2. •Noon ay mataimtim na minalas ni Impong
Sela ang kanyang lalabing-animing taong
apong lalaki sa kanyang pagkakahigang
walang katinang-tinang. Sa ilalim ng
maputing kumot, ang kanyang apong
nakatihaya ay matuwid na katulad sa
isang bangkay at walang kakilus-kilos,
maliban marahil, sa paminsan-minsang
pagkibot ng kanyang mga labing
3. •Ano kaya ang silbi ng mga
salitang may salungguhit sa
maikling talatang ito?
•Ang mga salitang may
salungguhit ay mga Pang-uri.
Nagsasaad ang mga ito ng
katangiang o uri ng tao, bagay,
4. •A. Panuring Panggalan
•1.Masusuring na mga kamay ang nakalahad
sa kanyang harapan.
•2.Sanlibong hirap ang kanyang tiniis makita
lamang muli ang nawalay na bunso.
•B.Panuring sa Panghalip
•1.Kayong mahihirap ay pagkakalooban ng
tulong ng pamahalaan.
•2.Silang mga mapagtiis ang gagantimpalaan
sa kalangitan.
5. • Bukod sa direktang paglalarawan ng mga pang-uri sa mga
pangngalan o panghalip sa mga pangungusap, ang pang-uri
ay maaari ring tumayong isang simunong pangngalan sa
pangungusap.
• Halimbawa:
Kinagigiliwang palagi ang mga magagalang.
Ang mararangal ay pinagpipitaganan.
Maari ring gamitin bilang kaganapang pansimuno ang isang
pang-uri.
Halimbawa:
Ang mga Pilipino ay masayahin.
Mapupusok ang mga kabataan.
6. Sa pag-uugnay ng mga pang-uri sa pangngalan o panghalip, gumamit tayo ng
mga pang-angkop.
Suriin ang mga pang-angkop sa mga halimbawang ito
1.mapalad na nilalang
2.gabing maaliwalas
3.susun-susong problema
Kailan natin ginagamit ang na? ang ng?
Mababanggit na ang –g ay hindi maituturing na pang-angkop sapagkat ang
digrapong ng ay hindi binubuo ng mga ponemang n at g. A ng ay kumakatawan
sa isang ponema lamang – sa ponemang n. Kayat kapag inaangkupan ang
salitang nagtatapos sa n, ang nangyayari ay hindi inaangkupan ng g ang salita
kundi ang n ay napapalitan ng n.
7. KAYARIAN NG PANG-URI
Ang pang-uri ay maaaring payak, maylapi, inuulit, o tambalan.
1. Payak ang pang-uri kapag ito’y binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.
Ang mundo ay bilog.
Pula ang kulay ng himagsikan.
2.Maylapi ang pang-uri kapag ito’y binubuo ng salitang-ugat na may panlapi. Ang mga panlaping ikinakabit sa pagbubuo ng mga pang-uri ay
tinatawag na panlaping makauri. Madalas na gamiting panlaping makauri ang ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-.
Halimbawa:
ka-
kalahi
kasunod
Ang panlaping ka- ay nagpapahiwatig ng katangian ng relasyon o pag-uugnayan ng higit sa isang taong binabanggit sa pangungusap.
kay-
kayganda
kaysaya
Ang panlaping kay- ay nagpapakita ng katangian ng bagay na inilalarawan.
ma-
matalino
mahusay
Ang panlaping ma- ay nagpapakita rin ng katangian ng pangngalan o panghalip na binabanggit.
8. maka-
makabayan
maka-Diyos
Ang maka- ay nagpapakilala ng pakikiayon o pakikisama.
mala-
malarosas
malasutla
Nagbibigay ito ng kahulugang kaanyo o kahawig ng anumang katangiang
isinasaad ng salitang-ugat.
3. Inuulit ang pang-uri kung ito’y binubuo ng salitang inuulit. Maaring ang
pag-uulit ay ganap o di-ganap. Ito’y ganap kapag inuulit nang buong-buo
ang salita-ugat. Di-ganap naman ang pag-uulit kapag isang bahagi
lamang ng salitang-ugat ang inuulit.
9. Pag-uulit na ganap:
sira-sira
maganda-ganda
Pag-uulit na di-ganap:
matatamis
ang tatamis
4. Tambalan ang pang-uri kapag ito’y binubuo ng dalawang salitang-ugat na
pinag-iisa. Ang pang-uring tambalan ay maaaring magbigay ng kahulugang
karaniwan o patalinghaga.
Halimbawa ng tambalang pang-uring may karaniwang kahulugan:
Masayang-malungkot ang kaarawang iyon ni Tessa.
Halimbawa ng mga tambalang pang-uring may patalinghagang kahulugan:
Ang kanyang buhay ay isang pasang-krus.
10. KAILANGAN NG PANG-URI
Ang pang-uri ay maaring isahan, dalawahan, o maramihan.
Ito ay isahan kung iisa lamang ang inilalarawan, dalawahan kung dalawa
ang inilalarawan at maramihan kung higit sa dalawa ang inilalarawan.
Ang anyong isahan ng pang-uri ay maipakikita sa paggamit ng
panlapaing ma-, ka-, pang-, atb. nang walang pag-uulit ng unang P o KP
ng salitang-ugat o walang panandang mga, o iba pang salitang
nagsasaad ng bilang na higit sa isa.
Halimbawa:.
Matalino si Andres.
Kapalagayang-loob ko si Anita.
Pampaganan ang atsara
11. Ang anyong dalawahan ay naipakikita naman sa paggamit ng panlaping magka-,
magsing-, magkasing- o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng salitang kapwa.
Halimbawa:
Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy.
Magsimbagsik ang leon at ang tigre.
Magkasing-asim ang sampalok at mangga.
Dalawang malalaking lalaki ang humarang sa daraanan niya.
Kapwa maginoo sina Ruel at Tony.
Samantala ang anyong maramihan ng pang-uri ay naipakikita sa pamamagitan
ng pantukoy na mga, sa pag-uulit ng unang P o KP ng salitang-ugat, o sa pag-uulit ng
pantig na ka sa mga panlaping magka- o magkasing- o sa paggamit ng salitang
nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa.
Halimbawa:
Mga sikat na artista ang gumanap sa benefit show.
Mga mayayaman ang kaagad na nagpadala ng tulong sa mga biktima ng lahar.
Magkakasingganda ang nanalo sa Mutya ng Pilipinas.
Magkakaedad sina Rosita, Elmer, at Susan.
12. KAANTASAN NG KASIDHIAN NG PANG-URI
May tatlong kaantasan ng kasidhian ang pang-uri: lantay o
pangkaraniwan, katamtaman, at masidhi.
Lantay ang karaniwang anyo ng pang-uri, tulad ng sumusunod:
Mapula ang rosas.
Palabati si Aida.
Ang katamtamang antas ay maipakikita sa pamamagitan ng
paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti, atb.
Medyo maalinsangan ang panahon.
Hinog na nang bahagya ang napitas mong bayabas.
Masaya nang kaunti ang wakas ng dula.
13. Ang ikatlong antas ng pang-uri ay nagpapakilala ng kasidhian o kasukdulan.
Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng:
1. pag-uulit ng salita
Maputing-maputi na ang buhok ni Lola.
Pulang-pula ang mga hinog na kamatis.
2. paggamit ng mga panlaping napaka-, pagka- + pag-uulit, kay- + pag-
uulit;
Napakaginaw sa Amerika.
Pagkataba-taba ng kapatid niyang bunso.
Kaysipag-sipag ni Rosanna.
3. paggamit ng mga salitang lubha, masyado, totoo, talaga, tunay, atb.
Lubhang masakit para sa kanya ang nangyari.
Masyadong mahirap ang mga tanong sa nakaraang eksamen.
14. HAMBINGAN NG MGA PANG-URI
Nagkaroon din ng iba’t-ibang anyo ang pang-uri kung ito ay
naglalarawan ng dalawa o higit pa.
Kapag dalawa lamang ang pinaghahambing ng pang-uri, tinatawag
itong pahambing.
May dalawang uri ang pang-uring pahambing: (a) pahambing na
magkatulad at (b) pahambing na di magkatulad.
Ang pahambing ay magkatulad kung ang mga katangiang
pinaghahambing ay pareho o magkapatas. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping kasing-, magsing-,
magkasing- o kaya’y sa paggamit ng mga salitang panulad, tulad ng
gaya, tulad, pares, kapwa, pareho, atb.
Kasimbango ng sampagita ang rosas.
Mahinhin si Rebecca tulad ni Zenaida.
Kapwa matulungin ang magkaibigang Nena at Delia.
15. Kapag di-magkapatas ang mga katangian pinaghahambing, gumagamit
tayo ng pahambing na di-magkatulad. Gumagamit tayo ng salitang
pahambing, tulad ng kaysa, di-tulad, di-gaya di-gaano, di-hamak, atb.
Mataas ang puno ng lansones kaysa puno ng santol.
Matataas na ang kanyang mga marka ngayon, di-katulad noon.
Mahirap ang eksamen sa Matematika, di-gaya ng sa Agham.
Samantala, ang panukdulan ng mga pang-uri ay naipakikita sa
pamamagitan ng panlaping pinaka-, ka-… -ani-han, at ng pinagsamang
salitang walang at kasing-.
Pinakasikat na artista ang kanyang idolo.
Dumalangin siya sa kabanal-banalang puso ni Hesus.
Walang kasinlubha ang pinsalang ginawa ng pagputok ng
Bulkang Pinatubo.