2. Kahulugan:
• Galing sa salitang Latin na “natio” na ang
ibig sabihin ay:
-“pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi
na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas
maliit kaysa sambayanan”
- “pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng
magkakatulad na katangian dahil sa palagian
nilang interaksyon sa isa’t isa”
3. • Itinuturing na pananaw ng isang
indibidwal bilang kasapi ng isang
bansa o kaya ay pagnanasa ng isang
indibidwal na paunlarin at palakasin
ang isang bansa.
• Mapapahayag sa pamamagitan ng
Pagmamahal sa bayan at Pagiging
Makabayan
4. • Nagmula sa salitang “nasyon”
- Isang katawagan sa samahan o
pangkat ng mga taong may iisang
mithiin at layunin sa buhay at
pinagbubuklod ng iisang lahi,
wika, relihiyon, kaugalian at
tradisyon.
5. • Isang damdaming makabansa ng
mga taong nagpapakita ng
katapatan sa kanilang bayan, hindi
sa pangulo o sa ilang pinuno
lamang.
• Higit na binibigyang-diin dito ang
pagkakaisa ng mga taong
naniniwala na kabilang sila sa iisang
bansa at handang ipagtanggol at
pangalagaan ito.
7. • Nalinang ang Nasyonalismong
Indian nang makapag-aral ang mga
maykayang Indian sa mga paaralang
British at nagkaroon ng kaalaman
tungkol sa nasyonalismo at
demokrasya.
• Naging bunga nito ang pagkatatag
ng Indian National Congress (1885)
at Muslim League (1906).
8. • Government of the Indian Act ng 1919
- nagbigay ng kaunting karapatan
lamang sa mga Indian
• Rowlatt Act
- ang pamahalaang British ay
pinagkalooban ng karapatang supilin at
ikulong ng dalawang taon ng walang
paglilitis ang sinumang tututol sa
patakarang British
9. MOHANDAS “MAHATMA”
GANDHI
- Mahatma- nangangahulugang
“Dakilang Kaluluwa” (Great Soul)
- nagpasimula ng prinsipyong
satyagraha (walang karahasang pagtutol
ng mamamayan sa anumang hindi
makatarungang batas o civil disobedience)
10. MOHANDAS “MAHATMA”
GANDHI
- naging pinuno ng Indian
National Congress
- nagsagawa ng patakarang
“non-cooperation” o hindi
pakikiisa sa pamahalaang British
11. Naisasagawa ang civil disobedience sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
• Iwasang bumili ng anumang gawa sa
Britain
• Iwasan ang pagpasok sa mga
paaralang pampubliko
• Tutulan ang pagbabayad ng buwis
• Iwasan ang pakikiisa sa halalan
• Iboycott ang kasuotang yaring Britain
12. AMRITSAR MASSACRE
- Ang mga Muslim at Hindu ay
natipon sa Amritsar, Punjab
- layon sana ng mga Indian sa
pagtitipong ito na mag-ayuno, manalangin
at makinig sa mga talumpating
pampolitikal ng kanilang mga
nasyonalistang lider
13. HENERAL REGINALD
DYER
- naniniwalang lantarang
sinalungat ng mga Indian ang pag-
uutos ng pamahalaang British
- pinagbabaril ng riple ang mga
Indian sa Amritsar
14. SALT ACT
- sa pamahalaan lamang
maaaring bumili ng asin ang
mga Indian at kinakailangang
magbayad sila ng kaukulang
buwis sa pagbili nito
16. GOVERNMENT OF INDIA
ACT
- pinasimulan ang tuwirang halalan
na nilahukan ng 35 milyong Indian
- sa batas na ito inaasahan ng mga
Indian na matamo ang kasarinlan
- ilan sa mga nakasaad sa batas na
ito ay hindi napagkasunduan ng mga
Muslim at Hindu