1. Content Standard: Demonstrates
understanding of lines, color, shapes,
space, and proportion through
drawing.
Performance Standard: Sketches and
paints a landscape or mural using
shapes and colors appropriate to the
way of life of the cultural community.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
2. Aralin 1: Mga Disenyo sa Kultural
na pamayanan sa Luzon
Layunin:
A. Nakikilala ang lahalagahan ng mga kultural na
komunidad sa Luzon at ang kanilang pagkakaiba
sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng
pamumuhay. (A4EL-Ia)
B. Nailalarawan ang iba’t-ibang kultural na
pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng kanilang
pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad
ng Ifugao, Kalinga at Gaddang. (A4EL-Ia at Ib)
C. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga
disenyo ng Luzon. (A4EL-Ia)
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
3. Noong kayo ay nasa ikatlong baiting napag-
aralan ninyo ang iba’t-ibang uri ng maskara at
putong (headband) na maaaring gamitin sa
isang selebrasyon o pagdiriwang. Magbigay
nga ng mga halimbawa nito?
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
4. Ano anong mga linya, kulay at
hugis ang katulad nito sa
maskara at putong na maaaring
gamitin sa selebrasyon?
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
5. Ang mga kultural na pamayanan ng Luzon ay may
kani-kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga
disenyo ay hango sa kalikasan o sa kapaligiran.
Ang mga Ifugao ay naninirahan sa hilagang
Luzon. Makikita ang mga disenyo sa kanilang at
kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno,
at tao.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
DESINYONG IFUGAO
6. Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga
Kalinga na matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng
Luzon. Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa
katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan.
Madalas gamitin ng mga Kalinga ang kulay na pula, dilaw,
berde at itim.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
DISENYONG KALINGA
7. Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at
bantog sa paghahabi ng tela. Ang mga manghahabing
Gaddang ay gumagamit ng tradissyunal na hakbang sa
paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga
palamuti gaya ng plastic beads, at bato. Ilan sa kanilang
mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt),
aken (skirt), at abag (G-string) na gawa sa mga mamahalin
at maliliit na bato.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
DISENYONG KALINGA
8. ( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
May nakikita ba kayong pagkakaiba sa kanilang
paggamit ng linya, hugis, at kulay?
Nakikita rin ba ang paulit-ulit na disenyo sa
kanilang mga gawa?
Ano-anong mga disenyo ang inyong nakita sa
larawan? Saan maaaring ihalintulad ang mga
disenyong ito?
9. GAWAING PANSINING
Mga Hakbang sa Paggawa
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
Kagamitan: Mga
bagay na karton gaya ng
baso o mga kagamitan
na maaaring makuha sa
kalikasan at iba pa, lapis,
krayola, o oil pastel.
1. Kumuha ng isang karton o iba pang bagay na
mayroon sa inyong lugar na maaaring gamitin para
guhitan ng mga disenyo.
10. 2. Mag-isip ng disenyo mula sa mga kultural na
pamayanan ng Luzon tulad ng Ifugao, Gaddang, at
Kalinga.
3. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon
gamit ang lapis. Maaari ring gumamit o umisip ng
sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay, linya, at
ang prinsipyong paulit-ulit.
4. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga
disenyo ang inyong iginuhit, at sundan ito ng
krayola o oil pastel para lalong maging kaakit-akit
ang iyong likhang-sining.
5. Kung wala nang idadagdag, puwede nang
itanghal ang ginawang likhang-sining at humanda
sa pagpapahalaga.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
11. Pagprepresenta ng mga likhang-sining
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
Pagpapalalim sa Pag-unawa:
1. Ano-ano ang tatlong kultural na
pamayanan sa Luzon ang nabanggit sa
ating talakayan? Isa-isahin ang kanilang
pagkakatulad.
2. Paano ninyo ginamit ang iba’t-ibang uri ng
linya, kulay, at hugis sa paggawa ng mga
disenyo.
12. Tandaan:
Ang mga disenyong kultural sa Luzon ay
isa sa mga pamana ng sining a ating bansa.
Kaakit-akit at kanais-nais sa paningin ang
kanilang mga likhang disenyo na ginamitan ng
iba’t-ibang linya, hugis, at kulay. Ilan sa mga ito
ay ang mga inukit o nililok na kahoy at mga
damit na may iba’t-ibang burda. Karamihan ng
kanilang mga ginagawang disenyo ay hango sa
kalikasan o maging sa kapaligiran tulad ng
dahon, tao, bundok, at mga hayop.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
13. Repleksyon:
1. Kung kayo ay naninirahan sa mga
kultural na pamayanan ng Luzon, paano
ninyo pahahalagahan ang mga
katutubong sining o disenyo na mayroon
dito?
2. Kaya mo ba itong ipagmalaki? Paano?
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
14. Pagtataya: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas
ng iyong naisagawa sa buong aralin.
( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
Mga Pamantayan Nakasunod
sa
pamantayan
nang higit sa
inaahasahan
(3)
Nakasunod sa
pamantayan
subalit may
ilang
pagkukulang
(2)
Hindi
nakasunod sa
pamantayan
(1)
1.Natukoy ko ang
iba’t-ibang
disenyo na
nagtataglay ng
mga element at
prinsipyo ng
sining sa mga
gawa ng mga
taga Luzon
15. ( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
Mga Pamantayan Nakasunod sa
pamantayan
nang higit sa
inaahasahan
(3)
Nakasunod sa
pamantayan
subalit may
ilang
pagkukulang (2)
Hindi
nakasunod
sa
pamantayan
(1)
2. Nalaman ko ang
mga disenyong
kultural na
pamayanan na
nagmula sa Luzon
3. Nakagawa ako
ng isang likhang-
sining a tulad ng
mga disenyong
mula sa Luzon
16. ( A R T ) Yunit 1: PagguhitQ1
Mga Pamantayan Nakasunod sa
pamantayan
nang higit sa
inaahasahan
(3)
Nakasunod sa
pamantayan
subalit may
ilang
pagkukulang (2)
Hindi
nakasunod
sa
pamantayan
(1)
4. Napahalagahan
at naipagmama -
laki ko ang mga
katutubong si -
ning na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa
Luzon.
5. Naipamalas ko
nang may kawi -
lihan ang aking
ginawang likhang
sining
Narito ang mga layunin sa araling ito. Ito ang magsisilbing tuntunin natin kung ano ang mga dapat na mapag aralan at gawin ng bawat isa. Atin itong basahin:
t
Sa pamamagitan ng mga linya, kulay at hugis, tayo ay nakakagawa ng iba’t ibang uri ng disenyo na maaaring gamitin sa pagdiriwang o selebrasyon. Ngayong araw, pag-aaralan natin ang mga Disenyo sa Pamayanang Kultural sa Luzon. Handa na ba kayo?
Sa ating paggawa ng likhang-sining, tandaan at sundin nating mabuti ang mga hakbang sa paggawa. Panatilihin din natin ang kalinisan ng ating silid aralan habang ginagawa natin ang ating sining.
Pakipasa na ang inyong mga likhang sining at ating ipaskil sa harap ang mga ito.
Ang mga disenyong ito ay nakikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kumbaga mas lalo nating pinagyayaman ang pamanang disenyo ng ating mga ninuno.
Kaya nararapat lamang na ipagmalaki natin ang mga disenyo sa pamayanang kultural ng Luzon sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong kakikitaan ng kanilang mga disenyo at sa pagbabahagi sa mga natutunang aral tungkol sa mga natatangi nilang disenyo sa ating pamilya, kaibigan, kamag-aral at sa lahat ng ating makahalubilo.