2. “Mga Makabagong Bayani”
Dulot ng kakulangan ng mga hanapbuhay
sa Pilipinas, maraming Pilipino ang
naghahanapbuhay sa labas ng bansa. Nagtitiis
silang mawalay sa pamilya upang
makapaghanapbuhay at may maitustos sa
pamilya. Higit sa walong milyong Pilipino ang
naghahanapbuhay sa iba’t ibang bansa ngayon.
Sila ang tinataguriang Overseas Filipino Workers
(OFWs).
3. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, may 8.5 bilyong
dolyar ang ipinasok sa Pilipinas ng mga manggagawang
Pilipino na nasa iba’t ibang lugar sa mundo noong 2004.
Nakatutulong nang malaki sa kabuhayan ng Pilipinas ang
mga ipinadadalang dolyar gayundin sa kani-kanilang
pamilya. Bunga nito, ang OFWs ay binansagan na mga
bagong bayani ng bayan. Bilang pagkilala sa malaking
kontribusyon nila sa ating bansa, pinagkaloooban sila ng
ating pamahalaan ng karapatang bumoto kahit sila ay nasa
labas ng bansa. Ang Embahada ng Pilipinas sa bansang
kanilang pinaghahanapbuhayan ay nagsisilbing sentro ng
botohan.
4. .
Hindi rin pinagbabayad ng buwis paglalakbay
ang mga OFWs. Maaari silang bumili hanggang $2000
sa mga tindahang duty free. Nakahihiram pa sila ng
pera para sa pabahay sa ilalim ng PAG-IBIG Overseas
Program.
Bukod dito, ang sinumang manggagawang
Pilipino na bumalik sa Pilipinas at nagnanais na muling
magsilbi sa pamahalaan ay binibigyan ng pagkakataon.
Ito ay bilang pagkilala na rin sa kanilang
pagkamakabayan.
Level: Grade 6
Bilang ng mga salita: 201
5. Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang sinasabing dahilan ng
paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa ibang bansa?
A. Nais nilang makatulong sa kita ng Pilipinas.
B. Pangarap nilang makilalang bayani ng bayan.
C. Walang sapat na pagkakakitaan sa sariling bayan.
D. Hangad nilang maranasan ang maghanapbuhay sa ibang
bansa.
6. 2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?
A. Makaboboto ang OFW kahit nasa labas ng Pilipinas.
B. Nakatutulong sa kabuhayan ng Pilipinas ang mga OFW.
C. Libre sa pagbabayad ng buwis sa paglalakbay ang OFW.
D. Makahihiram ng pera ang OFW sa Pag-ibig Overseas Program
para mapa-aral ang kanilang anak.
7. 3. Ano ang kahulugan ng salitang maitustos sa
pangungusap sa kahon?
A. maitulong
B. mapaaral
C. mapaipon
D. pakinabang
Naghahanapbuhay sila sa ibang bansa upang may
maitustos sa pamilya.
8. 4. Ano ang kahulugan ng salitang binansagan sa
pangungusap sa kahon?
A. kinilala
B. hinalintulad
C. ipinagmalaki
D. ipinamalita
Ang OFWs ay binansagan na mga bagong bayani ng
bayan.
9. 5. Ano kaya ang katangiang nakatutulong sa OFW upang
makapaghanapbuhay sa ibang bansa? Nakatutulong sa
OFW ang __________________.
A. pagiging magalang at palakaibigan
B. kagalingan sa pag-aaral ng ibang wika
C. pagiging matiisin at mahusay sa pakikisama
D. pagiging mapagbigay at mahilig nila sa paglalakbay
10. 6. Alin sa sumusunod ang pangunahing kaisipan ng
seleksyong binasa?
A. Nakikinabang ang pamahalaan sa mga ginagawa ng OFW.
B. Malaki ang tinitiis ng mga OFW sa kanilang paghahanapbuhay.
C. Nararapat na kilalanin ang pagsisikap ng OFW at ang bunga nito
sa bansa.
D. Ang mga OFW ay nagtamo ng maraming benepisyo dahil sa
ginagawa nila para sa bansa.
11. 7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang
ipaabot ang mensahe nito?
A. Malinaw na isinaad ang suliranin sa seleksyon.
B. Maingat na pinaghambing ang kalagayan ng mga
OFW.
C. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng pag-alis ng
OFW sa bansa.
D. Isinalaysay ang pagkakasunod ng mga pangyayari sa
buhay ng OFW.
12. 8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang
pamagat para sa seleksyon?
A. OFW : Para sa Bayan
B. OFW : Para sa Pamilya
C. Kay Hirap Maging OFW
D. OFW: Ating Ipagmalaki