3. Suplay
- dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng
bahay-kalakal sa iba’t ibang presyo. Dito ipinakikita
ang plano ng produksiyon ng bahay-kalakal.
Batas ng Suplay (Law of Supply)
-nagpapaliwanag na, ceteris paribus, kapag tumaas
ang presyo, tataas din ang dami ng suplay. Kapag bumaba
naman ang presyo, bababa rin ang dami ng suplay.
4. Maliban sa sariling presyo ng produkto, may iba
pang mga salik na nagiging dahilan upang magbago ang
suplay tulad ng:
• gastos sa produksiyon
• presyo ng kaugnay na produkto
• puwersa ng kalikasan
• inaasahan ng mga negosyante
5. Gastos sa Produksiyon
Ang gastos sa produksiyon ay nakasalalay sa iba’t ibang salik tulad ng
teknolohiya at halaga ng mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa at kapital.
• Pagbabago sa Teknolohiya
- may malaking epekto sa gastos ng produksiyon
Halimbawa:
sa larangan ng agrikultura, ay ang paggamit ng pataba,
makinaryang pang-agrikultura, at makabago at
sistematikong paraan ng pagtatanim ay nakakaapekto nang malaki
sa gastos ng produksiyong agrikultural.
• Presyo ng mga Salik ng Produksyon
Halimbawa:
1. ang pagtaas ng presyo ng semento ay kaakibat ng pagtaas ng gastos
sa pagpapatayo ng bahay kaya naman bababa rin ang suplay ng
mga bagong bahay
2. ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang
pamilihan
6. Presyo ng Kaugnay na Produkto
Kalimitan, ang mga bahay-kalakal ay may reaksiyon sa pagbabago
ng kaugnay na produkto. Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne
ng baka sa pamilihan. Asahang darami ang mag-aalaga ng baka kung
sakaling bumaba naman ang presyo ng karne ng baboy o manok sa
pamilihan. Kung anong pananim ang may mataas na presyo sa pamilihan,
ito ang pagtutuunan ng pansin ng mga magsasaka. Halimbawa, ang lupa
ay maaaring taniman ng palay o mais. Sa pagtaas ng presyo ng mais, ang
mga magsasaka ay magaganyak na gamitin na lamang ang lupa bilang
taniman ng mais. Dahil ditto, bababa ang suplay ng palay.
7. Puwersa ng Kalikasan
Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakatutulong
upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng agrikultura.
Asahan na mas mataas ang suplay kung may mainam na panahon.
Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at iba pang natural na
kalamidad, bumababa ang suplay lalo na ng produktong agricultural.
Ang pagkakaroon ng landslide sa mga lalawigan ay humahadlang sa
transportasyon ng mga produkto patungo sa pamilihan sa mga lungsod
kaya nagkakaroon ng pansamantalang kakulangan ng suplay rito.
8. Inaasahan ng mga Negosyante
May ilang negosyante na kapag inaasahang magkakaroon ng
pagtaas sa presyo ng produktong kanilang kinakalakal ay gumagawa ng
mga ilegal na gawain tulad ng hoarding. Ang hoarding ay ang pagtatago
ng kalakal na ilalabas lamang sa pamilihan kapag mataas na ang presyo
nito. Nagkakaroon ng mas malaking tubo ang mga negosyante sa
pagsasagawa nito. Nagdudulot naman ito ng pansamantalang kakulangan
sa pamilihan.
9. Iba pang halimbawa:
1. Teknolohiya
2. Prodyuser
3. Dami ng nagtitinda
4. Kagastusan
5. Presyo ng alternatibong produkto
6. Subsidy
7. Panahon/klima
8. Ekspektasyon
9. Presyo ng mga salik na produksyon