Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa mga Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang anyo ng pamahalaan na umusbong sa Pilipinas.
AP 7 Lesson no. 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
1. Lesson 34-A: Uri ng Pamahalaan sa Pilipinas
Ang uri ng pamahalaan na mayroon ang Pilipinas ay unitary state presidential, representative, and
democratic republic.
Legislative Branch – Ang Kongreso (Congress) ng Pilipinas ay ang pangunahing sangay ng lehislatura ng
Pilipinas.
Mga Kapangyarihan ng Kongreso:
1. Paggawa ng mga batas bilang isang tagapamagitan sa mga indibidwal o kaya sa mga indibidwal at sa
estado
2. Kapangyarihan na mag-impeach
3. Kapangyarihan para magkumpirma ng mga tratado o treaty
4. Kapangyarihan para magdeklara ng pagkakaroon ng digmaan
5. Kapangyarihan mag-contempt
6. Kapangyarihan sa Pagkontrol ng pagbubuwis
7. Pagpapatanggal ng mga opisyales sa pamahalaan
8. Pagboto ng presidente kung sakaling nag-tabla ang resulta sa electoral post
9. Para magkaisa at aprubahan ang amnesitya ng idineklara ng Presidente ng Pilipinas
10. Kapangyarihang magdesisyon at gumawa ng mga ahensiya o departamento
Viva Voce (Voice Vote) – Ito ay isang paraan ng pagboto sa isang asemblea, kagaya ng lehislatura, kung
saan ang pinuno o presidente ng lehislatura ay magtatanong ng isang katanungan, at ang ibang miyembro
ay sasagot ng oo o hindi.
Nahahati sa dalawang kapulungan ang Kongreso ng Pilipinas: Ang Senado at ang House of Representatives
Senate – Ito ay ang Katawagan sa mataas na kapulungan ng lehislatura ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng 24 na
senador. 2 beses pwedeng maging senador ang isang nagnanais maging senador. Anim na taon ang
panunungkulan ng mga senador sa isang termino. Ito ay dating tinatawag bilang “Philippine Legislature”.
Senate President – Siya ang pinakamataas na opisyal sa Senate of the Philippines at ang pangatlong
pinakamakapangyarihang opisyales sa Pilipinas, pagkatapos ng Presidente at ng Bise-Presidente. Ang
paghahalal ng president ng senado ay kapag nagkaroon ng labintatlong boto sa 24 na senador.
Mga Kapangyarihan ng Senate President:
1. Mamuno sa lahat ng sesyon na isasagawa ng Senado
2. Lagdaan ang lahat ng joint and concurrent resolutions; at mga isyu ng arrest warrant, subpoena, at orders
of arrest
3. Magpatanggal ng mga empleyado
4. Magpatawag at mamuno sa mga meetings ng Commission on Appointments
2. Manuel Quezon – Siya ay ang kauna-unahang Senate President na nanungkulan mula taong 1916
hanggang 1935 na nasa ilalim ng Insular Government ng mga Amerikano.
Gil Juco Puyat Sr. – Isa siyang Filipino statesman at negosyante na naging senador noong 1951 hanggang
1972. Siya ang naging 12th
senate president na nanungkulan mula Enero 26, 1967 hanggang Setyembre 23,
1972. Siya ang nagtatag ng Manila Banking Corporation (ngayo’y Chinabank Savings Bank), Manila Bankers
Life Insurance Corporation at Loyola Group of Companies.
Mga Kwalipikasyon sa pagiging Senate President:
1. Kailangan natural-born citizen sa Pilipinas
2. 35 years old ang edad sa araw ng mismong halalan o eleksyon, hindi pagdating ng araw ng bilingan ng
eleksyon
3. Marunong magbasa at magsulat
President Pro Tempore – Siya ang ikalawang pinakamataas na opisyales sa Senado ng Pilipinas. Kapag
wala ang president ng Senado, siya ay humahalili sa puwesto niya.
Esperidion Guanco – Siya ang kauna-unahang President Pro Tempore na nanungkulan mula 1919
hanggang 1922.
Majority Floor Leader – Siya ang pinuno na inihalal ng majority party ng Senate of the Philippines. Siya din
ang nagmamanage ng mga business ng majority part ng Senado. Siya din ang chairman ng Committee of
Rules.
GSIS Building – Dito isinasadaos ang mga meeting ng Senado. Ito ay matatagpuan sa Pasay City.
House of Representatives – Ito ay ang Katawagan sa mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas.
Ang tawag sa mga miyembro ay “Representative” or “Congressman”, at sila ay namumuno ng tatlong taon.
Ayon sa Philippine Bill of 1902, ang House of Representatives ay dating tinatawag na Philippine Assembly.
Speaker of the House of Representatives – Siya ang pinuno at pinakamataas na opisyales sa
pinakamababang kapulungan ng Kongreso. Siya ang pang-apat na pinakamataas o
pinakamakapangyarihang tao sa Pilipinas. Siya din ang namumuno sa pag-access at pagpapabahagi ng mga
datos ng mga plenary recordings sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, at pagta-translate nito sa iba’t-ibang
dayalekto sa Pilipinas.
Sergio Osmena, Sr. – Siya ang kauna-unahang speaker ng House of Representatives mula 1907 hanggang
1922.
Batasang Pambansa Complex – Ito ay matatagpuan sa Quezon City. Ito ang lugar kung saan nagkaroon
ng House of Representatives.
Judiciary Branch:
Supreme Court – Ito ay ang pinakamataas na korte sa buong Pilipinas.
Supreme Court Chief Justice – Siya ang namumuno sa Supreme Court at ang pinakamataas na opisyales
pan-hudikatura sa buong Pilipinas. Ang Chief Justice ay pinipili ng Presidente ng Pilipinas.
3. Cayetano Arellano – Siya ang tinaguriang bilang kauna-unahang Chief Justice sa buong Pilipinas. Siya ay
nanungkulan mula Hunyo 11, 1901 hanggang Abril 12, 1920.
Victorino Mapa – Siya ay ang ikalawang Chief Justice sa kaysaysayan ng Pilipinas. Siya ay itinalaga ni
Pres. Woodrow Wilson noong 1920. Siya ay naging chief justice mula Hulyo 1, 1920 hanggang Oktubre 31,
1921.
Executive Branch:
President of the Philippines – Siya ay ang pinakamataas na opisyal sa buong Pilipinas. Siya ay ang pinuno
ng sangay ng ehekutibo. Karaniwang tumatatagal ng anim na taon ang isang termino ng president.
Kapangyarihan ng Presidente ng Pilipinas:
• Pamumuno sa sangay ng ehekutibo
• Kapangyarihan ng pagbibigay ng kapatawaran o pardon
• Pagsusupervise sa mga lokal na pamahalaan
• Commander-in-chief of the Armed Forces of the Philippines
• Kapangyarihan sa pagdedeklara ng Batas Militar at pagsususpinde sa Writ of Habeas Corpus
• Pagpili at pagtalaga ng iba’t-ibang pinuno ng bawat departamento sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura
Mga Kwalipikasyon sa Pagiging Presidente:
• Natural-born Citizen ng Pilipinas
• Registered Voter
• Marunong magbasa at magsulat
• At least 40 years old ang edad sa araw ng mismong eleksyon
• Sampung taon ang tagal ng paninirahan sa Pilipinas
Mga Dahilan na pwedeng maging sanhi sa pagkakaroon ng Impeachment:
1. Hindi pagsunod sa Konstitusyon
2. Treason
3. Bribery
4. 4. Graft and Corruption
5. Betrayal of Public Trust
Joseph Estrada – Siya ang ikalabintatlong presidente ng Pilipinas. Siya ay nanungkulan mula 1998
hanggang 2001. Siya ang unang pangulo ng Pilipinas na napatalsik sa pamamagitan ng impeachment
process.