3. Noong Araw, magkaibigang matalik ang manok at ang
Uwak.madalas dumalaw ang uwak sa manok upang
makipaglaro dito at sa mga sisiw nito.
4. Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang
singsing ang ibon. “Uy! Pahiram naman ng singsing mo, ang ganda-
ganda!” sabi ng manok.
“Sige, iiwan ko nalang muna sayo. Bukas ko nalang kukunin” sagot
naman ng uwak.
5. Naglakad ang inahin at tuwang-tuwang ipinakita sa ibang hayop ang
singsing nya. Nang lumapit ang isang tandang. “Bakit suot mo yang di
sayo? Iyang uwak ay di manok na kagaya natin kaya wag kang
makipagkaibigan sa kanya. Itapon mo iyang sinsing” sabi ng isa pang
tandang.
6. Sa kapipilit ng tandang ay itinapon agad ng
manok ang singsing.
7. Kinabukasan napansin agad ng uwak na hindi nya suot ito. “Nasaan ang
singsing ko” tanong ng ibon.
“Ewan ko” takot na sagot ng manok. “Naglalakad lang ako ng biglang
nawala sa akin. Maluwag kasi”.
8. Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok. “Alam ko itinapon
mo, siguro dahil ayw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa
akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang sising, kukuha ako ng makikita
kong sisiw mo at ililpad ko sa malayo”
9. Simula noon, wala ng tigil ang paghawan ng mga manok sa
lupa upang matagpuan ang nawawalang singsing. Maging
ang mga kapwa tandang ay nakitulong nadin sa kawawang
manok upang maprotektahan ang mga sisiw.