3. 1. Ginagamit sa sentro ng kalakalan at
ng nakararaming pilipino.
2. Ginagamit sa pagsulat ng
pinakadakilang panitikang pilipino.
3. Wikang may pinakamaunlad na
balangkas.
4. Kapulungan ng wikang tagalog(1903)
layunin na magpadalisay at mapayaman ang
wikang tagalog.
Samahan ng mga mananangalog(1908)
Aklatang Bayan(1900)
mapadali at mapalaganap ang panitikan
Akademya ng wikang Pilpino
mapayaman ang tagalog sa pamamagitan ng
panghihiram
5. Lope K. Santos
Faustino Aguilar
Patricio Mariano
Severino Reyes
Teodor Kalaw – isang
mamamahayag ng panitikan.
6. Jaime C. De Veyra – Tagapangulo
Cecilio Lopez – Kalihim
Mga Kagawad :
Felimon Sotto
Santiago A. Fonancier
Felix S. Salas
Casimiro Perfecto
Hadji Butu
7. Pinalitan sina Felimon Sotto at Hadji
Butu sa kadahilanang kapansanan at
pagkamatay.
Ipinalit sila Isidro Abad, Zoilo
Hilario, Jose I. Zulueta at Lope K.
Santos. Nang magbitaw si Lope K.
Santos ay ipinalit sa Iñigo Ed
Regalado.
Trinidad Pardo de Pilipino, Pedro
Paterno At Benito Legarda ay ang
mga Amerikanismo.
8. Saligang Batas ng Biak na Bato
(1897)
-Ang wikang Tagalog ang siyang
magiging opisyal na wika ng mga
Pilipino.
Batas ng Philippine Commission
Blg. 74
-Gagawing panturo sa mga paaralan ang
wikang Ingles.
9. Panukalang Batas Blg. 577 ng
Philippine Legislature (1932)
-Nag-uutos sa kalihim ng Public Instruction
na gamitin bilang Panturong wika ang
tagalog sa taong panuruan 1932-1933.
Saligang-Batas ng 1935, Artikulo XIV,
Seksyon 3
-Ang pambansang Asemblea ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa paglinang at
pagpapatibay ng isang panlahat na wikang
pambansa na nasasalig sa isa sa mga
wikang katutubo.Hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Ingles at Kastila ay
magpapatuloy na wikang opisyal.
10. Batas-Komonwelt Blg. 184 (1936)
-Pagtatatag ng tanggapan ng Surian ng
Wikang Pambansa(SWP) at pagbibigay
dito ng kapangyarihang gumawa ng
pag-aaral sa lahat ng sinasalitang wika
sa kapuluan.
Kautusang Tagapagpaganap blg.
134(1937)
-Tagalog ang batayan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas.
11. Kautusang Tagapagpaganap Blg.
263(1940)
-Ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong
Tagalog-Ingles at ang Balarila ng
Wikang Pambansa upang magamit sa
mga paaralan sa buong kapuluan.
Sirkular Blg. 26 (1940)
-Marapat na ituro ang Wikang Pambans
sa mga mag-aaral na nasa ika-apat at
ikalawang taon.
12. Bulitin Blg. 26 (1940)
-Ang pagkakaroon ng isang pitak ng
Wikang Pambansa sa mga pahayagan
ng iba’t-ibang mga paaralan.
Batas Komonwelt Blg. 570(1946)
-Pagpapatibay na ang wikang Pambansa
na tatawaging Wikang Pambansang
Pilipino ay maging isa ng wikang
opisyal ng Pilipinas.
13. Proklamasyon Blg. 12 (1954)
-Nilagdaan ni Pangulong Ramon
Magsaysay ang isang kautusan na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng
Linggo ng Wika simula Marso 29
hanggang Abril 4 at araw ni Balagtas
tuwing Abril 2, na kanya ring
kaarawan , na naaayon sa mungkahi
ng Surian ng Wikang Pambansa.
14. Proklamasyon Blg. 186 (1955)
-Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay
ang susog ng Proklamasyon Blg. 12 na
inililipat ang panahon ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-
taon sa ika-13 hanggang ika-19 ng
Agosto bilang paggalang sa kaarawan
ni Pangulong Manuel L. Quezon, Ama
ng Wikang Pambansa.
15. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
(1959)
- Ipinatupad sa pamamahala ng Kalihim
ng Edukasyon Jose B. Romero ang
pagtawag sa wikang pambansa na
Pilipino bilang pamalit sa mahabang
itinatawag ng Batas Komonwelt Blg. 570.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24
(1962)
- Ipinag-utos na simula sa taong-
panuruan 1963-1964, ang mga sertipiko
at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag
na o may salin sa wikang Pilipino
16. Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96 (1967)
-Nilagdaan ito ni Pangulong Ferdinand
Marcos na nagtadhana na ang lahat ng
edipisyo, gusali, at tanggapan sa
pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
17. Memorandum Sirkular Blg. 172
(1968)
-Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap
Rafael Salas at ipinag-utos na ang mga
letterhead ng mga tanggapan ng
pamahalaan ay isulat sa Pilipino
kalakip ang mga kaukulang teksto sa
Ingles. Ipinag-utos din na ang
pormularyo sa panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
18. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187
(1968)
-Nilagdaan ni Pangulong Marcos na nag-
uutos sa lahat ng kagawaran, kawani,
tanggapan at iba pang sangay ng
pamahalaan na gamitin ang Pilipino sa
mga opisyal na komunikasyon at
pampamahalaang transakyon.
Memorandum Sirkular Blg. 227
(1968)
-Ang noo’y Kalihin ng Edukasyon Ernesto
Maceda ay nag-uutos na ang mga pinuno
at kawani ng mga tanggapan ay dumalo
sa seminar na idaraos kaugnay ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187.
19. Resolusyon Blg. 70 (1970)
-Ang wikang pambansa ay magiging
wikang panturo sa antas ng
elementarya.
Resolusyon Blg. 73-7 ng
Pambansang Lupon ng Edukasyon
(1973)
-Ang Ingles at Pilipino ay isasama sa
kurikulum mula unang baitang ng
mababang paaralan hanggang sa
kolehiyo mapapribado man o
pampublikong dalubhasaan.
20. Saligang batas ng 1973, Artikulo
XIV,Seksyon 3
-Ang Batasang pambansa ay dapat gumawa
ng hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adapsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25
(1974)
-Itinakda ng mga panuntunan sa
pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilinggwal sa mga paaralan na nagsimula sa
taong panuruan 1974-1975.Ang patakarang
ito ay nag-uutos ng magkahiwalay na
paggamit na Pilipino at Ingles bilang midyum
ng pagtuturo ng mga tiyak na asignatura.
21. Kautusang Pangkagawaran Blg. 52
(1987)
-Isinasaad ang pagbabago sa
patakarang Edukasyong Bilinggwal
nang ganito… “Ang Patakarang
Bilinggwal ay naglalayong
makapagtamo ng kahusayan sa pilipino
at Ingles sa antas pambansa, sa
pamamagitan ng pagtuturong
dalawang wikang ito bilang mga
midyum ng pagtuturo sa lahat ng
antas.
22. Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV,
Seksyon 6
- “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa
iba pang wika. Alinsunod sa mga tadhana
ng batas at sang-ayon sa mga maaaring
ipasa ng kongreso, dapat maagsagawa ng
mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo ng sistemang pang-
edukasyon”
23. Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV,
Seksyon 7
- “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t
walang ibang itinatadhana ang batas,
ingles. Ang mga wika ng rehiyon at mag-
sisilbing pantulong sa mga wikang
panturo roon.”
24. Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV,
Seksyon 8
- “Ang konstitusyong ito ay dapat ipinahayag
sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
wikang panrehiyon, Arabic at kastila.”
Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV,
Seksyon 9
- “Dapat magtatag ang kongreso ng isang
komisyon ng wikang pambansa na binubuo
ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino
at iba pang mga wika.
25. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117
(1987)
-Nilagdaan ng Pangulong Aquino ang
paglikha ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas(LWP) bilang pamalit sa dating
SWP at makatugon sa panibagong iniatas
na gawain nitong patuloy na pagsasaliksik
at pagpapaunlad ng wikang pambansa.
Batas-Republika Blg. 7104 (1991)
-Itinatag ang Komisyon sa Wikang
Filipino(KWF), bilang pagsunod sa
itinatadhana ng Saligang-batas ng
1987,ArtikuloXIV,Seksyon 9.
26. Proklamasyon Blg.1041 (1997)
-Nilagdaan ni pangulong Ramosang
taunang pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa, Agosto 1-31.
Ordinansa Blg. 74 ng Kagawaran ng
Edukasyon(2009)
-Isinainstitusyon ang gamit ng Inang Wika
sa Elementarya o Mother Tongue-Based
Multilingual Language Education
(MTBMLE). Sinimulan ito sa isandaang
paaralan sa bansa.