BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
Esp yunit ii aralin 5 kapuwa ko nandito ako
1. ESP Yunit II
Aralin 5
Kapuwa Ko, Nandito Ako!
Editha T. Honradez
Pasolo Elementary School
Pasolo Valenzuela City
2. Pakinggan natin ang kuwento ni
Paola.
Ako si Paola. Galing ako sa
Mindanao. Lumipat kami sa inyong
pook sapagkat isa ang pamilya
namin sa nakaranas ng maraming
kalamidad. Ang iba’y gawa ng tao
at ang iba nama’y dahil sa bangis
ng kalikasan. Ito ang larawan ng
karanasan ng aming pamilya.
5. Ang nasa unang larawan ay nangyari noong
bata pa ako. Sabi ni Inay, dalawang taon pa
lamang daw ako nang mangyari ito. Nalaman ko
ito dahil ikinuwento nila. Napakarami raw ng
naapektuhan ng gulong ito sa Mindanao.
Subalit ang gulo sa aming bayan ay nagpaulit-
ulit. Noong nakaraang taon ay muling sumiklab
ang kaguluhan at nadamay pati ang aming
paaralan. Nasunog ito kasama ng iba pang mga
bahay at gusali.
6.
7. Ang aming mga
klase ay pansa-
mantalang ginagawa
sa mga dampa
habang itinatayong
muli ng pamahalaan
ang aming silid-
aralan.
8. Sapagkat wala na rin
kaming bahay na
matitirahan kaya’t
napilitan kaming lumipat
dito upang makaiwas sa
kaguluhan at makapag-
patuloy kaming magka-
patid ng aming pag-aaral.
9. Dahil wala kaming
bahay, natutulog kami sa
ilalim ng tulay kasama
ang iba pang biktima ng
iba’t ibang kalamidad.
Naglalatag kami ng
karton at banig sa aming
kariton. Nagtitiis kaming
mabasa kapag umuulan.
10. Upang matustusan ang
aming pagkain sa araw-
araw, nangongolekta ng
bote at plastik ang aking
mga magulang mula sa
mga tambak ng basura.
Ibinibenta nila ito sa
junk shop upang may
maibili ng bigas at ulam.
11. Nag-aaral akong mabuti sapagkat
nais kong matupad ang aking mga
pangarap sa buhay. Nais ko ding
makatulong sa aking mga magulang.
Kapag walang pasok, nagtitinda ako
ng mga basahan sa kalye. Nag-iingat
naman ako sapagkat iyon ang laging
bilin sa akin ng aking mga magulang.
Naniniwala ako na pagpapalain din
kami ng Diyos sapagkat nagsisikap
kami at naghahangad ng mabuti para
sa aming kapuwa.
12. Naniniwala ako na
pagpapalain din kami ng
Diyos sapagkat nagsisikap
kami at naghahangad ng
mabuti para sa aming kapuwa.
Ipinagdarasal ko rin na sana
ay magkaroon ako ng mga
kaibigan dito.
13. 1. Ano ang iyong naramdaman
habang tinitingnan ang mga
larawan? Naawa ka ba sa kanila?
Bakit? Ano ang maaari mong gawin
para sa mga katulad ni Paola?
2. Kung isa ka sa kanila, ano ang
iyong mararamdaman? Kanino ka
lalapit at hihingi ng tulong?
15. Matapos mong marinig ang kuwento
ni Paola, ano ang nais mong itanong sa
kaniya?
Magbigay ng tatlong tanong:
1. _________________________________?
2. _________________________________?
3. _________________________________?
16. Ngayon naman ay bumuo ka ng isang
plano kung paano ka tutulong sa kanila.
Isulat ito sa isang bond paper.
Ang aking plano
upang matulungan si
Paola
1._____________________
_______________________
______
2._____________________
_______________________
______
3.________________________
_________________________
________________________
17. Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang
tao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay
hindi nangangahulugang wala na silang
maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga
kaibigan. Wala ring taong sobrang yaman na hindi
na mangangailangan ng tulong ng iba.
Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng
kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.
Tandaan Natin
18. I. Panuto: Tama o mali.
______ 1. Mahirap man o mayaman ang isang tao ay
may kakayahan na tumulong sa mga nangangailangan.
______ 2. Ang mga mahihirap lamang ang mga
nangangailangan.
______ 3. Mayroong tao na nasa kanya na ang lahat.
______ 4. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang
wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at
mga kaibigan.
______ 5. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng
kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.
19.
20. Gawain 1
Basahin ang diyalogo nina Marla at Rolan.
Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng.
Rosales ang iyong ginawang plano ng
pagtulong sa mga nakatira sa ilalim ng
tulay.
Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman
ang plano mo. Siguro may nakalimutan ka
lang isulat kaya may mga punang hindi
maganda.
Isagawa Natin
21. Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang
kulang sa aking plano kaya kailangan ko
pang baguhin at ayusin. Kapag nagawa ko
na nang higit na maganda, ipakikita ko ulit
sa inyo. Paano ka nga ba tutulong kina
Paola?
Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng
pamahalaan tulad ng Department of Social
Welfare and Development (DSWD).Di ba
may napag-aralan tayo tungkol sa programa
nilang"Pantawid Pamilyang Pilipino
Program (4Ps)?" May mga kaklase nga tayo
na kasali roon.
22. Marla: Ang galing mo naman, Rolan.
Naisip mo silang ilapitsa DSWD para
maisali sa 4Ps. Ito iyong programa
ngpamahalaan na tumutulong sa
mahihirap.
Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila
ang nangangailanganng tulong.
Napakarami pa nating kababayan na
talagangnakakaawa ang kalagayan, tulad
ng mga nabiktima ng kalamidad sa
Tacloban, lindol sa Bohol, at madalas
dingmay nasusunugan.
23. Marla: Pero marami naman ang
nagpapadala ng tulong mula
sa ibang bansa, di ba? Napanood ko nga sa
telebisyon, marami ang nanggagaling sa
malalaking kompanya at mayayamang tao.
Rolan: Marami nga pero mas kailangan ng
ating mga kababayan ang dadamay sa
kanila nang may pagmamahal. Hindi lang
basta nagpapadala ng mga pagkain.
Kailangang nararamdaman natin ang
kanilang paghihirap at dapat
bukal sa loob ang ating pagbibigay.
24. Marla: Bilib na talaga ako sa iyo.
Pero sabi ni Inay, mayroon daw
umaabuso. Iyon bang umaasa na lang
sa ibibigay ng kapuwa, hindi na
naghaha-napbuhay. Dapat pala,alam
natin kung sino talaga ang dapat
tulungan.
Rolan: Oo nga. Hindi bale,
tatalakayin pa naman natin ang
tungkol sa pagtulong sa mga darating
na araw.
25. Gumawa ng sulat sa isang ahensiya ng
pamahalaan na nais mong hingan ng
tulong para sa mga katulad ni Paola.
Banggitin mo sa iyong sulat kung bakit
nais mo silang matulungan ng
pamahalaan.
Isapuso Natin
26. Ang mga munting regalo na kayang ibigay, tulad
ng pagtulong sa pag-akyat ng hagdan, ay isang
kaginhawaan. Lahat ay magiging masaya at walang
maiiwan.
Ang mga gawa ni Mother Theresa, isang Santa
mula sa Calcutta India, noong siya ay buhay pa ay
likas na pagiging bukas-palad. Hanggang sa huling
mga sandali ng kaniyang buhay ay tumulong siya sa
mga may sakit at wala siyang inasahang kapalit.
Tandaan Natin
27. Tama o Mali:
______ 1. Ang pagbabahagi ng oras ay paraan din ng
pagtulong.
______ 2. Ang mayayaman lamang ang maaaring
makatulong.
______ 3. Ipagdamot ang mga biyayang natanggap.
______ 4. Tumulong nang maluwag sa kalooban at
walang inaasahang kapalit.
______ 5. Kapat tapat ang pagtulong sa
nangangailangan siguradong pagpapalain ng
Maykapal.
28.
29. Muling balikan ang ginawa ninyong plano
sa pagtulong kayPaola at sa iba pang batang
natutulog sa ilalim ng tulay. Pag-usapan ang
maaaring maging sagot ng Department of
Social Welfare and Development (DSWD) sa
inyong liham.
Isabuhay Natin:
30. Isabuhay Natin:
Gumawa ng card at sulat na ipadadala
ninyo sa mg batang tulad ni Paola upang
maipadama ninyo ang pagmamahal ninyo sa
kanila.
31. Hindi kayamanan ang kailangan natin
ibahagi sa ating kapwa kundi ang oras,
serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa sa
atingpuso. Ang anumang gawain natin na
makakatulong sa kapwa aymagsisilbing
inspirasyon sa maraming tao upang maging
bukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilang
kapuwa.
Tandaan Natin
32. Isulat sa sagutang Wasto o Hindi Wasto:
______1. Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang
gawain na dapat ugaliin ng bawat bata.
______2.Tutulong lamang ako sa aking kaibigan kung alam
ko na may ibibigay siya na kapalit.
_____3. Ang (DSWD) Department of Social Welfare and
Develpoment lamang ang dapat tumutulong sa mga
mahihirap at mga biktima ng mga kalamidad.
____4.Lahat na tao ay may pangangailangan dahil walang
tao na nasa kanya na ang lahat.
____5.Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung
ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.
33.
34. Hindi kayamanan ang kailangan natin
ibahagi sa ating kapwa kundi ang oras,
serbisyo, at pagmamahal, na maluwag sa sa
atingpuso. Ang anumang gawain natin na
makakatulong sa kapwa aymagsisilbing
inspirasyon sa maraming tao upang maging
bukas-palad din sa pakikisalamuha sa kanilang
kapuwa.
Tandaan Natin
35. Subukin Natin
Basahin ang sitwasyon at sabihin kung anong
damdamin mayroon sa sumusunod na uri ng
pagbibigay:
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang
ipinamigay
36. 1. May dumating na donasyon galing sa
bansang Japan para sa mga biktima ng lindol.
Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-
aabot sa mga biktima sapagkat may listahan
sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
37. 2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng
pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga biktima.
Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap
ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang
pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng
susunod na pagdalaw sa mga ito.
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
38. 3. Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami
ang nagdadala ng relief goods sa covered court ng
barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang
nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang
kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na
hindi na nasusuot at ang mga de-latang malapit
nang masira
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
39. 4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang
pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng
bagyo. Nalaman ito ng kanilang
kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng
dalawang sakong bigas at mga damit.
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
40. 5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay
sinusuportahan ng isang samahang
nagkakawanggawa sa mga mahihirap na may
kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala
sa inyong paaralan ng samahang ito ang mga
kailangan ninyo sa pag-aaral.
A. Napipilitan lamang magbigay
B. Nagbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay