2. Ano ang ACCOUNTING?
Isang paraan ng pagtatatala sa isang maayos at
sistematikong paraan ng mga pinansyal na
pangyayari sa isang organisasyon
Isang paraan ng paglalagom ng mga nakalista sa
isang report
Isang paraan ng pagsusuri at pagbibigay kahulugan
sa isang report
3. Mga Layunin ng Accounting
• Dokumentasyon. Ang makagawa ng maayos na listahan ng
mga transaksyon na magigiging basehan ng mga financial
reports
• Pagpaplano. Ang makatulong sa pagpaplano at
paggawa ng mga patakaran
• Implementasyon. Ang masunod ang pagpapatupad ng
proyekto ayon sa plano at mga patakaran.
• Koordinasyon. Ang maiayos ang koordinasyon ng iba’t-
ibang bahagi ng samahan upang higit na matupad ang layunin
nito.
• Pagsusuri. Ang mapag-aralan ang nakaraang operasyon at
ang kalagayang pinansiyal ng proyekto.
4. Proseso ng Accounting
MGA HAKBANG KAHALAGAHAN
Katibayang Dokumento
Libro
Ulat Pinansyal
Pagsusuring Pinansyal
Upang malinaw ang dahilan, halaga, at
mga taong may kinalaman sa transaksyon
Upang madaling malaman ang mga
impormasyon
Upang malaman ang kalagayang
pampinansyal sa isang takdang panahon
Upang makatulong sa pagsusuri ng kalakasan
at kahinaan ng mga patakaran at operasyon
5. Bawat transaksyon ay kinakailangang may Katibayang
Dokumento bilang patunay na ang transaksyon ay:
tunay na nangyari
naaayon sa patakaran
apubado ng awtorisadong tao
Ang karaniwang Katibayang Dokumento na
maaaring gamitin ay:
Opisyal na Resibo (Official Receipt o OR)
Perang Botser (Cash Voucher o PB)
Katibayang Dokumento (Source Documents)
6. Kelan GINAGAMIT ang Opisyal na Resibo?
Sa lahat ng pagkakataong TUMATANGGAP ng pera
ang organisasyon, katulad ng:
Perang ipinautang o donasyon sa organisasyon
galing sa ibang organisasyon o ahensiya
Share (o butaw) ng mga miyembro
Bayad sa produkto o serbisyo ng organisasyon
Kabayaran sa pinautang ng organisasyon
Katibayang Dokumento
7. Ano ang mga KATANGIAN ng Opisyal na Resibo?
Dapat nakasaad ang pangalan at address ng organisasyon
Dapat may bilang ang resibo
Dapat nakasulat ang petsa ng transaksyon
Dapat nakasulat kung saan/sino ang nagbigay ng pera
Dapat nakasulat ang halaga ng perang tinanggap
Dapat nakasulat kung bakit tumanggap ng pera
Dapat may pirma ang awtorisadong tumanggap ng pera
Dapat may Tax Identification Number mula sa BIR
Dapat nakasulat kung salapi ang ibinayad. Kung tseke ang
ipinambayad dapat nakasulat ang numero ng tseke.
Katibayang Dokumento
8. DAPAT TANDAAN UKOL SA OPISYAL NA RESIBO
Ito ay may DALAWA (o higit pang) kopya. Ang
ORIHINAL na kopya ay ibinibigay sa NAGBAYAD. Ang
IKALAWANG kopya ang siyang itinatago ng
ORGANISASYON at inaayos ng sunod-sunod ayon sa
bilang ng resibo.
Katibayang Dokumento
9. Kelan GINAGAMIT Perang Botser (Cash Voucher)?
Sa lahat ng pagkakataong LUMALABAS ang pera mula
sa organisasyon, katulad ng:
Gastusin ng organisasyon
Pautang ng organisasyon
Pagbawi ng miyembro ng kanyang butaw o “share”
Katibayang Dokumento
10. Ano ang mga KATANGIAN ng Perang Botser?
Dapat nakasaad ang pangalan at address ng organisasyon
Dapat may bilang ang perang botser. Mas maganda kung ito
ay naka-imprenta
Dapat nakasulat ang petsa ng transaksyon
Dapat nakasulat ang pamagat ng mga gastusin at mga
kasamang paliwanag
Dapat nakasulat ang halaga ng bawat transaksyon at ang
kabuuang total ng gastos
Dapat may 3 nakapirma: ang naghanda ng PB, ang nag-
apruba, at ang nakatanggap ng pera.
Katibayang Dokumento
11. DAPAT TANDAAN UKOL SA PERANG BOTSER
1. Sa pautang, dapat kalakip ang mga dokumentong
requirements sa credit-lending
2. Sa gastusin, dapat kalakip ang resibo ng binayaran
3. Ito ay may DALAWANG kopya. Ang ORIHINAL na
kopya ay siyang itinatago ng ORGANISASYON. Ang
IKALAWANG kopya ay ibinibigay sa TUMANGGAP
ng pera
Katibayang Dokumento
12. BALIK-TANAW
Tandaan na ang OR at PB ay para lamang sa transaksyon
na may kinalaman sa pagpasok at paglabas ng pera
Dapat kumpleto at malinaw ang mga nakasulat sa OR at
PB
Ang OR at PB ay laging may 2 o higit pang kopya: Ang
OR ay ibinibigay sa nagbayad at ang pangalawang kopya
ay itinatago ng organisasyon. Ang orihinal na PB ay
itinatago ng organisasyon at ang pangalawang kopya ay
ibinibigay sa tumanggap ng pera
Katibayang Dokumento
13. BALIK-TANAW
Awtorisadong tao lamang ang maaaring gumamit
ng OR at PB
Lahat ng OR at PB ay dapat nakatagong mahusay.
Responsibilidad ng mga namamahala ang anumang
OR o PB na mawawala
BABALA
ANG KULANG-KULANG O MALI-MALING
OR AT PB AY DI DAPAT TANGGAPIN BILANG
KATIBAYAN NG TRANSAKSYON
Katibayang Dokumento
14. Proseso ng Accounting
MGA HAKBANG KAHALAGAHAN
Katibayang Dokumento
Libro
Ulat Pinansyal
Pagsusuring Pinansyal
Upang malinaw ang dahilan, halaga, at
mga taong may kinalaman sa transaksyon
Upang madaling malaman ang mga
impormasyon
Upang malaman ang kalagayang
pampinansyal sa isang takdang panahon
Upang makatulong sa pagsusuri ng kalakasan
at kahinaan ng mga patakaran at operasyon
15. Sa libro inililista ang nakalagay sa mga katibayang
dokumento
Ang paggamit ng ibat-ibang uri ng libro ay batay sa
operasyon o proyekto
Madalas 3 o higit pang uri ng libro ang ginagamit ng sabay-
sabay upang madaling makuha ang kailangang impormasyon
Mga librong tatalakayin:
1) Libro ng Treasurer (Cash Book)
2) Libro ng Perang Tinanggap (Cash Receipts Journal)
3) Libro ng Perang Ginastos (Cash Disbursement Journal)
4) Pangkalahatang Libro (General Journal)
Libro (Books of Account)
16. 1. Libro ng Treasurer (Cash Book)
Ang CASH BOOK ay ginagamit ng Treasurer upang agad
malaman ang perang hawak nila.
Mga KATANGIAN ng Cash Book:
Ang mga transaksyon ay sunod-sunod ayon sa petsa kung
kailan lumabas o pumasok ang pera
May maikling paliwanag bawat transaksyon
Ang bawat nakalistang transaksyon ay may katapat na OR o
PB at nakasulat ang bilang nito
Ang mga nakasulat na halaga ay nasa tamang hanay ng
perang pumasok at lumabas
Libro
17. 2. Libro ng Perang Tinanggap (Cash Receipts Journal)
Ang CASH RECEIPTS JOURNAL ay ginagamit ng BOOKKEEPER
upang mapadali ang pagsuma ng buwanang halaga ng
PUMASOK na pera.
Mga KATANGIAN NG Libro ng Perang Tinanggap
Ang mga transaksyon ay sunod-sunod ayon sa petsa kung
kailan pumasok ang pera
May maikling paliwanag bawat transaksyon
Nakasulat ang bilang ng OR
Nakasulat ang halaga ng perang pumasok
May tig-iisang hanay bawat dahilan ng karaniwan/regular na
pagtanggap ng pera
Nakasulat din ang dahilan at halaga ng di-pangkaraniwang
natanggap na persa
Libro
18. 3. Libro ng Perang Ginastos Cash Disbursement Journal
Ang CASH DISBURSEMENT JOURNAL ay ginagamit ng
BOOKKEEPER upang mapadali ang pagsuma ng buwanang
halaga ng LUMABAS na pera.
Mga KATANGIAN NG Libro ng Perang Ginastos
Ang mga transaksyon ay sunod-sunod ayon sa petsa kung
kailan lumabas ang pera
May maikling paliwanag bawat transaksyon
Nakasulat ang bilang ng PB
Nakasulat ang halaga ng perang lumabas
May tig-iisang hanay bawat dahilan ng karaniwan/regular na
pag gastos ng pera
Nakasulat din ang dahilan at halaga ng di-pangkaraniwang
pag gastos na persa
Libro
19. 4. Pangkalahatang Libro (General Journal)
Ang GENERAL JOURNAL ay ginagamit ng BOOKKEEPER
upang mapadali ang pagsuma ng buwanang halaga ng
LUMABAS AT PUMASOK na pera.
Ito ay ang pinagsama-samang katangian ng naunang tatlong
libro.
MULING PAALALA
Siguruhing lahat ng nakalistang transaksyon sa libro ay
may tamang Katibayang Dokumento.
Kung mayroong mali sa mga Katibayang Dokumento,
mali na rin ang libro.
Libro