SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  21
Bb. DONNA G. DELGADO
Southwestern University –Cebu City
Kahulugan At Kahalagahan
 Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng
mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga
kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa,
nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung
gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang
pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa
at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.
 Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa
mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. May
kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin ay
maaaring isulat at ang anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ng
mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto
sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
 Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng
mga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayan
sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking
kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig,
pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil
nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at
makapagpahayag ng damdamin at maayos na
makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang
mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng
pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring
sulatin upang maibahagi sa iba.
Mga Layunin at Mga Uri ng Pagbasa
1. Skimming o pinaraanang pagbasa
- Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao.
Ginagamit ito sa:
a. Pagpili ng aklat o magasin.
b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago nito basahin
nang tuluyan;
c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at
d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
Ang skimming ay nanagahulugan din ng pagtingin sa
isang teksto o kabanata nang mabilisan para magkaroon ng
pangkalahatang ideya sa nilalaman ng material at kasanayan sa
pagkilala ng mga salita upang maunawaan ang isang teksto.
Naisasagawa sa paraang mabilisan ang pagsusuri sa teksto.
2. Scanning
Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon
sa isang pahina. Sa uring ito ng pagbabasa, hindi na hinahangad
na makuha ang kaisipan ng sumusulat dahil mahalaga Makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na paraan.
Halimbawa:
a. Kung may hinahanap kang particular na pngalan sa
isang direktoryo, tinitingnan mo nang mabilisan ang pahina na
kailangan mo para makita agad ang paryikular na pangalan at
numero ng telepono.
b. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isang
diksyunaryo.
Mahalagang Kasanayan Sa Pagbasa
1. Pagkuha Ng Pangunahing Ideya
a. Paksang Pangungusap
- sentro o pangunahing/pokus sa
pagpapalawak ng ideya. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa
isang teksto.
b. Ideyang Pansuporta
- mga mahalagang kaisipan o mga susing salita
na may kaugnayan sa paksang pangungusap
2. Pagkilala ng mahalagang impormasyon o detalye
a. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa king ano ang
nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa.
b. Makikita ito sa mga salitang ginagamit sa teksto sa
paraan ng pag-oorganisa.
3. Pagsusuri Ng Pagkakabuo O Organisasyon Ng Binasa
4. Pagtukoy Sa Sanhi At Bunga Ng Mga Pangyayari
5. Pagbubuod O Paglalagom Ng Mga Akdang Binasa.
Mga Estratehiya sa Epektibong at Interaktibong Pagbasa sa
Filipino
Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigay
ng pangunahing diin sa paggamit ng dating kaalaman (iskema) at
konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing pagbasa ay kakikitaan
ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga estratehiya
na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa.
1. Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa
Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis
Robinson (1970) na
nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite atReview. Ang
estratehiyang ito ay napatunayan nang epektibo upang malinang ang
kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng estudyante. Ito’y angkop gamitin sa
mga tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham panlipunan at
agham.
2. Survey (Pagsusuri)
- Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng
estudyane sa mga malalawak na balangkas, pamagat ng kabanata,
simula, paksa, at buod.
Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang
binabasa bago makapili ng estratehiyang gagamitin.
Mga Hakbang
a. Pagtingin muna sa pamagat
b. Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng
may-akda sa aklat
c. Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
d. Pahapyaw na pagbasa.
3. Question (Pagtatanong)
- Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha
at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa. Ito ay nagiging batayan sa
pagbabalik-aral at bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin
ng mga estudyante ang mga sagot habang sila’y nagbabasa
Mga Hakbang
a. Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago
bumasa, habang bumabasa o pagkatapos bumasa.
4. Read (Pagbasa)
- Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak
na layunin sa pagbasa at malinaw na bigyan ng kahulugan ang
suliraning lulutasin. Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa na
binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye.
Mga Hakbang
a. Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng
teksto.
b. Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing
kaisipan
c. Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba
pa. Pagbalangkas sa binasa.
5. Recite (Pagsagot)
- Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga
tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat. Kapag hindi makasagot
ay saka na titingin sa teksto o aklat. Ang sariling sagot sa mga
tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
- Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin
pagkatapos ng pagbasa.
- Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas
epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga bagong
kaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan.
Mga Hakbang
a. Pagbuo ng sariling sagot.
b. Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong
kaalaman.
6. Review (Pagbabalik – aral)
- Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa
pag-uugnay ng nilalaman at sa paglalahad. Ang pag-aaral ay hindi
kumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang
matandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa
sa pamamagitan ng pagbabalik-aral.
Mga Hakbang
a. Sariling pagsulat
b. Pagsagot sa mga tanong
c. Pagtatalakay
d. Paglalagom
e. Paulit na pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa
kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).
 Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at
kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong
kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang
pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng
pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong
ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.
 Bumubuo siya ng makahulugang salita mula samga titik, at
ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.
 Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at
emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita
ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o
personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa
sarili at karanasan.
 Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa
pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay
pinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao upang
makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok
sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng
pagsulat:
a. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para
mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan
ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan
sila ng isang mabigat na dalahin.
b. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan
o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao
ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang
tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan
sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay
sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang
saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay,
sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-
araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng
mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
d. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating
kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
Ang Pagsulat Bilang Kasanayan at Proseso
Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng
pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay,
pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong
sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at
pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin.
Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang
blankong papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang,
nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga
kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing
mahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating isusulat.
Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at
Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na
hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D)
Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
A. Bago Sumulat (Prewriting)
Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang
unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang
isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o
nang pangkatan.
B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)
Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi
isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali.
Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay
malayang ipinahahayag ng estudyante.
Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na
maaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain.
Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante
ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang
paglalahad.
Pagrebisa
Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga
payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga
nagsuri.
Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya.
Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak
ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling
maunawaan ng babasa.
Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian,
binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan.
Pag-eedit
Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng
pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.
Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at
pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-
magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita
ang kaugnay na mga ideya.

Contenu connexe

Tendances (20)

Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong FilipinoPagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Pagbasa - Komunikasyon sa Akademikong Filipino
 
Pagsasalita
PagsasalitaPagsasalita
Pagsasalita
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Kahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wikaKahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wika
 
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulatProseso at-yugto-ng-pagsulat
Proseso at-yugto-ng-pagsulat
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Diskurso
DiskursoDiskurso
Diskurso
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat
 
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng PagbasaPagbasa at Uri ng Pagbasa
Pagbasa at Uri ng Pagbasa
 
Wika
WikaWika
Wika
 
Panahon ng Hapon
Panahon ng HaponPanahon ng Hapon
Panahon ng Hapon
 
Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3Pagsasaling Wika - Filipino 3
Pagsasaling Wika - Filipino 3
 
Mga hakbang sa Pagbasa
Mga  hakbang sa Pagbasa Mga  hakbang sa Pagbasa
Mga hakbang sa Pagbasa
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
 
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipinoIbigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tagalog, pilipino at filipino
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 

En vedette (6)

Pagbasa at Pagsulat
Pagbasa at PagsulatPagbasa at Pagsulat
Pagbasa at Pagsulat
 
Makrong Kasanayan: Pagbabasa
Makrong Kasanayan: PagbabasaMakrong Kasanayan: Pagbabasa
Makrong Kasanayan: Pagbabasa
 
Filipino Major - mga dulog sa pagsulat
Filipino Major - mga dulog sa pagsulatFilipino Major - mga dulog sa pagsulat
Filipino Major - mga dulog sa pagsulat
 
APAT NA MAKRONG KASANAYAN SA WIKA
APAT NA MAKRONG KASANAYAN SA WIKAAPAT NA MAKRONG KASANAYAN SA WIKA
APAT NA MAKRONG KASANAYAN SA WIKA
 
Bionote
BionoteBionote
Bionote
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIGMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG
 

Similaire à MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA

Pagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynPagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynBrianDaiz
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointleyzelmae
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatMerland Mabait
 
Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01
Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01
Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01Emmanuel Alimpolos
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemeZethLohasap
 
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoApolinario Encenars
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
 

Similaire à MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA (20)

Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
pagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptxpagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptx
 
Filipino report
Filipino reportFilipino report
Filipino report
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlynPagbasa at pagsulat by dashlyn
Pagbasa at pagsulat by dashlyn
 
Kahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasaKahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasa
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpoint
 
FPL ppt Q4 W1.pptx
FPL ppt Q4 W1.pptxFPL ppt Q4 W1.pptx
FPL ppt Q4 W1.pptx
 
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa PagsulatBatayang Kaalaman sa Pagsulat
Batayang Kaalaman sa Pagsulat
 
Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01
Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01
Batayangkaalamansapagsulat 140811070400-phpapp01
 
Document (1)
Document (1)Document (1)
Document (1)
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
 
WEEK 1.PILING LARANG
WEEK 1.PILING LARANGWEEK 1.PILING LARANG
WEEK 1.PILING LARANG
 
Uri ng pagbasa
Uri ng pagbasaUri ng pagbasa
Uri ng pagbasa
 
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 
HO_Aralin1.docx
HO_Aralin1.docxHO_Aralin1.docx
HO_Aralin1.docx
 
Q1-M1.pptx
Q1-M1.pptxQ1-M1.pptx
Q1-M1.pptx
 
Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
 

Plus de DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT

Plus de DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT (20)

LEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdfLEKSIKOGRAPIYA.pdf
LEKSIKOGRAPIYA.pdf
 
SEMANTIKA.pdf
SEMANTIKA.pdfSEMANTIKA.pdf
SEMANTIKA.pdf
 
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdfANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
ANG SIMUNO AT PANAGURI.pdf
 
BAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdfBAHAGI NG PANALITA.pdf
BAHAGI NG PANALITA.pdf
 
KAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdfKAYARIAN NG SALITA.pdf
KAYARIAN NG SALITA.pdf
 
ANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO.pdf
ANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO.pdfANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO.pdf
ANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO.pdf
 
MGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdf
MGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdfMGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdf
MGA ANYO AT URI NG MOPEMA.pdf
 
MGA ALOMORP NG MORPEMA.pdf
MGA ALOMORP NG MORPEMA.pdfMGA ALOMORP NG MORPEMA.pdf
MGA ALOMORP NG MORPEMA.pdf
 
DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA.pdf
DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA.pdfDISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA.pdf
DISTRIBUSYON NG MGA MORPEMA.pdf
 
MORPOLOHIYA.pdf
MORPOLOHIYA.pdfMORPOLOHIYA.pdf
MORPOLOHIYA.pdf
 
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLESMGA SALITANG HIRAM SA INGLES
MGA SALITANG HIRAM SA INGLES
 
PALAGITLINGAN
PALAGITLINGAN PALAGITLINGAN
PALAGITLINGAN
 
PALAPANTIGAN
PALAPANTIGAN PALAPANTIGAN
PALAPANTIGAN
 
ANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIK
ANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIKANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIK
ANG PALABAYBAYANG FILIPINO: PAPANTIG AT PATITIK
 
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYANANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
ANG ALPABETONG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
 
Balangkas ng mga aralin para sa midterm
Balangkas ng mga aralin para sa midtermBalangkas ng mga aralin para sa midterm
Balangkas ng mga aralin para sa midterm
 
PATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
PATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYONPATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
PATNUBAY SA PAKIKIPAGKOMUNIKASYON
 
MGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYON
MGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYONMGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYON
MGA DAHILAN BAKIT MAHALAGA ANG KOMUNIKASYON
 
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYON
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYONMGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYON
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAKIKIPAGKOMUNIKSYON
 
MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYONMGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
 

Dernier

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdfNonieAnnGalang
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 

Dernier (20)

paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
408685973-Ang-Pantayong-Pananaw-PART-1-Powerpoint.pdf
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 

MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA

  • 1. Bb. DONNA G. DELGADO Southwestern University –Cebu City
  • 2. Kahulugan At Kahalagahan  Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan at pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pagbasa, nahahasa ang iba’t ibang kasanayan ng isang indibidwal. Ang pagbasa kung gayon ay napakahalaga sa isang indibidwal sapagkat ito ang tutugon sa kanyang pagkatuto tungo sa mas malawak na kaalaman sa kanyang kapaligiran, sa bansa at marami pang iba na nahuhubog ng kanyang pagkatao.  Ang pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat. May kaugnayan ito sa pagsulat, sapagkat anumang binabasa natin ay maaaring isulat at ang anumang naisusulat ng kamay ay nababasa ng mata na kakambal ng pagpapakahulugan gayundin sa pagkatuto sapagkat ang kakayahan sa pagbasa ay daan tungo sa kaalaman.
  • 3.  Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa, pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.
  • 4. Mga Layunin at Mga Uri ng Pagbasa 1. Skimming o pinaraanang pagbasa - Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng isang tao. Ginagamit ito sa: a. Pagpili ng aklat o magasin. b. Pagtingin ng mga kabanata ng aklat bago nito basahin nang tuluyan; c. Paghahanap ng tamang artikulo sa pananaliksik; at d. Pagkuha sa pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
  • 5. Ang skimming ay nanagahulugan din ng pagtingin sa isang teksto o kabanata nang mabilisan para magkaroon ng pangkalahatang ideya sa nilalaman ng material at kasanayan sa pagkilala ng mga salita upang maunawaan ang isang teksto. Naisasagawa sa paraang mabilisan ang pagsusuri sa teksto.
  • 6. 2. Scanning Tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa isang pahina. Sa uring ito ng pagbabasa, hindi na hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumusulat dahil mahalaga Makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan. Halimbawa: a. Kung may hinahanap kang particular na pngalan sa isang direktoryo, tinitingnan mo nang mabilisan ang pahina na kailangan mo para makita agad ang paryikular na pangalan at numero ng telepono. b. Paghahanap ng kahulugan ng isang salita sa isang diksyunaryo.
  • 7. Mahalagang Kasanayan Sa Pagbasa 1. Pagkuha Ng Pangunahing Ideya a. Paksang Pangungusap - sentro o pangunahing/pokus sa pagpapalawak ng ideya. Ito ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa isang teksto. b. Ideyang Pansuporta - mga mahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa paksang pangungusap 2. Pagkilala ng mahalagang impormasyon o detalye a. Tumutukoy ang layunin ng teksto sa king ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. b. Makikita ito sa mga salitang ginagamit sa teksto sa paraan ng pag-oorganisa.
  • 8. 3. Pagsusuri Ng Pagkakabuo O Organisasyon Ng Binasa 4. Pagtukoy Sa Sanhi At Bunga Ng Mga Pangyayari 5. Pagbubuod O Paglalagom Ng Mga Akdang Binasa.
  • 9. Mga Estratehiya sa Epektibong at Interaktibong Pagbasa sa Filipino Batay sa interaktibong pananaw ng pagbasa, ito ay nagbibigay ng pangunahing diin sa paggamit ng dating kaalaman (iskema) at konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing pagbasa ay kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mambabasa. Narito ang mga estratehiya na nagpapakita ng interaktibong pananaw sa pagbasa. 1. Ang SQ3R na Estratehiya sa Pagbasa Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis Robinson (1970) na nangangahulugang Survey, Question, Read, Recite atReview. Ang estratehiyang ito ay napatunayan nang epektibo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral ng estudyante. Ito’y angkop gamitin sa mga tekstong ttuluyan o prosa sa panitikan, agham panlipunan at agham.
  • 10. 2. Survey (Pagsusuri) - Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod. Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili ng estratehiyang gagamitin. Mga Hakbang a. Pagtingin muna sa pamagat b. Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng may-akda sa aklat c. Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata d. Pahapyaw na pagbasa.
  • 11. 3. Question (Pagtatanong) - Ang mga tanong ay nagiging batayan sa pagkuha at paglilinaw ng dahilan ng pagbasa. Ito ay nagiging batayan sa pagbabalik-aral at bago bumasa ay makakahikayat upang hanapin ng mga estudyante ang mga sagot habang sila’y nagbabasa Mga Hakbang a. Pagsulat sa mga tanong na nalinang bago bumasa, habang bumabasa o pagkatapos bumasa.
  • 12. 4. Read (Pagbasa) - Ito’y masusing pagbabasa upang magkaroon ng tiyak na layunin sa pagbasa at malinaw na bigyan ng kahulugan ang suliraning lulutasin. Ito’y maingat ngunit mabagal na pagbasa na binibigyang-diin ang mga alalahaning detalye. Mga Hakbang a. Pagtuon ng pansin sa mga pangunahing ideya o kaisipan ng teksto. b. Pagsama sa mga pansuportang detalye sa pangunahing kaisipan c. Pagbigay pansin sa mga uri ng ilustrasyon, mapa, tsart, at iba pa. Pagbalangkas sa binasa.
  • 13. 5. Recite (Pagsagot) - Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat. Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat. Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante. - Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa. - Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang mga bagong kaalamang galing sa sariling salita’y hindi madaling malimutan. Mga Hakbang a. Pagbuo ng sariling sagot. b. Pagsagot sa sariling salita sa mga bagong kaalaman.
  • 14. 6. Review (Pagbabalik – aral) - Ito ay isang kritikal na reeksaminasyon tungo sa pag-uugnay ng nilalaman at sa paglalahad. Ang pag-aaral ay hindi kumpleto hanggang hindi nailalagay sa isipan at kailangang matandaan ng mga estudyante ang mga natutuhan. Ito’y nagagawa sa pamamagitan ng pagbabalik-aral. Mga Hakbang a. Sariling pagsulat b. Pagsagot sa mga tanong c. Pagtatalakay d. Paglalagom e. Paulit na pagbasa
  • 15. Kahulugan at Kahalagahan ng Pagsulat  Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).  Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag.
  • 16.  Bumubuo siya ng makahulugang salita mula samga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.  Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan.  Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
  • 17. Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat: a. Kahalagahang Panterapyutika Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin. b. Kahalagahang Pansosyal Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
  • 18. c. Kahalagahang Pang-ekonomiya Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang- araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline. d. Kahalagahang Pangkasaysayan Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.
  • 19. Ang Pagsulat Bilang Kasanayan at Proseso Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin. Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabing mahirap ang magsulat lalo na kung hindi natin alam ang ating isusulat. Bilang isang proseso, ayon kina Graves (1982), Murray (1985), at Arrogante (2000), ang pagsulat ay binubuo ng mga sumusunod na hakbang: (A) Bago Sumulat; (B) Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa; (D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
  • 20. A. Bago Sumulat (Prewriting) Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan. B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing) Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring pagkakamali. Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng estudyante. Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral kung nasa klasrum ang gawain. Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.
  • 21. Pagrebisa Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri. Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng babasa. Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at pinapalitan ang dapat palitan. Pag-eedit Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di- magkaugnay na pangungusap ay muling isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.