1. Ang Watawat ng Pilipinas
Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may araw na walo ang sinag, at tatlong
bituin, parehong kulay ginto, at nakapatong sa puting tatsulok na equilateral. Sa
gawing taas ng natitirang bahagi ay ang kulay asul at sa ibaba nito ang kulay pula.
Ang pagkakabagay-bagay ng watawat ay 1:2. Ang watawat ay unang naisip gawin ni
Emilio Aguinaldo. Si Marcela Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza, at ang
pamangkin ni Jose Rizal na si Josefina Herbosa de Natividad ang nagtahi ng unang
bandila sa Hong Kong. (Sa ibang aklat, ang pangalan ng pamangkin ay Delfina Herbosa
de Natividad.) Ayon sa Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ng Hunyo 12, 1898, ang
puting tatsulok ang natatanging sagisag ng Katipunan na sa pamamagitan ng
pagsasanib ng dugo ay nakapanghikayat sa mga Pilipino na sumama sa rebolusyon. Ang
tatlo nitong bituin ay kumakatawan sa tatlong heograpikal na grupo ng mga isla sa
bansa: Luzon, Visayas, at Mindanao, bagama't sa Deklarasyon ng Kalayaan ng
Pilipinas, ang isa sa tatlong bituin nito ay orihinal na kumatawan sa isla ng Panay,
imbes na Visayas. Gayunpaman, kapwa silang nagpapahiwatig ng mismong ideya: ang
pagkakaisa ng mga magkakahiwalay na tao at kultura sa iisang Nasyon. Ang walong
sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila:
Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas.
Bagaman tinuturing na isang lungsod ang Maynila, ang pagkakadagdag nito sa lupon ay
wasto sapagka't noong 1898, ang Maynila at ang kanyang mga suburbyo ay
pinangasiwaan bilang isang hiwalay at nagsasariling probinsya. Ang lalawigang ito ay
kilala ngayon bilang Pambansang Kabiserang Rehiyon. Ang kabuluhan ng mga kulay na
pula, puti at asul ay ang mga sumusunod: Ang puting tatsulok ay sumasagisag sa
pagkakapantay-pantay at kapatiran; asul para sa kalayaan, katotohanan, at
katarungan; at pula para sa kabayanihan at kagitingan. Sinasabing hinalintulad ang
bandila sa bandila ng Cuba na, tulad ng Pilipinas, ay nakikibaka para sa kalayaan mula
sa Espanya noong panahong din yon Ang lilim na bughaw na ginamit sa itong watawat
ay naging paksa ng kontrobersiya ng halos siyamnapung taon na ang tanda. Mula 1920
hanggang 1985, ang lilim ay navy blue hanggang sa inutos ni Pangulong Ferdinand
Marcos na baguhin ito sa lilim na sky blue, mula sa abiso ng mga sirkulong
kasaysayan, sa mismong lilim na ginamit sa bandila ng Cuba, na ka-alyado ng bansa
noon laban sa Espanya. Dahil sa kakulangan sa materyal at istandardisasyon noong
Digmaang Pilipino-Amerikano, ang mga taga-suporta ng lilim quot;navy bluequot; at quot;sky bluequot;
ay nagpasa ng kanikanilang katibayan na kapwang sumasalungat sa bawat argumento.
Silipin Mga Watawat ng Himagsikang Pilipino
2. Jose Rizal
Si Dr. José Protasio Rizal (Hunyo 19, 1861–Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa
labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José
Rizal sa Calamba, Laguna. Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria,
Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad ang mga anak nina Francisco at
Teodora. Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng
abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng
siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng
pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya
ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila
ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero
1872.Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito
niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip
ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya
at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang
agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing
Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng
katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral,
nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid,
kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang
quot;sobresalientequot; (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa
Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng
sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg,
Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo. Sa taon din ng kaniyang pagtatapos
ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang
kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng
Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon,
Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas
3. Kabanata VIII
Mga Alaala
Buod
Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook
sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang
kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa
kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala. Kabilang dito ang mga kalesa at
karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan
na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-
kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga
karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng
kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala. Sa patuloy na
pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay
sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din
niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa
kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang
kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na
nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na
babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra. Napadaan din siya sa
Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako.
Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako. Nang
madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang
gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-
aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita
niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader. Ang
pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging
guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan
ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang
pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3)
ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya ’ t
nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra
ang ginto nila (dayuhan).