3. PATULA
Kung ating pagmamasdang mabuti, ang tula at awit ay
may sukat at tugma. Nangangahulugang ang buong
kaanyuan ng dalawa ay pareho. Ang pagkakaiba lang ay
ang awit ay may melodiya at maaaring lapatan ng gitara,
kudyapi, bass o akapela ngunit ang tula ay ginawa
upang bigkasin lamang ngunit maaari ring lamatan ng
tunog.
4. TRADISYONG PATULA
PANUGMAANG-
BAYAN
KANTAHING-BAYAN
1. TUGMANG WALANG
DIWA O TUGMANG
PAMBATA
2. TUGMANG
MATALINGHAGA
3. TUGMANG GANAP NA
TULA
Di-gaanong nagsasalaysay
1. OYAYI O HELE
2. KALUSAN
3. KUNDIMAN
4. DIONA
5. KUMINTANG O TAGUMPAY
6. DALIT O HIMNO
7. DUNG-AW
8. UMBAY
9. KUTANGKUTANG
10. DITSO
Nagsasalaysay
1. Balada
2. Epiko
5. PANUGMAANG-BAYAN
Ang anyo nito ay daludturan o apaludturan. Bawat tuludtod ay may
sukat, may bilang na pantig na ang hulihan ay magkasingtunog.
6. Ang Mga Tugmang Walang Diwa o
Tugmang Pambata
Pinagmulan ng tula
Gahol sa kahulugan at walang talinghaga
Layunin:
Pampatuwid ng dila nang ang bata ay di mautal sa
pagsasalita
Panudyo ng mga nagkakapikunang bata sa laro
Pang-alo sa nagmamaktol na paslit
Pansabi-sabi sa mga namamasid sa kapaligiran
7. Ang Mga Tugmang Walang Diwa o
Tugmang Pambata
Halimbawa:
Bata … Batuta
Daming muta
Tutubi … tutubi!
Huwag kang papahuli
Sa batang mapanghi
Putak … putak!
Batang duwag
Matapang ka’t nasa pugad
8. Ang Mga Tugmang
Matalinghaga
Maikli lamang ang mga ito at matalinghaga.
Sa paglalarawan ay may imaheng makikita. Sa mga
larawan na ito ay may masasambot na kahulugan
SAWIKAIN: Mga parilala pero naglalarawan at naglalahad
ng ibang kahulugan.
BUGTONG, SALAWIKAIN, AT SABI-SABI: Mga ganap na
pangungusap, nagtataglay ng buong kaisipan at
nagtataglay ng higit na mas malalim na kahulugan.
9. Ang Mga Tugmang Matalinghaga
Halimbawa ng Bugtong:
Alis diyan
At ako riyan
ULAN
Alin sa mundo
Makulugo kinakain
MAIS
Ano ang pinakamataas na
Santo
SANTOL
Anong magandang larawan,
Na katulad ng mukha mo
SALAMIN
10. Ang Mga Tugmang
Matalinghaga
Halimbawa ng Salawikain:
Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan
Walang magandang patutunguhan
Ubus-ubos biyaya
Bukas nakatunganga
Pag may isinuksok,
May madudukot
11. Ang Mga Tugmang
Matalinghaga
Halimbawa ng Sawikain:
Makati ang dila – tsismosa
Parang aso’t pusa – laging nagbabangayan
Mabulaklak ang dila – masalita
Halimbawa ng Sabi-sabi:
Malakas ang bunganga walang laman ang diwa
Madaling maging tao mahirap magpakatao
Ang taong duling walang gawang magaling
13. Ang Mga Tugmang Ganap
na Tula
Nabibilang ang Tanaga ng Katagalugan at Ambahan ng
mga Hanunuo Mangyan ng Mindoro.
Tanaga:
1) Isang uri ng tulang napakataas sa wikang Tagalog
2) Binubuo ng pitong pantig ang bawat taludtod
3) May apat na taludtod sa bawat saknong
4) Hitik sa talinghaga
14. Ang Mga Tugmang Ganap
na Tula
Ambahan:
1) Isang maritmo o maindayog na patulang pagpapahayag na may
sukat at may bilang na pitong pantig ang bawat taludtod na may
tugma.
2) Isinasaawit nang walang tyak na tono o akompanya ng anumang
instrumentong pangmusika
3) Naglalayong makapagpahayag sa matalinghagang paraan.
15. Ang Mga Tugmang Ganap
na Tula
Halimbawa ng Tanaga:
Magdalita ang niyog,
Huwag kang magpakatayog;
Kung ang uwang ang umok-umok,
Masasaid pati ubod.
Halimbawa ng Tanaga:
Ang labuyo sa gubat
Sa lupa’y di makalakad;
Alamid na bulag nagmamatyag;
May buwayang kahoy ay pinapagpag
May isang taga bukid na may sibat
18. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
1. Oyayi o hele o duayya sa
Ilokano:
Awit sa pagpapatulog ng bata.
Malambing ang himig nitong
monotono at maulit ang liriko
ngunit makahulugan.
Halimbawa:
Tulog na nga, Nene
Hinehele kita
Ipikit mo na nga
Ang dal’wa mong mata
Kanina nga
Na ako’y wala pa
Hinahanap mo ako’t
Magpaduyan ka
19. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
2. Kalusan: Awit sa paggawa
Halimbawa:
Maring, maring
Gumising ka
Magsangag kang kaning-lamig
Mamaya darating si Tatang
Siguradong gutom na siya.
20. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
3. Kundiman: Awit ng pag-ibig
Halimbawa:
Aray! Puso! Aray! Aray!
Mahapdi makirot talagang talaga
Kailangan ko ang kalinga mo
Upang hindi ako gumulapay
21. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
4. Diona: Awit sa kasal
Halimbawa:
Ano ba ‘yan Nene
Pula ng sakong mo
Kung dumaraan ka
Napapasunod ako
Ang lahat ng damo
Sa niyayapakan mo
Naubos nalanta
Dahil sa ganda mo
22. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
5. Kumintang o Tikam o Hiliraw o Tagumpay: Awit
Pandigma Inaawit ito sa gabi sa saliw ng biyolin at
gitara.Ibinibilang din ito sa kundiman na nagpapahayag
ng pag-ibig sa bayan
Halimbawa:
Ang nuno nating lahat
Sa kulog di nasindak
Sa labanan di naawat
Pinuhunan buhay, hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag
23. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
6. Dalit o Himno: Awit sa pagsamba sa mga anito.
Ngayon, kilala na ito bilang awit panrelihiyon.
Halimbawa:
Buhos, buhos
Heto na ang tubig
Lumayo ang sakit
Lumapit ang bagsik
Diyos ang sa langit
24. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
7. Dung-aw: Awit sa patay o sa pagdadalamhati. Naayon
sa kasalukuyang damdamin at kaisipan ng mga umaawit
Halimbawa:
… Sige, anak kong mahal,
Bumangon ka!
Lisanin mo itong daigdig,
Nariyan ka an sa kabilang buhay.
25. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
8. Umbay: Awit sa pagkaulila. Ang himig nito ay
nagpapaawa.
Halimbawa:
O sa aking anay
Nahan ka na ngayon
Ang iyong palayaw
Sa’yo’y nalulungkoy!
Kung si mo lapitan
Kawawa naman sa’kin
26. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
9. Kutangkutang o Rawitdawit sa Kabikulan:Awit ng mga
lasing sa lansangan na naglalayong magpatawa,
magpasaring o manudyo. Ang tono ay luma ngunit ang
lirik ay pabagu-bago
Halimbawa:
Paano niyo masasabi
Na ang balo ay kuntento
Magkumot ka ma’t magtalukbong
Kung walang kasiping
Hindi ka rin makakatulog
27. Kantahing-bayan Na Di
Gaanong Nagsasalaysay
10. Ditso: Awit sa paglalaro ng mga bata. Mga kasabihan
ito na isinasatono ng malalarong bata.
Halimbawa:
Pen pen de sarapen
De kutsilyo de almasen
Haw haw haw de Karabaw
Batu-batuten.
Sipit namimilipit
Ginto’t pilak namumulaklak
Sa tabi ng dagat.
31. TULUYAN
Natural
Hindi na kailangang pakaisipin ang mga salita kaya madaling
matandaan ang pinagke-kuwentuhan.
32. KUWENTONG-BAYAN
Mito: Tungkol sa diyos at diyosa, bathala at anito ang
pangunahing tema.
Alamat: Kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
Pabula: Kwentong nagbibigay aral an ang pangunahing
taunhan ay mga hayop.
Parabola: Kwento na hango sa bibliya
Kwentong Kababalaghan: Kwento na nakaaktakot na
minsan ay gawa ng mapaglarong guni-guni
33. KUWENTONG-BAYAN
Kwentong Katatawanan: Kwento ng mga nagu-
umpukang mga Pinoy, tambay sa tindahan, na
anglalayong magpatawa
Plaisipan: Tulad ng bugtong, ito ay pahulang
nagpapatalas ng isipan. Ngunit sa anyong pakuwento.
Sanayan ito ng mga tao noong araw sa larangan ng
matematika at lohika.
34. KUWENTONG-BAYAN
Dula: Nag-ugat ito sa mga ritwal at seremonyang
isinagawa noon ng ating mga ninuno
Mga paksa:
Pagtatanim ng kamote sa Kabikulan
Pag-iinuman
Pamamanhikan