Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Keishadawito
1. Ang Nawawala at Natagpuang Anak
11Sinabi pa ni Hesus, ,” May isang taong may dalawang anak na
lalaki. 12Sinabi sa kanya ng bunso, ‘Ama ibigay nyo na po sa akin ang
mamanahin ko.’ At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13Pagkalipas
ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang parte, at nagpunta sya sa
malayong lupain. Nilustay niya roon ang kanyang kayaman sa pamamagitan
ng mga bisyo. 14Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa
lupaing iyon kaya siya ay nagsimulang maghirap. 15Namasukan siya sa isang
tagaroon, at siya ay pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16Sa tindi ng
kanyang gutom, at dahil saw ala naman sa kanyang nagbibigay ng pagkain,
halos kainin na niya ang mga bungangkahoy na kinakain ng mga
baboy. 17Ngunit, napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa, at sinabi niya sa
sarili, ‘Labis-labis ang mga pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang
ako ay namamatay dito sa gutom! 18Babalik ako sa aking ama at sasabihin
ko sa kanya, ‘Ama nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19Hindi na po ako
karapat-dapat na patawarin ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa
inyong mga alila.’ 20Ay siya ay nagpasyang umuwi sa kanila.
Malayo pa at natanaw na siya ng kanyang ama. At dahil sa matinding awa
ay patakbo siyang sinalubong, niyakap at hinalikan.21Sabi ng anak ‘Ama
nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na
tawaging anak ninyo.’ 22Ngunit, tinawag ng ama ang kanyang mga alila at
sinabi, ‘Madali kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo
siya. Suotan ninyo siya ang singsing at bigyan ng sandalyas. 23Katayin ninyo
ang pinakamatabang guya at tayo ay magdidiwang.24Sapagkat, ang anak
kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala ngunit muling
natagpuan.’
At sila ay nagdiwang.
25“Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi ito at malapit na sa
bahay, narinig nito ang tugtugan at sayawa. 26Tinawag niya ang isang
utusan at tinanong, ‘Bakit? Anong meroon sa atin?’
27‘Dumating po ang iyong kapatid’, sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng iyong
ama ang pinakamatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nagbalik ng
buhay at walang sakit.’
28Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya
ng kanyang ama at pinakiusapan. 29Ngunit, sumagot siya, ‘Pinaglilingkuran
2. ko kayo sa loob ng maraming taon, at kalianma’y hindi ko kayo sinuway.
Ngunit ni minsan ay hindi ninyo ako binigyan kahit isang maliit na kambing
para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan.30Subalit nang dumating
ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang
babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!’
31Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapilang, at ang lahat ng aking ari-
arian ay sa iyo.32Nararapat lang na tayo ay magsaya at magdiwang
sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala ngunit muling
natagpuan.”