Isang pagsusuri sa tanyag na akda ni Liwayway Arceo, ang Canal dela Reina. Para ito sa mga nasa ikatlong taon ng sekundarya o mga nasa ika-siyam na grado. Hope it'll be of help :)
3. Buhay ng May-Akda
• Si Liwayway A. Arceo ay
ipinanganak sa Manila
noong ika 30 ng Enero
1924 mula sa kilalang
pamilya ng mga
manunulat.
• Si Liwayway Arceo ay
kilala rin bilang isa sa
pinakaunang nagsulat ng
soap opera para sa radyo.
Ang kanyang dramang
"Ilaw ng Tahanan" ay inere
sa DZRH, DZMP at DZPI
mula Marso 1949
4. • Ilan pa sa kanyang mga naisulat na script ay
ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-Ibig
at Kasaysayan ng mga Liham ni Tiya Dely.
Siya rin ang bumuo ng Lovingly Yours, Helen
na inere noong 1978. Bukod dito, sumulat din
siya ng ilang script sa telebisyon ang
Sangandaan at Damdamin na parehong
tinagkilik ng publiko.
• Binago ni Arceo ang topograpiya ng
panitikang Tagalog, at ng ngayon ay
tinatawag na panitikang popular, sa
paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng
kahalagahan [values], lunggati [vision], at
kaisipang Filipino.
5. • Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya
bilang talinghaga ng Filipinas; at sa
pamamagitan ng masinop ng paggamit ng
wika ay itinaas sa karapat-dapat na
pedestal ang mga kathang Tagalog, sa
kabila ng pamamayani ng Ingles bilang
opisyal na wika ng edukasyon at
gobyerno.
• Namatay siya noong 1999 sa edad na 75
6. Mga Karangalan
• Carlos Palanca Memorial Award para sa
isang maikling kuwento sa Filipino (1962)
• Gawad CCO for Literature Award(1993)
• Honoris Causa Doctorate in Humane
Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas
(1999)
• Catholic Authors Award (1990)
• Gawad Balagtas Life Achievement for
Fiction (1998)
• National Centennial Commission Award
para sa kanyang mga kontribusyon sa
larangan ng Panitikang Pilipino.
8. • Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito,
Ngayon (1998);
• Mga Bathalang Putik (1998)
• Titser (1995)
• Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)
• Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)
• Mga Maria, Mga Eva (1995)
• Ang Mag-anak na Cruz (1990)
• Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo
(1992)
• Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang
Katha (1968).
10. • Ang pinagbatayan ni Arceo sa pagsulat ng
nobelang "Canal dela Reina" ay ang
kahindik-hindik na sitwasyon ng ating
lipunan na dala ng mapaglaro at
mandarayang isip ng mga tao. Nakasentro
ang kanyang sensibilidad sa palala nang
palalang sitwasyon nito kung saan hindi
maitatanggi ang katotohanang ang mga
mayayaman na ay nagpapayaman pa
samantalang ang mga mahihirap ay
pinahihirapan pa.
• Pinagsanib rin niya ang Romantisismo at
Markismo, na sa kabila ng matinding
tunggalian ay may damdaming dadalisay
sa kalooban ng bawat tao.
11. • Isa pang natitiyak kong pinagmumulan ng
kanyang inspirasyon sa pagsulat nito ay
ang alaala ng kanyang kamusmusan -isang alalang larawan ng kalinisan at
kaayusan ng lipunan sa mga nauna nang
panahon, ang Canal dela Reina bilang
isang esterong mabughaw-bughaw,
walang amoy, malinis at malinaw noon
subalit sa kasalukuyan ay gaya na ng
natural na tubig-Maynila -- marumi,
mabaho at larawan ng kawalan ng
disiplina ng mga tao.
13. A. Paksa ng Aklat
• Ang Canal dela Reina ay pumapaksa sa
sosyo-ekonomikong larangan ng buhay
kung saan tinukoy nito ang pagkakaiba sa
kakayahan ng mga tao na nagbubunsod
sa estado ng buhay ng mga mamamayan
gayundin sa kabulukan ng sistema at
pagpapalakad ng
pamahalaan.Ginagalugad din nito ang
iba’t ibang paraan ng mga
karaniwang tao sa Maynila upang
mabuhay at makatawid mula sa
kahirapan.
14. B. Layunin ng Aklat
• Ihambing ang ating kasaysayan sa
nagdarahop na mamamayan na
nakatira sa gilid ng ilog ng Canal de
la Reina.
• Imulat ang mga mamamayan sa
tunay na kalagayan ng mga maralita
dulot ng kahirapan.
• Ipahatid sa mga mamamayan ang
posibilidad ng pagbabago sa kabila
ng pagkakasala
16. • Ang nobelang ito ay sadyang mapangudyok, malinaw na gumigising sa
damdamin ng sinumang makababasa nito.
Nagsasaad ito ng mga katotohanan: Ang
mundo ay umiikot sa salapi kung saan
ang siyang nakakariwasa ang may
kakayahang kumontrol sa mga
pangyayari.
• Gayundin, ang mga taong nagigipit ay
kumakapit sa patalim na malinaw na
naipahayag sa bahaging ang mga
mahihirap sa Canal dela Reina ay
nangungutang nang may interes kay
Nyora Tentay.
17. • Isang makaantig damdaming nobela ito na
sumasalamin sa kabulukan at kasamaan na
namamayani sa mundo, hindi maitatangging
isang kahindi-hindik na sitwasyon sa ating
lipunan ngayon.
• Sa kabila ng mga di kaaya-ayang pangyayari sa
nobela na naganap sa pagitan ng mga tauhan
gayundin sa natural na daloy ng kwento,
naipakita pa rin nito na lahat ng tao ay may
pagkakataong magbago. Masama man tayo
kung gugustuhin naman nating magbago ay
maaari sapagkat ang tao ang pumipili ng
kaniyang tadhana.
• Ang likhaing ito ay nakamit ni Arceo sa
pamamagitan ng realismo.
19. A. Nagustuhan mo ba ang
Aklat?
• Mula sa simula hanggang wakas ay
walang dudang nagustuhan ko ang aklat.
Ang mga pangyayaring naganap dito
maging ang pagdating ng unos ay naging
kapana-panabik sa kwento. Ang higit pang
nagustuhan ko rito ay ang kahusayan ng
mga salitang ginamit ni Arceo upang
maging puro at mahusay ang paghahatid
ng bawat detalye ng akda.
20. B. Karapat-dapat bang irekomenda
ang Aklat? Bakit?
• Oo sapagkat ang Canal dela Reina ay
mayaman sa mga aral na sumasalamin sa
mukha ng ating buhay. Mahusay ito at
kawili-kawili, may angking pang-akit na
hatid sa mga mambabasa dahil ang mga
tauhan ay pinapagalaw sa isang totoong
tagpuan at ang ilang pangyayari ay buhat
sa tunay na buhay.
21. C. May natutuhan ka ba
sa Aklat?
• May mga pagkakataong kakailanganin
nating gumawa ng desisyon ngunit sa
pagkakataong iyon ay dapat na
isinasaalang-alang natin ang ating mga
kapwa-tao.
• Binibistahan din ni Arceo na bagamat ang
mundo ay pinapaikot na salapi, dapat
tayong hindi magpatangay rito at matuto
dapat tayong rumespeto at huwag maging
mapagsamantala sa kalagayan ng mga
tao sa ating paligid.
22. D. Paano mo mapapaunlad ang
Aklat?
• Mapapaunlad ko ang aklat sa
pamamagitan ng panghihikayat sa aking
mga kakilala at kaibigan na tangkilikin ang
mga naturang nobela gayundin ang
talikdan ang mga aral at moral na nais
iparating ni Arceo sa mga mambabasa.
24. Ano ang Canal dela Reina?
• Ito ay isang nobelang masining sapagkat
nakasalalay sa pagkakabalangkas ng
banghay ang ikawiwili ng mga mambabasa.
Ito ay nasa ikatlong panauhan. Ang Canal
dela Reina ay isang nobelang likha ng sining
ni Liwayway Arceo na tumatalakay sa mga
isyung panlipunan na nagaganap pa rin
hanggang sa kasalukuyan kung saan ang
mga tauhan ay pinagagalaw sa isang tunay
na tagpuan, ang Canal dela Reina mismo.
25. Mga Tauhan
Pamilyang de los Angeles
• Salvador-ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad.
(lapad,stock)
• Caridad- isang napakamaunawaing ina sa kanyang pamilya.
(lapad,stock)
• Leni- panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad.
(lapad,stock)
• Junior- bunso ng pamilya de los Angeles. (lapad,stock)
Pamilyang Marcial
.
• Nyora Tentay- ina ni Victor. (bilog,stereo)
• Victor- ama ni Gerry at asawa ni Gracia. (bilog,stock)
• Gracia-asawang hiniwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan ng inang si
Nyora Tentay (lapad,stock)
• Gerry- anak ni Victor at Gracia (lapad, stock)
26. Banghay
• Panimula
• Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora
Tentay ang tanging nakaririwasa sa buhay
kung kaya’t siya ang nilalapitan ng lahat
ng naninirahan doon upang mautangan
dahil sa kakapusan ng pera.
• Ngunit dahil na rin sa pagiging gahaman
ay ginagamit niya ang kagipitan ng mga
mararalita sa pook upang pagkakitaan ng
higit pa sa inaasahan ang mga ito sa
pamamagitan ng pagpapatong nya ng
dalwampung porsyentong interes sa mga
utang nito kada buwan.
27. • Papataas na aksyon
• Sa pagbabalik ni Caridad Reynante De los
Angeles sa kinalakhang lugar ay
tumambad sa kanya ang di inaasahang
tanawin: isang Canal dela Reina na
mabaho at puno ng iskwater.
• Ang mas hindi nya pa inaasahan, ang
pag-aaring lupa ng kanyang pamilya na
ipinagkatiwala nila noon kay Osyong ay
kinatitirikan na ng tanging maayos na
bahay roon -- ang bahay na pagmamayari ni Nyora Tentay, isang usurera at
matapobreng matanda.
28. • Kasukdulan
• Naging matindi ang paglalabanang naganap sa
pagitan ng pamilya Marcial sa pangunguna ni
Nyora Tentay at pamilya De los Angeles sa
pangunguna naman ni Caridad hinggil sa
pagmamay-ari ng lupa at umabot pa ito sa
husgado.
• Sa pagdating ng isang malakas na bagyo,
nagkaroon naman ng di inaasahang
malawakang pagbabaha sa gitnang Luzon na
siyang sumira sa Canal dela Reina at lumimas
sa ari-arian ng mga tao rito kabilang na si Nyora
Tentay na naging dahilan ng pagkabaliw nito.
29. • Pababang Aksyon
• Unti-unti dumalisay ang kalooban ng
bawat tauhan sa kwento. Ang bayong ng
alahas ni Nyora Tentay na kinuha ni Ingga
sa matanda noong kasagsagan ng
pagbaha ay ibinalik nila sa matanda.
• Si Victor naman ay nahinuhang nais nang
maging isang responsableng ama kay
Gery, malayo sa impluwensya ng ina.
• Samantala, matapos ang gamutan ay
bumalik naman sa katinuan si Nyora
Tentay.
30. •Wakas
• Sa huli ay napatunayan na si Caridad ang
tunay na nagmamay-ari ng lupa.
Gayunpaman, naging maagap naman ang
pagkakasundo ng magkatunggaling
pamilya mula nang ikasal sina Leni, anak
nina Caridad at Salvador at Gery, anak ni
Gracia at Victor, apo ni Nyora Tentay.
• Ang lupang nabawi ng pamilya De los
Angeles ay pinatayuan naman nila ng
klinika para sa mga taong kapus-palad.
31. Tagpuan
• Umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan
ng Canal de la Reina - isang tunay
na pook sa Tundo, Maynila kung saan
isinilang ang manunulat na si Liwayway A.
Arceo. Ito’y kaayon ng daang Juan Luna,
karugtong ng maikling lansangang
Fajardo. Sa nobela ay inilalarawan ito
bilang isang maburak, mabaho, at
pinamumugaran ng mga iskwater.
32. Simbolismo
• Mayaman sa simbolismo ang akda, ginamit
nito ang tubig at pagbaha bilang tagadalisay
ng kaluluwa at ng natutuyong pamayanan.
• Ang lupa bilang perpektong halimbawa ng
bayang nasakop ng mga banyagang
manunupil at ng mga mapanghangad gaya ni
Nyora Tentay.
• At higit sa lahat, ang Canal dela Reina bilang
simbolo ng bagong simula at pag-asa para sa
mga tauhan lalo't higit sa mga nagnanais ng
pagbabago.
33. Pananalita
• Pinagsanib ng naturang nobela ang
pwersa ng mga salitang kolokyal at balbal.
Ang kolokyal na makikita sa pananalita ng
pamilya delos Angeles na magkahalong
ingles at tagalog samantalang balbal
naman sa salitang namumutawi kay Nyora
Tentay.
34. Damdamin
• Ang damdamin ng akda ay maituturing na
mapanghimagsik, isang damdaming di
maikakailang kaugnay pa rin ng ating bansa.
• Nagpapahayag rin ito ng damdaming mapangudyok sa mga mambabasa -- ang talikdan ang
mga aral na inilahad ni Arceo sa akda.
• Gayundin ang namamayaning damdamin ng
pag-ibig na sa kahuli-huliha'y naging solusyon
sa suliranin sa pagitan ng dalawang
nagbabanggaang pamilya.