SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  59
i
Yunit 2
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Araling Panlipunan
Kagamitan ng Mag-aaral
Tagalog
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na
inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
ii
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog
Unang Edisyon, 2012
ISBN: 978-971-9981-51-0
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda
ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin
ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano
Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex,
Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054, 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar
Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili
Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang,
Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas
Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David,
Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus
Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at
Jayson R. Gaduena
Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro
Encoder: Earl John V. Lee
iii
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Yunit 2: ANG AKING PAMILYA
Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya ......................... 54
Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya ................................................ 55
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga
Kasapi ng Aking Pamilya ……………………………….......
61
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya ................ 65
Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya 70
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng
Aking Pamilya ....................................................................
71
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking
Pamilya …………………………………………………………
76
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya
at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ……………...
80
Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya 86
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking
Pamilya …………………………..……………………..……...
87
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga
Alituntunin ng Aking Pamilya ...........................................
89
Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya …………………………… 96
Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya …….…. 97
Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking
Pamilya sa Ibang Pamilya .................................
100
4
Yunit 2: ANG AKING PAMILYA
Panimula
5
Mga Layunin:
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang
magagawa mo ang sumusunod:
1. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya;
2. nasasabi na ang bawat pamilya ay may
angking katangian;
3. nakasusunod sa mga alituntunin ng
pamilya;
4. naipagmamalaki ang pamilya;
5. napahahalagahan ang mabuting
pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya; at
6. napahahalagahan ang ugnayan ng
sariling pamilya sa ibang pamilya
7. nabibigyan ng kahulugan ang salitang
pamilya;
6
Aralin 1:Pagkilala sa mga Kasapi ng
Pamilya
Panimula
7
Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya
Pag-isipan
Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya?
Gawain 1
Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob
ng bahay na makikita sa ibaba.
8
Gawain 2
Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong
guro o tagapag-alaga.
Ako si
______________________________________.
(Ano ang iyong pangalan?)
___________________ang kasapi ng aking
(Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?)
pamilya.
Si _____________________ ang aking ama.
(Ano ang pangalan ng iyong ama?)
Si _____________________ang aking ina.
(Ano ang pangalan ng iyong ina?)
Si/ Sina
_______________________________________
(Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano
ang kanilang pangalan?)
ang aking kapatid/mga kapatid.
9
Gawain 3
Tanungin ang bawat kasapi ng iyong pamilya
upang masagutan ang mga patlang.
Ang ama ko ay si _________________________________.
Siya ay _____________________________ taong gulang.
Gusto niyang mag_______________________________ .
Ang ina ko ay si__________________________________ .
Siya ay _____________________________ taong gulang.
Gusto niyang mag _______________________________ .
Si ___________________________________ay kapatid ko.
Siya ay ______________________________taong gulang.
Gusto niyang mag________________________________ .
10
Gawain 4
Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito
ng mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito
ay isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito
ang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni
Bing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan.
Ang bar graph ay isang uri ng graph na
gumagamit ng mga bar upang ipakita ang
bilang o dami ng isang bagay.
Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa
Lugar na Kanilang Pinasyalan
Oras
Mga Lugar na Pinasyalan
1
2
3
4
5
Bahay
ng lola
Simbahan Parke Pamilihan
11
Sa paggamit ng bar graph, mahalagang
tingnan muna ang pamagat upang malaman kung
ano ang ipinakikita nito. Ang pamagat ng bar graph
na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ng
Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang
Pinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph,
makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni
Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras
o tagal na inilagi nila sa bawat lugar. Ang bawat bar
sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi
ng pamilya sa isang lugar. Ituro ang iyong daliri sa
bar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilang
dalawa (2). Nangangahulugang dalawang oras ang
inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan.
Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa
parke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili?
Gawain 5
Kasama ang iyong mga kamag-aral, subukin
ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng
bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi
ng papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang
gagamitin ninyong bar sa gagawing bar graph
upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong
pamilya.
12
Ang mga Kasapi ng Pamilya
Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng
iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng
inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan.
Tandaan:
Ikaw ay bahagi ng isang pamilya.
May iba’t ibang kasaping bumubuo
sa iyong pamilya.
May pamilyang marami ang kasapi. May
pamilyang kakaunti ang kasapi.
Nato
Maki
Bert
Rosa
Mark
Malaya
Dan
Edna
Abbi
Pat
Ron
Susan Mila
Mong
Rina
Ben
Ned
Lito
Aris
Nena
1
2
3
4
5
6
9
8
7
10
BilangngKasapingPamilya
Miko Bea Lina Paolo Tina
Pangalan ng Mag-aaral
13
Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng
mga Kasapi ng Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano-ano ang ginagawa ng mga
kasapi ng iyong pamilya sa loob ng
inyong tahanan?
Gawain 1
Tingnan ang larawan ng dalawang kamay.
Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o
tagapag-alaga sa patlang na makikita mo sa itaas
ng larawan.
14
Gawain 2
Basahin ang tula na pinamagatang “Ang
Aming Mag-anak”, nakuha mula sa
http://www.takdang aralin.com/Filipino/mga-tulang-
pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/.
Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya?
 Sino-sino sila?
 Ano ang naramdaman ng pamilya?
 Paano mo ito nasabi?
 Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa?
Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi,
bakit?
Ang Aming Mag-anak
Ang aming mag-anak ay laging masaya.
Maligaya kami nina ate at kuya.
Mahal kaming lahat ni ama’t ina.
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?
Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,
Tulong ni ama ay laging nakaabang
Suliranin ni ate ay nalulunasan,
Sa tulong ni inang laging nakalaan
.
15
Gawain 3
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit
ang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng stick
sa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick.
Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng
puppet.
Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo
ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng
pamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang
bawat kasapi.
16
Gawain 4
Sabay-sabay awitin ang awit na “Masaya kung
Sama-sama.”
Tandaan:
Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay
mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may
bahaging ginagampanan sa inyong
pamilya.
Masaya kung sama-sama,
Sama-sama, sama-sama
Masaya kung sama-sama,
At nagtutulungan
Kay inam ng buhay
Kung nagmamahalan
Masaya kung sama-sama
Ang buong pamilya
17
Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa
Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga tungkulin mo sa iyong
pamilya?
Gawain 1
Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng
isang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin
kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan.
18
Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga
kapatid?
Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa
nila? Bakit?
Ano kaya ang nararamdaman ng mga
magulang ni Ben sa ginagawa nilang
magkakapatid?
Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa
sa inyong tahanan?
Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga
tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang
tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin
upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at
masayang pagsasama ng inyong pamilya.
Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong
tahanan?
19
Gawain 2
Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin
kung alin sa mga ito ang nagpapakita na natupad
ang tungkulin.
Iguhit ang masayang mukha sa larawang
nagpapakita na natupad ang tungkulin at
malungkot na mukha  naman kung nagpapakita
na hindi natupad ang tungkulin.
20
Gawain 3
Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong
pamilya. Lagyan ng tsek () ang iyong nagawang
tungkulin sa bawat araw.
21
22
Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling
Pamilya
Panimula
Tandaan:
Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa
iyong pamilya.
Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin
upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan,
at masayang pagsasama ng inyong pamilya.
23
Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ng Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga pangyayari sa inyong
pamilya na nagpasaya sa iyo?
Gawain 1
Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon.
Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod-
sunod.
Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin
Kahapon
24
Gawain 2
Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang
pamilya.
25
Gawain 3
Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba.
Ano ang nakikita sa larawan?
Sino-sino ang nakikita sa larawan?
Anong pangyayari ang nakikita sa larawan?
Ano ang nararamdaman ng mga tao sa
larawan? Bakit?
Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa
pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi?
Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng
pamilya ang maituturing na mahalaga?
26
Gawain 4
Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa
buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat
pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob
ng larawan ng bahay.
27
Gawain 5
Ibahagi sa klase ang mahahalagang
pangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay sa
ginawang timeline.
Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi
ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya?
Tandaan:
May mahahalagang pangyayari sa
buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng
iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa
pagpapabuti ng iyong sarili.
28
Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili
sa Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga bagay o pangyayaring
nagbabago o nagpapatuloy sa iyong
pamilya?
Gawain 1
Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at
noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa
dalawang larawan? Kulayan ito ng berde.
Larawan 1: Noong isilang si Laya
A B
29
Larawan 2 : Noong anim na taong gulang na si Laya
Marami ka bang nakulayan?
Gawain 2
Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga
napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at
Larawan 2 ng pamilya ni Laya.
Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng
pamilya ni Laya sa letrang A at letrang B ng Larawan
1?
Ikumpara ang hitsura ni Laya at ng mga kasapi
ng pamilya na nasa letrang A at letrang B ng
Larawan
1. Anong pagbabago ang napansin mo sa
kanila?
30
Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa
kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang letrang C
at letrang D ng Larawan 2?
Gawain 3
Mag-isip ka ng tatlong mahalagang pangyayari
sa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang
makasama. Gumawa ng timeline na nagpapakita
ng mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahon
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
31
Gawain 4
Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung
ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa
buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago
at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon.
Ang Buhay ng Aking
Pamilya
Ano ang
nagbago?
Ano ang
hindi
nagbago?
Kasapi
Tirahan
Ginagawa sa loob
ng bahay
Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga
pangyayari na nagbabago at nananatili?
May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa
buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga
bagay na nagpatuloy o hindi nagbago?
Tandaan:
May mga bagay o pangyayari na
nagbabago at nananatili sa buhay
ng isang pamilya.
Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang
pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago
o pananatili ng isang bagay o pangyayari.
32
Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng
Aking Pamilya at ng Pamilya ng
Aking mga Kamag-aral
Pag-isipan
Ano ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng iyong pamilya at
pamilya ng iyong kamag-aral?
Gawain 1
Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon.
Kulayan ito.
Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay,
punan ng salita o mga salita ang mga patlang
upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.
33
Ang Aking Pamilya
Ako ay nabibilang sa pamilya _________________.
(apelyido)
Binubuo ang aking pamilya ng ___________ kasapi.
(bilang ng kasapi)
Nakatira ang aming pamilya sa
_______________________________________________ .
(lugar ng tirahan)
Ang tatay ko ay isang _________________________ .
(gawain o hanapbuhay)
Ang nanay ko ay isang ________________________.
(gawain o hanapbuhay)
Ang mga paborito naming ginagawa nang sama-
sama ay ________________________________.
(paboritong gawain ng pamilya)
Ang aming pamilya ay ________________________.
(pinakagustong katangian ng pamilya)
34
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong
ng inyong guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsart
na makikita sa ibaba.
Pangalan
ng mga
kasapi ng
pangkat
Apelyido
Bilang
ng
Kasapi
ng
Pamilya
Tirahan
Gawain
o
hanap-
buhay
ng
tatay
Gawain
o
hanap-
buhay
ng
nanay
Paboritong
gawain ng
pamilya
May napansin ka bang pagkakatulad at
pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong
mga kamag-aral?
May nais ka pa bang ibahaging impormasyon
tungkol sa iyong pamilya?
35
Gawain 3
Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste, at
makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o
tuyong dahon.
Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o
magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang puno
at idikit ito sa isang malinis na papel
Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat
kasapi ng iyong pamilya. Gupitin ang mga kahon at
idikit ito sa ginawang puno.
36
Family tree ang tawag sa iyong ginawa.
Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilya
at ugnayan ng bawat isa.
37
Gawain 4
Ibahagi sa klase ang ginawang family tree.
Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang
natapos ninyong family tree ng iyong mga kamag-
aral.
Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano
ang masasabi mo sa inyong mga nabuong family
tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong
family tree?
Tandaan:
May pagkakaiba at pagkakatulad ang
katangian ng bawat pamilya. Sa
pagkakaibang ito makikita ang namumukod na
katangian ng isang pamilya.
Nararapat lamang na igalang ang
katangian ng bawat pamilya.
38
Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya
Panimula
39
Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng
Aking Pamilya
Pag-isipan
Ano ang mga dapat at di dapat gawin
sa loob ng inyong bahay?
Gawain 1
Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa
mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan
ang mga larawan na nagpapakita ng iyong
ginagawa sa bahay.
Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong
kinulayan? Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad
ng iyong magulang o nakatatandang kasapi ng
pamilya ay tinatawag na alituntunin.
May naisip ka pa bang alituntunin na
ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito?
40
Gawain 2
Tingnan ang mga larawang nasa loob ng
kahon. Lagyan ng tsek () kung alin sa mga ito ang
ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay.
41
G. Magsabi ng “po” at opo” sanakatatanda
H. Gawin muna ang
takdang aralin bago
maglaro
I. Iligpit ang mga laruan
matapos laruin
Maaari po
ba akong
sumama?
42
Gawain 3
Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang
ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang letra
sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa
ibaba.
43
Gawain 4
Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi
sa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa
inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito.
Tandaan:
May iba’t ibang alituntuning
ipinatutupad sa bawat pamilya.
Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin
ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya.
44
Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa
mga Alituntunin ng Aking Pamilya
Pag-isipan
Bakit mahalagang sundin ang mga
alituntunin ng iyong pamilya?
Gawain 1
Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro
na pinamagatang “Ang Ilaw at ang Gamugamo.”
Anong sinabi ng matandang gamugamo sa
batang gamugamo?
Anong ginawa ng batang gamugamo?
Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang
sinabi ng matandang gamugamo?
Ano kaya ang naramdaman ng matandang
gamugamo sa hindi pagsunod ng batang
gamugamo?
45
Anong nangyari sa batang gamugamo?
Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin
mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang
gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos
sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga
ang iyong karanasan.
Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin
ang mga alituntunin ng inyong pamilya?
Gawain 2
Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng
pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.
46
Gawain 3
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi.
Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ng
binagong “Snakes and Ladders.” Makinig sa
panutong sasabihin ng inyong guro para sa larong
ito.
Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang
binagong Snakes and Ladders?
Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong
pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa
alituntunin?
Ano naman ang nangyayari kapag natapat
ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng
hindi pagsunod sa alituntunin?
47
Gawain 4
Magpatulong sa guro upang mapunan ang
patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo sa
iyong magulang o tagapag-alaga.
Mahal na _____________________ ,
Ipinangangako ko na simula sa araw na ito,
___________________ , susundin ko ang sumusunod na
Isulat ang petsa ngayon
alituntunin sa ating pamilya:
1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________
________________________________________
Isulat ang buong pangalan
________________________________________
Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga
Tandaan:
Mahalaga ang mga alituntunin.
Nagkakaroon ng kaayusan at
katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng
mga kasapi ang mga ito.
48
Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya
Panimula
49
Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking
Pamilya
Pag-isipan
Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong
pamilya?
Gawain 1
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula
ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na
nakatakda sa inyong grupo.
Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal
Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos
Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa
Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa
Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan
50
Gawain 2
Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng
isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling
pamilya? Lagyan ng tsek () ang mga larawang
nagpapakita nito.
May iba ka pa bang naiisip na mabubuting
katangian ng iyong pamilya?
51
Gawain 3
Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa
iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na
ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maaari ring magdala
ng larawan ng masasayang gawain ng inyong
pamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama-
sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay,
at iba pa.
Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at
isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong
pamilya.
52
Gawain 4
Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa
iyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan ang
mga patlang sa liham na nasa loob ng kahon.
Tandaan:
Ang bawat pamilya ay may taglay na
mabubuting katangian.
Nararapat lamang na ipagmalaki mo
ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Sa aking mga mahal na ____________________,
(pangalan ng mga kasapi ng pamilya)
Maraming salamat sa
________________________________________________
________________________________________________
______________________________________.
(Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong
pamilya na dapat mong pasalamatan)
Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya!
Nagmamahal,
___________________________
(Isulat ang iyong pangalan)
53
Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan
ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya
Pag-isipan
Bakit mahalagang panatilihin ang
mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong
pamilya sa iba pang pamilya?
Gawain 1
Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang
larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin ang
mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag-
aral. Bumuo ng letrang P, ang unang letra ng
salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo at
ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahagi
ng inyong silid-aralan.
Alam mo ba ang tawag dito?
Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na
tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-dikit
na larawan upang makabuo ng isang hugis o
pattern.
54
Gawain 2
Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro
na pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na sinulat
nina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva at
iginuhit ni Sammy Esquillon.
Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid?
Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid?
Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng
pamilyang Ismid?
Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang
pamilya sa kanilang lugar?
Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang
gabi habang sila ay natutulog?
Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid?
Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid,
ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong
pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?
55
Gawain 3
Maglaro tayo ng Paint Me a Picture. Alam mo
ba ang larong ito? Sa Paint Me a Picture ang mga
kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang
pangyayari gamit ang kanilang katawan.
Bumuo ng pangkat na may walong kasapi.
Magpakita ng isang pangyayari na naglalarawan
nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan
ng isang pamilya sa iba pang pamilya.
Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, Paint
Me a Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari.
Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong
guro na maaari na kayong muling kumilos.
Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang
ipinakitang larawan ng inyong pangkat.
56
Gawain 4
Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba.
Ano ang ipinakikita ng larawan?
Bakit masaya ang mga taong nasa larawan?
Bakit mahalagang nagkakasundo at
nagtutulungan ang bawat pamilya?
Tandaan:
Mahalagang panatilihin ang mabuting
pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba
pang pamilya.
Sa pamamagitan nito, napananatiling
masaya at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t
ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng
pangangailangan.
57
Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan:
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro.
Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong
sagot.
Nagamit ko ang mga
kasanayang ito:
1. Nasunod ko ang mga panuto.
2. Nagamit ko ang aking kasanayan
sa sining.
3. Nagbahagi ako ng aking
kuwento sa aking mga kamag-
aral.
4. Nakinig ako sa kuwento ng aking
guro.
5. Nakinig ako sa kuwento ng aking
kamag-aral.
6. Nasuri ko ang iba’t ibang
larawan.
7. Nakapaghambing ako ng iba’t
ibang pangyayari.
8. Natukoy ko ang mga bagay na
nagbago at nanatili sa aking
pamilya.
9. Napahalagahan ko ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng
bawat pamilya.
10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang
bagay tungkol sa aking pamilya.
Mag-aaral Guro
58
Nagawa ko ang mga bagay na ito:
1. Nasabi ko ang mga
impormasyon tungkol sa aking
pamilya.
2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang
larawan.
3. Nakagawa ako ng stick
puppet.
4. Naisadula ko ang mabuting
katangian ng pamilya.
5. Naikumpara ko ang kuwento
ng aking pamilya sa kuwento
ng pamilya ng aking mga
kamag-aral.
6. Naipagmalaki ko ang aking
pamilya.
7. Nakagawa ako ng bar graph.
8. Nakabuo ako ng timeline.
9. Nakagawa ako ng graphic
organizer.
10. Nakagawa ako ng mosaic.
11. Nakasulat ako ng liham
pasasalamat sa aking
magulang.
12. Nakagawa ako ng family tree.
13. Nakabigkas ako ng isang tula.
14. Nakaawit ako ng isang kanta.
Mag-aaral Guro
59
Naipahahayag ko ang mga ito:
1. Nasasabi kong binubuo ng iba’t
ibang kasapi ang isang pamilya.
2. Nasasabi kong may iba’t ibang
tungkuling ginagampanan ang
bawat kasapi ng pamilya.
3. Nasasabi kong may mga bagay
na nanatili at nagbago sa isang
pamilya.
4. Nasasabi kong may iba’t ibang
Alituntuning ipinatutupad sa
bawat pamilya.
5. Nasasabi kong mahalaga ang
mabuting ugnayan ng bawat
pamilya sa isang pamayanan.
6. Naipagmamalaki ko at
napahahalagahan ang aking
pamilya.
7. Iginagalang ko ang mga
katangian at paniniwala ng
ibang pamilya.
Komento ng iyong guro:
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_____________________.
Mag-aaral Guro

Contenu connexe

Tendances

K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Grade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideGrade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideLance Razon
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoellaboi
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2Ric Dagdagan
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagatF6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagatMichael Paroginog
 
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEsp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualEdukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualJane Basto
 
Karapatang pambata
Karapatang pambataKarapatang pambata
Karapatang pambatakielomak
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyonEsp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyonCyrel Castro
 
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukat
Grade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukatGrade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukat
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukatArnel Bautista
 

Tendances (20)

K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN ARTS (Q1-Q4)
 
ESP 2 LM UNIT 4
ESP 2 LM UNIT 4ESP 2 LM UNIT 4
ESP 2 LM UNIT 4
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
ESP module
ESP module ESP module
ESP module
 
Grade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers GuideGrade 3 EsP Teachers Guide
Grade 3 EsP Teachers Guide
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakataoBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q3-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q2)
 
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagatF6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
F6 pb ig-8 pagbibigay ng angkop na pamagat
 
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito akoEsp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
 
Esp
EspEsp
Esp
 
ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3ESP 2 LM UNIT 3
ESP 2 LM UNIT 3
 
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manualEdukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
Edukasyon sa pagpapakatao 3 Learning manual
 
Karapatang pambata
Karapatang pambataKarapatang pambata
Karapatang pambata
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyonEsp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
Esp q1 week 3 paggamit ng wastong impormasyon
 
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukat
Grade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukatGrade 4  e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukat
Grade 4 e.p.p. industrial arts quarter 4 aralin 1 - mga kagamitan sa pagsusukat
 
Q4 WEEK 3 MONDAY.pptx
Q4 WEEK 3 MONDAY.pptxQ4 WEEK 3 MONDAY.pptx
Q4 WEEK 3 MONDAY.pptx
 

En vedette

Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01
Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01
Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01Hannah Karylle Dacillo
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2  l9EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2  l9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l9Sherill Dueza
 
Konsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas Moral
Konsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas MoralKonsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas Moral
Konsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas MoralCharm Sanugab
 
K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)
K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)
K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...EDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang PagsusulitK TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang PagsusulitLiGhT ArOhL
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleNico Granada
 

En vedette (12)

Es p 3 lm draft complete
Es p 3 lm draft completeEs p 3 lm draft complete
Es p 3 lm draft complete
 
Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01
Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01
Bec pelccharactereduc-130301234719-phpapp01
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2  l9EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2  l9
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 l9
 
Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12
 
Konsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas Moral
Konsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas MoralKonsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas Moral
Konsensya Gabay sa Pagsunod sa Likas na batas Moral
 
Panitikan ng CAR
Panitikan ng CARPanitikan ng CAR
Panitikan ng CAR
 
K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)
K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)
K TO 12 KINDER LEARNER’S MATERIAL (Q1-Q4)
 
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q2)
 
Editorial Cartooning_2014
Editorial Cartooning_2014Editorial Cartooning_2014
Editorial Cartooning_2014
 
K TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang PagsusulitK TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang Pagsusulit
K TO 12 GRADE 3 IKA-APAT na Markahang Pagsusulit
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 

Similaire à 1 ap lm tag u2

WEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNAN
WEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNANWEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNAN
WEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNANAnnaCabeNaniong
 
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONESECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONELadylynBuellaBragais
 
Grade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGA
Grade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGAGrade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGA
Grade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGAClarenceMichelleSord1
 
Kinder_LAS_Q2_week-11.docx
Kinder_LAS_Q2_week-11.docxKinder_LAS_Q2_week-11.docx
Kinder_LAS_Q2_week-11.docxAileenAmarillo
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8dan_maribao
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfAniceto Buniel
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm Ahtide Agustin
 
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up FridayGrade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Fridaynicagargarita1
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Teth04
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd QuarterEDITHA HONRADEZ
 

Similaire à 1 ap lm tag u2 (20)

WEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNAN
WEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNANWEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNAN
WEEK-10-AP-day-1-5.pptx ARALING PANLIPUNAN
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
ARAL PAN1 ULAS -Q2-WEEK 1.docx
ARAL PAN1 ULAS -Q2-WEEK 1.docxARAL PAN1 ULAS -Q2-WEEK 1.docx
ARAL PAN1 ULAS -Q2-WEEK 1.docx
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONESECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
 
Grade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGA
Grade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGAGrade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGA
Grade 1 PPT_Q4_W4_Day 3 EDUKASYON SA PAGPAHALAGA
 
Kinder_LAS_Q2_week-11.docx
Kinder_LAS_Q2_week-11.docxKinder_LAS_Q2_week-11.docx
Kinder_LAS_Q2_week-11.docx
 
Gr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manualGr8 es p learners manual
Gr8 es p learners manual
 
esp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdfesp_learners_module.pdf
esp_learners_module.pdf
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
Edukasyon Sa Pagpapakatao - Grade 8
 
ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8ESP MODULE GRADE 8
ESP MODULE GRADE 8
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's MaterialEdukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Learner's Material
 
ARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docx
ARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docxARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docx
ARAL PAN 1ULAS -Q2-WEEK 3.docx
 
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdfDLL ESP 8 Modyul 1.pdf
DLL ESP 8 Modyul 1.pdf
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm
 
Filipino yunit1 iv
Filipino yunit1 ivFilipino yunit1 iv
Filipino yunit1 iv
 
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up FridayGrade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
Grade Three-Overall-Daily Lesson Log for Catch Up Friday
 
Tg filipino grade2
Tg filipino grade2Tg filipino grade2
Tg filipino grade2
 
AP1_Q1_LAS1.docx
AP1_Q1_LAS1.docxAP1_Q1_LAS1.docx
AP1_Q1_LAS1.docx
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
 

Plus de EDITHA HONRADEZ

Plus de EDITHA HONRADEZ (20)

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 

Dernier

curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxRayYan950549
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxRosemarieGaring
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...jaysonvillano
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 

Dernier (20)

curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...AP Aralin 10  Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
AP Aralin 10 Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yaman Likas ng Bans...
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 

1 ap lm tag u2

  • 1. i Yunit 2 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
  • 2. ii Araling Panlipunan – Unang Baitang Kagamitan ng Mag-aaral: Tagalog Unang Edisyon, 2012 ISBN: 978-971-9981-51-0 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. Quijano Kawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Inilimbag sa Pilipinas ng ____________ Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054, 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. Lee
  • 3. iii TALAAN NG MGA NILALAMAN Yunit 2: ANG AKING PAMILYA Aralin 1: Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya ......................... 54 Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya ................................................ 55 Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking Pamilya ………………………………....... 61 Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya ................ 65 Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya 70 Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya .................................................................... 71 Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking Pamilya ………………………………………………………… 76 Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral ……………... 80 Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya 86 Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya …………………………..……………………..……... 87 Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya ........................................... 89 Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya …………………………… 96 Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya …….…. 97 Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya ................................. 100
  • 4. 4 Yunit 2: ANG AKING PAMILYA Panimula
  • 5. 5 Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 2, inaasahang magagawa mo ang sumusunod: 1. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya; 2. nasasabi na ang bawat pamilya ay may angking katangian; 3. nakasusunod sa mga alituntunin ng pamilya; 4. naipagmamalaki ang pamilya; 5. napahahalagahan ang mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang pamilya; at 6. napahahalagahan ang ugnayan ng sariling pamilya sa ibang pamilya 7. nabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilya;
  • 6. 6 Aralin 1:Pagkilala sa mga Kasapi ng Pamilya Panimula
  • 7. 7 Aralin 1.1: Ang Aking Pamilya Pag-isipan Sino ang mga kasapi ng iyong pamilya? Gawain 1 Iguhit ang mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng bahay na makikita sa ibaba.
  • 8. 8 Gawain 2 Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyong guro o tagapag-alaga. Ako si ______________________________________. (Ano ang iyong pangalan?) ___________________ang kasapi ng aking (Ilan ang kasapi ng iyong pamilya?) pamilya. Si _____________________ ang aking ama. (Ano ang pangalan ng iyong ama?) Si _____________________ang aking ina. (Ano ang pangalan ng iyong ina?) Si/ Sina _______________________________________ (Kung mayroon kang kapatid o mga kapatid, ano o ano-ano ang kanilang pangalan?) ang aking kapatid/mga kapatid.
  • 9. 9 Gawain 3 Tanungin ang bawat kasapi ng iyong pamilya upang masagutan ang mga patlang. Ang ama ko ay si _________________________________. Siya ay _____________________________ taong gulang. Gusto niyang mag_______________________________ . Ang ina ko ay si__________________________________ . Siya ay _____________________________ taong gulang. Gusto niyang mag _______________________________ . Si ___________________________________ay kapatid ko. Siya ay ______________________________taong gulang. Gusto niyang mag________________________________ .
  • 10. 10 Gawain 4 Tingnan ang larawan sa ibaba. Nagpapakita ito ng mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Ito ay isang halimbawa ng bar graph. Ipinakikita nito ang bilang ng oras o tagal na inilagi ng pamilya ni Bing sa bawat lugar na kanilang pinasyalan. Ang bar graph ay isang uri ng graph na gumagamit ng mga bar upang ipakita ang bilang o dami ng isang bagay. Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa Lugar na Kanilang Pinasyalan Oras Mga Lugar na Pinasyalan 1 2 3 4 5 Bahay ng lola Simbahan Parke Pamilihan
  • 11. 11 Sa paggamit ng bar graph, mahalagang tingnan muna ang pamagat upang malaman kung ano ang ipinakikita nito. Ang pamagat ng bar graph na makikita sa itaas ay “Bilang ng Oras na Inilagi ng Pamilya ni Bing sa mga Lugar na Kanilang Pinasyalan.” Sa pinakaibabang bahagi ng graph, makikita ang mga lugar na pinasyalan ng pamilya ni Bing. Sa gilid naman nito makikita ang bilang ng oras o tagal na inilagi nila sa bawat lugar. Ang bawat bar sa graph ang nagsasabi kung ilang oras ang inilagi ng pamilya sa isang lugar. Ituro ang iyong daliri sa bar para sa simbahan. Umabot lamang ito sa bilang dalawa (2). Nangangahulugang dalawang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa simbahan. Ilang oras ang inilagi ng pamilya ni Bing sa parke? Saang lugar sila pinakamatagal na nanatili? Gawain 5 Kasama ang iyong mga kamag-aral, subukin ninyong gumawa ng graph na nagpapakita ng bilang ng mga kasapi ng inyong pamilya. Humingi ng papel na hugis parisukat sa inyong guro. Ito ang gagamitin ninyong bar sa gagawing bar graph upang maipakita ang bilang ng kasapi ng inyong pamilya.
  • 12. 12 Ang mga Kasapi ng Pamilya Isulat sa bawat bar ang pangalan ng kasapi ng iyong pamilya at idikit ito sa graph na ilalagay ng inyong guro sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. Tandaan: Ikaw ay bahagi ng isang pamilya. May iba’t ibang kasaping bumubuo sa iyong pamilya. May pamilyang marami ang kasapi. May pamilyang kakaunti ang kasapi. Nato Maki Bert Rosa Mark Malaya Dan Edna Abbi Pat Ron Susan Mila Mong Rina Ben Ned Lito Aris Nena 1 2 3 4 5 6 9 8 7 10 BilangngKasapingPamilya Miko Bea Lina Paolo Tina Pangalan ng Mag-aaral
  • 13. 13 Aralin 1.2: Ang Bahaging Ginagampanan ng mga Kasapi ng Aking Pamilya Pag-isipan Ano-ano ang ginagawa ng mga kasapi ng iyong pamilya sa loob ng inyong tahanan? Gawain 1 Tingnan ang larawan ng dalawang kamay. Isulat ang tawag mo sa iyong ama at ina o tagapag-alaga sa patlang na makikita mo sa itaas ng larawan.
  • 14. 14 Gawain 2 Basahin ang tula na pinamagatang “Ang Aming Mag-anak”, nakuha mula sa http://www.takdang aralin.com/Filipino/mga-tulang- pambata/mga-tula-tungkol-sa-pamilya/. Sa ating tula, ilan ang kasapi ng pamilya?  Sino-sino sila?  Ano ang naramdaman ng pamilya?  Paano mo ito nasabi?  Ano-ano ang ginagawa nila sa isa’t isa? Sa iyong palagay, tama kaya ito? Oo o hindi, bakit? Ang Aming Mag-anak Ang aming mag-anak ay laging masaya. Maligaya kami nina ate at kuya. Mahal kaming lahat ni ama’t ina. Mayroon ba kayong ganitong pamilya? Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan, Tulong ni ama ay laging nakaabang Suliranin ni ate ay nalulunasan, Sa tulong ni inang laging nakalaan .
  • 15. 15 Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Iguhit ang iba’t ibang kasapi ng pamilya. Humingi ng stick sa guro. Idikit ang mga iginuhit sa stick. Ang inyong binuo ay isang halimbawa ng puppet. Gamit ang ginawang puppet, isalaysay ninyo ang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Ipakita rin kung paano nagtutulungan ang bawat kasapi.
  • 16. 16 Gawain 4 Sabay-sabay awitin ang awit na “Masaya kung Sama-sama.” Tandaan: Ang bawat kasapi ng iyong pamilya ay mahalaga. Bawat isa sa kanila ay may bahaging ginagampanan sa inyong pamilya. Masaya kung sama-sama, Sama-sama, sama-sama Masaya kung sama-sama, At nagtutulungan Kay inam ng buhay Kung nagmamahalan Masaya kung sama-sama Ang buong pamilya
  • 17. 17 Aralin 1.3: Ang Aking mga Tungkulin sa Pamilya Pag-isipan Ano ang mga tungkulin mo sa iyong pamilya? Gawain 1 Tingnan ang mga larawan na nagpapakita ng isang araw na gawain sa pamilya ni Ben. Alamin kung ano ang ginagawa ni Ben sa bawat larawan.
  • 18. 18 Ano ang ginagawa ni Ben at ng kaniyang mga kapatid? Sa iyong palagay, tama ba ang ginagawa nila? Bakit? Ano kaya ang nararamdaman ng mga magulang ni Ben sa ginagawa nilang magkakapatid? Alin sa mga gawaing ito ang iyong ginagawa sa inyong tahanan? Ang nasa larawan ay nagpapakita ng mga tungkulin ng bata sa kanilang tahahan. Ang tungkulin ay mga bagay na dapat mong tuparin upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at masayang pagsasama ng inyong pamilya. Ano pa ang mga tungkulin mo sa inyong tahanan?
  • 19. 19 Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa tsart. Alamin kung alin sa mga ito ang nagpapakita na natupad ang tungkulin. Iguhit ang masayang mukha sa larawang nagpapakita na natupad ang tungkulin at malungkot na mukha  naman kung nagpapakita na hindi natupad ang tungkulin.
  • 20. 20 Gawain 3 Tingnan ang tsart ng mga tungkulin sa iyong pamilya. Lagyan ng tsek () ang iyong nagawang tungkulin sa bawat araw.
  • 21. 21
  • 22. 22 Aralin 2: Pagbabahagi ng Kuwento ng Sariling Pamilya Panimula Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa iyong pamilya. Mahalagang tuparin ang iyong mga tungkulin upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at masayang pagsasama ng inyong pamilya.
  • 23. 23 Aralin 2.1: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang mga pangyayari sa inyong pamilya na nagpasaya sa iyo? Gawain 1 Mag-isip ng tatlong nangyari sa iyo kahapon. Iguhit ang mga ito sa kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Ang Tatlong Bagay na Nangyari sa Akin Kahapon
  • 24. 24 Gawain 2 Makinig sa kuwento ng iyong guro tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanyang pamilya.
  • 25. 25 Gawain 3 Tignang mabuti ang larawang nasa ibaba. Ano ang nakikita sa larawan? Sino-sino ang nakikita sa larawan? Anong pangyayari ang nakikita sa larawan? Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan? Bakit? Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa pamilyang nakikita sa larawan? Bakit mo ito nasabi? Ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya ang maituturing na mahalaga?
  • 26. 26 Gawain 4 Pumili ng limang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob ng larawan ng bahay.
  • 27. 27 Gawain 5 Ibahagi sa klase ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya batay sa ginawang timeline. Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi ang kuwento ng buhay ng iyong pamilya? Tandaan: May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ito ng iyong buhay. Makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili.
  • 28. 28 Aralin 2.2: Mga Bagay na Nagbago at Nanatili sa Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang mga bagay o pangyayaring nagbabago o nagpapatuloy sa iyong pamilya? Gawain 1 Ito ang pamilya ni Laya noong isilang siya at noong anim na taon na siya. Alin ang nagbago sa dalawang larawan? Kulayan ito ng berde. Larawan 1: Noong isilang si Laya A B
  • 29. 29 Larawan 2 : Noong anim na taong gulang na si Laya Marami ka bang nakulayan? Gawain 2 Ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang mga napansin mong nagbago at nanatili sa Larawan 1 at Larawan 2 ng pamilya ni Laya. Pareho lang ba ang bilang ng kasapi ng pamilya ni Laya sa letrang A at letrang B ng Larawan 1? Ikumpara ang hitsura ni Laya at ng mga kasapi ng pamilya na nasa letrang A at letrang B ng Larawan 1. Anong pagbabago ang napansin mo sa kanila?
  • 30. 30 Ano ang masasabi mo sa kanilang bahay at sa kapaligiran nito kung ikukumpara mo ang letrang C at letrang D ng Larawan 2? Gawain 3 Mag-isip ka ng tatlong mahalagang pangyayari sa iyong pamilya matapos kang isilang at kanilang makasama. Gumawa ng timeline na nagpapakita ng mga pangyayaring ito. Iguhit ito sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
  • 31. 31 Gawain 4 Tingnan ang ginawang timeline. Tukuyin kung ano ang mga bagay na nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya. Iguhit ang mga nagbago at nanatili sa buhay ng iyong pamilya sa kahon. Ang Buhay ng Aking Pamilya Ano ang nagbago? Ano ang hindi nagbago? Kasapi Tirahan Ginagawa sa loob ng bahay Sa iyong palagay, bakit may mga bagay o mga pangyayari na nagbabago at nananatili? May naiisip ka pa bang mga bagay o pangyayari sa buhay ng inyong pamilya na nagbago at mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago? Tandaan: May mga bagay o pangyayari na nagbabago at nananatili sa buhay ng isang pamilya. Ang pagpapasya ng mga kasapi ng isang pamilya ang nagdudulot ng mga pagbabago o pananatili ng isang bagay o pangyayari.
  • 32. 32 Aralin 2.3: Paghahambing sa Kuwento ng Aking Pamilya at ng Pamilya ng Aking mga Kamag-aral Pag-isipan Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iyong pamilya at pamilya ng iyong kamag-aral? Gawain 1 Iguhit ang iyong pamilya sa loob ng kahon. Kulayan ito. Sa tulong ng iyong guro o kasama sa bahay, punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang makabuo ng kuwento ng iyong pamilya.
  • 33. 33 Ang Aking Pamilya Ako ay nabibilang sa pamilya _________________. (apelyido) Binubuo ang aking pamilya ng ___________ kasapi. (bilang ng kasapi) Nakatira ang aming pamilya sa _______________________________________________ . (lugar ng tirahan) Ang tatay ko ay isang _________________________ . (gawain o hanapbuhay) Ang nanay ko ay isang ________________________. (gawain o hanapbuhay) Ang mga paborito naming ginagawa nang sama- sama ay ________________________________. (paboritong gawain ng pamilya) Ang aming pamilya ay ________________________. (pinakagustong katangian ng pamilya)
  • 34. 34 Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Ibahagi ang kuwento ng iyong pamilya. Sa tulong ng inyong guro, isulat ang inyong ibinahagi sa tsart na makikita sa ibaba. Pangalan ng mga kasapi ng pangkat Apelyido Bilang ng Kasapi ng Pamilya Tirahan Gawain o hanap- buhay ng tatay Gawain o hanap- buhay ng nanay Paboritong gawain ng pamilya May napansin ka bang pagkakatulad at pagkakaiba ng iyong pamilya at pamilya ng iyong mga kamag-aral? May nais ka pa bang ibahaging impormasyon tungkol sa iyong pamilya?
  • 35. 35 Gawain 3 Magdala ng mga pangkulay, gunting, paste, at makukulay na papel o lumang diyaryo o magazine o tuyong dahon. Gamit ang makukulay na papel o diyaryo o magazine o tuyong dahon, gumawa ng isang puno at idikit ito sa isang malinis na papel Iguhit sa loob ng kahon ang mukha ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Gupitin ang mga kahon at idikit ito sa ginawang puno.
  • 36. 36 Family tree ang tawag sa iyong ginawa. Ipinakikita ng family tree ang mga kasapi ng pamilya at ugnayan ng bawat isa.
  • 37. 37 Gawain 4 Ibahagi sa klase ang ginawang family tree. Ipaskil sa pisara o isang bahagi ng silid-aralan ang natapos ninyong family tree ng iyong mga kamag- aral. Pagmasdang mabuti ang mga family tree. Ano ang masasabi mo sa inyong mga nabuong family tree? Bakit kaya magkakaiba ang mga nabuong family tree? Tandaan: May pagkakaiba at pagkakatulad ang katangian ng bawat pamilya. Sa pagkakaibang ito makikita ang namumukod na katangian ng isang pamilya. Nararapat lamang na igalang ang katangian ng bawat pamilya.
  • 38. 38 Aralin 3: Ang mga Alituntunin ng Aking Pamilya Panimula
  • 39. 39 Aralin 3.1: Ang Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang mga dapat at di dapat gawin sa loob ng inyong bahay? Gawain 1 Pagmasdan ang sumusunod na larawan. Alin sa mga ito ang iyong ginagawa sa bahay? Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong ginagawa sa bahay. Bakit mo ginagawa ang nasa larawang iyong kinulayan? Ang mga ugali o gawi na ipinatutupad ng iyong magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag na alituntunin. May naisip ka pa bang alituntunin na ipinatutupad sa inyong pamilya? Ano ang mga ito?
  • 40. 40 Gawain 2 Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon. Lagyan ng tsek () kung alin sa mga ito ang ipinatutupad at ginagawa sa inyong bahay.
  • 41. 41 G. Magsabi ng “po” at opo” sanakatatanda H. Gawin muna ang takdang aralin bago maglaro I. Iligpit ang mga laruan matapos laruin Maaari po ba akong sumama?
  • 42. 42 Gawain 3 Tukuyin kung anong uri ng alituntunin kabilang ang mga sinagutan mo sa Gawain 2. Isulat ang letra sa ikalawang hanay ng tsart na makikita mo sa ibaba.
  • 43. 43 Gawain 4 Pumili ng isa sa iyong mga kamag-aral. Ibahagi sa isa’t isa ang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong pamilya. Alamin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga alituntuntuning ito. Tandaan: May iba’t ibang alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya. Nararapat lamang igalang ang mga alituntunin ng iyong pamilya at maging ng ibang pamilya.
  • 44. 44 Aralin 3.2: Ang Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Alituntunin ng Aking Pamilya Pag-isipan Bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng iyong pamilya? Gawain 1 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Ilaw at ang Gamugamo.” Anong sinabi ng matandang gamugamo sa batang gamugamo? Anong ginawa ng batang gamugamo? Bakit hindi sinunod ng batang gamugamo ang sinabi ng matandang gamugamo? Ano kaya ang naramdaman ng matandang gamugamo sa hindi pagsunod ng batang gamugamo?
  • 45. 45 Anong nangyari sa batang gamugamo? Kung ikaw ang batang gamugamo, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit? May mga pagkakataon ba na, tulad ng batang gamugamo, hindi mo rin sinusunod ang payo o utos sa iyo ng iyong nanay o tatay? Ikuwento mo nga ang iyong karanasan. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin ng inyong pamilya? Gawain 2 Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng pamilya.
  • 46. 46 Gawain 3 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Bawat kasapi ng pangkat ay maglalaro ng binagong “Snakes and Ladders.” Makinig sa panutong sasabihin ng inyong guro para sa larong ito. Ano ang naramdaman mo habang nilalaro ang binagong Snakes and Ladders? Ano ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng pagsunod sa alituntunin? Ano naman ang nangyayari kapag natapat ang iyong pamato sa larawang nagpapakita ng hindi pagsunod sa alituntunin?
  • 47. 47 Gawain 4 Magpatulong sa guro upang mapunan ang patlang sa liham na naglalaman ng pangako mo sa iyong magulang o tagapag-alaga. Mahal na _____________________ , Ipinangangako ko na simula sa araw na ito, ___________________ , susundin ko ang sumusunod na Isulat ang petsa ngayon alituntunin sa ating pamilya: 1. ________________________________________ 2. ________________________________________ 3. ________________________________________ ________________________________________ Isulat ang buong pangalan ________________________________________ Papirmahan sa magulang o tagapag-alaga Tandaan: Mahalaga ang mga alituntunin. Nagkakaroon ng kaayusan at katahimikan sa pamilya kapag sinusunod ng mga kasapi ang mga ito.
  • 48. 48 Aralin 4: Pagpapahalaga sa Pamilya Panimula
  • 49. 49 Aralin 4.1: Ipinagmamalaki Ko ang Aking Pamilya Pag-isipan Ano ang maipagmamalaki mo sa iyong pamilya? Gawain 1 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Isadula ang mga katangian ng isang mabuting pamilya na nakatakda sa inyong grupo. Pangkat 1- Pamilyang mapagmahal Pangkat 2- Pamilyang may takot sa Diyos Pangkat 3- Pamilyang matulungin sa kapwa Pangkat 4- Pamilyang may pagkakaisa Pangkat 5- Pamilyang mapagkakatiwalaan
  • 50. 50 Gawain 2 Alin sa naisadulang mabubuting katangian ng isang pamilya ang katangian din ng iyong sariling pamilya? Lagyan ng tsek () ang mga larawang nagpapakita nito. May iba ka pa bang naiisip na mabubuting katangian ng iyong pamilya?
  • 51. 51 Gawain 3 Anong mga gawain ang nagbibigay ng saya sa iyong pamilya? Iguhit ang dalawa sa mga bagay na ito sa loob ng kahon sa ibaba. Maaari ring magdala ng larawan ng masasayang gawain ng inyong pamilya. Halimbawa, namamasyal nang sama- sama, nagsisimba, gumagawa ng gawaing-bahay, at iba pa. Pumili ng isa sa mga larawang iyong iginuhit at isalaysay sa klase ang kuwentong ito ng inyong pamilya.
  • 52. 52 Gawain 4 Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa iyong pamilya. Sa tulong ng iyong guro, punan ang mga patlang sa liham na nasa loob ng kahon. Tandaan: Ang bawat pamilya ay may taglay na mabubuting katangian. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang pamilyang iyong kinabibilangan. Sa aking mga mahal na ____________________, (pangalan ng mga kasapi ng pamilya) Maraming salamat sa ________________________________________________ ________________________________________________ ______________________________________. (Ano ang mga nagawa o naiparamdam sa iyo ng mga kasapi ng iyong pamilya na dapat mong pasalamatan) Ipinagmamalaki ko ang ating pamilya! Nagmamahal, ___________________________ (Isulat ang iyong pangalan)
  • 53. 53 Aralin 4.2: Ang Mabuting Pakikipag-ugnayan ng Aking Pamilya sa Ibang Pamilya Pag-isipan Bakit mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya? Gawain 1 Kumuha ng isang malinis na papel. Iguhit ang larawan ng iyong pamilya. Pagsama-samahin ang mga larawang iginuhit ninyo ng iyong mga kamag- aral. Bumuo ng letrang P, ang unang letra ng salitang pamilya, gamit ang larawang iginuhit mo at ng iyong mga kamag-aral. Idikit ito sa isang bahagi ng inyong silid-aralan. Alam mo ba ang tawag dito? Ang inyong ginawa ay isang uri ng sining na tinatawag na mosaic. Ang mosaic ay pinagdikit-dikit na larawan upang makabuo ng isang hugis o pattern.
  • 54. 54 Gawain 2 Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro na pinamagatang “Ang Pamilyang Ismid” na sinulat nina Ramoncito Serrano at Rene O. Villanueva at iginuhit ni Sammy Esquillon. Ilan ang kasapi ng pamilyang Ismid? Ano ang paboritong gawin ng pamilyang Ismid? Ano ang problema sa lugar na tinitirahan ng pamilyang Ismid? Bakit hindi sila nakikipagtulungan sa iba pang pamilya sa kanilang lugar? Ano ang nangyari sa pamilyang Ismid isang gabi habang sila ay natutulog? Sino ang tumulong sa pamilyang Ismid? Kung isa ka sa mga kasapi ng pamilyang Ismid, ano ang mararamdaman mo sa ginawa sa iyong pamilya ng inyong mga kapitbahay? Bakit?
  • 55. 55 Gawain 3 Maglaro tayo ng Paint Me a Picture. Alam mo ba ang larong ito? Sa Paint Me a Picture ang mga kasali sa laro ay bubuo ng larawan ng isang pangyayari gamit ang kanilang katawan. Bumuo ng pangkat na may walong kasapi. Magpakita ng isang pangyayari na naglalarawan nang naidudulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng isang pamilya sa iba pang pamilya. Kapag sinabi ng inyong guro na “1, 2, 3, Paint Me a Picture”, ipakita ang napili ninyong pangyayari. Huminto sa paggalaw hanggang sabihin ng inyong guro na maaari na kayong muling kumilos. Pahulaan sa mga kamag-aral kung ano ang ipinakitang larawan ng inyong pangkat.
  • 56. 56 Gawain 4 Pagmasdan mo ang larawang nasa ibaba. Ano ang ipinakikita ng larawan? Bakit masaya ang mga taong nasa larawan? Bakit mahalagang nagkakasundo at nagtutulungan ang bawat pamilya? Tandaan: Mahalagang panatilihin ang mabuting pakikipag-ugnayan ng iyong pamilya sa iba pang pamilya. Sa pamamagitan nito, napananatiling masaya at tahimik ang inyong lugar. Ang iba’t ibang pamilya rin ang nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
  • 57. 57 Ang Aking mga Nagawa at Natutuhan: Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon ng iyong sagot. Nagamit ko ang mga kasanayang ito: 1. Nasunod ko ang mga panuto. 2. Nagamit ko ang aking kasanayan sa sining. 3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking mga kamag- aral. 4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro. 5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kamag-aral. 6. Nasuri ko ang iba’t ibang larawan. 7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang pangyayari. 8. Natukoy ko ang mga bagay na nagbago at nanatili sa aking pamilya. 9. Napahalagahan ko ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat pamilya. 10. Naipaliwanag ko ang iba’t ibang bagay tungkol sa aking pamilya. Mag-aaral Guro
  • 58. 58 Nagawa ko ang mga bagay na ito: 1. Nasabi ko ang mga impormasyon tungkol sa aking pamilya. 2. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan. 3. Nakagawa ako ng stick puppet. 4. Naisadula ko ang mabuting katangian ng pamilya. 5. Naikumpara ko ang kuwento ng aking pamilya sa kuwento ng pamilya ng aking mga kamag-aral. 6. Naipagmalaki ko ang aking pamilya. 7. Nakagawa ako ng bar graph. 8. Nakabuo ako ng timeline. 9. Nakagawa ako ng graphic organizer. 10. Nakagawa ako ng mosaic. 11. Nakasulat ako ng liham pasasalamat sa aking magulang. 12. Nakagawa ako ng family tree. 13. Nakabigkas ako ng isang tula. 14. Nakaawit ako ng isang kanta. Mag-aaral Guro
  • 59. 59 Naipahahayag ko ang mga ito: 1. Nasasabi kong binubuo ng iba’t ibang kasapi ang isang pamilya. 2. Nasasabi kong may iba’t ibang tungkuling ginagampanan ang bawat kasapi ng pamilya. 3. Nasasabi kong may mga bagay na nanatili at nagbago sa isang pamilya. 4. Nasasabi kong may iba’t ibang Alituntuning ipinatutupad sa bawat pamilya. 5. Nasasabi kong mahalaga ang mabuting ugnayan ng bawat pamilya sa isang pamayanan. 6. Naipagmamalaki ko at napahahalagahan ang aking pamilya. 7. Iginagalang ko ang mga katangian at paniniwala ng ibang pamilya. Komento ng iyong guro: ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ _____________________. Mag-aaral Guro