SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  28
PAGBABALIK-ARAL
Panuto: Gamit ang venn diagram, ipaliwanag ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng memorandum at adyenda.
Memo Adyenda
pagkakaiba
pagkakaiba pagkakatulad
ARALIN 3
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY (MELC)
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating
akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong
akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-0m-o-90)
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang
mga napag-usapan o napagkasunduan . Ang opisyal na tala
ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay
kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado,
sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong
maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay
nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan,
kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima
facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa
susunod na pagpaplano at pagkilos.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
KATITIKAN NG PULONG
Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at
napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat.
Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano
gumawa ng isang organisado, obhetibo, at sistematikong
katitikan ng pulong. Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng
samahan o organisasyon, ang bawat kasapi ay maaaring
maatasang gumawa nito.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
1. Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan,
organisasyon, o kagawaran. Makikita ang petsa, lokasyon, at maging ang
oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa
tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo
kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatala rin dito.
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-
Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may
pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang
tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung
sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong
nabuo ukol dito.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG
5. Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong
ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay
tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong
ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
6. Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at
saan gaganapin ang susunod na pulong.
7. Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang
pulong
8. Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong
kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na
hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulon,
sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay
maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG
KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG
Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong
kumukuha ng katitikan ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudprasert
(2014) na English for the Workplace 3. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong
ay kinakailangang:
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
Hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulong kaya napakahalaga na
ang naatasang kumuha nito ay may sapat na atensiyon sa pakikinig upang
maitala niya ang lahat ng mahahalagang impormasyon o desisyong mapag-
uusapan. Magagampanan niya ito nang lubos kung ito lamang ang kanyang
gagawin sa kabuoan ng pulong.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
Magiging madali para sa kanyang linawin sa tagapanguna ang ilang mga
bagay na hindi niya lubos na nauunawaan kung siya ay nakaupo malapit sa
presider.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
Mahalaga na ma-tsek kung sino-sino ang dumalo sa pulong at maging ang
mga liban. Itala rin ang pangalan ng mga taong dumating nang huli sa
itinakdang oras maging angmga umalis nang maaga.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
Kung hindi naipamahagi nang maaga ang adyenda na pag-uusapan sa pulong,
mahalagang mainahagi ito bago magsimula ang pulong kasama ang sipi ng katitikan
ng nagdaang pulong. Makatutulong ito upang higit na maging organisado at
sistematiko ang daloy ng pulong.
5. Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
Bilang kalihim ng tagapanguna ng pulong, mahalagang mabantayan na ang lahat
ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang kasama o nakasaad sa adyenda
upang hindi masayang ang oras ng lahat at gayundin ay maiwasan ang kalituhan sa
pangkat.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading
Kailangang malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan o organisasyon,
petsa, oras, at lugar ng pulong.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan
Makatutulong nang malaki kung gagamit ng recorder sa oras ng pulong upang
kung sakaling may puntos na hindi malinaw na naitala ay maaari itong balikan.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
Ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa pulong at sinusugan ng iba
pang kasapi at napagtibay ng samahan ay dapat maitala ng maayos. Ang kumukuha
ng katitikan ay maaaring banggitin ang mosyon sa kapulungan para sa higit na
paglilinaw. Mahalagang maitala rin kung kanino nanggaling ang mosyon at maging ang
mga taong sumang-ayon dito.
9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
Mahalagang maitala ang lahat ng mga paksa at isyung napagdesisyunan gaano
man ito kapayak o kalaking bagay.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong
Ang pag-oorganisa at pagsusulat ng katitikan ng pulong ay dapat na maisagawa
agad upang hindi makaligtaan.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong
ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o
tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang-
ayon sa mosyong isinagawa.
2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng
detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na
dokumento.
3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang
lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang
pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-
ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “
Napagkasunduan na … Napagtibay na..
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
TATLONG URI O ESTILO NG PAGSULAT NG
KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-
akda ng “The Everything Practice Interview Book at The
Everything Get-a-job Book”, sa pagkuha ng katitikan ng pulong
mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago
ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng
pulong .
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
KATITIKAN NG PULONG
o Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang
iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng bolpen at papel, laptop,
tablet, computer, o recorder.
o Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na
kondisyon. Kung ikaw ay gagamit ng laptop siguraduhing ito ay
may sapat na bateryang kakailanganin para sa kabuoan ng
pulong
o Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o
balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo
para sa bawat paksa, makatutulong ito upang mabilis na maitala
ang mga mapag-uusapan kaugnay ng mga ito.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
BAGO ANG PULONG
o Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito
ng bawat isa.
o Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita
sa pulong.
o Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
o Itala ang mahalagang ideya o puntos.
o Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong
nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng
botohan.
o Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at
pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong.
o Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
HABANG ISINAGAWA ANG PULONG
o Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na
pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga
tinalakay. Kung may hindi malinaw sa iyong mga tala ay
maaaring linawin ito sa iba na dumalo rin sa nasabing pulong
o Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o
organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan ,
lingguhan, taunan o espesyal na pulong), at maging ang
layunin nito.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
PAGKATAPOS NG PULONG
o Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
o Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng
nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Sa katapusan ng katitikan
ay huwag kalikmutang ilagay ang “Isinumite ni”, kasunod ng iyong
pangalan.
o Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa
kinauukulan para sa huling pagwawasto nito. Maaaring ipabasa ito
sa kasamahan na nakadalo rin sa nasabing pulong upang kung
mayroon ka mang nakaligtaang puntos o ideyang hindi naisama
ay maaari niya ito makita at ipagbigay-alam sa iyo.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
PAGKATAPOS NG PULONG
o Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa
taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
PAGKATAPOS NG PULONG
Tunghayan ang halimbawa ng katitikan ng pulong.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
HALIMBAWA NG KATITIKAN NG PULONG
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
PANGKATANG GAWAIN
Magsagawa ng isang pagsasadula (simulation) ng isang
pagpupulong o miting. Maghanda ng memorandum at adyenda.
Magpadala ng sipi ng memorandum at adyenda sa guro.
ISAHANG GAWAIN
Sa oras ng pagsasadula (simulation) ng unang pangkat, ang
bawat isa sa kabilang pangkat ay makikinig at susulat ng katitikan ng
pulong. Lahat ng naisulat na awtput ay dapat maipasa pagkatapos
ng pagsasadula ng pulong.
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
GAWAIN (PERFORMANCE TASK)
PANUTO: Ang klase ay papangkatin sa dalawang pangkat para sa
gagawing gawain. Ang bawat pangkat ay maghahanda ng memorandum
at adyenda na nakasulat sa isang buong bondpaper.
PANGKATANG GAWAIN
Nilalaman at pagkamatotohanan------------- 50 puntos
Orihinalidad at pagkamalikhain---------------25 puntos
Kostyum at kagamitan-------------------------25 puntos
__________________________________________________
_____
Kabuoan--------------------------------------100 puntos
ISAHANG GAWAIN
Nilalaman----------------------50 puntos
Pagkakabuo-------------------25 puntos
Pagkakasulat------------------25 puntos
__________________________________________________
__
Kabuoan---------------------- 100 puntos
Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
RUBRIK SA PAGMAMARKA

Contenu connexe

Tendances

Katitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptxKatitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
Megumi36
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptx
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptxFILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptx
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptx
QueenieManzano2
 
ADYENDA.pptx
ADYENDA.pptxADYENDA.pptx
ADYENDA.pptx
Johanna Lien Aquino
 
Mga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng PananaliksikMga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng Pananaliksik
Mckoi M
 

Tendances (20)

Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
Posisyong Papel Filipino
Posisyong Papel FilipinoPosisyong Papel Filipino
Posisyong Papel Filipino
 
Templeyt sa konseptong papel
Templeyt sa konseptong papelTempleyt sa konseptong papel
Templeyt sa konseptong papel
 
Panukalang proyekto.pptx
Panukalang proyekto.pptxPanukalang proyekto.pptx
Panukalang proyekto.pptx
 
Adyenda
AdyendaAdyenda
Adyenda
 
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptxKatitikan-Ng-Pulong.pptx
Katitikan-Ng-Pulong.pptx
 
Katitikan ng Pulong at Memorandum
Katitikan ng Pulong at MemorandumKatitikan ng Pulong at Memorandum
Katitikan ng Pulong at Memorandum
 
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin.pptx
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin.pptxIba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin.pptx
Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin.pptx
 
Pagsulat ng Saliksik
Pagsulat ng SaliksikPagsulat ng Saliksik
Pagsulat ng Saliksik
 
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptx
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptxFILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptx
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)- BIONOTE.pptx
 
ADYENDA.pptx
ADYENDA.pptxADYENDA.pptx
ADYENDA.pptx
 
Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Gamit ng Wika sa...
 
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptx
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptxAno ang Adyenda Piling Larang.pptx
Ano ang Adyenda Piling Larang.pptx
 
Aralin 5 Promo Materials
Aralin 5 Promo MaterialsAralin 5 Promo Materials
Aralin 5 Promo Materials
 
Mga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng PananaliksikMga Uri ng Pananaliksik
Mga Uri ng Pananaliksik
 
Pagbasa 1
Pagbasa 1Pagbasa 1
Pagbasa 1
 
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong ArgumentatiboKahulugan ng Tekstong Argumentatibo
Kahulugan ng Tekstong Argumentatibo
 
Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1Sulating pananaliksik1
Sulating pananaliksik1
 

Similaire à Aralin-1-Pagsulat-ng-Katitikan-ng-Pulong-Ikalawang-Markahan-Copy.pptx

KATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salita
KATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salitaKATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salita
KATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salita
notramary
 
Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....
Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....
Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....
JohnLoydLavilla
 

Similaire à Aralin-1-Pagsulat-ng-Katitikan-ng-Pulong-Ikalawang-Markahan-Copy.pptx (20)

q2-mod1.pptx
q2-mod1.pptxq2-mod1.pptx
q2-mod1.pptx
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pptx
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.ppcccccccddctx
 
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptxKATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
KATITIKAN-NG-PULONG-FIL-LAR.pkkkkkkkkkptx
 
KATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salita
KATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salitaKATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salita
KATITIKAN-NG-PULONG ay tungkol sa mga salita
 
Katitikan ng Pulong-TEKVOC.pdf
Katitikan ng Pulong-TEKVOC.pdfKatitikan ng Pulong-TEKVOC.pdf
Katitikan ng Pulong-TEKVOC.pdf
 
Agenda.pdf ahjsisvsywbosnegfsiejvgsibwgsjsh
Agenda.pdf ahjsisvsywbosnegfsiejvgsibwgsjshAgenda.pdf ahjsisvsywbosnegfsiejvgsibwgsjsh
Agenda.pdf ahjsisvsywbosnegfsiejvgsibwgsjsh
 
Session 7 - Katitikan-ng-Pulong.pptx
Session 7 - Katitikan-ng-Pulong.pptxSession 7 - Katitikan-ng-Pulong.pptx
Session 7 - Katitikan-ng-Pulong.pptx
 
4TH FSPL WEEK 1 KATITIKAN NG PULONG.pptx
4TH FSPL WEEK 1 KATITIKAN NG PULONG.pptx4TH FSPL WEEK 1 KATITIKAN NG PULONG.pptx
4TH FSPL WEEK 1 KATITIKAN NG PULONG.pptx
 
katitikan-ng-pulong-230311034925-f8a3e49b.pdf
katitikan-ng-pulong-230311034925-f8a3e49b.pdfkatitikan-ng-pulong-230311034925-f8a3e49b.pdf
katitikan-ng-pulong-230311034925-f8a3e49b.pdf
 
4TH RBI PILING LARANG WEEK 1.pptx
4TH RBI PILING LARANG WEEK 1.pptx4TH RBI PILING LARANG WEEK 1.pptx
4TH RBI PILING LARANG WEEK 1.pptx
 
KATITIKAN NG PULONG MODYUL 3 KWARTER 2.pptx
KATITIKAN NG PULONG MODYUL 3 KWARTER 2.pptxKATITIKAN NG PULONG MODYUL 3 KWARTER 2.pptx
KATITIKAN NG PULONG MODYUL 3 KWARTER 2.pptx
 
aralin8.pptx
aralin8.pptxaralin8.pptx
aralin8.pptx
 
katitikang pulong.pptx
katitikang pulong.pptxkatitikang pulong.pptx
katitikang pulong.pptx
 
Piling Larang_katitikan-ng-pulong (1).pptx
Piling Larang_katitikan-ng-pulong (1).pptxPiling Larang_katitikan-ng-pulong (1).pptx
Piling Larang_katitikan-ng-pulong (1).pptx
 
Pitong-pulgada katitikang pulong.pptx
Pitong-pulgada katitikang pulong.pptxPitong-pulgada katitikang pulong.pptx
Pitong-pulgada katitikang pulong.pptx
 
FILIPINO SA PILING LARANG- Katitikan ng Pulong (1).pdf
FILIPINO SA PILING LARANG- Katitikan ng Pulong (1).pdfFILIPINO SA PILING LARANG- Katitikan ng Pulong (1).pdf
FILIPINO SA PILING LARANG- Katitikan ng Pulong (1).pdf
 
PILING LARANG pptx
PILING LARANG pptxPILING LARANG pptx
PILING LARANG pptx
 
FSL KATITIKANG PULONG.pptx
FSL KATITIKANG PULONG.pptxFSL KATITIKANG PULONG.pptx
FSL KATITIKANG PULONG.pptx
 
Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....
Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....
Y3-ARALIN-4-KATITIKAN-NG-PULONG.ppt.....
 

Dernier

438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
HannaLingatong
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
jeynsilbonza
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
Joren15
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
VALERIEYDIZON
 

Dernier (20)

POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
438009509-1-Nakapagbibigay-Ng-Lagom-o-Buod-Ng-Tekstong-Napakinggan.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 

Aralin-1-Pagsulat-ng-Katitikan-ng-Pulong-Ikalawang-Markahan-Copy.pptx

  • 1. PAGBABALIK-ARAL Panuto: Gamit ang venn diagram, ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng memorandum at adyenda. Memo Adyenda pagkakaiba pagkakaiba pagkakatulad
  • 2. ARALIN 3 Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 3. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY (MELC) Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan 1. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102) 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0m-o-90)
  • 4. Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o napagkasunduan . Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan KATITIKAN NG PULONG
  • 5. Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhetibo, at sistematikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisasyon, ang bawat kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 6. 1. Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita ang petsa, lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong. 2. Mga kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito. 3. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito. 4. Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG
  • 7. 5. Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito . 6. Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. 7. Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong 8. Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG
  • 8. Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulon, sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG
  • 9. Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng katitikan ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudprasert (2014) na English for the Workplace 3. Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang: 1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong Hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulong kaya napakahalaga na ang naatasang kumuha nito ay may sapat na atensiyon sa pakikinig upang maitala niya ang lahat ng mahahalagang impormasyon o desisyong mapag- uusapan. Magagampanan niya ito nang lubos kung ito lamang ang kanyang gagawin sa kabuoan ng pulong. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 10. 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong Magiging madali para sa kanyang linawin sa tagapanguna ang ilang mga bagay na hindi niya lubos na nauunawaan kung siya ay nakaupo malapit sa presider. 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong Mahalaga na ma-tsek kung sino-sino ang dumalo sa pulong at maging ang mga liban. Itala rin ang pangalan ng mga taong dumating nang huli sa itinakdang oras maging angmga umalis nang maaga. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 11. 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong Kung hindi naipamahagi nang maaga ang adyenda na pag-uusapan sa pulong, mahalagang mainahagi ito bago magsimula ang pulong kasama ang sipi ng katitikan ng nagdaang pulong. Makatutulong ito upang higit na maging organisado at sistematiko ang daloy ng pulong. 5. Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat Bilang kalihim ng tagapanguna ng pulong, mahalagang mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang kasama o nakasaad sa adyenda upang hindi masayang ang oras ng lahat at gayundin ay maiwasan ang kalituhan sa pangkat. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 12. 6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading Kailangang malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan o organisasyon, petsa, oras, at lugar ng pulong. 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan Makatutulong nang malaki kung gagamit ng recorder sa oras ng pulong upang kung sakaling may puntos na hindi malinaw na naitala ay maaari itong balikan. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 13. 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos Ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa pulong at sinusugan ng iba pang kasapi at napagtibay ng samahan ay dapat maitala ng maayos. Ang kumukuha ng katitikan ay maaaring banggitin ang mosyon sa kapulungan para sa higit na paglilinaw. Mahalagang maitala rin kung kanino nanggaling ang mosyon at maging ang mga taong sumang-ayon dito. 9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan Mahalagang maitala ang lahat ng mga paksa at isyung napagdesisyunan gaano man ito kapayak o kalaking bagay. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 14. 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong Ang pag-oorganisa at pagsusulat ng katitikan ng pulong ay dapat na maisagawa agad upang hindi makaligtaan. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 15. 1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong sumang- ayon sa mosyong isinagawa. 2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento. 3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang- ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na.. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan TATLONG URI O ESTILO NG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
  • 16. Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may- akda ng “The Everything Practice Interview Book at The Everything Get-a-job Book”, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong . Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
  • 17. o Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng bolpen at papel, laptop, tablet, computer, o recorder. o Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon. Kung ikaw ay gagamit ng laptop siguraduhing ito ay may sapat na bateryang kakailanganin para sa kabuoan ng pulong o Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa, makatutulong ito upang mabilis na maitala ang mga mapag-uusapan kaugnay ng mga ito. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan BAGO ANG PULONG
  • 18. o Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa. o Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong. o Itala kung anong oras nagsimula ang pulong. o Itala ang mahalagang ideya o puntos. o Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan. o Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong. o Itala kung anong oras natapos ang pulong. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan HABANG ISINAGAWA ANG PULONG
  • 19. o Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay. Kung may hindi malinaw sa iyong mga tala ay maaaring linawin ito sa iba na dumalo rin sa nasabing pulong o Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan , lingguhan, taunan o espesyal na pulong), at maging ang layunin nito. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan PAGKATAPOS NG PULONG
  • 20. o Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos . o Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Sa katapusan ng katitikan ay huwag kalikmutang ilagay ang “Isinumite ni”, kasunod ng iyong pangalan. o Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito. Maaaring ipabasa ito sa kasamahan na nakadalo rin sa nasabing pulong upang kung mayroon ka mang nakaligtaang puntos o ideyang hindi naisama ay maaari niya ito makita at ipagbigay-alam sa iyo. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan PAGKATAPOS NG PULONG
  • 21. o Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan PAGKATAPOS NG PULONG
  • 22. Tunghayan ang halimbawa ng katitikan ng pulong. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan HALIMBAWA NG KATITIKAN NG PULONG
  • 23. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 24. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 25. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 26. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan
  • 27. PANGKATANG GAWAIN Magsagawa ng isang pagsasadula (simulation) ng isang pagpupulong o miting. Maghanda ng memorandum at adyenda. Magpadala ng sipi ng memorandum at adyenda sa guro. ISAHANG GAWAIN Sa oras ng pagsasadula (simulation) ng unang pangkat, ang bawat isa sa kabilang pangkat ay makikinig at susulat ng katitikan ng pulong. Lahat ng naisulat na awtput ay dapat maipasa pagkatapos ng pagsasadula ng pulong. Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan GAWAIN (PERFORMANCE TASK) PANUTO: Ang klase ay papangkatin sa dalawang pangkat para sa gagawing gawain. Ang bawat pangkat ay maghahanda ng memorandum at adyenda na nakasulat sa isang buong bondpaper.
  • 28. PANGKATANG GAWAIN Nilalaman at pagkamatotohanan------------- 50 puntos Orihinalidad at pagkamalikhain---------------25 puntos Kostyum at kagamitan-------------------------25 puntos __________________________________________________ _____ Kabuoan--------------------------------------100 puntos ISAHANG GAWAIN Nilalaman----------------------50 puntos Pagkakabuo-------------------25 puntos Pagkakasulat------------------25 puntos __________________________________________________ __ Kabuoan---------------------- 100 puntos Filipino sa Piling Larang-Akademik / Ikalawang Markahan RUBRIK SA PAGMAMARKA