SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  17
Edukasyong Pangkalusugan 3
Ikaapat na Markahan
Leson 1: Paggulong at Paghagis ng Bola
Una – Ikalawang Linggo
I. Layunin
A. Maipakita sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga kilos na
nagpapagulong at paghahagis ng bola.
II. Paksang Aralin:
A. Paksa: Mga Tao, Mga Bagay, Musika at Kapaligiran
B. Mga Kagamitan: Bola, CD
C. Kahalagahan: Pagiging handa at matatag, sumunod saa mga
panuto
III. Pamamaraan
Unang Linggo
A. Panimulang Gawain
Pampasiglang Ehersisyo
Ipagawa sa mga bata ang pag-iikot ng mga braso. Hayaan
magbuo ng apat na hanay. Ipagawa ang mga sumssunod: Mga
kamay sa harap, sa gilid at sa taas. Gawin ng labindalawang
bilang.
1. Gawin ang mahabang hakbang, mga kamay sa baywang
2. Ibaluktot ang katawansa kaliwa (4 na bilang); ibaluktot sa
kanan(4 na bilang)
3. Tumayo ng tuwid; mga kamay sa tagiliran; iikot ang mga kamay
pasalungat
(clockwise-8 bilang) at pakaliwa (counter clockwise-8 bilang)
B. Mga Gawain sa Pagkatuto
Unang Gawain: Paggulong
1. Pangkatin ang mga bata sa walo. Paglaruin sa posisyon.
2. Ang koponan ay magkaharap. Paggulungin ng manlalaro 1 ng
pangkat B. Ang manlalaro bilang 1 ng pangkat B ay hahawak
ng bola at pagugulungin sa manlalaro bilang 1 ng pangkat A.
Tanong:
Paano ninyo pinagulong ang bola? Ano ang inyong posisyon
nang gawin mo ang pagpapagulong?
Hayaang talakayin ang mga mag-aaral kung paano
pinagulong ang bola at ituro sa kanila ang tamang
pagpagulong ng bola.
Ikalawang Gawain: Paghagis ng Bola
( Ang gawaing ito ay nakakadagdag-kaalaman ng
paghahagis)
1. Pangkatin ang klase sa dalawa.
2. Gumawa ng dalawang hanay na magkakaharap ang isa’t -isa.
3. Ihagis ang bola ng unang kasapi sa kapareha.
4. Ihahagis naman ng nakasalo sa susunod na miyembro sa
katapat na pangkat hanggang sa huling kasapi.
5. Ang kasapi ng pangkat na hindi makasalo ng bola ay siyang
aalisin sa grupo.
6. Ang pangkat na may pinakamaraming kasapi na natitira ang
siyang panalo sa laro.
Pagkatapos ng gawaing ito, tatalakayin ng mga bata kung
ano ang kanilang napagmasdan sa paghagis ng bola habang
nasa kinatayuan.
Itanong:
Alin ang mas madaling gawin; ang pagpagulong ng bola
o ang paghagis ng bola? Bakit?
Paglalahat:
Dapat nasa tamang posisyon ang paghahagis ng bola at
ito ay maihagis sa tapat ng dibdib ng tagasambot.
Sa pagpapagulong, ibaluktot ang likod, iindayog ang
braso habang hawak ang bola at iitsa.
Pangwakas na Gawain:
Pangkatin ang mga bata sa apat. Sanaying mabuti ang
paggulong at paghahagis ng bola.
Ikalawang Linggo:
Pagsasanay:
Manatili sa kani-kanilang pangkat, magsasanay sa
pagpagulong at paghahagis ng bola.
Mga alituntunin ng Laro:
Pagugulungin ng unang manlalaro sa manlalaro bilang 2 at
ihahagis sa manlalaro 1. Sasambutin niya ang bola at iit Pumutol
ng mga sa sa likod ng manlalaro 2. Uulitin ng ibang manlalaro ang
pamamaraan ng paglalaro.
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek (/) kung tama at ekis (xpulispp) kung mali ang
ginawang awain.
Edukasyong Pampalakas 3
Ikaapat na Markahan
Aralin 2
I.Layunin
A. Maisagawa/maipakita ang kasanayan sa balanseng pagtatalon.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Tao, Bagay, Musika at Kapaligiran
B. Sanggunian : MAPEH 5, pahina 208 – 209 by.Orlando Abonet.et.al
C. Kagamitan: upuan/kahon
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Warm – Up Exercise
Hayaan ang mga bata na magpakita ng pagbaluktot at pagtalon.
1. Ilagay ang kamay sa baywang at ibaluktot ang tuhod ng walong
(8)bilang.
2. Itaas ang mga kamay, ibaluktot ang tuhod at tumalon. Gawin ito
ng tatlong beses.
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatin ang klase sa apat.
2. TTumawag ng tatlong bata. Isagawa ang wastong pagtalon sa
sahig,magsimula sa bangko/upuan aat kahon.
3. Gawin ang wastong pagtalon ng pangkat – pangkat.
C. Pagsusuri
Itanong: Paano isasagawa ng pangkat ang mga gawain?
Naisasagawa niyo ba ang pagtalon ng balance sa sahig?
Ano ang ginawa mo upang magkaroon ng balanseng
katawan sa
pagtalon?
Talakayin sa mga bata ang kahulugan ng pagtalon.
D. Paglalahat
 Ano ang pagtalon?
 Ano ang kailangan ninyong gawin upang maging ligtas ang
pagbaba sa bangko/upuan?
PAGTALON(Jumping)
 ay ang paglundagng paa, o parehong (2)paa sa
sabayang bagsak.
ng (2) paa. Ang pagbaba ng (2) parehong paa na ang
tuhod ay flexed.
Ito ang mga dapat tandaan sa pagtalon mula sa iba’t – ibang taas.
1. Ibaluktot ng dahan - dahan ang mga tuhod na bahagyang nakahilig
sa sa harap.
2. Nakataas ang dalawang paa ng mga bata.
3. Ang katawan ay hindi dapat tuwid.
4. Ang kamay ay tuwid para huwag puwersahin.
5. Maaaring gumalaw paharap sa pagbaba.
E. Paglalapat
Gawain 2: Pagtalon at Pagbaba ng balance
1. Pangkatin ang mga bata sa lima (5).
2. Ang bawat kasapi ng pangkat ay tatayo sa ibabaw ng upuan o
kahon.
3. Bibilang ang guro ng tatlo 1, 2, 3, go!, ang mga bata ay tatalon
na may balanseng pagbaba.
( Titingnan ng guro kung naisagawa ng mga bata ang pagtalon
na may balanseng pagbaba ).
4. Gagawin ng mga naiwang bata sa bawat pangkat ang katulad
sa act ivity.
Itanong: Naisagawa niyo ba ng wasto ang pagtalon na may
balanseng
pagbaba?
IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek(√ ) ang bawat tanong kung ito ay tama at
ekis( x )naman
kung mali.
Mga Tanong Oo Hindi
1. Naisagawa mo ba
ng maayos ang
pagtalon at
pagbaba na may
balance?
2. Nasa wastong
ayos/posisyon ba
ang inyong
balakang, tuhod at
sakong sa pagtalon
ninyo?
V.Takdang Aralin/Kasunduan
Magsanay/magpraktis tumalon ng may balanseng pagbaba.
I.A. Maisagawa ang pagkaunawa sa mga pangunahing kasanayan sa balibol.
B. Makilala ang mga pangunahing kasanayan sa balibol, paghagis, pagsalo
at pagtalbog ng bola
C. Maisagawa ang mga pangunahing kasanayan na ginagamit sa balibol,
paghagis, pagsalo at pagtalbog.
D. Maipakita ang pagkamaintindihin sa pagsasagawa ng kasanayan salarong
balibol.
II. Kasanayan sa Paggalaw.
Pangunahing kasanayan sa Balibol.
( Pagsalo, Paghagis at Pagtalbog)
Kagamitan: Bola
Sanggunian: MAPEH grade5 pp.30-31 by Orlando Abon et.al
Pagpapahalaga: Pagiging Listo at Pagkakaisa
Week 3
I.Gawain sa Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Tuntunin Pangkaligtasan
1. Siguraduhing ligtas ang ang palaruan, walang basag na salamin o bote,
matalas na bato at iba pang magdudulot ng kapamahakan.
2. Gumamit ng pananggalang pangkaligtasan sa lahat ng laro.
(Pangkundisyong ehersisyo)
Hayaan ang mga bata na mag-ehersisyong pangkondisyon katulad ng
pag unat, pagbaluktot, pagtalbog at pag jogging.(Gawin sa lantad na
lugar)
B. Panlinang na Gawain
Hayaan ang mga bata na paunlarin ang kanilang kasanayan sa
pagtalbog ng bola.
Gawain 1 Pagtalbog ng bola pass relay
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
2. Ang unang pangkat ng manlalro sa isang koponan ang hahawak ng
bola at patatalbugin niya ito ng tatlong beses sa sahig, pagkatapos ay
ihahagis niya ito pabalik ng lampas ulo sa pangalawang manlalaro.
3. Sasaluhin ng pangalawang manlalaro ang bola,patatalbugin ng 3 beses
at ihahagis sa ikatlong manlalaro.
4. Uulitin lahat ng natitirang manlalaro ang ginawa ng mga naunang
manlalaro.
5. Tatakbo sa unahan ang huling manlalaro na mapapasahan ng bola.
a. Tatakbo sa unahan ang huling manlalaro na mapapasahan ng bola.
b. Ano naramdaman mo nang magpatalbog ng bola? lampas ulong
pinabalik sa susunod na manlalaro?
c. Anong kakayahan ang napaunlad sa gawaing ito?
Gawain 2 (Pagpalo at Paghagis ng Bola)
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.
2. Isang bata ay nasa pagitan ng dalawang manlalarong nasa labas
ang magpapalo at ipapasa sa sa isa’t isa.
3. Ang nasa gitnang manlalaro ay haharang sa bola.
4. Ang mga manlalaro mananatili sa kanilang mga lugar, kapag lumabas
ang bola bawas na puntos sa pangkat ng manlalarong maipalabas
ang bola.
5. Tatanggap ng 1 puntos ang koponan na umatake tuwing maipapasa
at maihahagis ang bola nang 5 beses sa isang hanay.
6. Ang depensang koponan ay magkakaroon ng 1 puntos kapag
naharangan ang pagpasa at pagpalo.
7. Ang koponang unang makalimang puntos ang panalo.
C. Pagsususri/ Abstraksyon
Hayaan ang mga bata na talakayin at maibahagi kanilang mga nalaman
sa pagmamasid sa iba’t ibang gawain.
Nagustuhan ninyo ba ito?Ano ang dapat gawin ng manlalaro sa “paghagis” at
pagpasang patalbog ng bola?
Ikaapat na linggo
D.Paglalapat
Hayaang ang mga batang magsanay sa “pagpasang patalbog at
“paghagis” sa loob ng sampung magkasunod na beses.
E.Paglalahat
Anu- ano ang pangunahing kasanayan sa balibol at ang wastong posisyon?
a. Bouncing/Pagtalbog ng bola- ito ay pagbalik ng bola pagkatapos mong
hampasin ng kamay ang bola.
 Nakatayo , magkadikit ang paa at ang palad na ginamit sa pagtalbog
ng bola.
b. Volleying-
 Nakatayong nakabikaka na ang kaliwang paa ay nasa unahan.
c. Tossing/Paghagis ng bola ng lampas ulo at pagtama sa bola na nakaunat
ang bisig.
 Nakabaluktot ang tuhod at bahagyang ihilig ang katawan. Isang
hakbang paatras ang maaring gawin ng alinmang paa. Upang
maibigay sa bola, ituwid ang mga katawan kasabay ng pagtaas na
pag unat ng mga bisig.
IV. Pagtataya
Sukatin ang kakayahan ng mga bata gamit ang rubriks
Pangkat Napakahusay
10 puntos
Mahusay
8 puntos
Hindi
gaanong
mahusya
6 puntos
Kinakailangan
ng patnubay
4 puntos
V.Takdang Aralin
Magsanay pang mabuti sa mga pangunahing kasanayan sa balibol katulad
ng pagpasang patalbog,and paghagis o paitsa.
Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 6
40 minutes/ 1 meeting per week
I. Layunin
Maisagawa ang gawaing luksong lubid
II. Paksang – Aralin
A. Paksa: Mga Kasanayan sa Paggalaw (Luksong Lubid)
B. Kagamitan: 1 metro na lubid
C. Pagpapahalaga: pagiging maliksi at listo
III. Gawain sa Pagkakatuto:
A. Pangunahing Gawain:
1. Pangkatin ang mga bata sa 4
Pangkat 1 at 2 tatalon paharap ng 16 counts
Pangkat 3 at 4 tatalon palikod ng 16 counts
2. Tumalon tayo sa ating lugar ng 16 counts
( Ipaliwanag at ipakita muna ang tamang paraan ng pagtalon)
Talon - patulak paitaas ng mga paa sa tulong ng pag indayog
ng mga bisig at pagsayad ng marahan sa lupa.
B. Paglinang na Gawain:
Gawain 1: Luksong lubid
1. Gawin ito ng may kapareha.
2. Ang unang kapareha ay hahawan ang lubid hanggang
baywang.
3. Iduyan ang braso habang pinapaikot ang lubid isagawa ang
pag talon sa lubid ng maayos.
4. Ang manlalaro na makakukuha ng maraming matagumpay ng
pag talon ang siyang mananalo.
C. Pagsusuri
1. Itanong ang mga sumusunod pagkatapos pagkatapos ng
gawain
a. Paano isinagawa ng bawat miyembro ang mga gawain?
b. Ano ang ginawa ninyo upang makakuha ng puntos?
c. Bakit hindi ninyo tinapakan ang lubid?
D. Paglalahat:
Ano ang mga pamantayan na dapat sundin tuwing nagpapakita
o nagsasagawa ng Luksong lubid?
E. Paglalapat:
Isa-isang ipagawa sa mga bata ang luksong lubid.
I. Pagpapahalaga
Humanap ng kapareha isagawa ang Luksong Lubid. Bigyan ng
katumbas na marka sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek(/).
Kasanayan Mga Tanong Yes No
Luksong lubid Naitulak mo ba paitaas ang
ang iyong paa naisayad ng
marahan ang iyong paa sa
lupa?
Tinapakan mo ba ang lubid
habang nagsasagawa ng
Luksong lubid?
IV. Kasunduan:
Magsanay at magsagawa ang Luksong Lubid.
Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 7
40 minutes/ 1 meeting per week
I. Layunin
1. Mailarawan ang hakbang pansayaw ng Tiklos
2. Maisagawa ang simpleng katutubong sayaw tulad ng Tiklos
II. Paksang – Aralin
A. Aralin: Simpleng Katutubong Sayaw (Tiklos)
B. Sanggunian: Philippine Folk Dances, Vol.2 pp 128-129
C. Kagamitan: CD, CD player,palda para sa mga babae
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bansa
III. Paksang- Aralin
A. Pangunahing Gawain
Hayaan ang mga bata na isagawa ang mga pangunahing
posisyon ng mga kamay at paa sa katutubong sayaw
B. Panlinang na Gawain
Gawain 1: Sumunod sa Ritmo
a. Hayaang makinig ang mga bata sa musika.
b. Ipapalakpak ang batayang kumpas 2/4
c. Hayaang matutunan ng mga bata ang kasanayan sa pag
bilang ng (1-4)
Gawain 2; Alamin natin ang hakbang pansayaw
a. Pangkatin ang mga bata sa 5.Humanap ng kapareha at
pagsuotin ng palda ang mga babae.
b. Kasabay sa saliw ng musika, ituro sa nga bata ang
simpleng hakbang sa pagsayaw
Musika A. (Ang magkapareha ay haharap sa unahan. Ang mga babae
ay nakahawak sa palda, habang ang mga kamay ng lalaki ay nasa
beywang)
a. Gamit ang kanang paa, gumawa ng 2 heal and toe change steps
paharap
1-4
b. Isagawa ang change step sideward R & L
1-2
c. Simula sa kanang paa, gumawa ng apat na hakbang
Pabalik sa sariling lugar
1-2
d. Ulitin lahat (a-c)
1-8
Musika B ( Humarap sa kapareha, ang posisyon ay katulad ng sa
Musika B)
a. Cut L palikod, cut R paharap ulitin lahat
1-2
b. Lumundag ng tatlo pakanan,
1-2
c. Ulitin ang A at B pa punta sa kaliwa
1-4
d. Uliti muli lahat (a-c0
1-8
C. Pagsusuri
Paano ninyo isinagawa ang gawain?
Naisagawa ba ninyo ang pag palakpak ng may batayang
kumpas na 2/4?
Naisagawa ba ninyo ang mga hakbang ng maayos?
Napahalagahan ba ninyo ang kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng sayaw?
Paano ninyo maipapakiya ang pagmamahal sa bayan?
D. Paglalahat
Ano ang mga pangunahing hakbang sa hakbang pansayaw ng
Tiklos
Paano ninyo isinagawa ang mga hakbang na pansayaw?
E. Pangwakas na Gawain:
Hayaang magsanay ang mga bata ng hakbang na pasnsayaw
para sa kanilang performance.
Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 8
41 minutes/ 1 meeting per week
I. Layunin
A. Mailarawan ang hakbang pansayaw ng Tiklos
B. Maisagawa ang simpleng katutubong sayaw tulad ng tiklos
II. Paksang – Aralin
A. Aralin: Simpleng katutubong sayaw (Tiklos)
B. Sanggunian: Philippine Folk Dances, Vol.2 pp 128-129
C. Kagamitan: CD, CD player,palda para sa mga babae
D. Pagpapahalaga: pagmamahal sa bansa
III. Gawain sa Pagkakatuto:
A. Pampasiglang Gawain:
Balik – aralan ang mga batayang hakbang sa sayaw na Tiklos.
B. Pagtataya:
Isasagawa ng bawat pangkat ang sayaw na Tiklos na may saliw
ng musika.
IV. Pagtataya:
Bigyan ng kaukulang grado ang performance ng bawat
Pangkat gamit Rubric sa ibaba.
Itsek ang kahon ang kahon na katumbas ng kanilang
ipinakitang performace.
Group Very
Good
Good Fair Needs
Improvement
Poor
(Nakasusunod
sa lahat
batayang
hakbang
ng sayaw
ng wasto)
( Hindi
nakasunod
ng isa
sa mga
batayang
hakbang
Ng sayaw)
( Hindi
nakasunod
sa
dalawang
batayang
hakbang
ng sayaw)
(Hindi
naisagawa
batayang
hakbang
ng sayaw
kailangan
pagsubayba
Ng guro)
( Hindi
naisagawa
ang
batayang
hakbang
ng
sayaw.
Karagdagang
Pagsasanay)
10 puntos 8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos
V. Kasunduan:
Sanayin pa ang mga batayang sayaw upang makabisado ito.
PHYSICAL EDUCATION 3 / 4th Quarter Lesson 9
Time Allotment: 40 minutes/ 1 meeting per week
I Layunin:
1. Maisagawa ang pagtaga at pag-ilag sa releys at karera
2. Makalahok sa larong pagtaga ,pag-ilag sa releys at karera
II Paksang Aralin
Paksa: Releys at Karera
Sangganuian: Physical Education Handbook, p. 158 by Belmonte, Paz
Kagamitan: Junior Ball, CD
Pagpapahalaga: Teamwork, pagiging alisto at pagigingmaasikaso
III Pamamaraan
A. Paunang Gawain
1. Payak na ehersisiyong pangkondisyon
(Isagawa ng may musika)
a. Ipasagawa sa mga bata ang sumusunod:
1. Tumayo nang tuwid na magkalayo ang mga paa, ilagay ang
kamay sa bewang at ibaluktot ng dahan-dahan ang katawan ng
pakanan at pakaliwa. ( 8 counts)
2. Tumayo nang tuwid bahagyang magkalayo ang mga paa,
ituwid ang ulo ,ilagay ang kamay sa bewang at iikot ang balikat
ng paunahan at palikod ( 8 counts)
3. Tumakbo sa puwesto ( 8 counts)
b. Itanong ang sumusunod:
1. Ano ang naramdam nyo pagkatapos ng ating ginawa?
2. Bakit kailangan natin isagawa ang ehersisyong pangkondisyon?
3. Bakit mahalaga ang ehersisyong pangkondisyon?
2. Balik-aral
a. Ipagawa sa mga bata ang paraan kung paano ang pagtaga
at pag-ilag sa releys at karera
b. Mula sa kanilang sinabi kukunin ang kahulugan ng releys at
karera.
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin sa mga mag-aaral na sila ay may isasagawang gawain.
2. Ipaliwanag ang tuntuning pangkaligtasan ng laro.
a. Siguraduhing ligtas ang palaruan, walang basag na salamin o
bote, matalas na bato at iba pang bagay na magdudulot ng
kapahamakan.
b. Gumamit ng pananggalang sa lahat ng larong isasagawa
c. Ipaalala sa bata ang tamang paraan ng pagtaya upang
maiwasan ang magkasakitan.
Gawain 1: Bulldogs
Paraan ng Paglalaro
1. Magtalaga ng tatlong manlalarong taga-huli sa gitna ng
minarkahang lugar.
2. Ang ibang manlalaro ay pupuwestosa magkabilang dulo.
3. Kapag nataga ang manlalaro siya ay mabibilang sa tagahuli.
4. kapag tatlo na lang ang natitira sila ay magiging taya.
(picture)
Tandaan: Ito ay isang laro na nagtuturo sa mga mag-aaral na
maging listo upang hindi mataga.
Gawain 2: Pagtakbo nang may bola
1. Pangkatin sa apat na grupo ang mga mag-aaral.
2. Simulan ang laro ng magkatapat ang bawat miyembro grupo
3. Ang unang manlalaro ay tatakbo papunta gitna dala ang bola,
at iiwan ito sa gitna, ang unang manlalaro ng ikalawang pangkat
ay sasama matapos ang hudyat.
4. Ang unang manlalaro ng ikalawang pangkat ang siya naming
pupunta sa gitna upang kunin ang bola at ipapasa sa unang
grupo.
5. Matatapos ang laro kapag ang lahat ay nakapgsagawa na.
6.Ang unang pangkat na natapos ang siyang mananalo..
Pagkatapos ng gawain, itanong ang sumusunod:
1. Ano ang masasabi nyo sa ating ginawa?
2. Ano ang inyong ginawa upang hindi ka mataga o makailag sa
inyong kalabang koponan.
3. Nataga nyo ban g maayos ang inyong kalabang koponan?
4. Anong ginawa ng inyong grupo upang manalo?
5. Anong magandang katangian ang inyong natutunan sa laro?
C. Paglalahat
 Paano ninyo tinaga ang labanang koponan?
 Ano ang ginawa ng kalaban nyong koponan upang hindi
sila mataga?
 Ano ang inyong ginawa upang makailag sa kalabang
koponan?
 Ano ang ibig sabihin ng reley? karera?
 Ano ang ginawa ninyo upang makataga o makailag sa
ibang koponan?
Tandaan:
Reley – pagpasa ng isang bagay sa iba
karera - paligsahan sa pabilisan
riley at karera - pangkatang kompetisyon na ang
layunin ay paunahan sa pagtapos ng Gawain
pag-ilag - pagkilos nang mabilis upang maiwasan ang
isang bagay
pagtaga - tugisin at tagain ang kalaban
Pagtataya
Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang kanilang pagsasagawa ng
gawaing pangkasanayan gamit ang rubric.
Iguhit ang araw ( ) kung ginawa mo ang sinasabi sa pangungusap at
bituin( ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kwadernong sagutan.
Pangungusap o
1. Naglaro ako nang may katapatan.
2. Tumakbo ako upang di mataga ng kalaban.
3. Ginawa ko nang wasto ang pagtaga.
4. Kumilos ako nang may katatagan at bilis.
5. Nakipagtulungan ako sa mga kasapi sa pangkat
upang manalo.
Takdang Aralin
Gumawa ng listahan ng mga laro na ginagamitan ng kasanayang
pagtaga at pag-ilag.
Ikaapat na Markahan
Aralin 10 : Wastong ehersisyong Pangkatawan
I. Layunin
A. Maisagawa ang mga ehersisyong pangkondisyon ng katawan.
II. Paksang Aralin
Paksa: Ehersisyong Pangkondisyon
Sanggunian: Musika, Sining, Edukasyong Pampalakasan
pah. 199-204
Pagpapahalaga: Pagiging listo at kaayusan ng koponan
Panlinang na Gawain
A. Panimulang Gawain
Gawain 1: Ehersisyong Pangkondisyon
Isagawa ang ehersisyo na may kasabay na tugtog.
a. Head Bending
1. Tumungo..…… ……………………………………………. 4 na bilang
2. Bumalik sa dating posisyon …………………………….. 4 na bilang
3. Tumingala ………………………………………………….. 4 na bilang
4. Bumalik sa dating posisyon …………………………….. 4 na bilang
b. Pag-ikot ng Balikat
1. Tumayo nang tuwid na magkalayo ang mga paa, kamay sa balikat
2. Iikot ang balikat pauna, patalikod, pataas at pababa….. 16 na bilang
3. Ulitin ang 1 – 2
c. Lateral Bending
1. Ibaluktot ang katawan pakanan kasabay ang
pagtaas ng kaliwang kamay sa itaas ng ulo……………..…. 4 na bilang
2. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………... 4 na bilang
3. Ibaluktot ang katawan pakaliwa kasabay ang pagtaas
ng kanang kamay sa itaas ng ulo …………………………….. 4 na bilang
4. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………… 4 na bilang
5. Ulitin ang 1 – 4 ……………………………………………………… 4 na bilang
b. Panlinang na Gawain
Gawain 2 : Laruin ang larong “Mirror, Mirror on the Wall”
Gagayahin ng bata ang gagawin ng guro na may kasabay na saliw ng
awit o musika.
1. Pagpapaikot ng leeg.
a. Tumayo ng tuwid na magkalayo ang mga paa, kamay sa bewang
b. Ipaling ang ulo sa kanan ………………………………….. bilang 1-8
c. Ipaling ang ulo sa kaliwa ………………………………….. bilang 8-1
d. Bumalik sa dating posisyon at ulitin
2. Pagpapaikot ng Braso - iikot ang braso patungo sa harap at iikot ang
braso patungo sa likuran (8 bilang)
3. Pagbaluktot ng katawan
a. Tumayo nang pabikaka, itaas ang kamay na nakaderetso ang ulo.
b. Ibaluktot ang katawan sa harap …………………………….. bilang 1
c. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………. bilang 2
d. Ibaluktot ang katawan patalikod …………………………… bilang 3
e. Bumalik sa dating posisyon …………………………………… bilang 4
4. Windmill
a. Tumayo nang pabikaka, itaas ang kamay na nakaderetso ang ulo.
b. Ipihit ang bewang at ibaluktot ang katawan at abutin
ang kaliwang paa ng kanang kamay ……………………….. bilang 1
c. Bumalik sa dating posisyon ………………………………….. bilang 2
d. Ulitin ang titik b at abutin ang kanang paa ng kaliwang
kamay …………………………………………………………... bilang 3
e. Bumalik sa dating posisyon …………………………………. bilang 4
5. Jumping Jack
a. Tumayo nang tuwid.
b. Tumalon at ipalakpak ang kamay sa ibabaw ng ulo ….. bilang 1
c. Bumalik sa dating posisyon …………………………………. bilang 2
d. ulitin ang a at b
Pagkatapos ng mga ehersisyo, pangkatin ang mga mag-aaral sa 5
grupo. Hayaang magsanay ang bawat pangkat sa pagsasagawa ng mga
ehersisyong natutunan sa loob ng 10 minuto.
C. Paglalapat
Pagkalipas ng 10 minutong pagsasanay, pagsama-samahin ang mga
mag-aaral para sa pagpapakita ng kanilang gawain. Hayaang pangkatan ang
pagsasagawa nito.
D. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng tamang pag-eehersisyo?
E. Pagtataya
Suriin ang pagpapakita ng kasanayan ng mga mag-aaral bilang isang
pangkat. Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa lebel ng kasanayang
kanilang ipinakita.
Pangkat Naisawang lahat
ang ehersisyo na
may wastong
kasanayan
5 puntos
Hindi naisagawa
ang isa sa mga
ehersisyo
3 puntos
Naisagawa
ang ehersisyo
ngunit
tinulungan ng
guro
2 puntos
Hindi
naisagawa
ang ehersisyo
at kailangan
pa ng
karagdagang
oras para sa
pagsasanay
1 puntos
I
II
III
IV
V
F. Kasunduan
Isagawa ang mga ehersisyo sa bahay bilang pang-araw-araw na
ehersisyo.

Contenu connexe

Tendances

Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Crystal Mae Salazar
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Crystal Mae Salazar
 
Heteroand homogeneous mixture
Heteroand homogeneous mixtureHeteroand homogeneous mixture
Heteroand homogeneous mixtureReah Garcia
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap南 睿
 
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...LEIZELPELATERO1
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Crystal Mae Salazar
 
Dll in esp and ap yunit ii week 1
Dll in esp and ap  yunit ii week 1Dll in esp and ap  yunit ii week 1
Dll in esp and ap yunit ii week 1EDITHA HONRADEZ
 
COT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate change
COT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate changeCOT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate change
COT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate changeChiara Margarita Rosa
 
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docxQ3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docxcherrymaigting
 
Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptx
Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptxDahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptx
Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptxPaulineMae5
 
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxCO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxJaniceBarnaha
 
Dll grade 8 nov 4&5
Dll grade 8 nov 4&5Dll grade 8 nov 4&5
Dll grade 8 nov 4&5Ryan Rodriguez
 
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...EDITHA HONRADEZ
 
Kabihasnan demo
Kabihasnan demoKabihasnan demo
Kabihasnan demoairwind123
 
ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...
ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...
ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...PeyPolon
 

Tendances (20)

Ap7 summative test
Ap7  summative testAp7  summative test
Ap7 summative test
 
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
Banghay sa araling panlipunan 10 (reflective teaching)
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9Banghay aralin sa araling panlipunan 9
Banghay aralin sa araling panlipunan 9
 
Heteroand homogeneous mixture
Heteroand homogeneous mixtureHeteroand homogeneous mixture
Heteroand homogeneous mixture
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
 
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
YII___Aralin_18_Pagpapahalaga_at_Pagmamalaki_sa_Kulturang_Pilipino_AP_Daisy_A...
 
3 p.e. lm q1
3 p.e. lm q13 p.e. lm q1
3 p.e. lm q1
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 
NEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMONEOKOLONYALISMO
NEOKOLONYALISMO
 
3 health lm q2
3 health lm q23 health lm q2
3 health lm q2
 
Dll in esp and ap yunit ii week 1
Dll in esp and ap  yunit ii week 1Dll in esp and ap  yunit ii week 1
Dll in esp and ap yunit ii week 1
 
COT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate change
COT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate changeCOT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate change
COT AP 6 Q4 Isyung Panlipunan: Climate change
 
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT  MGA KONTINENTEANG KLIMA AT  MGA KONTINENTE
ANG KLIMA AT MGA KONTINENTE
 
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docxQ3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
Q3-Week 8- April 3-7, 2023.docx
 
Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptx
Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptxDahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptx
Dahilan, Mahahalagang Pangyayaring Naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptxCO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
CO HEOGRAPIYANG PANTAO.pptx
 
Dll grade 8 nov 4&5
Dll grade 8 nov 4&5Dll grade 8 nov 4&5
Dll grade 8 nov 4&5
 
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
 
Kabihasnan demo
Kabihasnan demoKabihasnan demo
Kabihasnan demo
 
ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...
ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...
ENGLISH-5-Q4-W1-D4-Use-compound-sentences-to-show-cause-and-effect-by-Sir-Ray...
 

En vedette

Paghagis, pagsalo at pagpalo
Paghagis, pagsalo at pagpaloPaghagis, pagsalo at pagpalo
Paghagis, pagsalo at pagpaloKevin Sarmiento
 
Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter
Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarterEdukasyong pangkalusugan 3 4th quarter
Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarterEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Carinosa
CarinosaCarinosa
Carinosaweak
 
Pe gr-1-learners-matls-q12
Pe gr-1-learners-matls-q12Pe gr-1-learners-matls-q12
Pe gr-1-learners-matls-q12EDITHA HONRADEZ
 
Mga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang HimnasyoMga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang Himnasyoasa net
 
1st grading 4th grading musika
1st grading  4th grading musika1st grading  4th grading musika
1st grading 4th grading musikaEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
Physical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtr
Physical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtrPhysical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtr
Physical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtrElmer Llames
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaRivera Arnel
 
Module 6.8 mapeh
Module 6.8 mapehModule 6.8 mapeh
Module 6.8 mapehNoel Tan
 
Mga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawa
Mga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawaMga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawa
Mga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawaMckoi M
 
nursing - health teaching
nursing - health teachingnursing - health teaching
nursing - health teachingtwiggypiggy
 
Gina agamon presentation
Gina agamon presentationGina agamon presentation
Gina agamon presentationginaagamon27
 
Makabayan elementary
Makabayan elementaryMakabayan elementary
Makabayan elementaryYhari Lovesu
 

En vedette (20)

Paghagis, pagsalo at pagpalo
Paghagis, pagsalo at pagpaloPaghagis, pagsalo at pagpalo
Paghagis, pagsalo at pagpalo
 
Bec pelc epk 2010
Bec pelc epk 2010Bec pelc epk 2010
Bec pelc epk 2010
 
Mapeh
MapehMapeh
Mapeh
 
Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter
Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarterEdukasyong pangkalusugan 3 4th quarter
Edukasyong pangkalusugan 3 4th quarter
 
At
AtAt
At
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)
 
Carinosa
CarinosaCarinosa
Carinosa
 
Pe gr-1-learners-matls-q12
Pe gr-1-learners-matls-q12Pe gr-1-learners-matls-q12
Pe gr-1-learners-matls-q12
 
Mga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang HimnasyoMga Batayang Pang Himnasyo
Mga Batayang Pang Himnasyo
 
1st grading 4th grading musika
1st grading  4th grading musika1st grading  4th grading musika
1st grading 4th grading musika
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q3-Q4)
 
Physical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtr
Physical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtrPhysical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtr
Physical Education Grade 7 K-12 Folk dance 4th qtr
 
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanyaQ2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
Q2 lesson 9 pag-aalsa ng mga pilipino laban sa espanya
 
Module 6.8 mapeh
Module 6.8 mapehModule 6.8 mapeh
Module 6.8 mapeh
 
Mga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawa
Mga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawaMga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawa
Mga Simulain sa Pagtuturo ng mga Kasanayan sa Pag-unawa
 
nursing - health teaching
nursing - health teachingnursing - health teaching
nursing - health teaching
 
Gina agamon presentation
Gina agamon presentationGina agamon presentation
Gina agamon presentation
 
DISENYONG ETNIKO
DISENYONG ETNIKODISENYONG ETNIKO
DISENYONG ETNIKO
 
Disenyong etniko
Disenyong etnikoDisenyong etniko
Disenyong etniko
 
Makabayan elementary
Makabayan elementaryMakabayan elementary
Makabayan elementary
 

Similaire à Edukasyong pangkalusugan 3 ikaapat na markahan

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
MAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptx
MAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptxMAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptx
MAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptxRC Durs
 
TG_PE 5_Q2.pdf
TG_PE 5_Q2.pdfTG_PE 5_Q2.pdf
TG_PE 5_Q2.pdfSheryll9
 
1st grading edukasyong pampalakas vi
1st grading edukasyong pampalakas vi1st grading edukasyong pampalakas vi
1st grading edukasyong pampalakas viEDITHA HONRADEZ
 
physical-ed..4.pptx
physical-ed..4.pptxphysical-ed..4.pptx
physical-ed..4.pptxSephTorres1
 
FIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptx
FIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptxFIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptx
FIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptxMARYANNSISON2
 
Rom, bed position (cebuano)
Rom, bed position (cebuano)Rom, bed position (cebuano)
Rom, bed position (cebuano)Reynel Dan
 
DLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docx
DLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docxDLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docx
DLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docxLoraineIsales
 
N.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docx
N.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docxN.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docx
N.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docxnovamatias
 
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docxDLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docxAnnalizaMaya4
 
DAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTH
DAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTHDAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTH
DAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTHDianaValiente5
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Locomotor and Non-Locomotor Movements.docx
Locomotor and Non-Locomotor Movements.docxLocomotor and Non-Locomotor Movements.docx
Locomotor and Non-Locomotor Movements.docxpvy57h6jxn
 
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5Massyker17
 
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3CORAZONCALAKHAN
 

Similaire à Edukasyong pangkalusugan 3 ikaapat na markahan (20)

K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q3-Q4)
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
 
MAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptx
MAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptxMAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptx
MAPEH 5-P.E Safety Precautions.pptx
 
Grade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptxGrade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptx
Grade 5 PPT_PE_Q3_W3_Day 1-5.pptx
 
DLL_MAPEH 4_Q2_W8.docx
DLL_MAPEH 4_Q2_W8.docxDLL_MAPEH 4_Q2_W8.docx
DLL_MAPEH 4_Q2_W8.docx
 
TG_PE 5_Q2.pdf
TG_PE 5_Q2.pdfTG_PE 5_Q2.pdf
TG_PE 5_Q2.pdf
 
1st grading edukasyong pampalakas vi
1st grading edukasyong pampalakas vi1st grading edukasyong pampalakas vi
1st grading edukasyong pampalakas vi
 
MAPEH-5-DIAGNOSTIC-TEST.docx
MAPEH-5-DIAGNOSTIC-TEST.docxMAPEH-5-DIAGNOSTIC-TEST.docx
MAPEH-5-DIAGNOSTIC-TEST.docx
 
physical-ed..4.pptx
physical-ed..4.pptxphysical-ed..4.pptx
physical-ed..4.pptx
 
FIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptx
FIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptxFIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptx
FIL 6 QTR-3 WEEK 1.pptx
 
Rom, bed position (cebuano)
Rom, bed position (cebuano)Rom, bed position (cebuano)
Rom, bed position (cebuano)
 
DLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docx
DLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docxDLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docx
DLL_MAPEH-4_Q1_W6_.docx
 
N.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docx
N.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docxN.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docx
N.MATIAS_WHLP_WEEK3_Q1.docx
 
DLL_ESP 5_Q2_W2.docx
DLL_ESP 5_Q2_W2.docxDLL_ESP 5_Q2_W2.docx
DLL_ESP 5_Q2_W2.docx
 
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docxDLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
DLL_MAPEH 3_Q1_W1.docx
 
DAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTH
DAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTHDAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTH
DAILY LESSON LOG IN MUSIC ARTS PHYSICAL EDUACTION HEALTH
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH  (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH  (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN PE and HEALTH (Q1-Q4)
 
Locomotor and Non-Locomotor Movements.docx
Locomotor and Non-Locomotor Movements.docxLocomotor and Non-Locomotor Movements.docx
Locomotor and Non-Locomotor Movements.docx
 
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
Detalyadong Banghay Aralin sa EPP 5
 
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
PE Kagamitan ng mga Mag -aaral Grade 3
 

Plus de EDITHA HONRADEZ

Plus de EDITHA HONRADEZ (20)

Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...
 
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 

Edukasyong pangkalusugan 3 ikaapat na markahan

  • 1. Edukasyong Pangkalusugan 3 Ikaapat na Markahan Leson 1: Paggulong at Paghagis ng Bola Una – Ikalawang Linggo I. Layunin A. Maipakita sa iba’t-ibang sitwasyon ang mga kilos na nagpapagulong at paghahagis ng bola. II. Paksang Aralin: A. Paksa: Mga Tao, Mga Bagay, Musika at Kapaligiran B. Mga Kagamitan: Bola, CD C. Kahalagahan: Pagiging handa at matatag, sumunod saa mga panuto III. Pamamaraan Unang Linggo A. Panimulang Gawain Pampasiglang Ehersisyo Ipagawa sa mga bata ang pag-iikot ng mga braso. Hayaan magbuo ng apat na hanay. Ipagawa ang mga sumssunod: Mga kamay sa harap, sa gilid at sa taas. Gawin ng labindalawang bilang. 1. Gawin ang mahabang hakbang, mga kamay sa baywang 2. Ibaluktot ang katawansa kaliwa (4 na bilang); ibaluktot sa kanan(4 na bilang) 3. Tumayo ng tuwid; mga kamay sa tagiliran; iikot ang mga kamay pasalungat (clockwise-8 bilang) at pakaliwa (counter clockwise-8 bilang) B. Mga Gawain sa Pagkatuto Unang Gawain: Paggulong 1. Pangkatin ang mga bata sa walo. Paglaruin sa posisyon. 2. Ang koponan ay magkaharap. Paggulungin ng manlalaro 1 ng pangkat B. Ang manlalaro bilang 1 ng pangkat B ay hahawak ng bola at pagugulungin sa manlalaro bilang 1 ng pangkat A. Tanong: Paano ninyo pinagulong ang bola? Ano ang inyong posisyon nang gawin mo ang pagpapagulong? Hayaang talakayin ang mga mag-aaral kung paano pinagulong ang bola at ituro sa kanila ang tamang pagpagulong ng bola. Ikalawang Gawain: Paghagis ng Bola ( Ang gawaing ito ay nakakadagdag-kaalaman ng paghahagis) 1. Pangkatin ang klase sa dalawa. 2. Gumawa ng dalawang hanay na magkakaharap ang isa’t -isa. 3. Ihagis ang bola ng unang kasapi sa kapareha. 4. Ihahagis naman ng nakasalo sa susunod na miyembro sa katapat na pangkat hanggang sa huling kasapi. 5. Ang kasapi ng pangkat na hindi makasalo ng bola ay siyang aalisin sa grupo. 6. Ang pangkat na may pinakamaraming kasapi na natitira ang siyang panalo sa laro.
  • 2. Pagkatapos ng gawaing ito, tatalakayin ng mga bata kung ano ang kanilang napagmasdan sa paghagis ng bola habang nasa kinatayuan. Itanong: Alin ang mas madaling gawin; ang pagpagulong ng bola o ang paghagis ng bola? Bakit? Paglalahat: Dapat nasa tamang posisyon ang paghahagis ng bola at ito ay maihagis sa tapat ng dibdib ng tagasambot. Sa pagpapagulong, ibaluktot ang likod, iindayog ang braso habang hawak ang bola at iitsa. Pangwakas na Gawain: Pangkatin ang mga bata sa apat. Sanaying mabuti ang paggulong at paghahagis ng bola. Ikalawang Linggo: Pagsasanay: Manatili sa kani-kanilang pangkat, magsasanay sa pagpagulong at paghahagis ng bola. Mga alituntunin ng Laro: Pagugulungin ng unang manlalaro sa manlalaro bilang 2 at ihahagis sa manlalaro 1. Sasambutin niya ang bola at iit Pumutol ng mga sa sa likod ng manlalaro 2. Uulitin ng ibang manlalaro ang pamamaraan ng paglalaro. IV. Pagtataya Lagyan ng tsek (/) kung tama at ekis (xpulispp) kung mali ang ginawang awain. Edukasyong Pampalakas 3 Ikaapat na Markahan Aralin 2 I.Layunin A. Maisagawa/maipakita ang kasanayan sa balanseng pagtatalon. II. Paksang Aralin A. Paksa: Mga Tao, Bagay, Musika at Kapaligiran B. Sanggunian : MAPEH 5, pahina 208 – 209 by.Orlando Abonet.et.al C. Kagamitan: upuan/kahon III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Warm – Up Exercise Hayaan ang mga bata na magpakita ng pagbaluktot at pagtalon. 1. Ilagay ang kamay sa baywang at ibaluktot ang tuhod ng walong (8)bilang. 2. Itaas ang mga kamay, ibaluktot ang tuhod at tumalon. Gawin ito ng tatlong beses. B. Panlinang na Gawain
  • 3. 1. Pangkatin ang klase sa apat. 2. TTumawag ng tatlong bata. Isagawa ang wastong pagtalon sa sahig,magsimula sa bangko/upuan aat kahon. 3. Gawin ang wastong pagtalon ng pangkat – pangkat. C. Pagsusuri Itanong: Paano isasagawa ng pangkat ang mga gawain? Naisasagawa niyo ba ang pagtalon ng balance sa sahig? Ano ang ginawa mo upang magkaroon ng balanseng katawan sa pagtalon? Talakayin sa mga bata ang kahulugan ng pagtalon. D. Paglalahat  Ano ang pagtalon?  Ano ang kailangan ninyong gawin upang maging ligtas ang pagbaba sa bangko/upuan? PAGTALON(Jumping)  ay ang paglundagng paa, o parehong (2)paa sa sabayang bagsak. ng (2) paa. Ang pagbaba ng (2) parehong paa na ang tuhod ay flexed. Ito ang mga dapat tandaan sa pagtalon mula sa iba’t – ibang taas. 1. Ibaluktot ng dahan - dahan ang mga tuhod na bahagyang nakahilig sa sa harap. 2. Nakataas ang dalawang paa ng mga bata. 3. Ang katawan ay hindi dapat tuwid. 4. Ang kamay ay tuwid para huwag puwersahin. 5. Maaaring gumalaw paharap sa pagbaba. E. Paglalapat Gawain 2: Pagtalon at Pagbaba ng balance 1. Pangkatin ang mga bata sa lima (5). 2. Ang bawat kasapi ng pangkat ay tatayo sa ibabaw ng upuan o kahon. 3. Bibilang ang guro ng tatlo 1, 2, 3, go!, ang mga bata ay tatalon na may balanseng pagbaba. ( Titingnan ng guro kung naisagawa ng mga bata ang pagtalon na may balanseng pagbaba ). 4. Gagawin ng mga naiwang bata sa bawat pangkat ang katulad sa act ivity. Itanong: Naisagawa niyo ba ng wasto ang pagtalon na may balanseng pagbaba? IV. Pagtataya
  • 4. Lagyan ng tsek(√ ) ang bawat tanong kung ito ay tama at ekis( x )naman kung mali. Mga Tanong Oo Hindi 1. Naisagawa mo ba ng maayos ang pagtalon at pagbaba na may balance? 2. Nasa wastong ayos/posisyon ba ang inyong balakang, tuhod at sakong sa pagtalon ninyo? V.Takdang Aralin/Kasunduan Magsanay/magpraktis tumalon ng may balanseng pagbaba. I.A. Maisagawa ang pagkaunawa sa mga pangunahing kasanayan sa balibol. B. Makilala ang mga pangunahing kasanayan sa balibol, paghagis, pagsalo at pagtalbog ng bola C. Maisagawa ang mga pangunahing kasanayan na ginagamit sa balibol, paghagis, pagsalo at pagtalbog. D. Maipakita ang pagkamaintindihin sa pagsasagawa ng kasanayan salarong balibol. II. Kasanayan sa Paggalaw. Pangunahing kasanayan sa Balibol. ( Pagsalo, Paghagis at Pagtalbog) Kagamitan: Bola Sanggunian: MAPEH grade5 pp.30-31 by Orlando Abon et.al Pagpapahalaga: Pagiging Listo at Pagkakaisa Week 3 I.Gawain sa Pagkatuto A. Panimulang Gawain Tuntunin Pangkaligtasan 1. Siguraduhing ligtas ang ang palaruan, walang basag na salamin o bote, matalas na bato at iba pang magdudulot ng kapamahakan. 2. Gumamit ng pananggalang pangkaligtasan sa lahat ng laro. (Pangkundisyong ehersisyo)
  • 5. Hayaan ang mga bata na mag-ehersisyong pangkondisyon katulad ng pag unat, pagbaluktot, pagtalbog at pag jogging.(Gawin sa lantad na lugar) B. Panlinang na Gawain Hayaan ang mga bata na paunlarin ang kanilang kasanayan sa pagtalbog ng bola. Gawain 1 Pagtalbog ng bola pass relay 1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. 2. Ang unang pangkat ng manlalro sa isang koponan ang hahawak ng bola at patatalbugin niya ito ng tatlong beses sa sahig, pagkatapos ay ihahagis niya ito pabalik ng lampas ulo sa pangalawang manlalaro. 3. Sasaluhin ng pangalawang manlalaro ang bola,patatalbugin ng 3 beses at ihahagis sa ikatlong manlalaro. 4. Uulitin lahat ng natitirang manlalaro ang ginawa ng mga naunang manlalaro. 5. Tatakbo sa unahan ang huling manlalaro na mapapasahan ng bola. a. Tatakbo sa unahan ang huling manlalaro na mapapasahan ng bola. b. Ano naramdaman mo nang magpatalbog ng bola? lampas ulong pinabalik sa susunod na manlalaro? c. Anong kakayahan ang napaunlad sa gawaing ito? Gawain 2 (Pagpalo at Paghagis ng Bola) 1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. 2. Isang bata ay nasa pagitan ng dalawang manlalarong nasa labas ang magpapalo at ipapasa sa sa isa’t isa. 3. Ang nasa gitnang manlalaro ay haharang sa bola. 4. Ang mga manlalaro mananatili sa kanilang mga lugar, kapag lumabas ang bola bawas na puntos sa pangkat ng manlalarong maipalabas ang bola. 5. Tatanggap ng 1 puntos ang koponan na umatake tuwing maipapasa at maihahagis ang bola nang 5 beses sa isang hanay. 6. Ang depensang koponan ay magkakaroon ng 1 puntos kapag naharangan ang pagpasa at pagpalo. 7. Ang koponang unang makalimang puntos ang panalo. C. Pagsususri/ Abstraksyon Hayaan ang mga bata na talakayin at maibahagi kanilang mga nalaman sa pagmamasid sa iba’t ibang gawain. Nagustuhan ninyo ba ito?Ano ang dapat gawin ng manlalaro sa “paghagis” at pagpasang patalbog ng bola? Ikaapat na linggo D.Paglalapat Hayaang ang mga batang magsanay sa “pagpasang patalbog at “paghagis” sa loob ng sampung magkasunod na beses. E.Paglalahat Anu- ano ang pangunahing kasanayan sa balibol at ang wastong posisyon?
  • 6. a. Bouncing/Pagtalbog ng bola- ito ay pagbalik ng bola pagkatapos mong hampasin ng kamay ang bola.  Nakatayo , magkadikit ang paa at ang palad na ginamit sa pagtalbog ng bola. b. Volleying-  Nakatayong nakabikaka na ang kaliwang paa ay nasa unahan. c. Tossing/Paghagis ng bola ng lampas ulo at pagtama sa bola na nakaunat ang bisig.  Nakabaluktot ang tuhod at bahagyang ihilig ang katawan. Isang hakbang paatras ang maaring gawin ng alinmang paa. Upang maibigay sa bola, ituwid ang mga katawan kasabay ng pagtaas na pag unat ng mga bisig. IV. Pagtataya Sukatin ang kakayahan ng mga bata gamit ang rubriks Pangkat Napakahusay 10 puntos Mahusay 8 puntos Hindi gaanong mahusya 6 puntos Kinakailangan ng patnubay 4 puntos V.Takdang Aralin Magsanay pang mabuti sa mga pangunahing kasanayan sa balibol katulad ng pagpasang patalbog,and paghagis o paitsa. Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 6 40 minutes/ 1 meeting per week I. Layunin Maisagawa ang gawaing luksong lubid II. Paksang – Aralin A. Paksa: Mga Kasanayan sa Paggalaw (Luksong Lubid) B. Kagamitan: 1 metro na lubid C. Pagpapahalaga: pagiging maliksi at listo
  • 7. III. Gawain sa Pagkakatuto: A. Pangunahing Gawain: 1. Pangkatin ang mga bata sa 4 Pangkat 1 at 2 tatalon paharap ng 16 counts Pangkat 3 at 4 tatalon palikod ng 16 counts 2. Tumalon tayo sa ating lugar ng 16 counts ( Ipaliwanag at ipakita muna ang tamang paraan ng pagtalon) Talon - patulak paitaas ng mga paa sa tulong ng pag indayog ng mga bisig at pagsayad ng marahan sa lupa. B. Paglinang na Gawain: Gawain 1: Luksong lubid 1. Gawin ito ng may kapareha. 2. Ang unang kapareha ay hahawan ang lubid hanggang baywang. 3. Iduyan ang braso habang pinapaikot ang lubid isagawa ang pag talon sa lubid ng maayos. 4. Ang manlalaro na makakukuha ng maraming matagumpay ng pag talon ang siyang mananalo. C. Pagsusuri 1. Itanong ang mga sumusunod pagkatapos pagkatapos ng gawain a. Paano isinagawa ng bawat miyembro ang mga gawain? b. Ano ang ginawa ninyo upang makakuha ng puntos? c. Bakit hindi ninyo tinapakan ang lubid? D. Paglalahat: Ano ang mga pamantayan na dapat sundin tuwing nagpapakita o nagsasagawa ng Luksong lubid? E. Paglalapat: Isa-isang ipagawa sa mga bata ang luksong lubid. I. Pagpapahalaga Humanap ng kapareha isagawa ang Luksong Lubid. Bigyan ng katumbas na marka sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek(/). Kasanayan Mga Tanong Yes No Luksong lubid Naitulak mo ba paitaas ang ang iyong paa naisayad ng
  • 8. marahan ang iyong paa sa lupa? Tinapakan mo ba ang lubid habang nagsasagawa ng Luksong lubid? IV. Kasunduan: Magsanay at magsagawa ang Luksong Lubid. Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 7 40 minutes/ 1 meeting per week I. Layunin 1. Mailarawan ang hakbang pansayaw ng Tiklos 2. Maisagawa ang simpleng katutubong sayaw tulad ng Tiklos II. Paksang – Aralin A. Aralin: Simpleng Katutubong Sayaw (Tiklos) B. Sanggunian: Philippine Folk Dances, Vol.2 pp 128-129 C. Kagamitan: CD, CD player,palda para sa mga babae D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa bansa III. Paksang- Aralin A. Pangunahing Gawain Hayaan ang mga bata na isagawa ang mga pangunahing posisyon ng mga kamay at paa sa katutubong sayaw B. Panlinang na Gawain
  • 9. Gawain 1: Sumunod sa Ritmo a. Hayaang makinig ang mga bata sa musika. b. Ipapalakpak ang batayang kumpas 2/4 c. Hayaang matutunan ng mga bata ang kasanayan sa pag bilang ng (1-4) Gawain 2; Alamin natin ang hakbang pansayaw a. Pangkatin ang mga bata sa 5.Humanap ng kapareha at pagsuotin ng palda ang mga babae. b. Kasabay sa saliw ng musika, ituro sa nga bata ang simpleng hakbang sa pagsayaw Musika A. (Ang magkapareha ay haharap sa unahan. Ang mga babae ay nakahawak sa palda, habang ang mga kamay ng lalaki ay nasa beywang) a. Gamit ang kanang paa, gumawa ng 2 heal and toe change steps paharap 1-4 b. Isagawa ang change step sideward R & L 1-2 c. Simula sa kanang paa, gumawa ng apat na hakbang Pabalik sa sariling lugar 1-2 d. Ulitin lahat (a-c) 1-8 Musika B ( Humarap sa kapareha, ang posisyon ay katulad ng sa Musika B) a. Cut L palikod, cut R paharap ulitin lahat 1-2 b. Lumundag ng tatlo pakanan, 1-2 c. Ulitin ang A at B pa punta sa kaliwa 1-4 d. Uliti muli lahat (a-c0 1-8 C. Pagsusuri Paano ninyo isinagawa ang gawain?
  • 10. Naisagawa ba ninyo ang pag palakpak ng may batayang kumpas na 2/4? Naisagawa ba ninyo ang mga hakbang ng maayos? Napahalagahan ba ninyo ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sayaw? Paano ninyo maipapakiya ang pagmamahal sa bayan? D. Paglalahat Ano ang mga pangunahing hakbang sa hakbang pansayaw ng Tiklos Paano ninyo isinagawa ang mga hakbang na pansayaw? E. Pangwakas na Gawain: Hayaang magsanay ang mga bata ng hakbang na pasnsayaw para sa kanilang performance. Edukasyong Pampalakasan 3 Ikaapat na Markahan Week 8 41 minutes/ 1 meeting per week I. Layunin A. Mailarawan ang hakbang pansayaw ng Tiklos B. Maisagawa ang simpleng katutubong sayaw tulad ng tiklos II. Paksang – Aralin A. Aralin: Simpleng katutubong sayaw (Tiklos) B. Sanggunian: Philippine Folk Dances, Vol.2 pp 128-129 C. Kagamitan: CD, CD player,palda para sa mga babae D. Pagpapahalaga: pagmamahal sa bansa III. Gawain sa Pagkakatuto: A. Pampasiglang Gawain: Balik – aralan ang mga batayang hakbang sa sayaw na Tiklos. B. Pagtataya:
  • 11. Isasagawa ng bawat pangkat ang sayaw na Tiklos na may saliw ng musika. IV. Pagtataya: Bigyan ng kaukulang grado ang performance ng bawat Pangkat gamit Rubric sa ibaba. Itsek ang kahon ang kahon na katumbas ng kanilang ipinakitang performace. Group Very Good Good Fair Needs Improvement Poor (Nakasusunod sa lahat batayang hakbang ng sayaw ng wasto) ( Hindi nakasunod ng isa sa mga batayang hakbang Ng sayaw) ( Hindi nakasunod sa dalawang batayang hakbang ng sayaw) (Hindi naisagawa batayang hakbang ng sayaw kailangan pagsubayba Ng guro) ( Hindi naisagawa ang batayang hakbang ng sayaw. Karagdagang Pagsasanay) 10 puntos 8 puntos 6 puntos 4 puntos 2 puntos V. Kasunduan: Sanayin pa ang mga batayang sayaw upang makabisado ito. PHYSICAL EDUCATION 3 / 4th Quarter Lesson 9 Time Allotment: 40 minutes/ 1 meeting per week I Layunin: 1. Maisagawa ang pagtaga at pag-ilag sa releys at karera 2. Makalahok sa larong pagtaga ,pag-ilag sa releys at karera II Paksang Aralin Paksa: Releys at Karera Sangganuian: Physical Education Handbook, p. 158 by Belmonte, Paz Kagamitan: Junior Ball, CD Pagpapahalaga: Teamwork, pagiging alisto at pagigingmaasikaso
  • 12. III Pamamaraan A. Paunang Gawain 1. Payak na ehersisiyong pangkondisyon (Isagawa ng may musika) a. Ipasagawa sa mga bata ang sumusunod: 1. Tumayo nang tuwid na magkalayo ang mga paa, ilagay ang kamay sa bewang at ibaluktot ng dahan-dahan ang katawan ng pakanan at pakaliwa. ( 8 counts) 2. Tumayo nang tuwid bahagyang magkalayo ang mga paa, ituwid ang ulo ,ilagay ang kamay sa bewang at iikot ang balikat ng paunahan at palikod ( 8 counts) 3. Tumakbo sa puwesto ( 8 counts) b. Itanong ang sumusunod: 1. Ano ang naramdam nyo pagkatapos ng ating ginawa? 2. Bakit kailangan natin isagawa ang ehersisyong pangkondisyon? 3. Bakit mahalaga ang ehersisyong pangkondisyon? 2. Balik-aral a. Ipagawa sa mga bata ang paraan kung paano ang pagtaga at pag-ilag sa releys at karera b. Mula sa kanilang sinabi kukunin ang kahulugan ng releys at karera. B. Panlinang na Gawain 1. Sabihin sa mga mag-aaral na sila ay may isasagawang gawain. 2. Ipaliwanag ang tuntuning pangkaligtasan ng laro. a. Siguraduhing ligtas ang palaruan, walang basag na salamin o bote, matalas na bato at iba pang bagay na magdudulot ng kapahamakan. b. Gumamit ng pananggalang sa lahat ng larong isasagawa c. Ipaalala sa bata ang tamang paraan ng pagtaya upang maiwasan ang magkasakitan. Gawain 1: Bulldogs Paraan ng Paglalaro 1. Magtalaga ng tatlong manlalarong taga-huli sa gitna ng minarkahang lugar. 2. Ang ibang manlalaro ay pupuwestosa magkabilang dulo. 3. Kapag nataga ang manlalaro siya ay mabibilang sa tagahuli. 4. kapag tatlo na lang ang natitira sila ay magiging taya. (picture) Tandaan: Ito ay isang laro na nagtuturo sa mga mag-aaral na maging listo upang hindi mataga. Gawain 2: Pagtakbo nang may bola 1. Pangkatin sa apat na grupo ang mga mag-aaral. 2. Simulan ang laro ng magkatapat ang bawat miyembro grupo 3. Ang unang manlalaro ay tatakbo papunta gitna dala ang bola, at iiwan ito sa gitna, ang unang manlalaro ng ikalawang pangkat ay sasama matapos ang hudyat.
  • 13. 4. Ang unang manlalaro ng ikalawang pangkat ang siya naming pupunta sa gitna upang kunin ang bola at ipapasa sa unang grupo. 5. Matatapos ang laro kapag ang lahat ay nakapgsagawa na. 6.Ang unang pangkat na natapos ang siyang mananalo.. Pagkatapos ng gawain, itanong ang sumusunod: 1. Ano ang masasabi nyo sa ating ginawa? 2. Ano ang inyong ginawa upang hindi ka mataga o makailag sa inyong kalabang koponan. 3. Nataga nyo ban g maayos ang inyong kalabang koponan? 4. Anong ginawa ng inyong grupo upang manalo? 5. Anong magandang katangian ang inyong natutunan sa laro? C. Paglalahat  Paano ninyo tinaga ang labanang koponan?  Ano ang ginawa ng kalaban nyong koponan upang hindi sila mataga?  Ano ang inyong ginawa upang makailag sa kalabang koponan?  Ano ang ibig sabihin ng reley? karera?  Ano ang ginawa ninyo upang makataga o makailag sa ibang koponan? Tandaan: Reley – pagpasa ng isang bagay sa iba karera - paligsahan sa pabilisan riley at karera - pangkatang kompetisyon na ang layunin ay paunahan sa pagtapos ng Gawain pag-ilag - pagkilos nang mabilis upang maiwasan ang isang bagay pagtaga - tugisin at tagain ang kalaban Pagtataya Hayaang suriin ng mga mag-aaral ang kanilang pagsasagawa ng gawaing pangkasanayan gamit ang rubric. Iguhit ang araw ( ) kung ginawa mo ang sinasabi sa pangungusap at bituin( ) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa kwadernong sagutan. Pangungusap o 1. Naglaro ako nang may katapatan.
  • 14. 2. Tumakbo ako upang di mataga ng kalaban. 3. Ginawa ko nang wasto ang pagtaga. 4. Kumilos ako nang may katatagan at bilis. 5. Nakipagtulungan ako sa mga kasapi sa pangkat upang manalo. Takdang Aralin Gumawa ng listahan ng mga laro na ginagamitan ng kasanayang pagtaga at pag-ilag. Ikaapat na Markahan Aralin 10 : Wastong ehersisyong Pangkatawan I. Layunin A. Maisagawa ang mga ehersisyong pangkondisyon ng katawan. II. Paksang Aralin Paksa: Ehersisyong Pangkondisyon Sanggunian: Musika, Sining, Edukasyong Pampalakasan pah. 199-204 Pagpapahalaga: Pagiging listo at kaayusan ng koponan Panlinang na Gawain A. Panimulang Gawain Gawain 1: Ehersisyong Pangkondisyon Isagawa ang ehersisyo na may kasabay na tugtog. a. Head Bending 1. Tumungo..…… ……………………………………………. 4 na bilang 2. Bumalik sa dating posisyon …………………………….. 4 na bilang 3. Tumingala ………………………………………………….. 4 na bilang 4. Bumalik sa dating posisyon …………………………….. 4 na bilang b. Pag-ikot ng Balikat 1. Tumayo nang tuwid na magkalayo ang mga paa, kamay sa balikat 2. Iikot ang balikat pauna, patalikod, pataas at pababa….. 16 na bilang 3. Ulitin ang 1 – 2
  • 15. c. Lateral Bending 1. Ibaluktot ang katawan pakanan kasabay ang pagtaas ng kaliwang kamay sa itaas ng ulo……………..…. 4 na bilang 2. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………... 4 na bilang 3. Ibaluktot ang katawan pakaliwa kasabay ang pagtaas ng kanang kamay sa itaas ng ulo …………………………….. 4 na bilang 4. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………… 4 na bilang 5. Ulitin ang 1 – 4 ……………………………………………………… 4 na bilang b. Panlinang na Gawain Gawain 2 : Laruin ang larong “Mirror, Mirror on the Wall” Gagayahin ng bata ang gagawin ng guro na may kasabay na saliw ng awit o musika. 1. Pagpapaikot ng leeg. a. Tumayo ng tuwid na magkalayo ang mga paa, kamay sa bewang b. Ipaling ang ulo sa kanan ………………………………….. bilang 1-8 c. Ipaling ang ulo sa kaliwa ………………………………….. bilang 8-1 d. Bumalik sa dating posisyon at ulitin 2. Pagpapaikot ng Braso - iikot ang braso patungo sa harap at iikot ang braso patungo sa likuran (8 bilang) 3. Pagbaluktot ng katawan a. Tumayo nang pabikaka, itaas ang kamay na nakaderetso ang ulo. b. Ibaluktot ang katawan sa harap …………………………….. bilang 1 c. Bumalik sa dating posisyon ……………………………………. bilang 2 d. Ibaluktot ang katawan patalikod …………………………… bilang 3 e. Bumalik sa dating posisyon …………………………………… bilang 4 4. Windmill a. Tumayo nang pabikaka, itaas ang kamay na nakaderetso ang ulo. b. Ipihit ang bewang at ibaluktot ang katawan at abutin ang kaliwang paa ng kanang kamay ……………………….. bilang 1 c. Bumalik sa dating posisyon ………………………………….. bilang 2
  • 16. d. Ulitin ang titik b at abutin ang kanang paa ng kaliwang kamay …………………………………………………………... bilang 3 e. Bumalik sa dating posisyon …………………………………. bilang 4 5. Jumping Jack a. Tumayo nang tuwid. b. Tumalon at ipalakpak ang kamay sa ibabaw ng ulo ….. bilang 1 c. Bumalik sa dating posisyon …………………………………. bilang 2 d. ulitin ang a at b Pagkatapos ng mga ehersisyo, pangkatin ang mga mag-aaral sa 5 grupo. Hayaang magsanay ang bawat pangkat sa pagsasagawa ng mga ehersisyong natutunan sa loob ng 10 minuto. C. Paglalapat Pagkalipas ng 10 minutong pagsasanay, pagsama-samahin ang mga mag-aaral para sa pagpapakita ng kanilang gawain. Hayaang pangkatan ang pagsasagawa nito. D. Paglalahat Ano ang kahalagahan ng tamang pag-eehersisyo? E. Pagtataya Suriin ang pagpapakita ng kasanayan ng mga mag-aaral bilang isang pangkat. Lagyan ng tsek ang kahon na angkop sa lebel ng kasanayang kanilang ipinakita. Pangkat Naisawang lahat ang ehersisyo na may wastong kasanayan 5 puntos Hindi naisagawa ang isa sa mga ehersisyo 3 puntos Naisagawa ang ehersisyo ngunit tinulungan ng guro 2 puntos Hindi naisagawa ang ehersisyo at kailangan pa ng karagdagang oras para sa pagsasanay 1 puntos I II
  • 17. III IV V F. Kasunduan Isagawa ang mga ehersisyo sa bahay bilang pang-araw-araw na ehersisyo.