2. Rebulusyong Industriyal
Ang industriyalisasyon, rebolusyong industriyal, rebolusyong pang-industriya,
himagsikang pang-industriya, o himagsikang industriyal ay isang prosesong
nangyayari sa ilang mga lipunan. Binabago ng industriyalisasyon ang lipunan kung
saan ito nagaganap. Habang nangyayari ang industriyalisasyon, ang
pagmamanupaktura ay nagiging mas mahalaga kaysa pagsasaka. Isa itong bahagi ng
proseso ng modernisasyon. Sa paggamit ng mas mainam na teknolohiya, nagiging
maaaring makagawa ng mas maraming mabubuting mga daladalahin sa loob ng mas
maiksing dami ng panahon. Mas maraming magagawang produktong bagay ang
isang tao. Mas nakakagawa rin ng mas maraming natatanging mga bagay ang tao.
4. Ang Rebolusyong Industriyal ay isang panahon noong huling bahagi ng ika-18
siglo at unang bahagi ng ika-19 na siglo nang nagkaroon ng marubdob na
epekto sa sosyo-ekonomika at pang-kulturang katayuan sa Britanya ang
malaking pagbabago sa agrikultura, paggawa ng produkto, pagmimina,
at transportasyon. Lumaganap sa kalaunan ang mga pagbabagong ito
sa Europa, Hilagang Amerika at sa buong mundo. Nagtatak ng isang
malaking pag-inog sa lipunan ng tao ang pagdating ng Rebolusyong
Industriyal; halos naimpluwensiyahan ang lahat ng aspeto ng buhay sa ilang
paraan, mula sa manwal na paggawa at ekonomiyang nakabatay sa paghila ng
mga hayop patungo sa paggawa ng produkto sa makina.
5. Nagsimula ito sa mekanisasyon ng industriya ng Tela, ang pagsulong ng mga
kaparaanan sa paggawa ng bakal at ang pagdagdag ng gamit ng pinong uling.
Pinahintulutan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga kanal ang paglawak
ng kalakalan. Nasuporthan ang dramatikong pagtaas ng kakayahan ng
produksiyon ng pagpapakilala ng makinang sumisingaw na pangunahing
ginagatungan ng uling, malawak na paggamit ng lagumba (water wheel) at
makinarya binigyan ng lakas (pangunahin sa paggawa ng tela). Ang pagsulong
ng makinang kagamitan na lahat-metal noong unang dalawang dekada ng ika-
19 na siglo ang nagpadali sa paggawa ng mas marami pang makinang pang-
produksiyon para sa paggawa ng produkto sa ibang industriya. Lumaganap
ito sa Kanlurang Europa at Hilagang Amerika noong ika-19 na siglo, at
naapektuhan sa kalaunan ang karamihan ng mundo. Napakalaki ang epekto
nito sa pagababago ng lipunan
7. Tawag sa mga kilusan na nagpabago ng teknolohiya sa ating
bansa.
Ito ay isang transpormasyon na nakilala sa tawag na Rebolusyong
Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga
kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya.
9. Ang industriyalisasyon ay ang panahon ng panlipunan at pang-ekonomiyang
pagbabago na humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa
magsasakang lipunan patungo sa isang lipunang industriyal, kabilang ang
malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura.
Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal, ang
merkado at iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaring lumawig at magbigay
ng karagdagang stimulus sa pang-industriyang pamumuhunan at pag-unlad
ng ekonomiya.
11. Ang unang pagbabago ng isang industriyal na ekonomiya mula sa pagsasaka,
kilala bilang Rebolusyong Industriyal, ay naganap noong kalagitnaan ng
ikalabingwalo at mga unang taon ng ikalabingsiyam na siglo sa ilang lugar sa
Europa at Hilagang Amerika; mula Britanya na sinundan ng Belhika,
Alemanya at Pransya. Hindi nagtagal, ang mga komentarista ay tinawag ito
bilang ang unang Rebolusyong Industriyal.
13. • Para saakin bilang isang pilipino,, mamayan sa bansang ito,,,, hindi mo
mipakita kung anu, at kung ano ang ibig sabihan ng salitang ito,,, bakit?
sapamamaran at pamamalakad ng ating gobyerno ay hindi mo maituturing na
maka industriyalidad na pamamaran
15. Ang pananakop sa Makabagong Panahon
• Nagsimula ang pananakop sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong Europeo.
• Nananakop ng lupain at nagtayo ng kolonya sa Asia at America:
Portugal
Spain
Netherlands
France
Britain
• Bumagsak ang imperyo bago nag simula ang ika-19 siglo at nawalan ng kolonya sa North
America ang Netherlands at France.
16. • Nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain
sa America, ang Timog Canada, at ang pinakamagandang
kolonya ng Spain at Portugal.
• Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at
sa unang bahagi ng ika-20 na siglo, habang nagaganap ang
ikalawang Rebolusyong Industriyal.
• Noong 1871 hanggang sa nagsimula ang Unang Digmaang
Pandaigdig noong 1914 ay panahon ng mabilis na paglawak ng
pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain
17. Dahilan, Uri at Lawak ng Pananakop
• Manifest destiny - may
karapatang ibinigay ang Diyos sa
United States na magpalawak at
angkinin ang buong continente ng
Hilagang America.
• White man’s burden – tungkulin
ng mga Europoe at ng kanilang
mga inapo na panaigin ang
kanilang maunlad na kabihasnan
sa mga katutubo ng mga
kolonyang kanilang sinakop
• Protectorate- ay pagbibigay sa kolonya
ng proteksiyon laban sa paglusob ng
ibang bansa.
• Concession- ay ang pagbibigay ng
espesyal na karapatang pangnegosyo.
• Sphere of influence- ay isang lugar o
maliit na bahagi ng bansa kung saan
kontrolado ang pamahalaan politika ng
makapangyarihang bansa.
18. Ang paggalugad sa Gitnang Africa
• Hindi gaanong kilala ng mga Europeo ang Africa sapagkat mahirap marating ang
kaloob-looban nito. Hindi maaasahan ang mga ilog dahil marami sa mga ito ang
malalakas ang agos at lubhang mapanganib. Madilim ang gubat dito at maraming
hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman dito nang marating ito ng
isang misyoneryong Ingles na si David Livingstone.
• Noong 1854, ginalugad ni Livinstone ang ilog Zambesi. Siya ang unang dayuhan
na nakamasid sa magandang talon ng Victoria na ipinangalan sa reyna ng
England. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito siya namatay
dahil sa sakit.
19. Ang Pag-aagawan sa Africa ng mga bansa sa Europe
• Sa loob ng 30 taon, ang Africa na dating hindi kilalang mga pook ay
naagkin lahat ng mga kanluraning bansa. Ang paglaganap ng relihiyon,
ang pambansang ambisyon, at mga pangangailangan ang nagbunsod
upang pag-agawan ang gitnang Africa.
• Nakuha ng Belgium noong 1885 ang pinakamalaking bahagi ng Congo
basin sa pamumuno, ni haring Leopoldo I, pinakatusong mangangalakal
ng Europe. Pinaghatian ng France, Britain, Germany, Portugal, at Italy ang
ibang bahagi.
20. Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa:
1st hilagang bahagi – nakaharap sa Dagat Mediterranean
2nd pinakagitnang bahagi ng tropiko – mainit na bahagi
3rd bahaging timog – ang malamig na bahagi
21. • Nahiwalay ang Africa sa pananakop matapos bumagsak ang
Imperyalismong Rome, naging ang pamahalaan at ang relihiyon .
• Islam ang lumaganap sa hilaga ng Africa at naging mahigpit na
kalaban ng Kristiyanismo pati na sa Europe.
• Sa simula interesado lamang ang mga Europeo sa kalakalan ng
alipin. Ngunit naging interesado na rin sila sa likas na yaman ng mga
pook na ito tulad ng mga taniman ng ubas, citrus, butyl, pastulan ng
hayop at mga pook na magandang panirahan. Paniniwalaang may
mina ng bakal ang bundok ng Atlas sa Morocco.
22. Imperyalismong Ingles sa Timog Asia
• Sa mga mananakop, hindi natinag ang Imperyong Great Britain. Sa halip, lalo
pang lumawak ito. Bagaman lumaya ang 13 kolonya sa Amerika sa Rebolusyong
Amerkano, nadagdagan naman ito sa ibang dako. Ang British East India
Company sa India naging lubhang makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang
mga kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohoya sa bansa. Hindi naglaon,
inilipat ang kontrol ng kompanya sa pamahalaan ng Imperyo ng Great Britain
noong huling bahagi ng 1800. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ng
imperyo ang India. Sa Treaty of Paris noong 1763 na nagwakas sa pitong taong
digmaan ng France at Britain, nawalan ng teritoryo sa India ang France.
23. Ang United States sa Paligsahan ng mga
Bansang Mananakop
• Marami sa Africa ang hindi sang-ayon sa pananakop ng mga teritoryo, ng
nakipagdigmaan ang United States laban sa Spain noong 1898 sila ay napasali.
Ang tagumpay ng America sa Spain ay nnagdulot ng pagsakop sa Guam,
Puerto Rico at Pilipinas.
24. Ang protectorate at Iba pang Uri ng
Kolonya
• Mahihina ang West Indies, Australia, New Zealand, at mga bansa sa Central
America at walang pagkakaisa ang mga ito upang maipagtanggol ang kanilang
bansa. Ang hukbo ng America ay nagsilbing tagapangalaga sa mga pook na
ito upang mapanatiling bukas ang pamilihan sa mga bayan na ito, makakuha
ng hilaw na sangkap at mapangalagaan ang ekonomikong interest ng
America. Ang malalaking samahan sa negosyo ng America ay nakakuha ng
malalaking bahagi ng lakas- pangkabuhayan tulad ng pag-aari ng mga
minahan , mga balon ng langis, mga taniman, mga daang-bakal, at samahan
ng mga sasakyang dagat.