Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

Pag usbong ng renaissance

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Prochain SlideShare
Ang  Renaissance
Ang Renaissance
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 3 Publicité

Plus De Contenu Connexe

Diaporamas pour vous (20)

Les utilisateurs ont également aimé (20)

Publicité
Publicité

Pag usbong ng renaissance

  1. 1. GAWAIN 10: Magtulungan Tayo! Panuto: Nakita mo na ba ang larawan na “MONA LISA”? Nabasa mo na rin ba angkuwentong “Romeo at Juliet? Kilalamo ba ang lumikha sa mga obra maestrang ito? Kung gayon, basahin mo ang teksto hinggil sa aralin.Pagkatapos ay ihandamo ang iyongsarili para sa pangkatangGawain PAG-USBONG NG RENAISSANCE Dahil sa pag-unlad saagrikulturabunga ngmga pagbabago sa kagamitan atpamamaraan sa pagtatanim,umunlad angproduksiyon sa Europe noong MiddleAges. Humantong ito sa paglaki ngpopulasyon atpagdami ngpangangailangan ngmga mamamayan na natugunan naman ng maunlad na kalakalan.Ang mga lungsod-estado sa hilagangItaly ay nakinabangsakalakalangito.Noong ika-11 hanggang ika-12 siglo,umunlad angmga ito bilangsentrongpangkalakalan atpananalapi saEurope. Monopolisado rin nghilagangItaly ang kalakalan sapagitan ngAsya atEurope. Ilan sa mga lungsod-estadongumusbongay ang Milan,Florence,Venice, Mantua, Ferrara, Padua,Bologna,at Genoa. Ang yaman ng mga lungsod-estado na ito ay hindi nakasalalay salupa kundi sa kalakalan atindustriya.Sa katunayan,kung nangangailangan ngpera ang Papa,hari,o panginoongmaylupa,nanghihiramsilasa mga mangangalakal atbanker ng mga lungsod-estado na ito. Ang mga Medici sa Florenceay halimbawa ngisangpamilya ngmangangalakal atbanker. Sa pagtatapos ng MiddleAges sa hulingbahagi ngika-14 na siglo,isinilangangRenaissance.Ang Renaissance ay nangangahulugang “muling pagsilang”o rebirth. Maaari itong ilarawan sadalawangparaan.Una,bilangkilusangkultural o intelektuwal na nagtangkang ibalik angkagandahan ngsinaunangkulturangGreek at Roman sa pamamagitan ngpag-aaral sa panitikan atkultura ngmga nasabing sibilisasyon.Ikalawa,bilangpanahon ngtransisyon mula sa MiddleAges tungo sa Modern Period o Modernong Panahon. BAKIT SA ITALY? Italy angpinagmulan ngkadakilaan ngsinaunangRome at higitna may kaugnayan ang Italyano sa mga Romano kaysa alinmangbansa sa alinmangbansasa Europa.Dahil sa pananawna ito, mulingnabigyang- sigla angkanilang pagnanasangmapanumbalik angtagumpay ang kabihasnangklasikal ngsinaunangRoma. Itinuturingna isa sa maramingdahilan kungbakitnaging tunay na sinilangan ngRenaissanceangItaly,ay magandanglokasyon nito.Dahil dito,nagkaroon ng pagkakataon angmga lungsod dito na makipagkalakalan sa KanlurangAsya atEurope. Mahalagangpapel ang ginampanan ng mga unibersidad sa Italy,naitaguyod at napanatilingbuhay angkulturangklasikal atangmga teolohiya at pilosopiyangkaalaman ngkabihasnang Griyego at Romano. Pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong mahusay sa siningatmasigasigsa pag-aaral. ANG MGA HUMANISTA Sa pagtatapos ng MiddleAges, nagkaroon ng bagong kapangyarihan angmga hari samantalangangkapangyarihan naman ngSimbahan ay sinimulangtuligsain.Angmga digmaan,epidemya, at suliraningpang-ekonomiya ay tuluyan nangnagwakas.Nagbigay-daan angmga kaganapangito sa pagsilangngbagongpananawna dulotng interes sa pag-aaral ngsinaunangGreece at Rome, anghumanismo.Ang mga iskolar na nanguna sa pagaaral saklasikal na sibilisasyon ngGreece at Rome ay tinawagna humanist o humanista,mula sa salitang Italian na nangangahulugang“guro ng humanidades,partikularngwikangLatin.” Pinag-aaralan saHumanities o Humanidades ang wikangLatin at Greek, Komposisyon,Retorika,Kasaysayan,atPilosopiya,atmagingang Matematika atMusika.Sa pag-aaral ngmga ito, napagtantong mga humanista na dapatgawing modelo ang mga klasikal na ideyangmatatagpuan sa mga asignaturangito.Ang humanismo ay isangkilusangintelektuwal noongRenaissancena naniniwalangdapatpagtuunan ng pansin angklasikal na sibilisa syon ng Greece at Rome sa pag-aaral dahil naglalaman ito nglahatngaral na dapatmatutuhan upang magkaroon ng isangmoral at epektibong buhay. MGA AMBAG NG RENAISSANCE SA IBA’T IBANG LARANGAN Sa Larangan ng Sining at Panitikan 1. Francesco Petrarch (1304-1374).Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagangsinulatniya sa Italyano ang“Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pagibigsa pinakakamahal niyangsi Laura. 2. Goivanni Boccacio (1313-1375).Matalik na kaibigan ni Petrarch.Ang kaniyangpinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isangtanyagna koleksyon na nagtataglay ngisandaang(100) nakatatawangsalaysay. 3. William Shakespeare (1564-1616) Ang “Makata ng mga Makata.” Naging tanyagna manunulatsa GinintuangPanahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I.Ilan sa mga sinulatniya angmga walangkamatayangdula gaya ng: Julius Caesar, Romeo atJuliet, Hamlet, Anthony atCleopatra at Scarlet. 4. Desiderious Erasmus (c.1466-1536). “Prinsipengmga Humanista.”May-akda ng “In Praiseof Folly”kung saan tinuligsaniya ang hindi mabutinggawa ng mga pari atmga karaniwangtao. 5. Niccolo Machievelli (1469-1527).Isangdiplomatikongmanunulatna taga Florence, Italia.May-akda ng“The Prince.”Napapaloob sa aklatna ito angdalawang prinsipyo:“Ang layunin ay nagbibigay matuwid sa pamamaraan.” “Wasto ang nilikhanglakas.” 6. Miguel de Cervantes (1547-1616).Sa larangan ng panitikan,isinulatniya angnobelang“Don Quixote de la Mancha,”aklatna kumukutya at ginagawangkatawa-tawa sa kasaysayan angkabayanihan ngmga kabalyero noong Medieval Period. Sa Larangan ng Pinta at Pintor at Sining 1. Michelangelo Bounarotti (1475-1564).Ang pinakasikatna iskultor ngRenaissance,anguna niyangobra maestro ay ang estatwa ni David.Sa paanyaya ni Papa JuliusII ipininta niyasa SistineChapel ngKatedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggangsa pagbaha.Pinakamagandaat pinakabantogniyanglikha angLa Pieta, isangestatwa ni Kristo pagkatapos ngKaniyang Krusipiksyon
  2. 2. 2. Leonardo da Vinci (1452-1519).Ang hindi makakalimutangobra maestra niyang“HulingHapunan” (The Last Supper), na nagpakita nghulinghapunan ni Kristo kasama angKaniyanglabindalawangdisipulo.Isang henyong maramingnalalaman sa iba’tibanglarangan. Hindi langsiya kilalangpintor,kundi isaringarkitekto, iskultor,inhinyero,imbentor,siyentista,musikero at pilosoper. 3. Raphael Santi (1483-1520).“Ganap na Pintor”, “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance.Kilala sa pagkakatugma at balanseo proporsiyon ngkanyangmga likha.Ilan sa kaniyang tanyagna gawa ang Obra Maestrang“Sistine Madonna”, “Madonna and the Child”at“Alba Madonna.” Agham sa Panahon ng Renaissance 1. Nicolas Copernicus(1473-1543).Inilahad ni NicolasangTeoryang Heliocentric;“Sa pag-ikotng daigdigsa aksisnito,kasabay ng ibangplaneta,umiikotito sa paligid ngaraw.”Pinasungalingan ngteoryang ito ang tradisyonal na pag-iisip na angmundo ang sentro ng sansinukob,na matagal dingtinangkilik ngsimbahan. 2. Galileo Galilei (1564-1642).Isangastronomo atmatematiko, noong 1610.Malaki angnaitulongngkaniyangna imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican. 3. Sir Isaac Newton (1642-1727).Ang higante ng siyentipikongRenaissance.Sang-ayon sa kaniyang“Batas ngUniversal Gravitation,”ang bawatplaneta ay may kaniya-kaniyanglakasnggrabitasyon atsiyangdahilan kungbakitnasa wastonglugar ang kanilangpaginog.Ipinaliwanagniya na anggrabitasyongito angdahilan kungbakitbumabalik salupa angisangbagay na inihagispataas.Tinatayangangpag-usbongngRenaissanceay hindi natatapos sapanahon na kungsaan nakilalaangmga nabanggitna siyentipiko bagkus ito ay nagpapatuloy magpakailanman hangga’tangtao ay naghahanap atnaghahangad ng kasagutan sa kaniyangmga tanong. Ang ika-14 hanggangika-16 na siglo angsinasabingpanahon na kungsaan kakikitaan ngmga pagbabago mula sa madilimna anino ng kalagitnaangpanahon patungo sa Modernong Panahon.Ang mga pangyayaringnaganap sa panahon ngRenaissanceay nagbigay daan sa pagyaman ng kabihasnan ngdaigdigdulotngmalawak atmaunlad na mga pag-aaral,pagmamasid atpananaliksik.Ang transisyong ito ay nagbigay daan rin sa pag-usbongngRebolusyong Intelektuwal atmalawak na kaalaman sa daigdigbunsod ngmalayangpag-iisip at pagpapahayagngbawat indibidwal.Angpagbabagongdulot ng yugtong ito ay nakatulongsa pagsulongatpagbubuklod - buklod ng mga bansa sa katotohanangangpagpapahalagasa kalayaan atkabutihan ay nauukol sa sangkatauhan. ANG KABABAIHAN SARENAISSANCE Laura Cereta Isotta Nogarola Veronica Franco Vittoria Colonna Sa panahon ng Renaissance,iilangkababaihan lamangangtinanggap sa mga unibersidad o pinayagangmagsanay ngkanilangpropesyon sa Italy.Gayunpaman,hindi ito naginghadlangupangmakilala angilangkababaihan atangkanilangambagsa Renaissance.Hali mbawa ay si Isotta Nogarola ngVerona na may akda ng Dialogueon Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ngkaniyangkahusayan sa pag-unawa samga isyungteolohikal.Nariyan din si Laura Cereta mula sa Brescia na bago mama tay sa gulangna 30 ay isinulongangisangmakabuluhangpagtatanggol sapag-aaral na humanistiko para sa kababaihan.Sa pagsulatngtula, mahahalagang personalidad ngRenaissancesinaVeronica Franco mula sa Veniceatsi Vittoria Colonna mula sa Rome. Sa l arangan ng pagpipinta,nariyan sinaSofonisbaAnguissolamula Cremona na may likha ngSelf-Portrait(1554) at si Artemisia Gentileschi,anak ni Orazio,na nagpinta ng Judith and Her Maidservantwith the Head of Holoferness (1625) at Self-Portraitas the Allegory of Painting (1630). Ang Renaissanceay mayroongmahalagangimpluwensya sa pagunlad ngkultura attakbo ng kasaysayan ngdaigdig,angmga epekto n ito ay makikita sa mga sumusunod: 1. Nagpayaman sa sibilisasyon ngdaigdigpartikularsa pilosopiya,literatureatedukasyon. 2. Nagpasimula ngRebolusyongIntelektwal 3. Nakatulongsa pagtuklas ngheograpya ateksplorasyongmaritima. 4. Nagpasulongng paglago ngNasyon –Estado. 5. Nagbigay-daan sa Repormasyon. Ang salitangrenaissanceay isangsalitangPranses na hango sa salitangitalyano na renascimineto na angibigsabihin ay mulingpagsilang o panunumbalik ngkawilihan ngmga tao sa kahalagahan atkaka-yahan ngtao at sa kagandahan ngdaigdig. � Ang panahongito ay itinututringna dingpagpapalitngpanahon mula sa panahongmidyebal patu-ngong makabagongpanahon. � Isa rin itongreaksiyon sa uri ngpamumuhay medyibal kung saan angpersonalidad ngtao ay higitna mahalaga kaysasa kalipunan g kinabibilangan,attahasangpagpapahayagnginiisip kaysa sabulagna pagsunod. � Binibigyangdiin athalaga ngHumanismo angkahalagahan ngmakabuluhangpamumuhay ng tao sa daigdig,taliwassapaniniwalang ang layunin ngpamumuhay rito sa mundo ay upang maghanda para sa kabilangbuhay. � Ang humanismo ay tumutungkol din sa kaalaman atpagkawili sa kulturangGriyego at Romano. Ang Italyanongsi Petrarch ang kinilalangama nghumanismo, malaki angkaniyangnagawa upangmulingsumigla ta manumbalik anginteres ng tao sa pag-aaral ng mga klasikangkultura ngsinaunangGriyego atRomano. � Nagsimula angreanissancesa Italyadahil sa pagigingmariwasangmga siyudad sa hilagangItalyatulad ngVenice, Florence, Milan at Genoa. Ang mga pintor, makata at manlililok ay hinimok attinustusan ngmga mayayamang Italyano upanggumawa ng mga dakilang likhangsiningna may diwangklasika.Angkaalaman ngmag Italyano sa nakaraan na nakuha nila sapakikipagkalakalan ay galing sa Constantinoplekung sann napanatili atiningatan angkulturangklasika. � Ang pag-usbongRenaissanceay nagdulotng malakingpagbabago para sapagunlad ngsibilisasyon ngdaigdig.Ang mga pagbabagong ito ay nagpaningas ngrebolusyongintelektwal,pagunlad ng heograpiya atmga eksplorasyongmaritima,paglago ngpambansanges tado at higitsa lahatay nagsilbinginspirasyon para samga kasalukuyangpanatiko ngSining.
  3. 3. GAWAIN 10 CONCEPT DEFINITION MAP PangkatangPag-uulat:Maghahati angmga mag-aaral sa apatna pangkat.Sa tulong ng tekstong iyong binasa ay ilahad ninyo nginyong kapangkatang mahahalagangimpormasyon tungkol sa Renaissance. Pangkat 1: Kahulugan ngRenaissance Pangkat 2: Salik sa Pagsibol ngRenaissance Pangkat 3: Ambag ng Renaissancesa iba’tibanglarangan Pangkat 4: Mga Kababaihan saRenaissance Pagkatapos nginyong presentasiyon ay maglagay ng mga datos sa concept definition map para sa mas malinawna daloy ngmga impormasyon kaugnay ng paksa.Magbigay ng reaksiyon o magtanong sa nagingpresentasiyon ng kamagaaral kungmayroon kanghindi naunawaan. Pamprosesong tanong 1. Ano ang kahuluganngRenaissance? 2. Ano-anoang nagingmga saliksapag-usbongngRenaissance? 3. Bakit sa ItalynagsimulaangRenaissance? 4. Ano ang nagingepektongRenaissance sa pagkakaroonngpanibagongpagtinginsapolitika,relihiyonatpag-aaral? 5. Sino-sinoangpangunahingtagapagtaguyodngRenaissance? 6. Ano-anoang mga naiambagngRenaissance saatingkabihasnan? 7. Sino-sinongkababaihanangkilalasapanahongito? 8. Ano-anoang kanilangnagingkontribusyonsaPanahonngRenaissance? 9. Paano nakatulongangRenaissance sapaglakasngEurope? 10. Nagaganappa rin ba ang mga pangyayari saPanahonng Renaissance sakasalukuyan?Magbigayngmgapatunay. 11. Kungikaway mabibigyanngpagkakataonnamag-ambagng anumangbagay sa atingbansa,anong bagayat saang laranganmo pipiliing makapagbahagi ngnito?Pangatuwiranan

×