Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Nasyonalismo sa China. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto at dahilan sa Nasyonalismo sa China.
1. Lesson 31-G: Nasyonalismo sa China
• Ang nasyonalismong umusbong sa Tsina ay patungkol sa mga negatibong Epekto ng pagdating ng mga
Kanluranin noong ika-19 at ika-20 siglo.
• Self-Strengthening Movement – Ito ay isang panahon kung saan nireporma ng mga Tsino ang kanilang
lipunan dahil sa sunod-sunod na pagkatalo sa mga dayuhan. Ito ay nagsimula noong 1861 at nagtagal
hanggang 1895. Dahil dito, pinalakas ng mga Tsino ang pakikipag-kalakalan nila sa iba’t-ibang bansa at
pinalakas rin nila ang kanilang hukbong sandatahan. Umunlad din ang sektor ng industriya at komersiyo.
Peking Field Force – Ito ay isang armadong yunit na dinepensahan ang kabisera ng imperyo, ang
Beijing sa mga huling bahagi ng Dinastiyang Qing. Ito ay naitatag noong 1862, ilang taong pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Opyo. Ang mga sundalo ay armado nang mga baril galing Rusya, kanyon mula
sa Pransya at tinuruan ng mga opisyales ng mga Briton.
• First Sino-Japanese War – Ito ay ang paglalaban ng China (Qing Dynasty) at ng Imperyong Hapones
dahil sa kagustuhan nilang dalawang sakupin ang Korea. Ito ay mula Agosto 1, 1894 hanggang Abril 17,
1895
Beiyang Fleet – Ito ay isa sa apat na modernong navy ng Dinastiyang Qing. Bago naganap ang Sino-
Japanese War, ito ang pinakamalaking plota (fleet) sa buong Asya at pang-walo sa pinakamalaki sa
buong mundo noong 1880s. Sa labanan, unting-unti humina ang lakas o kapangyarihan ng Beiyang Fleet
dahil sa pagkakaroon nito ng mahinang kagamitan at sandatahan.
Noong pumutok ang labanan, ang layunin ng mga Hapones ay paligiran ang mga Tsino upang hindi sila
maka-alis sa Korea gamit ang mga puwersang pang-lupa.
Battle of the Yalu River (1884) – Ito ang pinakamalaking labanan sa dagat noong Unang Digmaang
Sino-Hapones. Ito ay nangyari noong Setyembre 17, 1884. Ito ang labanan kung saan bumagsak ang
kapangyarihan ng Beiyang Fleet.
Treaty of Shimonoseki – Ito ay ang tratadong nilagdaan ng Dinastiyang Qing at ng Imperyong
Hapones. Ito ay nilagdaan noong Abril 17, 1885, na nagpatapos ng Unang Digmaang Sino-Japanese.
Dito kinikilala ng Tsina ang buo at kumpletong kalayaan at awtonomiya ng Korea.
• Empress Dowager Cixi – Siya ang Empress Dowager at regent ng Tsina mula 1861 hanggang 1908.
• Hundred Day’s Reform – Ito ay isang reporma na isinagawa mula Hunyo 11 hanggang Setyembre 21,
1898. Ito ay pinangunahan ng Guangxu Emperor at ng kanyang mga sumusuportahang tao.
Ang kanilang adhikain ay ang mga sumusunod:
1. Modernisasyon ng traditional examination system
2. Pagtatag ng modernong sistemang pang-edukasyon
3. Pagpapalit ng Monarkiyang absolute sa Monarkiyang Konstitusyonal na may halong Demokrasya
4. Paggamit ng prinsipyo ng kapitalismo para mas patatagin ang ekonomiya
5. Pagtatag ng sistemang militar ng Tsina
2. 6. Mabilisang industriyalisasyon ng lahat sektor ng Tsina
Pero ang lahat ng ito ay nauwi sa wala sapagkat nagkaroon ng pag-aalsa sa pangunguna ni Empress
Dowager Cixi kaya ang emperador ay nahuli at napunta sa kulungan.
• Boxer Rebellion – Ito ay isang bayolenteng pag-aalsa laban sa mga dayuhan. Ito ay pinangunahan ng
mga Militia United in Righteousness o mas kilala bilang “Boxers”. Noong Hunyo 21, Nagdeklara ng
digmaan si Empress Dowager Cixi sa mga Europeong bansa. Ito ay nagsimula noong Agosto 1899
hanggang Setyembre 1901.
• Sun Yat-Sen – Siya ay isang physician. Siya ay pinanganak noong Nobyembre 12, 1866 at namatay
noong Marso 12, 1925. Siya ang tinaguriang “Ama ng Lipunan ng Tsina” at siya ang tinaguriang
“Founding Father ng Republic of China.”
• Xinhai Revolution – Ito ay isang rebolusyon na nagpatanggal sa huling dinastiya sa Tsina (Dinastiyang
Qing) at itinatag ang Republic of China (ROC). Ito ay nagtagal mula Oktubre 10, 1911 hanggang Pebrero
12, 1912.
Wuchang Uprising – Ito ay isang pag-aaklas na nagsilbing catalyst sa Rebolusyong Xinhai na
nagpabagsak sa Dinastiyang Qing. Ito ay nangyari mula Oktubre 10, 1911 hanggang Disyembre 1, 1911.
Battle of Yangxia – Ito ay ang pinakamalaking military engagement sa Rebolusyong Xinhai. Ito ay
nangyari mula Oktubre 18 hanggang Disyembre 1, 1911 sa Wuhan at Hubei, China. Pinangunahan ni Li
Yuanhong, isang heneral na Tsino, ang nanguna o naging komander ng mga rebelde.
Shanghai Armed Uprising – Ito ay isang pag-aalsa na naganap mula Nobyembre 3 hanggang
Nobyembre 7, 1911 na naganap sa Shanghai, China na pinangunahan ni Chen Qimei, Li Pingsu, atbp.
Noong Nobyembre 8, 1911, itinatag nila ang Shanghai Military government at hinalal nila si Chen Qimei
bilang gobernador.
• Chiang Kai-Shek – Siya ay isang politiko at pinunong militar na nagsilbing pinuno ng Republic of China.
Siya ay isang malapit na kaalyado ni Sun Yat-Sen at siya rin ang pumalit o humalili sa puwesto o
posisyon ni Sun Yat-Sen sa pagiging pinuno nito ng grupong Kuomintang (KMT).