2. Sa isang malayong lugar
merong matandang mag-
asawa na ang tanging
ikinabubuhay ay paggawa
ng mga sapatos. Masaya
ang mag-asawa, ngunit sa
hindi inaasahan, naubusan
sila ng mga parokyano na
bibili sa kanilang nagawang
sapatos. Halos wala silang
pambili ng mga materyales
upang maka gawa ng
dalawang pares ng sapatos.
3. Umabot na sa halos
hating-gabi sa kakaisip
ang lalaki, hininto at
iniwan na lang ang
kanyang ginagawang
sapatos sa mesa upang
magpahinga at dahil
pagod na rin. Sinabi na
lang ng lalaki sa sarili na
ipagpatuloy na lang ang
kanyang ginagawa
kinabukasan.
4. Minsan, sa sobrang-
kapos ng materyales,
naisipan ng lalaki na
gumawa ng
pambatang pares na
sapatos. Halos
magdamag pinag-
isipan ng lalaki kung
paano gumawa ng
magandang sapatos
upang kumita ng
malaki at makabili ng
pagkain.
5. Kinabukasan, nagulat
ang lalaki sa kanyang
nakita, isang
napakagandang
pambatang sapatos ang
sumambulat sa kanya.
Sinuri niya mabuti ang
magarang sapatos at
halos perpekto ang
pagkagawa. Agad na
sinabi sa kanyang
asawa, subalit, halos
hindi rin naniwala.
6. At ibinenta sa
isang kakilalang
mayaman sa
kanilang lugar.
Malaking halaga
ang ibinayad ng
mayaman sa
pagbili ng
sapatos.
7. Sa sumunod na araw,
bumili ang lalaki ng mga
materyales upang
gumawa uli ng
ibebentang sapatos at
kasama na ang asawa.
Umabot sila hanggang
hating-gabi sa paggawa
ng sapatos ngunit walang
natapos. Iniwan nila ang
mga ginagawa upang
ipagpatuloy na lang sa
kinabukasan.
8. Ngunit, nang
gumising ang
dalawa, nakita nila
ang mga pares ng
napakagandang
sapatos. Kanila itong
ibenebenta at
natutuwa sila tuwing
nauubos ang mga
inilalakong sapatos.
9. Mula noon iniiwan na lang
ng mag-asawa ang mga
materyales at hindi sila nabigo
na makakakita mga yaring
sapatos na kanila naman
ibebenta. Dahil dito, yumaman
at naging tanyag ang mag-
asawa sa larangan ng
paggawa ng sapatos. Walang
sapatos ang hindi naibebenta
at sumikat sila kahit mga taga-
ibayong lugar ay pumupunta
sa kanilang tindahan upang
bumili ng sapatos.
10. Isang araw naisipan
ng mag-asawa na
alamin kung sino ang
tumutulong sa kanila
sa paggawa ng
sapatos. Nag-iwan sila
ng mga materyales,
binantayan at nagtago
upang di makita.
Halos di
makapaniwala sa
kanilang nakita.
11. Dalawa pa lang mag-
asawang duwende ang
gumagawa tuwing hating-
gabi ng sapatos. Masipag
ang mag-asawang
duwende, pino ang mga
napakaputing
sintas, malinis ang
pagkagawa.
Ngunit, naawa ang mag-
asawa sapatero dahil ang
damit ng mag-asawang
duwende ay tila basahan
at nangangayat na ang
12. Kinabukasan naisipan
ng lalaki na
pasalamatan ang mag-
asawang duwende.
Gumawa sila ng
napakagarang mga
damit na babagay sa
dalawa, bumili sila ng
isang napakalaking
tinapay at isang bote ng
gatas. Iniwan nila ito
pagsapit ng hating-gabi.
13. Tuwang tuwa ang mag-
asawang duwende sa
mga regalo. Halos
magtatalon sa tuwa ang
lalaking duwende at
habang umiiyak naman
ang babae.
14. Simula noon hindi na
nakita ng mag-asawang
mga duwende, ngunit,
pinalad naman sila
kanilang buhay at lalong
matagumpay sa
kanilang hanapbuhay.
15. Aral: Pasalamatan ang mga taong
tumutulong kahit hindi sa materyal
na bagay kundi sa simpleng
pasasalamat na galing sa puso
upang maipakita lang ang
pagkagalak dahil sa tulong na
ibinigay.