2. Ang Pilipinas ay biniyayaan ng
saganang yamang tubig. Dahil sa isang
kapuluan ang Pilipinas, ito ay
napapaligiran ng karagatan. Bukod pa
rito ang iba pang mga anyong tubig tulad
ng ilog,sapa,at lawa na tinatawag ding
inland waters na pawang sagana rin sa
mga mahuhuling isda.
3. Komersiyal – produksiyon ng isda gamit ang bangka na may bigat
na higit sa tatlong gross ton;
Munisipal na pangingisda – produksiyon ng isda sa katubigang
sakop ng munisipalidad, gumagamit lamang ito ng bangka na hindi
hihigit sa tatlong gross ton ang bigat,
Aquaculture – kontroladong paraan ng produksiyon ng isda at iba
pang yamang tubig
4. Aquaculture: Umuunlad na
Subsektor ng Pangisdaan
Malaki ang ambag ng aquaculture sa produktibidad
ang subsektor ng pangisdaan. Sa Pilipinas, ang tatlong
pangunahing pinagmulan ng mataas na produksiyon ng
isda ay ang komersiyal na pangingisda; munisipal na
pangingisda; at aquaculture. Sa mga ito, ang aquaculture
ay may pinakamalaking produksiyon.
5. Mahalaga ang papel ng aquaculture sa ekonomiya ng
bansa, dahil na rin sa sumusunod na kapakinabangang
dulot nito:
Nakapagbibigay ito ng hanapbuhay sa maraming mamayan.
Napupunan nito ang bumababamg dami ng huli mula sa
karagatan at iba pang anyong tubig.
Nakatutulong ito sa ibang kaugnay na industriya tulad ng mga
pakain sa isda (feeds) at food processing.
Nakapagpapasok ito sa bansa ng malaking halaga ng dolyar dahil
sa kita mula sa mga produktong iniluluwas sa ibang panig ng
daigdig
Napapakinabangan ang mga nakatiwangwang na lugar upang
makapagpatayo ng fishpond at mapagkakitaan.
6. MGA SULIRANIN SA SEKTOR NG PANGINGISDA
Maaring magpatuloy ang pagbaba ng produktibidad ng sektor
ng pangisdaan kung hindi matutugunan ang mga suliraning
kinakaharap nito.Karamihan sa mga suliraning ay pawang
bunga ng pang-aabuso sa kalikasan.Sa tuluyang pagkasira ng
mga yamang tubig ng bansa, higit na titindi ang banta sa
buhay at kabuhayan ng mga mamamayang direkta at hindi
direktang umaasa sa pangingisda.
7. MAPANIRANG OPERASYON NG MALALAKING
KOMERSIYAL NA MANGINGISDA
Inirereklamo ng maliliit na mangingisda o small-scale fisherfolk
ang mapanirang paraan ng paghuli ng isda ng ilang malalaking
korporasyon o mga big commercial fishing operator.Ang malalking
barko ng mga korporasyong ito ay gumagamit ng sistema na kung
tawagin ay trawl fishing.Ang trawl fishing ay isinasagawa sa
pamamagitan ng paglaladlad ng lambat na may kasamang
pabigat.Mapanira ito sapagkat habang pinatatakbo o pinauusad ang
barko ay nakakaladkad ng lambat na may kasamang pabigay ang mga
korales.Nabubulabog ng ganitong uri ng operasyon ang mga isda kaya
higit na napadadali ang paghuli ng isda ay salungat sa pagkalahatang
layunin ng sektor ng pangingisda.Hindi nito mapapangalagaan ang iba
pang yamang-dagat kung kaya ang pamahalaan ay may kampanya laban
sa mga ganitong mapamuksang uri ng gawain.
8. EPEKTO NG POLUSYON SA SEKTOR NG
PANGISDAAN
Ang polusyon sa tubig ay naikategorya sa tatlo batay
sa pinagmumulan nito.Ito ay ang polusyon mula sa mga
tahanan, agrikultura, at industriya.Ang maruruming tubig
mula sa mga tahanan ay dumadaloy sa mga kanal o
imburnal na tumutuloy sa mga ilog.Mula sa ilog, ito ay
dadaloy patunong daga.Ang mga ginagamit patunong
dagat.Ang mga ginagamit na natural o artipisyal na
pestisidyo at abono sa mga sakahan ay dumadaloy rin
kasama ng tubig na tuluyang umaabot sa iba’t ibang kalapit
na anyong tubig.
9. Ganoon din naman para sa mga pabrikang
nagtatapon ng mga nakalalasong kemikal sa mga ilog na
tuluyang dumadaloy patungong dagat.Ang lahat ng ito ay
mapaminsala sa kalikasan.Bumababa ang kalidad ng tubig
bunga ng polusyon na nagreresulta naman sa pagkamatay
ng mga yamang tubig at maging pagkalason ng tao.May
mga naitala na ring malawakang pagkamatay ng mga isda o
fish kill na sanhi ng kapabayaan ay kalabisan ng
tao.Malaking kawalan ito sa sektor ng
pangisdaan.Itinuturing na man-made disaster o mga sakuna
bunga ng kapabayaan ay kalabisan ng tao ang mga
pangyayaring tulad ng fish kill.
10. LUMALAKING POPULASYON SA BANSA
May mga pag-aaral na nagsasabi na pinatitindi ng tuloy-
tuloy na paglaki ng populasyon ng tao ang kalagayan ng
sektor ng pangisdaan. Ang patuloy na pagdami ng tao na
umaasa sa yamang tubig para sa kanilang ikabubuhay ay
higit na nagpapalala ng sitwasyon.Ang malaking bilang ng
mamamayan na nagkokompitensya sa limitadong bilang o
dami ng likas-yaman ay nagbabadya ng mabigat na
suliraning ekolohikal at pang-ekonomiya sa kasalukuyan at
maging sa hinaharap.
Napipilitan ang mga mangingisda na na abusuhin ang
yamang dagat upang maitawid ang pangangailangang
mabuhay araw-araw sa pamamagitan ng paggamit ng mga
ilegal na paraan ng pangingisda tulad ng dinamita ,
cyanide, gayundin ang paraan ng muro-ami at iba pa.
11. KAHIRAPAN SA HANAYANG MGA
MANGINGISDA
Sa kalaunan, ang patuloy na pagbaba ng bilang ng huli ng
isda ay maaaring maging banta sa seguridad sa pagkain.
Hindi nalalayo sa problemang ito ito ang banta ng
kahirapan. Sa katotohanan, may mga pagkakataon na
mismong ang mga mangingisda ay walang makain sa
kanilang mga hapag lalo na tuwing panahon ng bagyo.
Ang papaunting bilang ng huli ng isda ay sintomas lamang
ng mga mas malala pang problema sa sektor ng pangisdaan
tulad ng kapabayaan , pang-aabuso ng tao sa kalikasan,
kawalan ng katarungang panlipunan, at iba pa.
12. MUNGKAHI PARA SA LIKAS-KAYANG
PANGINGISDA
Mataas ang lokal at dayuhang demand sa yamang tubig
tulad ng isda,alimango,hipon at seeweeds. Malaking halaga
ng dolyar ang ipinapasok ng pagluluwas ng mga
produktong ito sa ibang bansa. Upang matiyak na wasto o
tama ang paggamit o paglinang sa ating likas na yaman,
lalo na sa sektor ng pangisdaan, ang sumusunod na
mungkahi ay maaaring isakatuparan.
1. Tiyakin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan, samahang
pampangisdaan, at kapulisanupang mahuli at
maparusahan ang sinuman na gumagamit ng ilegal na
paraan ng pangingisda. Malaki ang magagawa ng sama-
samang pagkilos.
13. 2. Mag organisa ng “bantay-dagat” na binubuo ng lokal na
mangingisda at mga pinunong barangay.
3. Gumamit ng tamang paraan sa panghuhuli ng isda.
4. Huwag manghuli ng dugong, pagong, at mga
organismong nanganganib na tuluyang maubos.
5. Magsagawa ng mga pag-aaral at talakayin sa pamayanan
tungkol sa wastong paraan ng paggamit ng yamang-dagat.
6. Pangalagaan ang mga bakawan upang maibalik ang
dating yaman ng karagatan.
7. Ipatupad nang mahigpit at walang pagtatangi ang mga
batas pampangisdaanna nangangalaga sa yamang-dagat.
14. 8. Tumukoy ng iba pang linya ng hanapbuhay na
maaaring pagkakitaan ng mga mangingisda upang
hindi tuluyang maubos ang yamang-dagat.
9. Paigtingin ang regulasyon sa mga munisipal na
mangingisda at malalaking komersyal na operator sa
pamamagitan ng mga lisensya, permit at iba pa.
10. Magpataw ng kaukulang kaparusahan sa bawat
kompanyang lumalabag sa pangangalaga ng karagatan
at yamang-dagat.
15. PROGRAMANG PANGKAUNLARAN
PARA SA SEKTOR NG PANGINGISDA
Sapagkat kinikilala ng pamahalaan ang mahalagang ambag ng
sektor ng pangingisda sa lipunan, ang sumusunod ay programa
nito upanggawing matatag at masigla ang sektor na nabanggit.
1. Pagtatayo ng mga daungan. Kalimitan, ang mga
ipinatatayong mga daungan sa bansa ay naglalayon na pawang
sariwang huli mula sa karagatan ang mabibili ng mga tao.
2. Philippine Fisheries Code of 1998. itinatadhana ng batas na
ito ang paglimita at wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng
bansa.
3. Fishery research. Naniniwala ang Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources (BFAR) na may malaking ambag ang
pangisdaansa kaunlaran ng bansa.
16. SEKTOR NG PAGGUGUBAT
Ayon sa Forest Management Bureau
(FMB) ng Department of Environment and
National Resources (DENR), ang kalagayan
ng kagubatan sa Pilipinas ay lubhang
nakaaalarma. Tinatayang mula 1950
hanggang 1978, and deforestation o
pagkaubos ng puno sa kagubatan ay
nangyari sa 204,000 ektarya bawat taon.
17. Lubhang napakahalaga ng kagubatan sa
lipunan dahil sa sumusunod na
kadahilanan:
Piangkukunan ito ng mga sagkap para sa
paggawa ng gamot;
Pinagkukunan ito ng mga materyales para sa
paggawang bahay at muwebles;
Nagsisilbi itong tirahan ng buhay-ilang
(wildlife);
Inaasahan ito ng mga pambansang minorya
para sa kanilang ikabubuhay;
Nagsisilbi itong lugar kung saan
18. Pinagkukunan ito ng mgahilaw na
materyales upang makapagmanupaktura
ng papel at iba pang kagamitan;
Pumipigil ito sa pagbaha at pagguho ng
lupa;
Nagsisilbi itong proteksyon ng
mamamayan laban sa malalakas na
hangin bunga ng bagyo;at
Nagsisilbi itong natural na imbakan ng
tubig.
19. MGA SULIRANIN SA SUBSEKTOR NG
PAGGUGUBAT
Ang Pilipinas, bagama’t kinikilala bilang isa
sa mga biniyayaan ng likas na yaman, ay
nahaharap din sa maraming pagsubok at
suliranin, tulad ng problema sa paggugubat.
Ang patuloy na pagtaas ng populasyon ay
katumbas ng pagtustos sa maraming
pangangailangan ng mga ito at kalimitang
ang yamang-kagubatan ang tagatustos nito.
20. HAKBANG TUNGO SA LIKAS-KAYANG
PAGTOTROSO
Ang desentralisasyon ng kapangyarihan
mula pambansa tungong lokal na
pamahalaan sa pamamagitan ng Local
Government Code ay nakabuti sa higit na
pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.
Binibigyang-diin ng patakarang ito ang
pananagutan at mahalagang papel ng lokal
na pamahalaan sa pagtiyak ng
konserbasyon ng kalikasan para sa
susunodna salinlahi.
21. Ilan sa mga maaaring gawing hakbang upang higit
na maisulong ang likas-kayang pagtotroso ay ang
sumusunod:
Higpitan angmga patakaran laban sa ilegal na
pagtotroso.
Magtanimng puno sa bawatpagputol na gagawin.
Pagtatalaga ng kalihim ng DENR na totoong
magtataguyod ng likas-kayang kaunlaran.
Dagdagan ang pondo para mas mahigpit na
mabantayan ang kagubatan.
Palaganapin sa pamamagitan ng media at edukasyon
ang kahalagahan ng gubat sa pagtiyak ng ecological
balance.
Matuto sa karanasan at tradisyon ng mga pambansang
minorya o katutubo sa pangangalaga nila sa kalikasan.
22. MGA INSTITUSYON AT PROGRAMA PARA SA SEKTOR
NG PAGGUGUBAT
Community Livelihood Assistance Program
(CLASP). Nilalayon ng programang ito na
maitaas ang antas ng buhay ng tao sa
pamamagitan ng pagtuturo o paglilipat ng
kaalaman ng wastong teknolohiya ng paglinang
ng ating likas na yaman tulad ng kagubatan.
Forest Management Bureau (FMB). Sa ilalim
ng pamunuan ng DENR, ang ahensyang ito ang
nagpapatupad ng programang Sustainable
Forest Management Strategy.
23. National Integrated Protected Areas System
(NIPAS). Layunin ng programang ito na
mabigyan ng proteksiyon o pangangalaga ang
ating kagubatan at ang mga likas na pananim at
hayop na matatagpuan dito.