SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  2
Kay Estella Zeehandelaar
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang JavaneseJapara,
Mayo 25, 1899
Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng
aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig,
pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako
nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong
Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili
sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi
maaaring suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan,ngunit lubhang malayo pa ang panahong
iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano
mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at
kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang
lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga
lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay
may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa
mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong
wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng
buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak
sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking
pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-
unawa. Gumigising ito para hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso
ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising
ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang
nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang
sa lumakas at sumigla.
Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.Panganay ako sa tatlong
babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario
Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaun-
aunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong
Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay
umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking
nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger
School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang
kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang
dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa
kahigpitan ng aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man
lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging
lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga
European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako.
Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita
marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko,
ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga
kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal
sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na
mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa
labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng
mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag-
iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging
kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang
kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa
paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na
nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-
inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang
sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng
Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon
sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para
sa okasyong iyon. Anong dakila ng tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa
labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang
nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin.
Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista,o
malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng
mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sino man, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa,dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa
ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi
magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae
ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang.

Contenu connexe

Tendances

Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuRcCarlNatad1
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoJenita Guinoo
 
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaKaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaPRINTDESK by Dan
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Jenita Guinoo
 
Mahahalagang konsepto ng ekonomiks
Mahahalagang konsepto ng ekonomiksMahahalagang konsepto ng ekonomiks
Mahahalagang konsepto ng ekonomiksmontejeros
 
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksAralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksjcreyes3278
 
Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang EkonomiyaMga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang EkonomiyaMark Velez
 
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksKahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksLarah Mae Palapal
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaJuan Miguel Palero
 
Ang pambansang ekonomiya
Ang pambansang ekonomiyaAng pambansang ekonomiya
Ang pambansang ekonomiyaJENELOUH SIOCO
 

Tendances (20)

Ang buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklayAng buwang hugis suklay
Ang buwang hugis suklay
 
Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar  Kay Estella Zeerhandelar
Kay Estella Zeerhandelar
 
Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
 
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipinoAng kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
Ang kababaihan ng taiwan, grade 9 filipino
 
Niyebeng itim
Niyebeng itimNiyebeng itim
Niyebeng itim
 
EsP 9 Katarungang Panlipunan
EsP 9 Katarungang PanlipunanEsP 9 Katarungang Panlipunan
EsP 9 Katarungang Panlipunan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa koreaKaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
Kaligirang pangkasaysayan ng pabula sa korea
 
Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9Aralin 1, ang ama, grade 9
Aralin 1, ang ama, grade 9
 
Mahahalagang konsepto ng ekonomiks
Mahahalagang konsepto ng ekonomiksMahahalagang konsepto ng ekonomiks
Mahahalagang konsepto ng ekonomiks
 
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksAralin 1   kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Aralin 1 kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Rama at sita
Rama at sitaRama at sita
Rama at sita
 
Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang EkonomiyaMga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
Mga Modelo Ng Pambansang Ekonomiya
 
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiksKahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
Kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks
 
Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng ElehiyaFilipino 9 Elemento ng Elehiya
Filipino 9 Elemento ng Elehiya
 
Ang pambansang ekonomiya
Ang pambansang ekonomiyaAng pambansang ekonomiya
Ang pambansang ekonomiya
 
EsP 9-Modyul 7
EsP 9-Modyul 7EsP 9-Modyul 7
EsP 9-Modyul 7
 

En vedette

Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAllira Orcajada
 
Ang Ama
Ang AmaAng Ama
Ang AmaSCPS
 
PANAMBITAN ( Charlene Felix
PANAMBITAN ( Charlene FelixPANAMBITAN ( Charlene Felix
PANAMBITAN ( Charlene Felixthalene
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikanguestaa5c2e6
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekdionesioable
 
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanFilipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanEemlliuq Agalalan
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
Tahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolTahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolLanie Lyn Alog
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 

En vedette (15)

Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorah
 
Ang Ama
Ang AmaAng Ama
Ang Ama
 
PANAMBITAN ( Charlene Felix
PANAMBITAN ( Charlene FelixPANAMBITAN ( Charlene Felix
PANAMBITAN ( Charlene Felix
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanFilipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
 
impeng negro
impeng negroimpeng negro
impeng negro
 
Sa bagong paraiso
Sa bagong paraisoSa bagong paraiso
Sa bagong paraiso
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
FILIPINO Grade 10 Learning Module Unit 3
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Tahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarolTahanan ng isang sugarol
Tahanan ng isang sugarol
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 

Similaire à Kay estella zeehandelaar

Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarJoemel Rabago
 
Kay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella ZeehandelaarKay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella Zeehandelaaryaminohime
 
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxKay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxjaneclairemillan
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayArlyn Duque
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxJohnQuidulit2
 
Mahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamMahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamJeremiah Castro
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2aguilarliezelann
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationMarti Tan
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangalgluisito1997
 
Nelson mandela
Nelson mandelaNelson mandela
Nelson mandelaPusa Cath
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalLUZ PINGOL
 
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfTAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfJosephEnoviso
 

Similaire à Kay estella zeehandelaar (20)

Kay Estella Zeehandelaar
Kay Estella ZeehandelaarKay Estella Zeehandelaar
Kay Estella Zeehandelaar
 
Filipino ix
Filipino ixFilipino ix
Filipino ix
 
Kay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella ZeehandelaarKay Estrella Zeehandelaar
Kay Estrella Zeehandelaar
 
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptxKay-Estella-Zeehandelar.pptx
Kay-Estella-Zeehandelar.pptx
 
project in AP
project in APproject in AP
project in AP
 
Worksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 SanaysayWorksheet 2 Sanaysay
Worksheet 2 Sanaysay
 
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptxPANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
PANANAW-NG-MAY-AKDA-TUNGKOL-SA-PAKSA-BATAY-SA.pptx
 
Mahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa lihamMahahalagang bahagi sa liham
Mahahalagang bahagi sa liham
 
Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2Kalayaan sa rehas na bakal 2
Kalayaan sa rehas na bakal 2
 
Suring Pampanitikan
Suring PampanitikanSuring Pampanitikan
Suring Pampanitikan
 
Andres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentationAndres bonifacio presentation
Andres bonifacio presentation
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Nelson mandela
Nelson mandelaNelson mandela
Nelson mandela
 
Dr. Jose Rizal
Dr. Jose RizalDr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal
 
Felix the great
Felix the greatFelix the great
Felix the great
 
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdfTAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
TAHAN+NA,+TAHANAN+(FIL).pdf
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
Alamat ni tungkung
Alamat ni tungkungAlamat ni tungkung
Alamat ni tungkung
 

Plus de PRINTDESK by Dan

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKPRINTDESK by Dan
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEPRINTDESK by Dan
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)PRINTDESK by Dan
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the worldPRINTDESK by Dan
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessPRINTDESK by Dan
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerPRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4PRINTDESK by Dan
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3PRINTDESK by Dan
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialPRINTDESK by Dan
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 PRINTDESK by Dan
 

Plus de PRINTDESK by Dan (20)

MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAKMGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
MGA GAWAING PANGKALUSUGAN TUNGO SA MABIKAS NA PAGGAYAK
 
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDEGENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
GENERAL BIOLOGY TEACHING GUIDE
 
DepEd Mission and Vision
DepEd Mission and VisionDepEd Mission and Vision
DepEd Mission and Vision
 
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDEEARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
EARTH SCIENCE TEACHING GUIDE
 
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDEGENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
GENERAL PHYSICS 1 TEACHING GUIDE
 
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
STATISTICS AND PROBABILITY (TEACHING GUIDE)
 
21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world21st century literature from the philippines and the world
21st century literature from the philippines and the world
 
The Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The GoddessThe Rice Myth - Sappia The Goddess
The Rice Myth - Sappia The Goddess
 
Kultura ng taiwan
Kultura ng taiwanKultura ng taiwan
Kultura ng taiwan
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcerA control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
A control room of a local radio broadcast studio commonly known as the announcer
 
Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9Gawains in Aral Pan 9
Gawains in Aral Pan 9
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 4
 
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
Mathematics 10 Learner’s Material Unit 3
 
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s MaterialUnit 3 - Science 10 Learner’s Material
Unit 3 - Science 10 Learner’s Material
 
Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4 Science 10 Learner’s Material Unit 4
Science 10 Learner’s Material Unit 4
 
Branches of biology
Branches of biologyBranches of biology
Branches of biology
 
Basketball
BasketballBasketball
Basketball
 
Babasit
BabasitBabasit
Babasit
 
Aralpan
AralpanAralpan
Aralpan
 

Dernier

Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 

Dernier (20)

Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 

Kay estella zeehandelaar

  • 1. Kay Estella Zeehandelaar Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang JavaneseJapara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng malaya, nakapagmamalaki’t makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang-araw maaaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan,ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong puso’t kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan? Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon namin. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang- unawa. Gumigising ito para hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso ko’y sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayo’y kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Ako’y may anim na kapatid na lalaki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaun- aunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niya’y may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan ko’t nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalaki’y tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babae’y bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal ng aming kaugalian na lumabas man
  • 2. lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar na pagtuturong maipagmamalaki ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang “ikahon” ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa aki’y pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nag- iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay ko’t kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan ko’t tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalo’t matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba nama’y pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di- inanyayahang panauhin. Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), “opisyal” na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila ng tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulad namin ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang “mundo” naging usap-usapan ang “krimeng” iyon na dito’y wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista,o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sino man, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa,dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwaga’y para sa kanya lang.