SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  7
IBA’T IBANG URI NG TAYUTAY
A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING
1. Simili o Panulad (Simile) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay
sa di-tahasang paraan. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga
sumusunod:
tulad ng mistulang kamukha ng
tila parang tulad ng
anaki‟y gaya ng kawangis
Halimbawa: Tila porselana ang kutis ni Celia. (porselana at kutis)
2. Metapora o Pawangis (Metaphor) – naghahambing ng dalawang
magkaibang bagay sa tahasang paraan. Hindi na gumagamit ng mga salitang
pantulad.
Halimbawa: Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (ikaw at apoy)
5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi upang sakupin o tukuyin ang
kabuuan.
Halimbawa: “Hanggang sa malibing ang mga buto ko”. (Buto – buong
katawan)
B. PAGLALARAWAN
1. Hayperbole (Hyperbole) – naglalabis sa paglalarawan ng mga bagay
Halimbawa: „luha‟y umaagos” (sobrang dami ng luha)
Nadurog ang kanyang puso
2. Apostrope – isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo,
patay na o hindi kaharap na para bang nasa harap.
Halimbawa: “Celiang talastas ko‟t malabis na umid… dinggin mo ang
tainga‟t
isip”.
C. PAGSASALIN NG KATANGIAN
Personipikasyon (Personification) – nagsasalin ng katangian ng tao sa mga
bagay
na abstrakto o mga walang buhay.
Halimbawa: Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
“Inusig ng taga ang dalawang leon.”
Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa malamig na simoy ng
hangin.
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin
ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na
gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng
pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.
1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris
ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng
mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-
buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang
mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip,
nang sa layon di malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi
ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. BUmabaha ng dugo sa lansangan.
4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang
kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong
hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan,
isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-
katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit
ang pang-uri.
Halimbawa:
1. Patay tayo dun.
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng
mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang
pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at
kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.
Ilang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at
karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad
ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp.
Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig,
Dahon ay nalalanta munting di madilig
-Francisco Baltazar, Florante at Laura
2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng
pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng
isang kaugnayan sa ibang kaugnayan.
Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng
binata sa dalaga.
3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di
gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag
ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag,
katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing.
Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng
buhay.
4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay
katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi
at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga
karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o
pangngalan.
Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino.
5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa
mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa
katotohanang pinagmamalabisan.
Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka.
6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit
ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay.
Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol.
7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang
katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi.
Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak.
8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o
isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang
elemento.
9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin
nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak?
10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa
pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-
puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na
pang-uyam.
Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay.
11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang
pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga
mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito
ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa
ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari
sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng
isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting
pakikipagkapwa.
Hal. "Ang Mabuting Samaritano"
"Ang Alibughang Anak"
TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang
bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag
upang bigyan diin ang kanyang saloobin...",
MGA URI NG TAYUTAY
1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris
ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa.
=halimbawa=
1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis
2.babaeng parang pagong sa bagal
3.lalakeng tila hari kung mag-utos
4.batang mukhang higante sa laki
5.aleng parang reyna kung mag-kumpas
2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na
ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na
nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na
inihahambing.
=halimbawa=
1.ipu-ipong sasakyan
2.babaeng pagong
3.batang higante
4.perlas na ngipin
5.ting-ting n balerina
6.palasyong bahay
7.kutis porselana
8.paraisong lugar
3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-
buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang
mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa.
=halimbawa=
1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan
2.masayang umihip ang hanging amihan
3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga
4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot
5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan
Mga Uri ng Tayutay
Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng,
paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at
iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi
na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing
na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng
bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-
buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos
ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at
pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang
bagay na tila ito ay isang tao.
Pag-uulit
** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang
pahayag o ng isang sugnay.
o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng
pahayag o sugnay.
o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng
sunud-sunod na taludtod.
o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang
pagbaliktad ng mga pahayag.
o Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip
na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa
hulihan.
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan
o katayuan.
Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga
salitang kung ano ang tunog ay siyang
kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais
iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto
kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay
ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais
sabihin sa huli.
Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon
sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa
pinakamataas na antas.
Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na
nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na
pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sab

Contenu connexe

Tendances

mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba paart bermoy
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoSarah Jane Reyes
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOHiie XD
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioMdaby
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- jovelyn valdez
 
Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadviceral
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawCool Kid
 
Salitang - ugat at Panlapi
Salitang - ugat at PanlapiSalitang - ugat at Panlapi
Salitang - ugat at PanlapiMAILYNVIODOR1
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAmarianolouella
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonJenita Guinoo
 

Tendances (20)

Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
mga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pamga gamit ng ng at nang at iba pa
mga gamit ng ng at nang at iba pa
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nitoTatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
Tatlong Uri ng Talumpati at Layunin nito
 
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTOELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
 
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nioKahulugan ng Tula at Elemento nio
Kahulugan ng Tula at Elemento nio
 
Anapora at katapora
Anapora at kataporaAnapora at katapora
Anapora at katapora
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan-- Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
Paglalarawan- kompleto detalye, mga uri at pamamaraan--
 
Tauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapadTauhang bilog at tauhang lapad
Tauhang bilog at tauhang lapad
 
Pokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwaPokus ng pandiwa
Pokus ng pandiwa
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
 
Salitang - ugat at Panlapi
Salitang - ugat at PanlapiSalitang - ugat at Panlapi
Salitang - ugat at Panlapi
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
Iba't ibang uri ng  mga TayutayIba't ibang uri ng  mga Tayutay
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
 
Idyoma
IdyomaIdyoma
Idyoma
 
Konotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyonKonotasyon at denotasyon
Konotasyon at denotasyon
 

Similaire à Tayutay

pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwaalmeron
 
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptxQ4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptxNoryKrisLaigo
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaRenalyn Arias
 
MGA TAYUTAY - DANILYN.pptx
MGA TAYUTAY - DANILYN.pptxMGA TAYUTAY - DANILYN.pptx
MGA TAYUTAY - DANILYN.pptxDanilyCervaez
 
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..UgandaARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..UgandaCHRISTINEMAEBUARON
 
Hambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uriHambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uriJenita Guinoo
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxCristyJoySalarda
 
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..LoriemelDulayBugaoan
 
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdffilipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdfSemajojIddag
 
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Filipino   retorika, tayutay at idyomaFilipino   retorika, tayutay at idyoma
Filipino retorika, tayutay at idyomaArneyo
 
Makulay na paglalarawan
Makulay na paglalarawanMakulay na paglalarawan
Makulay na paglalarawanjamila derder
 

Similaire à Tayutay (20)

pakikipagkapwa
pakikipagkapwapakikipagkapwa
pakikipagkapwa
 
Uri ng Tayutay
Uri ng TayutayUri ng Tayutay
Uri ng Tayutay
 
Report in filipino 3
Report in filipino 3Report in filipino 3
Report in filipino 3
 
Tula-at-Tayutay.pptx
Tula-at-Tayutay.pptxTula-at-Tayutay.pptx
Tula-at-Tayutay.pptx
 
Mga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng TayutayMga Uri ng Tayutay
Mga Uri ng Tayutay
 
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptxQ4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
Q4 M2 PARA KAY SELYA.pptx
 
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salitaIba’t ibang mga matalinghagang salita
Iba’t ibang mga matalinghagang salita
 
MGA TAYUTAY - DANILYN.pptx
MGA TAYUTAY - DANILYN.pptxMGA TAYUTAY - DANILYN.pptx
MGA TAYUTAY - DANILYN.pptx
 
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..UgandaARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
ARALIN 3.3 TULA musa sa bansang ..Uganda
 
Tayutay ppt
Tayutay pptTayutay ppt
Tayutay ppt
 
Hambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uriHambingan ng pang uri
Hambingan ng pang uri
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
tAYUTAY.pptx
tAYUTAY.pptxtAYUTAY.pptx
tAYUTAY.pptx
 
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
Mga Uri ng Tayutay. Mga Uri ng Tayutay..
 
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdffilipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
filipinoretorikatayutayatidyoma-171005183005.pdf
 
Filipino retorika, tayutay at idyoma
Filipino   retorika, tayutay at idyomaFilipino   retorika, tayutay at idyoma
Filipino retorika, tayutay at idyoma
 
Makulay na paglalarawan
Makulay na paglalarawanMakulay na paglalarawan
Makulay na paglalarawan
 
Mga uri ng Tayutay
Mga uri ng Tayutay Mga uri ng Tayutay
Mga uri ng Tayutay
 
Retorika at Gramatika
Retorika at GramatikaRetorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
 
FIL-9-Q1-Tula.pptx
FIL-9-Q1-Tula.pptxFIL-9-Q1-Tula.pptx
FIL-9-Q1-Tula.pptx
 

Tayutay

  • 1. IBA’T IBANG URI NG TAYUTAY A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING 1. Simili o Panulad (Simile) – naghahambing sa dalawang magkaibang bagay sa di-tahasang paraan. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod: tulad ng mistulang kamukha ng tila parang tulad ng anaki‟y gaya ng kawangis Halimbawa: Tila porselana ang kutis ni Celia. (porselana at kutis) 2. Metapora o Pawangis (Metaphor) – naghahambing ng dalawang magkaibang bagay sa tahasang paraan. Hindi na gumagamit ng mga salitang pantulad. Halimbawa: Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso. (ikaw at apoy) 5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi upang sakupin o tukuyin ang kabuuan. Halimbawa: “Hanggang sa malibing ang mga buto ko”. (Buto – buong katawan) B. PAGLALARAWAN 1. Hayperbole (Hyperbole) – naglalabis sa paglalarawan ng mga bagay Halimbawa: „luha‟y umaagos” (sobrang dami ng luha) Nadurog ang kanyang puso 2. Apostrope – isang madamdaming pakikipag-usap sa isang tauhan na malayo, patay na o hindi kaharap na para bang nasa harap. Halimbawa: “Celiang talastas ko‟t malabis na umid… dinggin mo ang tainga‟t isip”. C. PAGSASALIN NG KATANGIAN Personipikasyon (Personification) – nagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay na abstrakto o mga walang buhay. Halimbawa: Nagalit ang buwan sa haba ng gabi. “Inusig ng taga ang dalawang leon.” Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa malamig na simoy ng hangin. Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin. 1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
  • 2. Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles. Halimbawa: 1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit. 2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad. 3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning. 4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan. 5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan. 6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan. 2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Halimbawa: 1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man. 2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi. 3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero. 4. Ikaw na bulaklak niring dilidili. 5. Ahas siya sa grupong iyan. 3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang- buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Halimbawa: 1. Hinalikan ako ng malamig na hangin. 2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin. 3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap. 4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin. 5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap. 4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Halimbawa: 1. O tukso! Layuan mo ako!
  • 3. 2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian. 3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian. 4. Ulan, ulan kami'y lubayan na. 5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis. 6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Halimbawa: 1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo. 2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan. 3. BUmabaha ng dugo sa lansangan. 4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman. 7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles Halimbawa: 1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat. 3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap. 9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Halimbawa: 1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil. 2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan. 3. Walang bibig ang umasa kay Romeo. 4. Hingin mo ang kaniyang kamay. 10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay- katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: 1. Patay tayo dun. Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng
  • 4. mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. Ilang Uri ng Tayutay 1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig, Dahon ay nalalanta munting di madilig -Francisco Baltazar, Florante at Laura 2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan. Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga. 3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. 4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. 5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. 6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. 8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. 9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
  • 5. Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? 10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri- puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. 11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa. Hal. "Ang Mabuting Samaritano" "Ang Alibughang Anak" TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...", MGA URI NG TAYUTAY 1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa. =halimbawa= 1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis 2.babaeng parang pagong sa bagal 3.lalakeng tila hari kung mag-utos 4.batang mukhang higante sa laki 5.aleng parang reyna kung mag-kumpas 2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing. =halimbawa= 1.ipu-ipong sasakyan 2.babaeng pagong 3.batang higante 4.perlas na ngipin 5.ting-ting n balerina 6.palasyong bahay 7.kutis porselana 8.paraisong lugar 3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang- buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa. =halimbawa= 1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan
  • 6. 2.masayang umihip ang hanging amihan 3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga 4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot 5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan Mga Uri ng Tayutay Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles. Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang- buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao. Pag-uulit ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. o Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay. o Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay. o Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod. o Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag. o Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles. Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit. Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri. Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
  • 7. Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sab