Publicité
Publicité

Contenu connexe

Publicité
Publicité

Yunit 3, aralin 3 pagkamulat

  1. PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANO Yunit 3, Aralin 3
  2. ALAMIN
  3. MAKINIG, MAG-ISIP, MAGPAHAYAG (3MS) Gawain 1
  4. Gawain 1: MAKINIG, MAG – ISIP, MAGPAHAYAG (3MS) Pakinggan ang awiting “TATSULOK.” Maaari itong awitin gamit ang lyrics sa kabilang pahina. Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito.
  5. Gawain 1: MAKINIG, MAG – ISIP, MAGPAHAYAG (3MS)
  6. Gawain 1: MAKINIG, MAG – ISIP, MAGPAHAYAG (3MS) Alam mo bang ang awiting “Tatsulok” ay orihinal na awitin ng bandang Buklod na nilikha bilang reaksiyon sa polisiyang militarisasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino? Layon ng administrasyong Aquino na supilin ang armed revolutionary movement. Ang militarisasyong ito ay nagdulot ng kapahamakan sa malaking bilang ng sibilyan. Muling binuhay ni Bamboo ang awiting ito bilang paalala sa di - pantay na istrukturang panlipunan ng bansa.
  7. PAMPROSESONG MGATANONG 1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit? 2. Sino ang kinakausap sa awit? 3. Sino ang kinakatawan ng batang siTotoy? 4. Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok? 5. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit? 6. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. 7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming Pilipino?
  8. HAGDAN NG KARUNUNGAN Gawain 2
  9. Gawain 2: HAGDAN NG KARUNUNGAN Punan ang kasunod na dayagram. Isulat sa bahaging initial ang iyong nalalaman tungkol sa tanong.
  10. PAGSASAKONTEKSTO Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa istruktura ng lipunan kung saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna, at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok. Ito’y mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang mga dukha ay ilagay mo sa tuktok.” Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng salitang “rebolusyon?”
  11. HULA - RAWAN Gawain 3
  12. Gawain 3: HULA - RAWAN Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang pansin ang mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig.
  13. PAMPROSESONG MGATANONG 1. Ano ang ipinakikita ng larawan? 2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan? 3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong makikita rito? 4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo? 5. Sino naman ang kinakatawan ng taong bayan? 6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan? 7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig, o nasaksihang katulad ng sitwasyong nasa larawan? Ikuwento ito sa klase. 8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan? Pangatuwiranan.
  14. PAUNLARIN
  15. PAGSASAKONTEKSTO Malaki ang ginampanan ng Rebolusyong Siyentipiko (1500s -1600s) sa pagbabago ng pagtingin ng mga Europeo sa daigdig. Ang tagumpay ng agham ay nagpatunay sa lakas ng reason o katuwiran. Nagpag - isipang kung ito ay nagagamit sa pag-unawa sa physical world (Physics, Geology, Chemistry, Biology at mga tulad nito) bakit hindi ito ginagamit upang maunawaan ang tao at ang kanyang lipunan? Ang pagtatangkang ito ay nagtulak sa pag-usbong ng Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) o Rebolusyong Pangkaisipan. Tinatalakay na sa nagdaang aralain ang konseptong ito ngunit palalalimin pa ito.
  16. PAGSUSURING PANTEKSTO Isa sa mga aral ng kasaysayan na hindi maitatanggi ang katotohanan ay ang isang pangyayari ay hindi sisibol kung walang pinag-ugatan o pinagmulan. Patutunayan ito ng ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan at Rebolusyong Pampolitikal sa Europe.
  17. REBOLUSYONG PANGKAISIPAN
  18. REBOLUSYONG PANGKAISIPAN Isa sa mga bunga ng pamamaraang makaagham ang pagbabagong ginawa nito sa iba - ibang aspekto ng buhay ng tao. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang pamamaraang ito upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangang pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nakasentro ang ideyang ito sa paggamit ng reason o katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal, at pangekonomiya. Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.
  19. KAISIPANG POLITIKAL
  20. KAISIPANG POLITIKAL Umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan noong ika-18 na siglo (1700s). Isa sa kinilalang pilosopo sa panahong ito ay si Baron de Montesquieu (MON tehs kyoo) dahil sa kaniyang tahasang pagtuligsa sa absolutong monarkiyang nararanasan sa France ng panahong iyon. Sa kaniyang aklat na pinamagatang “The Spirit of the Laws” (1748), tinalakay niya ang iba’t ibang pamahalaang namayani sa Europe. Hinangaan niya ang mga British dahil sa pagbuo nito ng isang uri ng pamahalaang monarkiya na ang kapangyarihan ay nililimitahan ng parliament.
  21. KAISIPANG POLITIKAL Mas kinilala ang kaisipang balance of power ni Montesquieu na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay (ehekutibo, lehislatura, at hudikatura).Ayon sa kaniya, ang paglikha ng ganitong uri ng pamahalaan ay nagbibigay proteksiyon sa mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.
  22. PHILOSOPHE
  23. PHILOSOPHES Sa kalagitnaang bahagi ng ika-18 na siglo, isang pangkat ng mga taong tinatawag na philosophes ang nakilala sa France. Pinaniniwalaan ng pangkat na ito na ang reason o katuwiran ay magagamit sa lahat ng aspekto ng buhay, tulad ni Isaac Newton na ginamit ang katuwiran sa agham. Limang mahahalagang kaisipan ang bumubuo sa kanilang pilosopiya.
  24. PHILOSOPHES 1. Naniniwala ang mga philosophes na ang katotohanan (truth) ay maaaring malaman gamit ang katuwiran. Para sa kanila, ang katuwiran ay ang kawalan ng pagkiling at kakikitaan ng pag-unawa sa mga bagay-bagay. 2. May paggalang ang philosophes sa kalikasan (nature) ng isang bagay. Ayon sa kanila, ang likas o natural ay mabuti. Naniniwala rin sila na may likas na batas (natural law) ang lahat ng bagay. Tulad ng pisikal na may likas na batas na sinusunod, ang ekonomiya, at politika ay gayon din.
  25. PHILOSOPHES 3. Ang kaligayahan para sa mga philosophes ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng kalikasan. Naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan sa mundo. Taliwas ito sa paniniwalang medieval na kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay. 4. Ang mga philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng “makaagham na paraan.” 5. Nagnanais ng kalayaan ang mga philosophes. Tulad ng mga British, ninais nilang maranasan ang kalayaan sa pagpapahayag, pagpili ng relihiyon, pakikipagkalakalan, at maging sa paglalakbay. Mangyayari lamang ito kung gagamitin ang reason.
  26. PHILOSOPHES Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa kanilang paniniwala na maaaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay?
  27. PHILOSOPHES Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes si Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire. Siya ay nakapagsulat ng higit sa 70 aklat na may temang kasaysayan, pilosopiya, politika, at maging drama. Madalas gumamit ng satiriko si Voltaire laban sa kaniyang mga katunggali tulad ng mga pari, aristocrats, at maging ang pamahalaan. Dahil sa tahasang pagtuligsa sa mga ito, ilang beses siyang nakulong. Matapos nito’y ipinatapon siya sa England ng dalawang taon at kaniyang nasaksihan at hinangaan ang pamahalaang Ingles. Nang makabalik ng Paris, ipinagpatuloy niya ang pambabatikos sa batas at kaugaliang Pranses at maging sa relihiyong Kristiyanismo. Nagkaroon man siya ng maraming kaaway dahil sa kanyang opinyon, hindi siya huminto sa pakikipaglaban upang matamasa ang katuwiran, kalayaan sa pamamahayag, at pagpili ng relihiyon, at tolerance.
  28. PHILOSOPHES 1. Bakit ganoon na lamang ang paghanga niVoltaire sa pamahalaang Ingles? 2. Anong aspekto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire?
  29. PHILOSOPHES Samantalang bukod sa magkataliwas na ideya ni Thomas Hobbes at John Locke tungkol sa katangian ng pamahalaang nararapat na mamuno sa mamamayan, isa pang philosophe ang tumalakay sa pamamahala at siya ay si Jean Jacques Rousseau (roo-SOH). Nagmula sa isang mahirap na pamilya, si Rousseau ay kinilala dahil sa kahusayan sa pagsulat ng mga sanaysay na tumatalakay sa kahalagahan ng kalayaang pang- indibiduwal (individual freedom).
  30. PHILOSOPHES Taliwas sa nakararaming philosophe na nagnanais ng kaunlaran, siya ay naniniwala na ang pag-unlad ng lipunan o sibilisasyon ang siyang nagnakaw sa kabutihan ng tao. Ayon sa kaniya, likas na mabuti ang tao. Nagiging masama lamang ang tao dahil sa impluwensiya ng lipunang kaniyang kinabibilangan. Mauugat ito nang umusbong ang sibilisasyon at sinira ang kalayaan at pagkakapantay-pantay na siya namang katangian ng sinaunang lipunan. Binigyang diin niya na ang kasamaan ng lipunan (evils of the society) ay mauugat sa hindi pantay na distribusyon ng yaman at labis na kagustuhan sa pagkamal nito.
  31. PHILOSOPHES Inihain niya ang paniniwala tungkol sa mabuting pamahalaan sa kaniyang aklat na The Social Contract. Naniniwala siya na magkakaroon lamang ng maayos na pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa ‘pangkalahatang kagustuhan’ (general will). Samakatuwid, isinusuko ng tao ang kaniyang will o kagustuhan sa pamahalaan. Ang Social Contract niya ang naging saligan ng mga batas ng rebolusyon sa France.
  32. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA
  33. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA Pinalaganap ni Denis Diderot (dee DROH) ang ideya ng mga philosophe sa pamamagitan ng pagsulat at pagtipon ng 28-volume na Encyclopedia na tumatalakay sa iba-ibang paksa. Naglayon siyang baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya, at relihiyon.
  34. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA Binatikos nila ang kaisipang Divine Right at ang tradisyonal na relihiyon. Bilang tugon, pinigil ng pamahalaan at Simbahan ang pagkalat ng Encyclopedia at binantaan ang mga Katolikong bibili at babasa nito. Sa kabila ng mga pagpigil na ito, humigit-kumulang na 20,000 kopya ang naimprenta sa mga taong 1751-1789. Nang ito ay maisalin sa ibang wika, naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europe kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at Africa.
  35. PAGPAPALAGANAP NG LIBERAL NA IDEYA Naipalaganap ang mga ideya ng Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan hindi lamang sa kabuuan ng Europa kundi maging sa America at kalaunan ay sa Asya at Africa.
  36. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT
  37. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT Ang islogang “kalayaan at pagkakapantay” ay tinitignan ng mga philosophes na hindi akma sa kababaihan. Naniniwala sila na limitado lamang ang karapatan ng kababaihan kung ihahambing sa kalalakihan. Unti-unting nabago ang pananaw na ito sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo (1700s) nang magprotesta ang ilang kababaihan sa ganitong uri ng pagtingin. Kinuwestiyon nila ang paniniwalang mas mababa ang uring kababaihan kaysa kalalakihan.
  38. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT Pinangunahan nina Catherine Macaulay at Mary Wallstonecraft ang laban ng kababaihan. Sa akdang A Vindication of the Rights of the Woman ni Wallstonecraft ay hiningi niya na bigyang pagkakataon ang kababaihang makapag-aral sapagkat ito ang paraan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang kalalakihan at kababaihan. Mahabang panahon bago binigyang pansin ang ideyang ito. Ngunit isa ang malinaw: naisatinig sa Panahong Enlightenment ang diskriminasyon laban sa kababaihan.
  39. MGA KABABAIHAN SA PANAHON NG ENLIGHTENMENT 1. Makatuwiran ba ang ipinaglalaban nina Mary Wallstonecraft? Pangatuwiranan. 2. Bakit kaya hindi agad pinakinggan ang ipinaglalaban ng kababaihan ng panahong iyon?
  40. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA
  41. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA Maging ang kaisipang pang-ekonomiya ay nagkaroon ng pagbabago sa panahong ito. Kinuwestiyon ang merkantilismo na matagal ng namayani sa Europe at kinilala ang polisiyang laissez faire. Binibigyang diin sa kaisipang ito ang malayang daloy ng ekonomiya na hindi nararapat na pakialaman ang pamahalaan. Taliwas ito sa nakagisnang merkantilismo na ang pinagbabatayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak. Tinanggap ang ideyang ang lupa ang tanging pinagmumulan ng yaman o nakatutulong sa pagpapayaman. Tinawag na physiocrats ang mga naniwala at nagpalaganap nito ng ganitong kaisipan.
  42. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA Si Francois Quesnay ay isa sa naniniwala sa doktrina ng malayang ekonomiya. Katulad ni Quesnay, naniniwala si Adam Smith na kailangan ang produksiyon upang kumita ang tao. Isa siyang ekonomistang British na nagpanukala na ang market o pamilihan ay maaaring dumaloy nang maayos nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
  43. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA Ang pangunahin umanong tungkulin ng pamahalaan ay ang pagbibigay proteksiyon sa mamamayan, panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan at ang mga pangangailangang pampubliko tulad ng pagpapatayo ng mga ospital at pagpapagawa ng mga tulay at kalsada. Kung maisasagawa, ang mga ito’y higit na madaling magkakaroon ng interaksiyong pang-ekonomiko sa bawat indibiduwal na siya namang magpapaangat ng ekonomiya at pamumuhay ng mamamayan.
  44. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na lumaganap sa Europe at iba-ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag-aralang Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian. Nagkaroon ng mga salon na naging lugar ng talakayan ng mga pilosopo, manunulat, artists at iba pang katulad nito. Nagmula sa Paris ang salons noong 1600s dito nagkakaroon ng pagbasa ng tula ang kababaihan. Sa pagsapit ng 1700s, ang kababaihang mula sa gitnang-uri ay nagkaroon ng kani-kanilang pagtitipon. Kalaunan ay naging lugar ito ng pagkikita ng mga middle-class at noble na may pagkakaunawaang pantay sila lalo’t higit sa pagtalakay ng mga ideyang liberal.
  45. KAISIPANG PANG - EKONOMIYA 1. Ano ang kaibahan ng prinsipyong merkantilismo sa prinsipyo ng laissez faire? 2. Ano ang pinaniniwalaan ng mga physiocrats? 3. Paano lumaganap ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europe?
  46. IMPLUWENSIYA NG PAGKAMULAT NG KAISIPAN
  47. IMPLUWENSIYA NG PAGKAMULAT NG KAISIPAN Nagbigay ang pagkamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensiya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya. Higit ngang naging mapanuri ang tao at iba-ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal ng sinunod. Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipunan samantalang ang iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nagbibigay daan ito sa isa pang uri ng rebolusyon ang Rebolusyong Politikal.
  48. TALA – HANAYAN (3-2-1 CHART) Gawain 4
  49. Gawain 4:TALA – HANAYAN (3-2-1 CHART) Punan ang sumusunod na chart. Gawin ito sa kwaderno.
  50. PAMPROSESONG MGATANONG 1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal, at pilosopikal ang sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europe? 2. Paano binago ng iba-ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa kanilang pinuno at pamahalaan? 3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga Philosophes? Pangatuwiranan. 4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng maraming mamamayan sa: a. relihiyon b. pamahalaan c. ekonomiya d. kalayaan
  51. REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON
  52. REBOLUSYONG AMERIKANO: SANHI, KARANASAN AT IMPLIKASYON Ang digmaan para sa kalayaan ng America ay lalong kilala sa katawagang Rebolusyong Amerikano. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles na naging mga migrante sa Timog Amerika ay nagrebelde sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila ng Parliamentong Ingles dahil wala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga hinaing. Nagdeklara sila ng paglaya sa mga Ingles noong 1776. Pagkatapos ay nagbuo sila ng isang malakas na hukbo na naging tagapagtanggol sa British. Ang Digmaan para sa kalayaan ang naging dahilan ng pagbubuo ng United States of America.
  53. PAGSUSURING PANTEKSTO Sa huling bahagi ng ika-18 na siglo, ibang uri ng himagsikan ang lumaganap sa bahagi ng Atlantiko. Ito ay naimpluwensiyahan ng mga ideyang pinalaganap noong Panahon ng Enlightenment. Inilatag nito ang mga pagtatanong tungkol sa absolutong monarkiya at sa dominasyon ng Simbahan sa mga panlipunan at pampolitikang galaw ng mga tao. Ang ganitong kaisipan ay naging daan upang patalsikin ang tradisyonal na rehimen sa America at France.
  54. PAGSUSURING PANTEKSTO Nagsimula ang digmaan noong 1775 sa pagitan ng 13 kolonya sa Timog America at Great Britain. Ito ang unang himagsikan na naghangad ng kalayaan at pagbabago sa lipunan. Naging daan din ito sa paglawak ng mga prinsipyong rebolusyonaryo sa France at sa isang madugong himagsikan noong 1789. Itinuturing na mas malaki ang naiwang epekto ng Himagsikan sa France sa kabuuan ng Europe at iba pang panig ng mundo sa dahilang iniwan nito ang tatlong mahahalagang prinsipyo ng pagbubuo ng isang nasyon-estado: ang kalayaan, pagkakapantaypantay, at ang kapatiran.
  55. ANG LABINTATLONG KOLONYA
  56. ANG LABINTATLONG KOLONYA Ang malaking bilang ng mga Ingles ay nagsimulang lumipat at manirahan sa Hilagang Amerika noong ika-17 na siglo. Karamihan sa kanila ay nakaranas ng persecution dahil sa kanilang bagong pananampalataya na resulta ng Repormasyon at Enlightenment sa Europe. Sa kalagitnaan ng ika-18 na siglo ay nakabuo na sila ng 13 magkakahiwalay na kolonya na ang hangganan sa hilaga ay Massachusetts at sa timog ay Georgia. Bawa’t isa sa mga kolonya ay may sariling lokal na pamahalaan. Noong 1750 ay gumastos ng napakalaking halaga ang British laban sa France upang mapanatili sa ilalim ng kanilang imperyo ang 13 kolonya. Nais ng British na ang mga kolonya ay mag-ambag sa kanilang gastusin sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga buwis.
  57. ANG LABINTATLONG KOLONYA
  58. ANG LABINTATLONG KOLONYA Isa-isahin ang 13 kolonya ng British sa North America. Isulat ito sa kwaderno.
  59. DAHILAN
  60. WALANG PAGBUBUWIS KUNGWALANG REPRESENTASYON
  61. WALANG BUWIS KUNGWALANG REPRESENTASYON Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa Parliamento ng British sa London kaya sila ay nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na ipinapataw sa kanila. Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang “walang pagbubuwis kung walang representasyon.” Noong 1773 ay isang pangkat ng mga kolonista ang nagsuot ng kasuotan ng mga katutubong Amerikano at nakapasok sa isang pangkalakal na bapor ng mga Ingles. Kanilang itinapon ang mga tone-toneladang tsaa sa pantalan ng Boston Harbor sa Massachusetts. Sila’y nagprotesta sa ipinataw na buwis sa tsaa na inaangkat sa mga kolonya. Kinilala sa kasaysayan ang pangyayaring ito bilang Boston Tea Party. Nagpasa ang pamahalaan ng Britanya ng kaparusahan sa mga kolonista na naging kabahagi ng nabanggit na insidente.
  62. WALANG BUWIS KUNGWALANG REPRESENTASYON
  63. WALANG BUWIS KUNGWALANG REPRESENTASYON Ang Stamp Act na ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay nagdagdag ng buwis para sa pamahalaan ng Britanya. Naisagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga selyo sa anumang produkto na dadalhin sa Britanya mula sa mga kolonya.
  64. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL
  65. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL Ang mga kolonyang bumubuo sa 13 kolonya ng Great Britain sa America ay dagling sumaklolo sa naging kinahinatnan ng insidente sa Massachusetts. Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia. Ang pagpupulong na ito at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala ng kanilang paglaban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng mga Ingles sa kanila.
  66. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL Noong ika-5 ng Setyembre, 1774, 56 na kinatawan ng mga kolonya ang dumalo dito. Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalang kinatawan na si Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York, at New England. Dapat na tandaan na sila’y nagkakaisa at sama- samang magtataguyod para sa kapakanan ng kabuuang kolonya. Nagkaisa sila na itigil na ang pakikipagkalakalan sa Great Britain at ito’y nagpasimula pagkatapos ng Setyembre, 1775.
  67. ANG UNANG KONGRESONG KONTINENTAL Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain. Sa bawa’t kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.
  68. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
  69. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN Noong Abril 1775 nagpadala ang Great Britain ng tropa ng mga sundalo sa Boston upang kunin nang puwersahan ang isang tindahan ng pulbura sa bayan ng Concord. Isang Amerikanong panday na nagngangalang Paul Revere ang naging kasangkapan upang malaman ng mga tao na may paparating na mga sundalong British. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kanyang kabayo at pagligid sa buong bayan ay napagsabihan niya ang mga tao na maghanda sa pakikipaglaban. Kaya mayroong grupo ng mga tagapangalaga at tagapagbantay na Amerikano ang humadlang sa mga sundalong British na papalapit sa bayan ng Lexington.
  70. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN Nagpalitan ng putukan ang magkabilang pangkat hanggang walong Amerikano ang napatay. Dito na nagpasimula ang Digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano. Sa Concord naman ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga Amerikano na mag- organisa at puwersahang mapabalik ang mga sundalong British sa Boston. Dito na nila tuluyang nakubkob ang mga sundalong British sa loob ng siyudad.
  71. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang puwersa ng Great Britain.
  72. ANG PAGSISIMULA NG DIGMAAN
  73. ANG IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL
  74. ANG IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo 1775 at idineklara ang pamahalaan na tinawag nilang United Colonies of America (Pinagbuklod na mga Kolonya ng Amerika). Ang hukbo ng mga military ay tinawag na Continental Army at ang naatasan na commander-in-chief ay si George Washington. Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston ngunit natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill. Sinunod ng mga Amerikanong kubkubin ang Canada nguni’t natalo rin sila dito. Maski sunud-sunod ang pagkatalo ng mga Amerikano sa labanan ay hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa hanggat tuluyang napaalis nila ang mga sundalong British na patuloy na nakukubkob sa Boston noong Marso 1776.
  75. ANG IKALAWANG KONGRESONG KONTINENTAL Ang mapa sa ibaba ay nagpapakita ng digmaan sa pagitan ng Amerikano labansa mga mananakop na British.
  76. ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN
  77. ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN Noong Hunyo 1776 ay nagpadala ng malaking tropa ang Great Britain sa Atlantiko upang tuluyang durugin at pahinain ang puwersang Amerikano. Upang matugunan ang ganitong pangyayari ay minarapat ng Kongresong Kontinental na aprubahan ang Deklarasyon ng Kalayaan noong Hulyo 4. Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang manananggol. Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Great Britain. Sila, sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.
  78. ANG DEKLARASYON NG KALAYAAN Buwan na ng Agosto nang tuluyang nakadaong ang hukbo ng Great Britain at sinakop nila ang siyudad ng Nueba York. Napilitan ang puwersa ni George Washington na umatras sa labanan. Ang hukbo ng mga British ay napakalaki na halos bumubuo sa 30,000 mga sundalo samantalang ang hukbo na pinangungunahan ni Washington ay nasa 3,000 sundalo lamang ang bilang. Nagkaroon ng pag-aaral at pagpaplano si Washington kaya noong ika-25 ng Disyembre 1776 ay naglunsad siya at ang kanyang hukbong isang sopresang pag-atake laban sa mga British. Ginamit ng hukbo ni Washington ang Ilog Delaware upang maisakatuparan ang kaniyang balak. Ito ang naging dahilan kung bakit nila napagwagian ang Digmaan sa Trenton at Princeton nguni’t sila’y di nagtagumpay sa pagkuha sa New York.
  79. ANG PAGLUSOB MULA SA CANADA
  80. ANG PAGLUSOB MULA SA CANADA Simula noong 1777 sinimulan na ng mga British ang pag- atake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawa’t pagtatangka nila sila ay napipigil ng mga hukbong Amerikano. Ang Continental Army ay lumaki at umaabot na sa halos 20,000 sundalo. Noong Oktubre sa taon ding iyon ay nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga Amerikano at ito ang naging dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada. Ang pagsuko ng hukbong British ay mula sa pamumuno ni Heneral John Burgoyne laban sa hukbong pinamumunuan ni Heneral Horacio Bates.
  81. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN
  82. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN Ang bansang France ay tradisyonal na kalaban ng British at ang mga French ay naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano simula pa lamang ng labanan. Noon pang 1778 ay nagsimula nang bigyan ng pagkilala ng pamahalaang France ang United States of America bilang isang malayang bansa. Nagpadala sila ng mga bapor pandigma upang matulungan ang mga Amerikano sa kanilang pakikipaglaban sa mga British. Dahil sa lumalakas na puwersa ng mga rebelde ay minabuti ng Great Britain na sakupin ang katimugang bahagi ng kolonya isa-isa.
  83. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN Noong Disyembre 1778 ay nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ng buo ang Georgia. Dahil dito ay naging mahirap sa mga Amerikano upang muling makuha ang Savannah kahit may tulong na nagmumula sa mga Pranses. Kinubkob naman ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston at pinuwersa itong sumuko sa pamahalaan ng Great Britain.
  84. PAGTULONG NG MGA PRANSES SA LABANAN Paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan?
  85. ANG LABANAN SAYORKTOWN
  86. ANG LABANAN SAYORKTOWN Sa pamumuno ng British commander na si Heneral Charles Cornwallis ay tinangkang sakupin ng Great Britain ang Timog Carolina. Ngunit sa pamamagitan ng magkasamang puwersa ng mga Amerikano at Pranses ay natalo ang mga British sa Labanan sa King’s Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa labanan sa Cowpens ng mga unang bahagi ng 1781. Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Heneral Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sila sa Yorktown. May karagdagan pang hukbo ng mga sundalong Pranses ang dumating sa Amerika na bumibilang sa 6,000 kaya napagpasyahan ni Washington na talunin nang lubusan ang mga British. Kaya noong Oktubre 19,1781 ay minabuti nang sumuko ni Heneral Cornwallis at dito ay tuluyan ng nakamit ng mga Amerikano ang kanilang kalayaan.
  87. PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN
  88. PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN Ang pagkapanalo ng mga Amerikano sa digmaan ay malaking pagkamangha sa mga British sa mundo. Ang Great Britain ay itinuturing ng panahong iyon bilang isang malakas na kapangyarihan na mayroong mahuhusay at sinanay na mga sundalo subalit tinalo ng mga Amerikanong sundalo na di nagkaroon ng mga pagsasanay sa pakikipaglaban. Sa isang kumperensiya sa Paris noong 1783 ay pormal na tinanggap ng Great Britain ang kalayaan ng kanilang dating kolonya, ang Amerika. Samantalang ang mga nasa Amerika na nagnanais pa ring pamahalaan ng hari ng England ay lumipat sa Canada na nanatiling kolonya ng Great Britain.
  89. PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN Ang digmaan para sa kalayaan ng Amerika ay nagbago sa mukha ng kasaysayan ng mundo sa dahilang ito ang naging daan sa pagbuo ng isang bagong nasyon na umunlad at naging isang makapangyarihang bansa sa hinaharap. Ang mga ideyang iniwan ng digmaan para sa kalayaan ay naging simbolo at inspirasyon sa maraming mga kolonya na nais lumaya sa kanilang mga mananakop at lalo na sa mga rebolusyonaryong Pranses. Ang mga rebolusyonaryong Pranses na ito ang naglunsad ng pagpapabagsak sa rehimen ng absolutong monarkiya sa France noong 1789 at nagbuo ng isang republika nang lumaon.
  90. PAGHAHANGAD NG KAPAYAPAAN Ano ang sinisimbolo ng larawan?
  91. PULONG - ISIP Gawain 5
  92. Gawain 5: PULONG - ISIP Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat sagutin ang mga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong guro.
  93. PAMPROSESONG MGATANONG 1. Ano-ano ang pangyayaring nagbunsod sa pagsilang ng Rebolusyong Amerikano? 2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa kamalayan ng mga Amerikano? 3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng Great Britain? 4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng daigdig sa Great Britain? United States? Pangatuwiranan. 5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino para sa kalayaan mula sa mga mananakop? Pangatuwiranan.
  94. REBOLUSYONG PRANSES: ANG PAMUMUNO NG KARANIWANG URI
  95. MGA SALIK NA NAGPASIKLAB SA REBOLUSYONG PRANSES
  96. MGA SALIK NA NAGPASIKLAB SA REBOLUSYONG PRANSES Ano ang mga salik na nagbigay daan sa Rebolusyong Pranses? Ilan sa mga ito ay: ■ kawalan ng katarungan ng rehimen; ■ oposisyon ng mga intelektuwal sa namamayaning kalagayan; ■ walang hangganang kapangyarihan ng hari; ■ Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI bilang mga pinuno, at ■ krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan.
  97. Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Simula ng taong 1789 ang France ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto. Ang absolutong hari ay itinuturing na makapangyarihang pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang Divine Right Theory. Ito ay ang paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyos para pamunuan ang bansa. Ang lipunang France naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estate ay binubuo ng mga obispo, pari, at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay binubuo ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakararaming bilang ng mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor, at mga manggagawa.
  98. Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 Pagdating noong 1780 ay kinailangan ng pamahalaang France ng malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan. Ang bumuo ng una at ikalawang estate sa ilalim ng kautusan ng hari ay di ibinibilang sa mga nagbubuwis at ang ikatlong estate lamang ang nagbabayad. Idagdag pa rito ang magarbo at maluhong pamumuhay ng hari at ng kaniyang pamilya kaya patuloy ang paghihirap ng mga bumubuo sa ikatlong estate. Gayundin, ang maraming digmaan na sinalihan ng France kabilang na dito ang tagumpay na digmaan para sa kalayaan ng mga Amerikano ay umubos ng pera para gamitin sa pangangailangan ng mga pangkaraniwang Pranses.
  99. Ang Kalagayan ng Lipunang Pranses noong 1789 1. Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng hari ng France? 2. Bakit ang nasa ikatlong estate lamang ang inatasang magbayad ng buwis? Makatuwiran ba ito? Ipahayag ang iyong saloobin.
  100. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA
  101. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA Upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi na kailangan ng France nang panahong iyon ay minabuti ni Haring Louis na magdaos ng isang pagpupulong ng lahat ng kinatawan ng tatlong estate noong 1789 saVersailles. Hindi nabigyang lunas ang suliranin ukol sa pananalapi dahil hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto. Dati, nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estate. Matapos nito’y saka pa lamang sila boboto. Bawat estate ay may isang boto. Karaniwan na magkatulad ang boto ng una at ikalawang estate laban sa ikatlong estate kaya naman laging talo ang huli.
  102. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA Dahil dito humiling ang ikatlong estate na may malaking bilang kasama ng mga bourgeoisie na ang bawat delegado ng asemblea ay magkaroon ng tigiisang boto. Sapagkat humigit- kumulang kalahati ng 1,200 delegado ay mula sa ikatlong estate, malaki ang kanilang pagkakataong maisakatuparan ang nais na mga reporma. Mula sa panukala ni Abbe Sieyes isang pari, idineklara ng ikatlong estate ang kanilang sarili bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789. Inimbitahan nila rito ang una at ikalawang estate .
  103. ANG PAMBANSANG ASEMBLEA Dahil