolar.
Pagsusulit – paraang ginagawa upang mapili ang opisyal ng Han sa paaralang
Confucian.
Klasikong Confucianismo – hinayaang bumasa at isaisip ng mga iskolar.
9. Limang Klasiks ni Confucius – mahalagang aklat at pampanitikang sulatin ni
Confucius.
- Koleksyon ng mga ginintuang sulatin ni Confucius.
Analects – matalinong kasulatan ni Confucius na isinulat ng kanyang mga mag –
aaral.
Pan Chao – pinakadakilang “babaeng” sumusulat ng mga pansining sulatin.
Ssu – ma Ch’ien – ang kauna – unahang dakilang historyan ng China na syang
nagtipon ng kumpletong kasaysayan ng China.
-Wu Ti – Marsyal na Emperador
- Pinaka dakilang emperador ng Han
Kalakalan sa ibang lupain – bunga sa kanyang matagumpay na pakikipaglaban sa
Kanlurang China.
Sa kanilang paglalakbay – natuklasan ng mga Tsino ang mga ruta patungo sa
pamilihan ng Syria at iba pang lupain sa silangang bahagi ng Mediterranean.
^ Great Silk Road / Bantog na Daang Sutla
Sutla – dala-dalahing telang sutla ng mangangalakal na Tsino at iba pang
mahalagang gamit sa araw – araw na buhay.
Ideyang Buddhismo – dala ng mangangalakal na tsino pagbalik.
Buddhismo – lumaganap sa Tsina sa panahon nga kaguluhan.
When the Han Dinasty gradually fell, Buddhism was getting widespread.
TRIVIAS
Pinaniwalaang nagsimula ang kasaysayang ng China noon pang panahong
Paleolitik, dahil sa pagkatuklas dito sa Taong Peking.
Huang Ho at Yangtze River – Nagsimula ang sibilisisasyon ng China.
Shang – unang namuno na dinastiya.
Chou – dinastiyang namuno nang pinakamahabang panahon.
Chin – itinatag ni Shih Huang Ti na nagabayan ng mga palaisipang legalista ng
estado.
Han – mataas ang naging reputasyon nito sa China. Nagtagumpay ang
Confucianismo sa panahong ito.