3. 1. WASTO AT MALINAW NA BIGKAS
NG SALITA
Wastong gamit ng mga sangkap sa pagbigkas o
tinatawag na artikulador at resonador
Ang mga SANGKAP na ito ay:
- Labi
- Ngipin
- Ngala-ngala
- Dila
- Babagtingang tinig o vocal cords atbp.
4. Ang tulin o bilis at bagal ng
pagsasalita ay may malaking
epekto sa malinaw na salita at sa
mabisang pagpapalutang ng diwa
sa talumpati.
5. Bigkasing malinaw at may pagkakaiba-iba
ang mga patinig (a, e, i, o at u)
Bigkasing malinaw ang bawat salita at
bigyang diin ang mga salitang
nagpapalutang na mabuti sa kaisipang nais
pangimbabawin.
Bigkasing malinaw hindi lamang ang mga
patinig kundi ang mga katinig din.
6. - Ang tagumpay ng isang mahusay na
mananalumpati ay nakasalalay sa uri at
lakas ng kanyang tinig at sa paraan ng
paggamit niya sa kanyang tinig.
- Ang tinig na maganda ay mataginting, buo
at dalisay, hindi matinis o magaralgal. Ito’y
bilog at malamig.
2. TINIG
8. PAGSASANAY NA MAGAWA ANG
MABUTING PANANALUMPATI SA
TULONG NG ANGKOP AT KASIYA-SIYANG
TINIG
1. Magkaroong ng kontrol sa paghinga. Iwasan
ang paninigas ng leeg na nagbubunga ng
paghigpit ng lalamunan upang hindi maging
impit ang tinig.
2. Pagalingin ang tinig sa dayapram. Ang boses
na nagmumula sa dayapram ay siyang dapat
na gamitin, hindi ang nagmula sa lalamunn.
9. DAPAT lamang na ibigay ang pagtataas at
pagbababa ng tinig at ng lakas at hina nito ayon sa
diwang nais ipahayag.
- Ang matining na sigaw ay nagpapahayag ng
nagpupuyos na loob, ng galit.
- Ang katamtamang lakas at karaniwang tono ng tinig
na puno ng buhay ay pangkaraniwang ginagamit sa
pagtatalumpati.
- Ang pahayag na nagsasaad ng mapusok o nag-
aalab na damdamin ay binibigkas nang mabilis sa
mataas na tono at malaks na tinig.
- Ang bahagi ng talumpating naglalahad ng
malungkot na damdamin ng pagkabigo ay
binibigkas nangg marahan at sa tinig na mahina at
mababa ang tono.
10. - Ang tindig ng isang nagtatalumpati ay
unang nakatatawag ng pansin ng mga
tagapakinig kahit bago pa man siya
bumigkas ng kanyang unang pangungusap.
3. TINDIG
11. TANDAAN:
1. Tumindig na may pagtitiwala sa sarili
ngunit ng maginhawa at maluwag.
2. Natural
3. Relaks
4. Iwasan ang tindig militar o tuwid na tuwid
na tila babarilin.
5. Maging kagalang-galang sa pagtayo.
Iwasan ang mga tindig mayabang –
nakapamaywang o kaya’y nakadukot
ang kamay sa bulsa.
12. SA ENTABLADO O ROSTRUM
PAG-AKYAT o PATUNGO:
- Lumakad nang masigla.
- Lakad na may tiwala sa sarili.
- Maging natural.
PAGDATING:
- Tumayong matuwid una nang bahagya ang kanang paa.
- Huwag magsimula agad sa pagsagsalita.
- Hagurin ng masayang tingin, tinging may init at sigla ang
tagapakinig.
- Ngumiti.
- Ituon ang buong diwa sa mensahing sasabihin at
magsimula
13. - Ang galaw o paglikos ng mananalumpati
ay nakatawag ng pansin ng mga nakikinig.
4. GALAW
14. DAPAT TANDAAN:
1. Ang galaw sa ibabaw ng tanghalan ng
nagtatalumpati ay dapat maging natural –
walang pakunwari.
2. Ang isang hakbang paunahan o patungo sa
kaliwa o sa kanan ay tumatawag ng pansin
at nagbibigay rin ng panahon sa
tagapakinig upang namnamin ang huling
sinabi ng nagsasalita bago humakbang
pasulong.
3. Iwasan ang labis na pagga;aw, gayon sin
ang galaw na artipisyal.
4. Tandaan ang bawat galaw ay may
kahulugan.
15. 5. Ang galaw ng ulo – bahagyang tango o iling, pagkiling
sa kanan o kaliwa, ang panlalaki at panliliit ng mata;
bahagyang subsob ng katawang sa unahan mula sa
baywang; bahagyang liyad; at mga pagkibit ng balikat ay
mga galaw ng katawang na makakatulong sa mabisang
pagpapalutang ng diwa ng isang talumpati.
6. Gamitin din ang mata sa pagkuha ng pansinat
“paghigop” ng buong atensyon.
7. Tumingin sa tagapakinig. Titigan at tingnan ang mata ng
bawat isa sa tagapakinig upang madama nilang sila ang
kausap.
8. Iwasan ang pagtingin sa kisame, sa labas ng bintana o
sa sahig.
9. Iwasang ang pagiging mailap ng mata upang hindi
mapagbintangang hindi matapat sa sinasabi.
16. 5. KUMPAS
- Ang bawat kumpas ng kamay ay may layuning
linawin, patingkarin o bigyang-diin ang isang
kaisipan o damdaming ipinahahayag.
17. ATING ISA-ISAHIN:
a. Palad na nakalahad sa harap, bahagyang nakabukas ang dalawang
bisig – nagpapahiwatig ng dakilang damdamin.
b. Palad na nakataob at ayos na patulak – nagpapahiwatig ng pagtanggi,
ng hindi pagsang-ayon.
k. Kumpas na parang may itinuturo (ginagamit ang hintuturo) - ginagamit
upang tawagin ang pansin.
e. Kumpas na pasubaybay – ginagamit ito kung nais bigyan ng diin ang
magkakaugnay na diwa.
g. Palad na nakataob, at ayos na padapa (parang nakapatong sa balikat
ng pinagpapagunitaan) – ginagamit kung pinalalamig ang kalooban ng
tagapakinig.
h. Palad na nakakuyom – nagpapahayag ng isang masidhing damdamin,
(pagkagalit, pagkalungkot, panlulumo, pagtitimpi)
18. TANDAAN na nag kumpas ng kamay ay
nakatutulong sa pagpapalutang ng kaisipan kung
ito’y:
1. Nasa tamang panahon, hindi una, hindi huli;
2. Maluwag, maginhawa at naturtal;
3. Angkop sa diwang inilalarawan; at
4. Tiyak, may buhay at hindi matamlay.