SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  76
BUOD BAWAT KABANATA NG
NOLI ME TANGERE.
Kabanata I Isang Handaan
Isang marangyang salo-salo ang ipinag-
anyaya ni Don Santiago de los Santos na
higit na popular sa taguring kapitan
Tiago.
Kabilang sa mga bisita ang bagong dating
sa Pilipinas na si Padre Damaso na
nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
Kabanata II Si Crisostomo Ibarra
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kanyang
kaibigang namatay at kararating lamang niya
buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni
Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,
ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga
nanduruong kamukha niyang panauhin.
Kabanata III Ang Hapunan
 Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo
sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si
Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero,
si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring
Pransiskano.
 Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya
ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si
Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat
pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria
Clara ay hindi nagpatinag ang binata.
Kabanata IV Erehe at Pilibustero
Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si
Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang
magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama
dahil wala siyang nalalaman tungkol dito.
Ayon dito, ang kanyang ama ang
pinakamayaman sa kanilang lalawigan
bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan.
Pinagbintangan siyang nakapatay kaya
pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Kabanata V Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda
de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang
isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog.
May isang magandang binibini na nababalot
ng manipis na habi,may suot na diyamante at
ginto.
Ang mga umpukan naman ng mga Kastila,
Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat
sa kagandahan ni Maria Clara.
Kabanata VI Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing
hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at
may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at
kung hindi lamang nanabako at ngumanganga,
maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil
sa siya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga
taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya
lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili
ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
Kabanata VII Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara
ang tinatahi ng may biglang tumigil na
sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan
niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok
sa silid si Maria Clara.
Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng
sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na
sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang
paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
Kabanata VIII Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa
Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito
ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil
sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri
ng kasuotan na katulad ng mga Europeo,
Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga
bungang-kahoy, mga lalaking hubad na
nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang
mga karitong hila ng mga makupad na
kalabaw.
Kabanata IX Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng
bahay ni Kapitan Tiyago.
 Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel
at hinihintay na lamang na sumakay si Maria.
Biglang dumating si Padre Damaso at
kinausap si Kapitan Tiago.
Tutol si Padre Damaso sa
pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay
Ibarra.
Kabanata X Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang
bayan sa Pilipinas na nasa isang
baybayin ng isang lawa at my
malalapad na bukirin at palayan.
Mula sa pinakamataas na bahagi ng
simboryo ng simbahan, halos
natatanaw ang kabuuan ng bayan.
Kabanata XI Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad
sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-
aagawan sa kapangyarihan pamunuan
ng bayan.
Ang alperes at si Padre Salvi ang
siyang makapangyarihan dito.
Kabanata XII Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa
kalagitnaan ng isang malawak na palayan
at may bakod na lumang pader at
kawayan.
 Sa ibang bahagi ng libingan, may
dalawang tao ang humuhukay ng
paglilibingan na malapit sa pader na
parang babagsak na.
• Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero
na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat
sariwa at dumudugo pa ang bangkay na
kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang
gayong tanawin.
Kabanata XIII Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang
puntod ng ama- si Don Rafael.
Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero.
Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don
Rafael.
Tumango ang tagapaglibing.
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng
sepulturero na kanyang sinunog ang krus at
itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa
utos ni Padre Garrote.
Kabanata XIV Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don
Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil
saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil
ang gusto nito para sa anak ay maging
isang pari.
Kabanata XV Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na
sakristan. Nagtatrabaho sila sa simbahan
na taga kampana na sineswelduhan lang
ng 2.00 kada buwan.
Pinapalo sila at pinagbintangan na
mgananakaw sa simbahan.
 Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong
magagalit ito.
Kabanata XVI Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na
sa labas ng bayan. May isang oras din bago
marating ang kanyang tirahan mula sa
kabayanan.
Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa
siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam
sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.
Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at
Crispin.
Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay
dalaga pa.
Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at
sinasaktan pa siya.
Kabanata XVII Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si
Basiliong sugatan ang ulo.
Dumadaloy ang masaganang dugo.
Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si
Crispin.
Sinabi ni Basilio na napagbintangan na
nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin.
Hindi niya sinabi ang parusang natikman
ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata XVIII Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa kusina ng kumbento.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari
niyang makausap ang pari.
Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may
sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung
nasaan si Crispin.
Ang sagot sa kanyang tanong ay parang
bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si
Crispin ay nagtanan din pagkatapos na
makapagnakaw ng dalawang onsa at
pagkawala ng pagkawala ng makapatid.
Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura
ang pangyayari sa kwartel. Ang mga
guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na
nina Sisa upang hulihin ang magkapatid,
pagdiin pa ng alila.
Kabanata XIX Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa
ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay
napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa,
nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro.
Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng
lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.
Kabanata XX Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na
siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan
mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.
May labing isang araw na lamang ang nalalabi
at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang
tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang
mga paghahanda sa pyesta.
Kabanata XXI Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa.
Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng
kura.
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-
iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at
Crispin sa kamay ng mga sibil.
Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang
papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw
na niya nag dalawang sibil na papaalis na.
Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Kabanata XXII Liwanag at Dilim
 Magkasamang dumating si Maria at ang
kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating.
 Naging bukambibig ang pagdating ni Maria
sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi
sa bayang sinilangan.
 Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na
huwag ng isama ang kura sa lakad nila
sapagkat magmula ng dumating siya sa
bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa
tuwing makakaharap niya ang kura.
Kabanata XXIII Ang Piknik
Si Maria Clara ay kaagapay ang mga
matatalik nitong kaibigan na sina Iday,
Victorina, Sinang at Neneng.
Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan.
Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng
mga matatandang babae sa pangunguna
ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang
kanilang kuwentuhan.
KabanataXXXIV Ang Pananghalian
 Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre
Damaso.
 Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng
alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay
Ibarra.
 Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang
pari sa pagsasaring.
 Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin
ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni
Ibarrang may kasamang pag-aglahi.
 Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya
si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero,
pinigilan siya ni Maria.
Kabanata XXXV Mga Usap-usapan
Ang mga pangyayaring namagitan kina
Ibarra at Padre Damaso ay madaling
kumalat sa buong San Diego.
Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino
ang may katwiran sa dalawa.
Handa ang binata na dungisan ang kamay
nito sa sinumang lumapastanganan sa
kanyang ama.
Kabanata XXXVI Ang Unang Suliranin
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay
ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating
ng Kapitan-Heneral.
Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi
pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni
Andeng.
Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang
ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi
pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Kabanata XXXVII Ang Kapitan-Heneral
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya
kaagad si Ibarra.
Samantala, kinausap muna niya ang binatang
Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang
nagsesermon sa misa si Padre Damaso.
Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit
ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong
katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin
ng Heneral.
Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito
ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral.
Mayroon siyang panahon basta sa katarungan
Kabanata XXXVIII Ang Prusisyon
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod
na pagdupikal ng mga batingaw ay
nagbabadyang inilabas na ang prusisyon.
Ang mga binata na halos lahat ay mayroong
dalang sinding parol.
Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral
ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang
alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo
sa bahay ng kapitan.
Kabanata XXXIXSi Donya Consolacion
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni
Donya Consolacion ay pinid na pinid.
Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at
paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi
nakapagsimba.
Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang
asawa.
Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang
pagdadamit nito.
Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng
mga guwardiya sibil.
Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay
higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
Kabanata XL Ang Karapatan at Lakas
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang
sindihan ang mga kuwitis.
Ang huling pailaw ay parang bulkan habang
ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de
Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga
taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.
Tapos na ang unang bahagi ng dula nang
pumasok si Ibarra.
Umugong ang bulungan, pero hindi ito
pinansin ni Ibarra.
Malugod na binati niya ang kasintahan at ang
mga kasama nito.
Kabanata XLI Dalawang Dalawa
Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok
si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa
kanyang laboratoryo.
Pamaya-maya pumasok ang kanyang
utusan at sinabing mayroon siyang
panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya
ito ng hindi man lamang lumilingon.
Ang kanyang panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya
kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na
nilalagnat o may sakit si Maria Clara.
Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa
Batangas.
ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala
itong ipagbibilin sa kanya.
Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating
paglalakbay ni Elias.
Kabanata XLII Ang Mag-asawang De Espadaña
Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago
sina Dr. Tiburcio de Espadana, na
inaanak ng kamag-anak ni Pari
Damaso at tanging kalihim ng lahat
ng ministro sa Espanya at ang
kanyang asawa na si Donya Victorina
na sa biglang tingin ay
napapagkamalang isang Orofea.
Kabanata XLIII Mga Balako Panukala
 Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni
Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si
Carlicos.
 Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman
niya.
 Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho
at mapapangasawa.
 Ayon kay Damasao madali niyang maihanap ng
trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na
abogado sa Universidad Central.
 Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na
kakausapin nila si Tiyago.
Kabanata XLIV Pagsusuri sa Budhi
 Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa
kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan
kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man
lamang nakikilala.
 Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga
kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at
nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa
Birhen ng Antipolo.
 Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria.
Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto
ng gamot na inireseta niya sa dalaga.
 Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot
ang pustiso ng asawa.
Kabanata XLV Ang mga Pinag-uusig
Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na
siya ay nagkapalad na makilala at makatulong
sa isang binatang mayaman, matapat, may
pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong
marangal na hinamak din ng isang pari,
maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang
Kapitan-Heneral.
Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa
matanda na makakatulong daw ang binatang
ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa
heneral ang mga hinaing ng bayan.
Kabanata XLVI Ang Sabungan
Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may
sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng
sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio
at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa
pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing
pagsusultada, ang dalawang binatang
magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay
naiinggit sa mga pumupusta.
KabanataXLVII Ang Dalawang Senyora
 Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago,
magkaakbay naman na namamasyal sina Donya
Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng
mga Indio.
 Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng
alperes nagkatama ang kanilang mga paningin.
 Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya
mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila.
Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng
mainitang pagtatalo… Binanggit ng Donya ang
pagiging labandera ng alperesa samantalang
pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at
mapagpanggap na asawa ng Donya.
Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang
latigo ng alperes na nanaog si Donya
Consolacion, upang daluhugin si Donia
Victorina.
Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa,
dumating ang alperes. Umawat si Don
Tiburcio.
Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming
tao na nakatawag pansin ng kanilang
pagtatalakan.
Kabanata XLVIII Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng
kanyang hindi pinasabing pagdalaw.
Nakatingin lamang sa kanya si Maria na
parang inuunawa ang bawat katagang
namutawi sa kanyang labi. Malungkot si
Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas
nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga.
Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng
matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang
isip.
Kabanata XLIX Ang Tinig ng mga
Pinag-uusig
Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring
ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi
ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa
binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias
sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng
mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang
napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si
Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga
pag-aalinlangan at pagbabala.
Kabanata L Ang mga Kaanak ni Elias
Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan
kay Ibarra upang malaman nito na siya ay
kabilang din sa mga sawimpalad.
May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang
nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay-
kalakal ng kastila.
Kasama ng kanyang asawa at isang anak na
lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.
Isang gabi nasunog ang isang tanggapang
pinaglilingkuran niya.
Isinakdal ang kanyang nuno sa salang
panununog. Palibhasay maralita at walang
kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan.
Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa
kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng
daan.
 Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap
ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para
sa anak at asawang may sakit.
 Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang
mag-anak ay namundok na lamang.
 Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay
ito.
 Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping
pagdurusang kanilang natanggap.
Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae.
Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga
awtoridad ang pagkamatay ng asawa.
Nahatulan din siyang paluin.
Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban
sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon.
gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang
hatol.
Kabanata LI Mga Pagbabago
Hindi nakaimik si Linares sapagkat
nakatanggap siya ng liham mula kay Donya
Victorina.
Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya.
Kailangang hamunin niya ang alperes subalit
sino naman kaya ang papayag na maging
padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan
Tiyago.
Pinagsisisihan niya ang kanyang
paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na
makapagsamantala.
Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng
Donya.
Kabanata LII Ang Baraha ng Patay at ang
mga Anino
Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin
pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng
makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong
anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng
libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng
kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito
sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito.
Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na
sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang
kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa
kumbento upang makaganti siya sa kura.
Kabanata LIII Ang Mabuting Araw ay Nakikilala
sa Umaga
Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol
sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang
gabi.
Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni
San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na
sinindihan.
Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana
sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa
libingan.
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa
kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa
purgartoryo.
Kabanata LIV Lahat ng Lihim ay
Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng
Parusa
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili
ng mga kasulatan.
Sa mga kasulatan, nabasa niya ang
tungkol kay Don Pedro
Eibarramendia at tinanong niya kay
Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kanya.
Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias
nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang
nuno na ipinaikli lamang ang apilyido.
Isa pa, ito ay isang Baskongado.
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng
matinding kasawian sa kanilang buhay.
Kabanata LV Ang Pagkakagulo
Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na
wala siyang ganang kumain. Nakatakdang
dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo
rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa
kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang
ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari
samantalang ang magkaibigan ay hindi
malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang
kampana, silang lahat ay tumindig upang
magdasal.
Kabanata LVI Ang mga Sabi at Kuro-kuro
 Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang
buong bayan ng San Diego.
 Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa
gitna ng daan.
 Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya,
isang bata ang naglakas loob na magbukas ng
bintana at inilibot ang paningin.
Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga
iba na magbukas ng bintana. Ang mga
magkakapit-bahay ay nagbalitaan.
Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang
gabi tulad noong mandambong si Balat.
Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan
Pablo raw ang sumalakay.
.
Kabanata LVII Vae Victus! Sa Aba ng Mga
Manlulupig
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo.
Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa
nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang
walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang
amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito,
iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang
bangkay, ito ay umiling.
Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa
tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at
ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg.
Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa
sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya.
Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na
paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa
magdugo ang buong katawan nito
Kabanata LVIII Ang Sinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga
bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw,
ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag-
iikalawa ng hapon ng dumating ang isang
kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng
mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at
sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan
sa paglakad ng kanilang ka-anak ng
bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao,
biglang umugong ang salitaan na kung sino pa
ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil
dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng
mga kawal ng abot-siko.
Kabanata LIX Pag-ibig sa Bayan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o
sawimpalad ay nakarating at napalathala sa
mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang
nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng
mga balitang lumaganap. Sa ibang kumbento
naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga
nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay
lumalabas na nagiging pilibustero.
Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa
Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga
asawa at mga anak ng kawani ang tema ng
kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa
naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking
komang galit na galit daw ang heneral kay
Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa
binata. Sinabi naman ng isang ginang na
talagang walang utang na loob ang mga indio
kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na
tao.
Kabanata LX Ikakasal na si Maria Clara
Dumating sa bahay ni Tiyago si
Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na
pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang
usapan.
Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon
ang nararapat sapagkat siya ay isang
pilibustero. Bagama’t namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap
ang mga bisita. Humantong ang
usapan tungkol sa pagpapakasal nina
Maria at Linares.
Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago.
Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang
nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong
pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si
Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-
kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa
palasyo sa sandaling maging manugang niya si
Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan
Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay
kaiinggitan ng mga tao.
Kabanata LXI Ang Barilan sa Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi
niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng
isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni
Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa
libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik
upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito
sa ibang bansa.
Nasa ibang lupain daw ang
katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas,
dahil ang buhay niya ay hindi inilaan
sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na
magsama na lang sila ni Elias, tutal
pareho na sila ng kapalaran at
magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias.
Kabanata LXII Ang Pagtatapat ni Padre
Damaso
Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na
nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata
niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita
tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra.
Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang
dyaryo.
Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na
hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang
kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at
pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni
Maria na ngayong patay na si Ibarra walang
sinumang lalaking kanyang pakakasalan.
Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya,
ang kamatayan o ang kumbento.
Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni
Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng
tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas
habang binibigyan diin niya ang walang kapantay
na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa
kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si
Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
Kabanata LXIII Ang Noche Buena
Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan
na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng
nakaraan na masayang-masaya ang mga tao.
Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong
bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol
sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni
Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap
ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa
mga bintang na laban dito nang mamataan nila si
Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman
nananakit ng kapwa.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan.
Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang
tinalunton ang landas patungo sa tapat ng
bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit
ng walang katuturan. Inutusan ng babaing
nasa durungawan ang sibil na papanhikin si
Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod,
kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni
Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang
babaing nasa daan.
Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria,
nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila.
Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa
kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay
niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na
pinasukan ni Maria Clara.
Kabanata LXIV Katapusan
Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at
nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman
bago naging ganap na mongha si Maria, si
Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping
paghihirap ng damdamin, nangayayat ng
husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala
sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa
kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na
umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego
sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.

Contenu connexe

Tendances

Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52Sir Pogs
 
Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64sdawqe123
 
Noli me tangere kabanata 22
Noli me tangere kabanata 22Noli me tangere kabanata 22
Noli me tangere kabanata 22Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 25 26
Noli me tangere kabanata 25 26Noli me tangere kabanata 25 26
Noli me tangere kabanata 25 26mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 28
Noli me tangere kabanata 28Noli me tangere kabanata 28
Noli me tangere kabanata 28Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 34
Noli me tangere kabanata 34Noli me tangere kabanata 34
Noli me tangere kabanata 34Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26Sir Pogs
 

Tendances (20)

Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52Noli me tangere kabanata 52
Noli me tangere kabanata 52
 
Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64Fil noli-me-tangere kab1-64
Fil noli-me-tangere kab1-64
 
Noli me tangere kabanata 22
Noli me tangere kabanata 22Noli me tangere kabanata 22
Noli me tangere kabanata 22
 
Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41Noli me tangere kabanata 41
Noli me tangere kabanata 41
 
Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25Noli me tangere kabanata 25
Noli me tangere kabanata 25
 
Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40Noli me tangere kabanata 39-40
Noli me tangere kabanata 39-40
 
Noli me tangere kabanata 25 26
Noli me tangere kabanata 25 26Noli me tangere kabanata 25 26
Noli me tangere kabanata 25 26
 
El Fili: Kab. 5-7.
El Fili: Kab. 5-7.El Fili: Kab. 5-7.
El Fili: Kab. 5-7.
 
Noli me tangere kabanata 28
Noli me tangere kabanata 28Noli me tangere kabanata 28
Noli me tangere kabanata 28
 
Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22Noli me tangere kabanata 21 22
Noli me tangere kabanata 21 22
 
Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60Noli me tangere kabanata 59 60
Noli me tangere kabanata 59 60
 
NMT 26-38
NMT 26-38NMT 26-38
NMT 26-38
 
Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13Noli me tangere kabanata 13
Noli me tangere kabanata 13
 
Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15Noli me tangere kabanata 15
Noli me tangere kabanata 15
 
Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16Noli me tangere kabanata 16
Noli me tangere kabanata 16
 
Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43Noli me tangere kabanata 43
Noli me tangere kabanata 43
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33
 
Noli me tangere kabanata 34
Noli me tangere kabanata 34Noli me tangere kabanata 34
Noli me tangere kabanata 34
 
Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64Noli me tangere kabanata 62 63-64
Noli me tangere kabanata 62 63-64
 
Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26
 

Similaire à Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01

Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismoPorteFamily
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)SCPS
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Glenifer Tamio
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoNátè Del Mundo
 
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxEL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxJovyTuting1
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Ace Lacambra
 
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfreport-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfLykaAnnGonzaga
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Chin Chan
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Cecille Jane Caliso
 
Noli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptxNoli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptxLannayahco
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanAngelouCruz4
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)SCPS
 

Similaire à Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01 (20)

NOLI ME TANGERE 6-10
NOLI ME TANGERE 6-10NOLI ME TANGERE 6-10
NOLI ME TANGERE 6-10
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
hazell
hazellhazell
hazell
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-7)
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxEL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
 
Kabanata noli
Kabanata noliKabanata noli
Kabanata noli
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
 
KABANATA 8
KABANATA 8KABANATA 8
KABANATA 8
 
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdfreport-140510065622-phpapp02 (1).pdf
report-140510065622-phpapp02 (1).pdf
 
Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino Noli Me Tangere (Filipino
Noli Me Tangere (Filipino
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
 
Noli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptxNoli Me Tángere.pptx
Noli Me Tángere.pptx
 
CONSTANTINO.pptx
CONSTANTINO.pptxCONSTANTINO.pptx
CONSTANTINO.pptx
 
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
 
Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3Kabanata 1,2,3
Kabanata 1,2,3
 
Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)
Noli Me Tangere (Kabanata 1-25)
 
El fili (buod)
El fili (buod)El fili (buod)
El fili (buod)
 

Plus de Jhanine Cordova

Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891
Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891
Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891Jhanine Cordova
 
Isang araw habang palakad
Isang araw habang palakadIsang araw habang palakad
Isang araw habang palakadJhanine Cordova
 
Insight gained in fetticcine alla carbonara
Insight gained in fetticcine alla carbonaraInsight gained in fetticcine alla carbonara
Insight gained in fetticcine alla carbonaraJhanine Cordova
 
Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02
Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02
Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02Jhanine Cordova
 
Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa PagpapakataoGrade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa PagpapakataoJhanine Cordova
 

Plus de Jhanine Cordova (8)

Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891
Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891
Angelastisidadngsuplay 150610092816-lva1-app6891
 
Isang araw habang palakad
Isang araw habang palakadIsang araw habang palakad
Isang araw habang palakad
 
Insight gained in fetticcine alla carbonara
Insight gained in fetticcine alla carbonaraInsight gained in fetticcine alla carbonara
Insight gained in fetticcine alla carbonara
 
Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02
Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02
Math9lmdraft3 140611211236-phpapp02
 
Grade 9 Science Module
Grade 9 Science ModuleGrade 9 Science Module
Grade 9 Science Module
 
Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa PagpapakataoGrade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
Grade 9 Edukasyon Sa Pagpapakatao
 
Grade 9 English module
Grade 9 English moduleGrade 9 English module
Grade 9 English module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 

Buodbawatkabanatangnolimetangere 130127091813-phpapp01

  • 1. BUOD BAWAT KABANATA NG NOLI ME TANGERE.
  • 2. Kabanata I Isang Handaan Isang marangyang salo-salo ang ipinag- anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita ang bagong dating sa Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang mapanlait na ugali.
  • 3. Kabanata II Si Crisostomo Ibarra Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin.
  • 4. Kabanata III Ang Hapunan  Pinag-tatalunan ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo ng mesa. Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano.  Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra at pagkatapos ay nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago dahil dadating si Maria Clara ay hindi nagpatinag ang binata.
  • 5. Kabanata IV Erehe at Pilibustero Naglakad-lakad si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
  • 6. Kabanata V Pangarap sa Gabing Madilim Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa kagandahan ni Maria Clara.
  • 7. Kabanata VI Si Kapitan Tiago Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil sa siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.
  • 8. Kabanata VII Suyuan sa Asotea Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.
  • 9. Kabanata VIII Mga Alaala Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalaking hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.
  • 10. Kabanata IX Mga Suliranin Tungkol sa Bayan May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago.  Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago. Tutol si Padre Damaso sa pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.
  • 11. Kabanata X Ang San Diego Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng bayan.
  • 12. Kabanata XI Ang mga Makapangyarihan Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag- aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.
  • 13. Kabanata XII Araw ng mga Patay Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan.  Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na.
  • 14. • Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
  • 15. Kabanata XIII Mga Unang Banta ng Unos Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
  • 16. Kabanata XIV Si Pilosopo Tasyo Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging isang pari.
  • 17. Kabanata XV Ang mga Sakristan Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada buwan. Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan.  Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.
  • 18. Kabanata XVI Si Sisa Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan.
  • 19. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.
  • 20. Kabanata XVII Si Basilio Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
  • 21. Kabanata XVIII Mga Kaluluwang Naghihirap Dumeretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.
  • 22. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.
  • 23. Kabanata XIX Mga Suliranin ng Isang Guro Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.
  • 24. Kabanata XX Ang Pulong sa Tribunal Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa pyesta.
  • 25. Kabanata XXI Mga Pagdurusa ni Sisa Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag- iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
  • 26. Kabanata XXII Liwanag at Dilim  Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating.  Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan.  Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura.
  • 27. Kabanata XXIII Ang Piknik Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.
  • 28. KabanataXXXIV Ang Pananghalian  Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.  Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra.  Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring.  Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi.  Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria.
  • 29. Kabanata XXXV Mga Usap-usapan Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.
  • 30. Kabanata XXXVI Ang Unang Suliranin Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
  • 31. Kabanata XXXVII Ang Kapitan-Heneral Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan
  • 32. Kabanata XXXVIII Ang Prusisyon Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan.
  • 33. Kabanata XXXIXSi Donya Consolacion Kahit na napatapat ang prusisyon sa bahay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa ng alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.
  • 34. Kabanata XL Ang Karapatan at Lakas Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Tapos na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito.
  • 35. Kabanata XLI Dalawang Dalawa Dahil sa nangyari hindi dalawin ng antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang kanyang panauhin ay si Elias.
  • 36. Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat nakatakda siyang magtungo sa Batangas. ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
  • 37. Kabanata XLII Ang Mag-asawang De Espadaña Dumating sa bahay ni Kapitan Tiago sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Pari Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya at ang kanyang asawa na si Donya Victorina na sa biglang tingin ay napapagkamalang isang Orofea.
  • 38. Kabanata XLIII Mga Balako Panukala  Ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Damaso na si Carlicos.  Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya.  Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa.  Ayon kay Damasao madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central.  Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago.
  • 39. Kabanata XLIV Pagsusuri sa Budhi  Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.  Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiyago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.  Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria. Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga.  Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa.
  • 40. Kabanata XLV Ang mga Pinag-uusig Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan.
  • 41. Kabanata XLVI Ang Sabungan Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta.
  • 42. KabanataXLVII Ang Dalawang Senyora  Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiyago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio.  Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin.  Parehong matalim. Tiningnan ng alperes ang Donya mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ng Donya ang alperes at nagkaroon ng mainitang pagtatalo… Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya.
  • 43. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago mag-pang-abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan.
  • 44. Kabanata XLVIII Ang Talinhaga Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
  • 45. Kabanata XLIX Ang Tinig ng mga Pinag-uusig Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala.
  • 46. Kabanata L Ang mga Kaanak ni Elias Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila. Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.
  • 47. Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan.
  • 48.  Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit.  Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang.  Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ito.  Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap.
  • 49. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa. Nahatulan din siyang paluin. Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis nuon. gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol.
  • 50. Kabanata LI Mga Pagbabago Hindi nakaimik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina. Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiyago.
  • 51. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya.
  • 52. Kabanata LII Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura.
  • 53. Kabanata LIII Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at paghikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
  • 54. Kabanata LIV Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya.
  • 55. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay.
  • 56. Kabanata LV Ang Pagkakagulo Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
  • 57. Kabanata LVI Ang mga Sabi at Kuro-kuro  Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego.  Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan.  Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.
  • 58. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. .
  • 59. Kabanata LVII Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling.
  • 60. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito
  • 61. Kabanata LVIII Ang Sinumpa Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Mag- iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton.
  • 62. Pero pinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko.
  • 63. Kabanata LIX Pag-ibig sa Bayan Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero.
  • 64. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indio kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao.
  • 65. Kabanata LX Ikakasal na si Maria Clara Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan.
  • 66. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares.
  • 67. Nagkayarian din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria sapagkat nakini- kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan ng mga tao.
  • 68. Kabanata LXI Ang Barilan sa Lawa Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa.
  • 69. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias.
  • 70. Kabanata LXII Ang Pagtatapat ni Padre Damaso Hindi napansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang dyaryo.
  • 71. Pamaya-maya dumating si Pari Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan.
  • 72. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento. Napagmuni ni Pari Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan.
  • 73. Kabanata LXIII Ang Noche Buena Noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mga tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy pero hindi naman nananakit ng kapwa.
  • 74. Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
  • 75. Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Namatay si Padre Damaso sa sama ng loob. Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clara na pinasukan ni Maria Clara. Kabanata LXIV Katapusan
  • 76. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiyago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa.