Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyalismo sa Thailand. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Imperyalismo sa Thailand.
1. Lesson 30-I: Imperyalismo sa Thailand
• Rattanakosin Kingdom – Ito ay ang pang-apat na kaharian na itinatag na nagsimula noong 1782
hanggang sa kasalukuyan. Ang kabisera ng kaharian ay nasa Bangkok, Thailand.
• Rama I (Phra Phutthayotfa Chulalok) – Siya ang unang monarko ng Kahariang Rattanakosin at siya rin
nagtatag ng kahariang ito. Siya ay nanungkulan mula Abril 6, 1782 hanggang Setyembre 7, 1809.
Noong sa pamumuno niya, Tumaas ang mga imigranteng Tsino na napagbalanse sa ekonomiya ng
Thailand.
Nagpatupad din siya ng mga pangunahing reporma patungkol sa Budismo. Sinasabi niya sa mga
monghe na ilagay ang debosyon nila kay Buddha, hindi sa mga ispiritu.
Siya rin ang nagtalaga ng unang Supreme Patriarch ng Thai Buddhism, na ang mga responsibilidad
ay ang pagsisiguro na ang mga batas ni Rama I ay kailangan panatilihin ang batas at kaayusan sa loob
ng Buddhist Sangha.
• Noong nasakop ng mga British ang Myanmar at nasakop ng mga Pranses ang French Indochina
(Cambodia, Laos, at Vietnam), napanatili ang kalayaan ng Thailand dahil nagsilbi silang buffer state, o
neutral na estado sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa, at isa pang dahilan ay dahil sa
kaayusan ng dalawa nilang hari: Sina Mongkut at Chulalongkorn.
• Rama IV (Mongkut) – Siya ang Ikaapat na hari ng Kahariang Rattanakosin. Siya ay nanungkulan mula
Abril 1, 1851 hanggang Oktubre 1, 1868.
Noong panahon ng pamumuno niya, naramdaman ng Thailand ang presyur ng kolonyalismo ng mga
Kanluranin. Siya ay tinatawag bilang “Ama ng Agham at Teknolohiya ng Siam”. Pinakilala niya ang
makabagong Heograpiya sa mga tao sa Thailand. Inupahan niya ang mersenaryo upang hasain ang
mga tropang Siamese.
Pinabawal din niya ang anumang uri ng Forced Marriage sa Thailand.
• Chulalongkorn (Rama V) – Siya ang Ikalimang hari ng Kahariang Rattanakosin. Siya ay nanungkulan
mula Oktubre 1, 1868 hanggang Oktubre 23, 1910. Siya ang anak ni Haring Mongkut at Reyna
Debsirindra.
Naitatag niya ang Royal Military Academy noong 1887 upang hasain ang mga opisyal sa paraang
Kanluranin. Siya ang nagtanggal ng pang-aalipin. Noong 1901, binuksan ang kauna-unahang sistemang
railway sa Thailand na tumatakbo mula sa Bangkok hanggang Korat.