5. ANG KULTURA
• Tumutukoy sa lahat ng bagay na bumubuo sa paraan
ng pamumuhay ng isang tao
• Binubuo ito ng mga paniniwala, balyus, kaugalian,
pag-uugali (asal) at iba pa na ginagamit/ isinasagawa
ng bawat kasapi ng komunidad/ lipunan na naisasalin
sa mga susunod na henerasyon (natututunan).
6.
7. Paano nga ba uunawain ang Kulturang
Filipino?
• Gumagawa tayo ng mga pagpapalagay tungkol sa mga paniniwala o
pag-uugali ng isang tao batay sa iisang tagapagpahiwatig ng kultura,
(lahi) - ngunit sa katotohanan, ang ating kultural na pagkakakilanlan
ay isang kumplikadong hinabing danas ng lahat ng mga
nakakaimpluwensya sa ating mga paniniwala, pag-uugali at
pagpapahalaga.
• Ang kultural na pagkakakilanlan ay naipakikita sa pamamagitan ng
sosyo-kultural-historikal na pananaw na nakaugnay sa sikolohikal at
intrapersonal na kabuuan ng isang indibidwal.
8. •Tinatangkang unawain ang kulturang Pilipino
gamit ang batis mula sa mga artikulo, pag-aaral,
at saliksik ukol sa Pilipino at sa kaniyang paraan
ng pamumuhay
•Sinasangguni ito ng mga banyaga upang ganap
nilang maunawaan at makaugnayan ang mga
Pilipino.
10. SIX PERSPECTIVES ON THE PHILIPPINES
• Lekturang ibinigay sa unang pangkat ng mga
boluntaryong Hukbong Pangkapayapaan na idinestino
sa Filipinas.
• Ang mga lektura ay inorganisa para tulúngan ang mga
sinasanay na mga indibidwal na maunawaan hangga’t
maaari ang kultura ng bansang patutunguhan nilá.
Ito ay binubuo ng anim na kabanata, kung saan may mga talakayan tungkol
sa: Philippine Social Structure ni Fred Eggan, Pag-uugali ng Pilipino ni George
M. Guthrie, Pulitika ng Partido sa Pilipinas ni Carl H. Lande, Panitikan ng
Pilipinas ni John M. Echols, Philippine Poetry at iba pang anyong
pampanitikan ni Manuel A. Viray, at Ekonomiya ng Pilipinas ni Frank Golay.
11. Ngunit ang malaking tanong…
Paano pahahalagahan ang mga
impormasyong tinipon/kinalap?
12. Saliksik Pangkultura bilang
Instrumento sa Pananakop!!!
•Ang mga padrong panlipunan ay nagsisilbing
patnubay ngunit mas higit na nagsisilbing
tagapagbilanggo.
•Ang mga disenyo ng panlipunang pamumuhay ay
maaaring imbentuhin at ipataw ng iba.
•Kahit ang mga angkop na disenyo ng
pamumuhay ng mga tao ay maaari pa ring
mapanghimasukan.
13. •Ang kultura ng lipunang palasandig gaya ng
Pilipinas ay madalas ipakilala alinsunod sa
mga interes at pamantayan ng “direktor”
nitóng bansa.
•Gaya ng isinaad ni Paolo Freire: sunud-
sunuran at kultura ng katahimikan ang
nananaig sa mga lipunang hindi pa
maunlad.
14. • Ang di-maláy na pagtanggap sa superyoridad ng mga
pamantayang Kanluranin ay lalong nagpapa-igting sa
imperyoridad” o mababang tingin sa sarili ng mga
Pilipino.
• Dahil sa paniniwalang ito, lalo lamang lumala ang
kolonyal na panghihimasok at pagsakop, at humikayat
din ng kusang pagpapahirap sa sarili sa panig ng mga
Pilipino, at nagtulak sa diwang Pilipino na manatili sa
kalagayan ng pagkagupiling.
15.
16. Pedagogy of the Oppressed
• Tungkol ito sa naging papel ng edukasyon sa mga
usapin ng opresyon at hegemonya.
• Limang Elemento ng Mapagpalayang Edukasyon
1. Non Neutraity
2. Critique
3. Dialogue
4. Praxis
5. Concern for transformation
17. Ang Kultura bilang Maysala!!!
• Ikinukubli ng Pangkulturang Pananaliksik ang pang-estrukturang kahinaan
ng lipunang Filipino.
• Hindi mababakas sa mga materyales ukol sa kulturang Pilipino ang
ekonomikong aspekto ng lipunan.
• Ang estruktura at namamayaning kalagayang ekonomik ay hindi itinuturing
na problematiko. ANG KULTURA ANG MALIMIT NA TUKUYIN BILANG
MAYSALA!
• Hindi pinagtuunan sa panlipunang pagmamapa ang kritika sa istruktura ng
karalitaan.
• Naisasantabi ang ekonomiya at dinamiko ng kasaysayan dahil higit na
naging pribilehiyo ang kultura sa panlipunang pagsusuri.
• Inilarawan/tinalakay nang pakasaysayan ang kultura, ngunit bihirang itrato
ito bílang tunay na bunga ng kasaysayan.
18. •Alinmang pag-aaral ukol sa kulturang Filipino ay
magiging mapagpalayang kasangkapan kapag
nakapagsisilbi ito bilang makabuluhang patnubay
sa pagsasaayos muli ng lipunan.
•Ang mga pangkulturang pananaliksik ay dapat
magtaguyod ng pagbabago at pagkilala sa
magkakasalungat na interes sa lipunan sa halip
na magmaniaobra ng pangkalahatang pagsang-
ayon.
19. • Ang tunay na edukasyon ay makapagmumulat. Binibigyan
nito ng kakayahan ang indibidwal na pagbulayan ang
kanyang aksyon, asal, at kakayahang tasahin ang mga
impormasyong nasasagap.
• Ang susi upang maisagawa ito ay sa pamamagitan ng
problematisasyon at subersyon ng praxis na kinagawian ng
tao.
• Upang mapabilis ang basikong pagsasabalangkas ng lipunang
Filipino at mapalawig ang kontra kamalayan na magsisilbing
panimulang hakbang sa kalayaan mula sa palaasang
kalikasan ng lipunan , ang mga Pilipinong iskolar ay dapat
magbuhos ng seryosong pag-aaral sa mga ugat,
manipestasyon at dinamika ng kamalayang kolonyal.
20. • Ang kulturang Pilipino at ang istruktura ng kamalayang
Pilipino ay hindi dapat –rekord lamang. Kailangang itong
ipaliwanag bilang sosyo-historikong produkto.
• Ang kailangan sa pag-aaral ng kultura, kamalayan, at
identidad ng Filipino ay ang mapanuri at komprehensibong
balangkas ng panlipunang istruktura at ng mga dinamika
nito.
• Ang isang napapanahong iskolarship ay dapat nakatukoy sa
mga ahente ng pagbabago, na bagamat mapanganib ang
sumalungat, dapat matutong sumubok at sumugal sa mga
panganib!
21. Konklusyon:
• Ang pag-unawa sa ating pagkatao bílang Pilipino ay
nangangailangan ng kontra-kamalayang pagtanaw.
• Para kay Samson, ang kultura ng Pilipinas ay malimit itanghal
alinsunod sa interes at pamantayan ng ibáng bansang
nangingibabaw dito, at ito rin ang nagiging sanhi upang
makadama ng imperyoridad ang Filipino. Upang mabago
yaon, kinakailangan umano ng Pilipinas ang “mapagpalayàng
pananaliksik” na makatutulong sa paglikha ng mga kontra-
depinisyon.
22.
23.
24.
25.
26. Laura Samson, “The Politics of Understanding Philippine Culture,” in
Allen Aganon & S. Ma. Assumpta David, RVM, Sikolohiyang Pilipino:
Isyu, Pananaw at Kaalaman (Manila: National Book Store, Inc., 1985),
541.