4. Talakayan
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga pagbabago sa edukasyon sa panahon ng
Amerikano?
2. Naibigan o nagustuhan ba ng mga Pilipino ang edukasyong
ipinakilala ng mga Amerikano sa bansa?
3. Ano ang kabutihang naidulot ng pagpapatayo ng mga
pampublikong paaralan ng mga Amerikano sa bansa?
4. Kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas mabuting uri ng
edukasyon, Espanyol o Amerikano?
8. Talakayan
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano-ano ang mga pagbabago sa edukasyon sa panahon ng
Amerikano?
2. Naibigan o nagustuhan ba ng mga Pilipino ang edukasyong
ipinakilala ng mga Amerikano sa bansa?
3. Ano ang kabutihang naidulot ng pagpapatayo ng mga
pampublikong paaralan ng mga Amerikano sa bansa?
4. Kung ikaw ang papipiliin, alin ang mas mabuting uri ng
edukasyon, Espanyol o Amerikano?
9. Talakayan
Edukasyon at Demokrasya
- pinakamahalagang pamana ng mga Amerikano
Pampublikong Paaralan
- nagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat
Tatlong Pangunahing Layunin:
- Pagpapalaganap ng demokrasya
- Pagtuturo ng wikang Ingles
- Pagpapaabot sa mga tao ng kultura ng mga Amerikano
10. Talakayan
sundalong Amerikano
- sila ang mga naging unang guro sa Pilipinas
Mga Alituntunin
- sapilitang pag-aaral ng mga batang may sapat na gulang
- libreng gamit sa pag-aaral
- binigyang-pansin din ang mga mag-aaral na di Kristiyano
- ang mga asignatura ay pagbasa, pagsulat, aritmetika,
agham panlipunan, musika, pagguhit, sining, industriya,
karunungang pangkarakter, edukasyong pangkalusugan
11. Talakayan
Gaano katagal ang pangkalahatang edukasyon?
- 7 taon sa elementarya at 4 na taon sa sekundarya
Mga paaralang naitatag:
- Philippine Normal School – 1901
- Silliman University – 1901
- Centro Escolar University – 1917
- Unibersidad ng Pilipinas – 1908
- Unibersidad ng Maynila – 1914
- Philippine Womens University – 1919
- Far Eastern University - 1919
12. Talakayan
Pensionado
- tawag sa mga matatalinong Pilipino na pinadala sa USA
para mag-aral
Thomasites
- tawag sa pinakamalaking pangkat ng mga gurong
Amerikano na dumating sa Pilipinas na sakay ng barkong
SS Thomas
Batas Bilang 74
- nagtatag ng Pampublikong Instruksiyon
13. Talakayan
Batas Gabaldon
- ipinanukala ni Isauro Gabaldon, nagbigay pagkakataon na
makapagpatayo ng mga pampublikong paaralan sa bawat
lalawigan
Thomasites
- tawag sa pinakamalaking pangkat ng mga gurong
Amerikano na dumating sa Pilipinas na sakay ng barkong
SS Thomas
Batas Bilang 74
- nagtatag ng Pampublikong Instruksiyon
21. Tukuyin ang sagot sa bawat katanungan. Pumili ng sagot sa kahon.
1. Anong wikang panturo ang ginamit sa paaralan sa Panahon ng mga
Amerikano?
2. Ano-ano ang mga asignatura sa paaralan sa Panahon ng mga Amerikano?
3. Sino ang mga unang guro sa panahon ng mga Amerikano?
4. Sinong Pilipinong mambabatas ang nagpanukala ng Batas Gabaldon?
5. Ito ang pinakamalaking grupo ng mga gurong Amerikano na dumating sa
Pilipinas
A. Pagbasa, Pagsulat, Aritmetika D. Isauro Gabaldon
B. Ingles E. Thomasites
C. sundalong Amerikano F. Mother Tongue
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan:
Sino-sino ang makikita sa larawan?
Ano ang ipinaglaban nila?
Ano-ano ang mga dahilan kung bakit sinakop ng mga Amerikano ang ating bansa?
Alam n’yo ba kung paano itinaguyod ng mga Amerikano ang edukasyon sa Pilipinas? Malalaman natin ‘yun sa aralin natin ngayong araw.
Noong 1907, pinalabas ng Asamblea ng Pilipinas ang Batas Gabaldon na isinulat ng mambabatas na si Isauro Gabaldon ng Nueva Ecija. Sa pamamagitan ng batas na ito, nabigyang-bisa ang pagtatayo ng dalawang pampublikong paaralan sa bawat lalawigan. Maraming estudyante ang nakapasok sa mga pampublikong paaralan dahil ito ay sapilitan. Ingles ang ginamit bilang wikang panturo.
Bagama’t hindi na bago sa Pilipinas ang libre at sapilitang pagpapaaral dahil naisagawa na ito noong panahon ng mga Espanyol, mas malakas naman ang naging epekto ng programa ng mga Amerikano dahil naging mas malawak ang saklaw nito. Bukod sa matrikula, libre rin ang mga aklat, lapis at papel. Kaugnay pa nito, nagpalabas din ang mga Amerikano ng kautusan na maaring ikulong ang mga magulang na hindi pinapapasok ang kanilang mga anak sa paaralan. Dahil sa patakarang ito, lumaki ang bahagdan ng mga mamamayan na natutong bumasa at sumulat at ang wikang Ingles ay agad na naging pangunahing wika ng edukasyon at pamamahayag. Naging daan din ang edukasyon sa pagsalin ng mga kaalamang Kanluranin ukol sa pag-aalaga ng kalusugan at pagpapanatili ng kalinisan upang makaiwas sa sakit.